Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]

172K 2.5K 36
By simplychummy

CHAPTER 18

[AGA]

*NAIA*

We are back!

Tulad ng napag-usapan babalik kami dito sa Pilipinas pagkatapos ng kasal namin. Pagdating namin sa airport naghiwa-hiwalay na kami, sina Daddy at Yaya Rosie nauna na, kelangan pa kasing bisitahin ni Daddy yung restaurant. Sina Daddy Leo at Mommy Aly naman nauna na din sa aming umalis. Si Liam? Nagmamadaling umalis kasama si Rob, balik trabaho na kasi sya ulit at may hinahabol pa syang meeting.

Hays! Napakaworkaholic talaga. Iniwan na lang nya sa akin yung duplicate key ng bahay nya at sinulat sa isang notepad yung address ng bahay nya, kaya ang kasabay kong umuwi ay sina Dylan.

As expected may nag-aabang sa aming media. Lagi naman silang ganyan e. Araw-araw ata nandito sila sa airport para mag-abang ng kahit sinong celebrity na dadating at aalis. Kaagad nila kaming pinuntahan, bihira na lang din kasi kaming makita ng media na magkakasama kaming pito. Tinanong lang kami ng mga ilang questions at syempre kelangan naming maging nice sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit sumisikat kami. Ngumiti kaming pito sa kanila at sinagot yung mga tanong nila habang naglalakad kami papunta sa van namin.

Mabuti na lang pala at wala si Liam kung hindi matatagalan pa kami dun at mauunahan na naman ako ng media. Bukas pa ang presscon na pina-schedule ko para i-anounce yung kasal ko. So ang nangyari, pinalabas na lang namin na nag-bakasyon kaming pito.

Mag-mula pala ngayon kina Liam na ako titira, uuwi muna ako sa bahay at kukunin yung ilang gamit ko, yung iba kasi bukas ko pa aayusin.

 

*Liam's house*

Pinahinto ko na sa driver ko yung kotse sa tapat ng isang bahay, chineck ko ulit yung papel na hawak ko at tinignan kung tama ba yung address a pinuntahan namin. Noong nasigurado ko ng tama bumaba na ako at agad binuksan yung pinto gamit yung duplicate key na ibinigay ni Liam sakin. Pinapasok ko na din sa driver ko yung mga gamit ko.

Infairness ang linis ng bahay nya; organized. Parang yung alikabok na mismo yung nahiya na tumira dito. Tinawagan ko si Liam habang nag-iikot ako sa loob ng bahay nya. 

*ring ring ring ring ring ring 

Ba’t ang tagal sagutin? Tss! 

*ring ri--

"Finally sinagot mo din." bati ko kaagad

"Why?" sabi nya

Ok? Ang gandang bati ahh. Tss. 

"You busy?" tanong ko sa kanya habang tinitignan yung ilang paintings sa sala nya.

"Kinda, why?" sabi nya at narinig ko din ang ilang papel na parang binubuklat sa background nya.

“What are you doing?" tanong ko at umupo sa may sofa

"Signing some papers." sabi nya

Oh. Kaya pala may naririnig akong papel.

"Where is my room?" tanong ko sa kanya

"Nasa bahay ka na pala." sya

"Yep and your house is just like you." sabi ko

"Oh please Lira, alam ko na yang sasabihin mo." natatawang sabi nya 

"It’s BORING." halos sabay naming sabi

"Nice place huh. And your kitchen? It’s huge, you really love to cook." sabi ko sa kanya. 

Nagpunta kasi ako sa kitchen nya at eto binubuksan yung ref nya para tignan kung anong mga laman ng ref nya.

"Yeah. Sabi nga nila masyado daw malaki. There's no food in there kaya isara mo na yung ref." sabi nya

"Pano mo nalaman na I’m checking your fridge?" nagtatakang tanong ko sa kanya kaya agad kong sinarado yung ref nya

"I know you Lira. Almost 2 weeks kitang nakasama sa iisang bahay, ref kagad ang una mong tinitignan." natatawang sabi nya

"Shut up. Nagugutom na ko. Cook for me later ok?" sabi ko sa kanya at umalis ng kitchen.

Nagpunta ako sa 2nd floor kung nasan yung mga rooms.

"Magpa-deliver ka na lang muna. I’m gonna be late." sabi nya

"Liam…baka nakakalimutan mo yung conditions ko. You cook, i eat." paalala ko sa kanya.

"Not now Lira. Madami akong naiwan na trabaho so kelangan ko mag-overtime" sabi nya

Hayys, kaasar! Kakauwi pa lang trabaho na.

"Fine, fine! Favorite mo ba ang black and white?" tanong ko sa kanya

"Not in my room Lira." seryosong sagot nya

"Opps! Sorry, wrong room." natatawang sagot ko sa kanya

"Just take a rest for now ok? Sa guest room ka muna matulog ngayon. Hindi pa kasi fully furnished yung room mo, but dont worry we'll fix that tomorrow. I'll show you around maybe later" sabi nya

 "Ok" sabi ko na lang sa kanya. 

Wala akong magawa.

Hindi naman ako inaantok dahil nakapagpahinga na ako sa bahay. Buong byahe din naman akong tulog. Ang laki naman kasi ng bahay ni Liam tapos sobrang tahimik pa. Sina Dee naman busy sa pag-aayos ng event para sa next week. Mag-gagabi na din.

Alam ko na. *evil laugh* kinuha ko yung shoulder bag ko at umalis ng bahay.

*liamurtvillas hotel*

[LIAM]

Pagkatapos naming mag-usap ni Lira, pinagpatuloy ko na yung trabaho ko. Madami na rin akong natapos at sobrang dami pa ng hindi ko nagagawa. Kakauwi ko pa lang pero ito ako ngayon nagtratrabaho. Madami kasi akong naiwan na trabaho dahil medyo matagal din akong nawala. Sumasakit pa yung ulo ko dahil sa pagod. Napasilip ako sa orasan ko, mag-gagabi na pala.  

*tok tok tok

"Come in" sagot ko

 "Sir Kurt…" tawag sa akin ni Rob

 "Yes? Wh--" at bago pa lang ako makapagtanong ng kailangan niya sa akin, pumasok ng office ko yung taong kausap ko lang about an hour ago.

"Hello there Mr. Boring." bati nya sa akin ng nakangiti. 

"Your wife is here." medyo natatawang sabi ni Robin.

Tinignan ko si Robin.

"Got to go." sabi nya

"Thank you Rob." pahabol sa kanya ni Lira at tuluyan ng umalis ng office ko.

Naglakad sya palapit at umupo dun sa chair na malapit sa akin.

"What are you doing here? Diba sabi ko take a rest?" sabi ko sa kanya

"Hindi ako pagod. Saka ang boring kasi sa bahay kaya eto nandito ako." nakangiti pa rin nyang sabi.

"Lira. I’m busy." sabi ko ulit sa kanya

"I know." balewala nyang sabi at pinaglaruan yung pendulum na nasa table ko.

"Agatha Lira… I’m working here ok?" sabi ko sa kanya

"Dont worry, I'll behave. Promise. *tinaas nya yung kanang kamay nya* just let me stay here…please?" sabi nya

"*sigh* Fine." sabi ko sa kanya

Sinunod naman nya yung sinabi nyang mag-bebehave sya. Every 10 mins. nga lang. Tanong sya ng tanong tungkol dito sa Hotel. Pinapakialaman din nya yung mga papers na napirmahan ko na. Mamaya tatahimik ulit tapos bigla na naman syang magtatanong.

So in the end.

"I'll take you home." sabi ko sa kanya

Tinignan nya ako ng nagtataka.

"Wala akong natatapos sayo Lira. Kaya uuwi na lang tayo, beside dinner time na at hindi pa tayo nagdi-dinner." sabi ko at inaayos na yung mga gamit ko

"Oh.. .sorry. Sige na, ituloy mo na yung ginagawa mo. Tatahimik na ko promise" sabi ulit nya

"Ayan na naman yang promise mo e. Uuwi na tayo. *tingin sa relo* may bukas pa namang grocery store kaya i'll cook for dinner." sabi ko sa kanya

"Ok. Can we have carbonara for dinner? Please?" sabi nya

"Hayy! Alright alright." sabi ko sa kanya

*grocery store

Ako yung nagpu-push ng cart at si Lira yung naglalagay ng mga bibilhin. Pero mali ata ako ng desisyon na sya yung pakuhanin ko ng mga bibilhin namin…dahil kung ano na lang yung gusto nya yun yung nilalagay nya. Mostly, junk foods. 

"We dont need chocolates for carbonara Lira." sabi ko sa kanya

"We need it. Trust me." sabi nya

"How come?" tanong ko sa kanya

"We need sweets. You know, para hindi ka na magprepare ng dessert" pagrarason nya

At wala na akong nagawa sa mga binili nya, dahil lahat may rason. Kailangan daw namin yun. Noong hihingin ko na yung payment nya para sa binili nya…ang sagot nya sa akin?

"I'll do the groceries and you'll do the paying. Nasa terms and condition natin yun" sabi nya

"But…kasama ako sa paggrogrocery" apela ko

"Yep! BUT… ako yung nagpakahirap maglagay lahat ng binili natin. Ikaw nagpush ka lang ng cart, kaya lumalabas na ako pa rin yung nag-grocery." katwiran nya

"That's unfair, pang carbonara lang yung bibilhin natin and tignan mo. 3 bags? Puro sayo lang to e" sabi ko sa kanya

"It's fair! Wala akong nakikitang mali." pagkasabi nya nun, iniwan nya ko sa counter at dumiretso sa sasakyan

*bahay

"No carbonara tonight." sabi ko kaagad sa kanya nung inayos nya yung mga groceries

"Hey? Anong wala? Anong dinner natin?" tanong nya sa akin

"Me? I'll cook carbonara for myself and you? Eat that *turo ko sa mga junk foods na binili nya*" 

"What? You're kidding right?" tanong nya

"Nope." sabi ko sa kanya at nag-umpisa ng ihanda yung mga kakailanganin ko

"Liam.."mahinang  sabi nya

"Hhmmm?" sagot ko sa kanya ng hindi nakatingin

"Carbonara" sabi nya

"In one condition" sabi ko at tinignan sya

"What is it?" tanong nya

"Pay the groceries" sabi ko sa kanya at nginitian sya

"Aggrrrhh. I hate you" sabi nya

"Then…no carbonara for you." nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Fine fine." sabi nya at umalis ng kitchen

Maya maya lang bumalik na din sya at dala na nya yung wallet nya. Hinanap nya yung resibo ng pinamili namin at binuksan yung wallet nya. 

"Oh" nilapag nya yung pera ng medyo naiinis.

Kinuha ko yun at ngumiti sa kanya

"You are easy to deal with huh." mejo natatawa kong sabi sa kanya

"Magpapaturo na talaga ako kay Daddy magluto. Tss!" sabi nya.

************

Continue Reading

You'll Also Like

107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
51.4K 440 33
In my leaving springtime of life, with all the youthful odds to get by, will my feelings reach the quirkily epicene guy I've been telling the papers...
18.1K 335 31
Angelica Claire Cortez is a college student.She studies in a famous and most prestigious school in town, Saint Clevier Academy. She's also an active...
800K 9.4K 20
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.