Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-36-

74.8K 2.4K 631
By vampiremims

"CREEP, say it..."

I rolled my eyes again. Tumalikod ako sa kanya habang tulak-tulak ko ang push cart na nasa harap ko at tumingin sa mga produktong naroon sa Summer's. Namimili kami ngayon ng mga kakailanganin para sa naplanong outing kahapon. Out of the blue ang plano pero pumayag naman ang lahat dahil na rin nakabakasyon kami.

"Creep..." tumabi si Jahann sa akin at siya na ang nagtulak ng cart. Nilingon ko naman siya at kumunot ang noo ko sa kanya. "Ano ba talagang problema mo?" may halong pagsusungit na tanong ko, pilit kong itinatago ang pigil na tawa ko. Mula nang magkita kami kanina ay paulit-ulit na niya akong sinasabihin na sabihin ko na. Wala namang sinasabing partikular na salita si Jahann pero alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"Just say it..." ngumiti siya sa akin. The kind of smile that never failed to make my heart skip a beat.

Hindi ko na mapigilang mapangiti. Inabot ko sa kanya ang hawak kong papel. "Kuhanin mo lahat 'yan. Kailangan natin 'yan. Pupuntahan ko lang sila Aly, okay?" sabi ko bago naglakad papalayo sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

"Tss. You're being unfair..." narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang nakalayo.

Pinuntahan ko sila Aly na kasama ni Lean at ni Ate Caryl. Hindi ko alam kung ilang araw ba ang plano nila pero kailangan rin naman naming bumalik bago magpasko dahil nakaugalian na naming lahat na magcecelebrate ng pasko sa kani-kaniyang bahay at kinabukasan ay magsasama-sama ang lahat sa SD.

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang cart na dala nilang tatlo. Sila ang kukuha ng mga chips at toiletries. Kaming dalawa ni Jahann ang kukuha sa mga canned goods at iba pang madadala namin. Si Theon at Keij naman ay nagprisintang bahala na sa alak. Si Enzo ang naghanap na naman ng lugar, habang si Kol naman ang magbabayad.

"Ang dami na nito, ah?" kunot-noong puna ko nang makita na ang dami na nilang napiling chips. "Magtatayo ba kayo ng tindahang tatlo?" tanong ko habang iniisa-isa ang laman ng cart.

"Twin, concerned lang kami. Baka kasi magutom ka kaya dinamihan namin..." ani Aly na tinapik pa ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ikaw ang mahilig sa chips, hindi naman ako..." sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.

"It's okay, Che. Besides, sasama si Kevyn. Hindi ko pa alam ang mga gusto niya kaya maganda na 'yung marami-raming options ng snacks..." sabi naman ni Lean bago muling naglagay sa cart.

"Hayaan mo na, Che. Para may snacks din tayo habang papunta at kapag hindi naubos, pwede naman nating iuwi 'yan..." nakangiting sabi sa akin ni Ate Caryl. Tumango na lang ako sa kanila at sinamahan na silang mamili. Kumuha pa ng isang cart si Aly para sa toiletries para sa lahat.

Nakasalubong namin sina Keij at Theon. Agad namang nangunot ang noo ni Keij nang makita ang cart na dala namin. "Ang dami naman niyan. Sila Jahann, may binibili pa 'don. Puno na isang sasakyan diyan pa lang, ah?" puna nito.

Hindi naman ako kumibo. Sa halip, luminga-linga ako para hanapin ang binanggit ni Keij.

"Mas okay na 'yung sobra, Keij..." si Lean ang sumagot dito.

Nakita ko naman si Kol at si Jahann na papalapit na sa amin. Nakatingin siya sa akin.

"Okay na lahat?" tanong ulit ni Keij. "Mukhang wala namang nakalimutan," sabi ni Ate Caryl dito. Nilingon ni Keij ang kakambal. "'Bal, bayaran mo na..." tinapik nito ang balikat ni Kol. Tinignan ni Kol si Keij. "Subukan mo naman kayang bawasan ang pera mo," ani Koln a nakakunot ang noo.

"I'll pay," sabi ni Jahann. Tumingin sa kanya ang lahat.

"Galante si Jahann! May girlfriend kasi, eh..." natatawang buska ni Theon dito.

"Parang gusto ko tuloy makilala 'yang girlfriend ni Jahann. Nagiging mapagbigay si Jahann, eh..." sabi naman ni Keij na lumapit kay Jahann at inakbayan ito.

Here we go again. Napailing na lang ako bago itinulak ang cart na hawak namin ni Aly. Hindi ako kumportable kapag ganoon ang usapan nila. Alam kong wala namang may alam ng tungkol sa amin sa kanila maliban kay Kol. Si Enzo, hindi ko rin mawari kung ano ba ang nalalaman pero alam kong lahat sila at clueless sa nangyayari sa amin ni Jahann.

"Sino 'yung magkakasama sa sasakyan?" tanong ni Keij habang kumakain na kami.

"Lagi mo na lang problema 'yan," puna naman ni Aly dito. "Anyway guys, ininvite ko si Iris, ah?" dagdag pa niya. Napatingin ako kay Jahann na nasa tabi ni Kol. I was actually expecting something from Jahann. Na magrereact ito na kasama si Iris pero wala. He's just looking at me.

"As always, Caryl and Kuya Kiro will be together—"

"Kasama si Kevyn, eh..." maagap na putol ni Ate Caryl sa sinasabi ni Keij.

"You'll be with Kevyn? Paano si Kuya Kiro?" tanong ni Keij dito.

Umiling ito. "I'll be with Kiro. Kaya naman na ni Kevyn ang sarili niya," ngumiti ito pagkatapos.

"Pwede naman siyang sumabay sa amin ni Enzo..." sabat ni Lean. Tinignan naman ito ng kakambal nito. May sasabihin pa sana si Enzo pero nagsalita naman agad si Aly.

"Iris will be with us. Isasabay na lang namin siya ni Cherinna at—"

"Cherinna's going with me..."

"—us"

Halos magkasabay na sabi ni Kol at Jahann. Magkaiba lang sila ng huling salita.

"Oh, sinong umagaw kay Cherinna sa inyo?" natatawang tanong ni Aly sa dalawa.

Hindi naman kumibo si Jahann at si Kol.

"Alright, Kol, Cherinna and Jahann. Kuya Kiro and Ate Caryl. Me and Theon. Aly, Iris, Lean, Kevyn and Enzo..."

"Bakit di niyo na lang isabay si Kevyn? O si Iris at Aly?" tanong ni Enzo kay Keij.

"Manunuod kasi kaming porn ni Theon..." ngumisi si Keij.

Hindi tuloy napigilan ni Enzo na murahin ito. Nang matapos ang pagpaplano namin ay nagkasundo naman na ang lahat na madaling araw magkikita sa bahay namin. Sinabihan ni Aly si Jahann na sa bahay na matulog para hindi na ito bibiyahe pero tumanggi naman ito.

Hindi rin nagpumilit pa si Jahann na ihatid ako sa bahay dahil sinabi na ni Aly na sabay kaming dalawa.

Nasa kwarto na ako at nakaupo sa kama nang magring ang phone ko.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag ni Jahann. "We'll see each other tomorrow. Why?" tanong ko bago sumandal sa kama ko.

"You're still not saying it," ani Jahann sa kabilang linya.

Hindi ko mapigilang matawa. "Baliw ka talaga. Nakapag-ayos ka na ng gamit mo?" tanong ko sa kanya. Changing the topic, obviously.

"Don't change the topic, Creep..."

Napangiti ako. "I'm not. Nagtatanong lang ako kung nakapag-ayos ka na ng gamit mo," sabi ko naman sa kanya.

"Tapos na, kanina pa..." sagot niya sa akin. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Okay, I get it. You're not comfortable saying those words because of its meaning now... it's fine, Creep. Hindi na kita pipilitin."

Napayuko ako. Bakit ba ang sobrang understanding mo, Jahann?

"I love—"

"Cherinna!" biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Aly.

"Aly!" agad kong ibinaba ang tawag at humarap sa kakambal ko. "Why?" inilapag ko ang phone ko sa may lamesa.

"Can you help me? I mean, teach me something to cook. Para bukas..." umupo si Aly sa may kama ko.

Sabay pa kaming napatingin sa phone ko nang magring iyon at pinakita ang mukha ni Jahann sa screen ng phone ko.

"Why is Jahann calling you?" tanong ni Aly.

"Nagtanong lang para bukas..." sagot ko bago kinuha ang phone ko at idinecline ang tawag ni Jahann. Mabilis din akong nagcompose ng message para sabihin sa kanya na kasama ko si Aly ngayon.

"Anyway, ano 'yung gusto mong matutunan?" tanong ko sa kanya bago ibinalik ang cellphone ko sa lamesa ng pataob.

"I just want to bring something with effort. Since kasama natin sila Kevyn, iris at Dean, gusto kong gumawa ng something at—"

"Dean?" napangiti ako.

Sumimangot si Aly. "Si Iris ang nag-invite sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Tumango na lang ako. "Alright, let's go. Para may something para sa kanila lalo na kay Dean," tumayo na ako pero hinila ni Aly ang braso ko.

"It's for everyone, no," sabi nito bago nauna pang lumabas kaysa sa akin. Iniwan ko na lang ang phone ko sa kwarto ko.

Tinuruan ko si Alyn a gumawa ng cookies. Nakaupo lang ako habang nanunuod sa kanya sa ginagawa niya nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Akala ko ay nakalimutan mo na ang daan pauwi, Jahann..."

Napatuwid ang likod ko nang marinig ko ang pangalang binanggit ni Mommy.

"Jahann's here?" tanong sa akin ni Aly. Nagkibit-balikat naman ako. Iniwan ni Aly ang ginagawa at lumabas ng kusina. Sumunod naman ako sa kanila.

"Mom, nagpupunta naman ako dito. You're just busy with Blooms..." nakangiting sabi ni Jahann kay Mommy.

"Akala ko ba ayaw mong ditto matulog ngayon para bukas?" tanong ni Aly kay Jahann. Nagkibit-balikat lang si Jahann ditto bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Jahann, there's something you want to discuss with me, right?" untag naman ni Daddy kay Jahann.

"Yes, Dad. About Child's Hope..."

I saw my Dad's expression tightened. "Let's go upstairs..."

Sumunod naman si Jahann kay Daddy. Nakakunot ang noo ko habang sinusundan silang dalawa ng tingin.

"What's with Child's Hope?" tanong ni Aly sa akin.

Nilingon ko naman siya. "Baka ampon si Jahann..." sinundan ko iyon ng pagtawa.

"Baka ampon si Dad..." sabi rin ni Aly bago kami lumingon kay Mommy.

"Ipagpatuloy niyo na nga ang ginagawa niyo. Ipaampon ko kayo, eh..." natatawang sabi nito. Bumalik naman kami ni Aly sa kusina.

Nakatingin ako sa ginagawa ni Aly pero may ibang naiisip ang isip ko.

Right that very moment, hindi ko mapigilan na umasa na sana... sana isa sa aming dalawa, hindi totoong Anderson.

Umiling na lang ako at hinintay matapos ang ginagawa ni Aly. Akala ko ay makakapag-usap kaming dalawa ni Jahann nang gabing iyon ngunit hindi ko naman siya nakitang muli simula nang nag-usap sila ni Daddy.

Hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan kong bumaba na lang para uminom. Dala ko rin ang phone ko at tinext ko si Jahann kung gising pa ba siya o kung may problema ba pero wala akong natanggap na reply galing sa kanya.

Nagpapabalik-balik ako ng lakad sa kusina nang mapapitlag ako nang makitang kong may nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin.

"Why are you still up, Cherinna?" tanong ni Daddy sa akin na nakakunot ang noo.

"Uhm, hindi po kasi ako makatulog, Dad. Bumaba lang po ako para uminom..." sagot ko naman sa kanya.

"Go upstairs and sleep. Maaga pa kayong aalis."

Tumango naman ako sa kanya. "Opo. Sige, Dad. Goodnight po," lumapit ako at humalik sa pisngi nito.

"Goodnight," ani Dad. Lumabas na ako at umakyat sa kwarto ko. Napadaan ako sa kwarto ni Jahann. Nakapatay ang ilaw sa loob ng kwarto. Siguro'y tulog na ito.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at pinilit ang sarili na makatulog.

Maagang nagdatingan ang mga pinsan namin. Naabutan ko si Keij at Theon na nasa dining room namin at nag-aalmusal na. Kasama ng mga ito si Enzo at Lean.

"Good morning, sleepyhead," bati ni Keij bago ginulo ang buhok ko.

"Nasaan 'yung iba?" tanong ko sa kanya nang maupo ako sa tabi niya. Nagkibit-balikat ito. Hindi ko namataan si Kol. Maging si Jahann ay hindi ko pa nakikita.

"Papunta na daw si Kevyn, Che..." nakangiting sabi ni Lean sa akin. Tumango na lamang ako. I'm not really sure what's going on between Lean and Kevyn. Ang alam ko lang ay crush na crush ni Lean si Kevyn. Hindi naman ako mahilig manuod ng TV o kaya ay makialam sa mga artista.

Tahimik lang akong nag-almusal at naligo na rin pagkatapos.

Paalis na kami nang nakita ko si Jahann. Kinuha niya ang bag ko sa akin at dinala sa sasakyan niya. "Saan ka galing?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"I fell asleep," nilingon niya ako at nginitian. "Namiss mo ako?"

Napasimangot ako. "Ewan ko sa'yo." Pumasok na ako sa sasakyan niya. Kasama namin si Kol kaya naman sa likod na ako naupo.

"Creep, sa harap ka," ani Jahann na pinigilan ang pagsara ko sa pinto.

"Si Kol sa harap, diba?" sabi ko naman sa kanya.

"Sa iba sasabay si Kol. Tayong dalawa lang ang magkasama," muli siyang ngumiti sa akin. Tumingin ako sa labas. Kasama ni Kol sa sasakyan si Aly, Lean, Iris at Kevyn. Si Enzo, Dean, Theon at Keij naman ang magkakasama. Sa sasakyan ni Jahann at ni Theon nilagay ang mga gamit namin.

Habang nasa biyahe kami'y hindi naman kami nag-uusap ni Jahann. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Ibinaling ko ang tingin sa kanya.

"Are you planning to say it, Creep?" ngumiti si Jahann ngunit hindi siya lumingon sa akin. I rolled my eyes. "Itatanong ko lang kung kamusta 'yung usapan niyo ni Dad kagabi," sabi ko sa kanya.

He shrugged. "He told me to think of something else. Ayaw niya sa Child's Hope..."

"Sayang naman 'yun..." napasandal ako at tumingin sa daan. Magandang opportunity sana 'yon para makatulong.

Napatingin ako kay Jahann nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin iyon sa mga labi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Wag mo ng isipin 'yon. Si Dean na bahalang mag-isip para don."

"Kailangan talaga hawak mo ang kamay ko?" pang-aasar ko sa kanya. Sinimangutan ako ni Jahann. "Ang sweet mo naman talaga," reklamo niya sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi naman binitawan ni Jahann ang kamay ko.

Binitawan lang ni Jahann ang kamay ko nang papalabas na kami ng sasakyan.

"What's this place?" tanong ko sa kanila nang lumapit ako. Nauna akong maglakad kaysa kay Jahann.

"Oh my gosh, may dagat!" biglang sabi ni Aly. Itinuro pa niya sa amin ni Lean ang dagat na naroon. "Let's go na!" aya sa amin ni Aly. Nagtulong naman ang mga lalaki na kunin ang mga gamit sa sasakyan na gamit namin. Nilingon ko si Jahann. Tumango lang siya sa akin.

Tila isang inn ang pinuntahan namin. Si Enzo ang lagging taga-hanap namin ng lugar na tutuluyan. Base sa narinig ko kanina, nirentahan na nila ang buong bahay. Si Tito Thunder ang nagbigay ng pambayad.

"Are you okay?" tanong ni Kol sa akin habang nakatayo ako sa may bintana at nakatingin sa dagat. Tumingin ako sa kanya at tumango. "Yes, I am..."

"Do you want to eat?" tanong niyang muli sa akin.

"Sabay na lang sa lahat. Baka masisi pa ako kapag naubos 'yung pagkain," tumawa ako pagkatapos.

"As long as you're happy, it's okay," naupo si Kol sa may bintana at niyuko ako. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Mas mukha kang gutom kaysa sa akin," pang-aasar ko sa kanya.

Ngumiti lang si Kol sa akin.

Bago magtanghalian ay naayos na namin ang mga gamit namin. Magkakasama kami nila Aly, Lean, Iris at Ate Caryl sa iisang kwarto. Kasama naman ni Keij si Theon, Kevyn at si Kuya Kiro habang magkakasama si Kol, Enzo, Dean at Jahann.

"Let's check the beach, dali na!" aya ni Aly sa amin. Alam kong prepared si Aly sa mga ganitong pagkakataon. Lagi naman itong may baong swimsuit.

Nauna na kaming lima sa may tabing-dagat. Naupo lang ako sa mga bato na naroon at kinukuhanan sila ng pictures gamit ang camera ni Jahann.

"Look what I found!" masiglang sabi ni Keij na lumapit sa amin. May dala itong bola ng volleyball.

"Are you serious?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Real men play volleyball," ngumisi siya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita pero ngumiti ako. Nag-aya siya ng makakalaban niya.

"Dali na. Kampi kami ni Theon, Kuya Kiro tsaka Kevyn. Si Jahann, Dean, Kol tsaka Enzo sa kabila..." ani Keij sa kanila.

"Magpakalunod ka na lang, Keij..." ani Kol sa kakampi.

"Sayang lahi, 'bal. Game na kasi!" sabi ni Keij bago ako nilapitan at inabot sa akin ang phone niya. "Pahawak muna, Che..."

"Dali na guys!" kanya-kanyang cheer sila Aly, Lean, Iris at Ate Caryl. Mukhang game na game naman silang lahat maliban kay Kol, Enzo at Jahann—as expected.

"Go, Jahann!" ngumiti ako sa kanya. Nilingon ako nito at sinimangutan. Ipinahawak ni Kuya Kiro ang gamit kay Ate Caryl. Si Kevyn at Theon ay kay Lean. Si Enzo'y ibinigay ang kanya kay Aly. Si Dean ay ipinahawak kay Iris ang gamit. Lumapit sa akin si Kol at ibinigay sa akin ang wallet at phone niya.

"Wala akong dalang phone," nakasimangot na sabi ni Jahann. Inilapag nito ang bote ng mineral na dala nito. "Baka mauhaw ka," sabi nito ng mahina.

"Yung puso mo naman 'yung hawak ko, eh..." bulong ko bago nag-iwas ng tingin at nagpipigil ng ngiti.

"Game na, guys!" sigaw ni Keij.

Marunong si Jahann ng volleyball pero mas trip niya ang basketball at billiards.

Kahit na lima lang kaming babae ay ganoon na lamang ang ingay na nagagawa nila. Hindi ko mapigilang matawa kay Lean. She's cheering for Kevyn—pinagagalitan ito ni Enzo.

Halata namang nag-aagawan sa bola si Theon at Kevyn kaya nagkakapuntos ang team nila Jahann. Ang ending ay nanalo sila Jahann dahil sa errors ng team nila Keij. Nagsisihan pa si Theon at Kevyn.

Nang maggabi na ay naisipan ng mga lalaki na magtipon kami sa may buhanginan. Gumawa rin sila ng bonfire habang nakapaikot kami roon. Doon na rin nila naisipan na mag-inuman.

Hindi kami magkatabi ni Jahann.

"Inuman lang, ha? Walang aminan ng feelings..." ani Keij na tumatawa. Napailing na lang ako. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila. Asaran, inuman, asaran.

Gaya naman ng inaasahan, naunang tamaan ng alak ang mga babae kaya inalalayan na sila na magpunta sa kwarto. Hindi naman ako uminom kaya ako na rin ang nag-asikaso sa mga ito.

Nasa loob ako ng kwarto at inaasikaso si Aly nang bumukas ang pinto. Pumasok si Jahann na karga-karga si Iris.

"She's drunk..." agad na sabi ni Jahann. Tumango ako. "Baba mo na lang siya, ako na ang bahala," sabi ko naman.

"Jahann..." ani Iris nang ilapag siya ni Jahann. "I love you..."

Napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Get out," sabi ko kay Jahann.

"Creep..."

"I said get out."

Napailing na lang si Jahann bago lumabas at isinara ang pinto.

I closed my eyes and heaved a sigh. Ayokong marinig pa niya ng paulit-ulit na sasabihin ni Iris na mahal siya nito.

Inasikaso ko rin si Iris bago ako lumabas ng kwarto. Nakita kong nakatayo roon si Jahann na tila hinihintay ako.

"What are you doing there?" tanong ko sa kanya.

"Let's go..." hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako papalabas. Hindi kami bumalik sa mga kasama namin. Sa halip ay sa ibang parte kami ng dalampasigan nagpunta.

Naupo si Jahann at sinabihan niya akong maupo rin.

"Why are we here?" tanong ko nang nakaupo na ako sa tabi niya.

"I want some time alone with you. Lagi silang nakadikit sa'yo."

"Jahann..."

Tumingala ito at nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. Lumapit ako at isinandal ang ulo sa balikat niya. Naramdaman kong nilingon niya ako. Inilagay niya rin ang kamay sa bewang ko.

"Kol was right..." mahinang sabi ko. "Life would be a lot easier if you're not my brother. Alam kong mali pero hindi ko mapigilang hilingin na sana... sana hindi na lang ako Anderson. Pero imposible 'yon..."

"The moment I fell in love with you, I stopped treating you as a sister, Creep. It's not right, yes. For everyone, we're siblings. But I love you... I really do."

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa dagat habang nakasandal kay Jahann.

"You're really not going to say it, aren't you?" nilingon niya ako. Hindi ko napigilang matawa. "It's fine..." kinabig niya akong muli at niyakap. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm in love with you, too..." ngumiti ako sa kanya. Umayos ako ng upo at muling sumandal kay Jahann kaya hindi ko na nakita ang reaksyon niya pero naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya at paghalik niya sa buhok ko.

I don't have any idea what's going to happen next, but he's my happiness.

"I love you, Cherinna..."

Ngumiti ako. "I won't say it again..."

He laughed softly and hugged me tighter.

I love you, Jahann.

Lumayo ako ng kaunti at humarap sa kanya bago mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Ang cute mo..." ngumisi ako bago akmang tatayo na sana para bumalik nang hawakan ni Jahann ang pisngi ko at kabigin ako papalapit.

"That's not the right way you should kiss me, Creep..." he smiled and claimed my lips.

I closed my eyes and wrapped my arms around his neck.

He smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 34.2K 12
Vince De Salvo's story
7.7K 359 34
Because practice makes perfect... Or at least close to it.
21.2K 577 31
R18 (Taglish) A powerful family, equally powerful enemies, and a dark past that refused to be buried. Introvert Ram Romualdez finds himself dead drun...
5K 507 15
After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to his bride-to-be, only to learn that she ha...