HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 36

7.5K 265 351
By hunnydew

Ang sarap ng bakasyon! Namiss ko 'to eh! Pwedeng medyo tanghaliin ng gising—yung mga alas otso ganon.

Akala niyo siguro mga alas onse kami gigising 'no? Hindi pwede 'yon. Nako! Pihadong magbubunganga na naman si Mama kapag literal na tanghali na kaming gumising. Siyempre, kami lang ni Mase ang maiiwan sa bahay, edi kami rin ang maglilinis. Araw-araw din 'yon habang walang pasok. Pero at least di kami mamumroblema sa readings, assignments, projects. Pagtapos ng gawaing-bahay, petiks na heheh.

Tapos siesta sa hapon. O kaya maglalaro ng xbox magdamag. Ngayon pwedeng magpuyat basta ba gigising pa rin ng maaga.

Dis is layp!

Pero alam niyo ba, nagulat ako kasi nakilaro ng Borderlands si Mase sa'kin. Na-bore na rin sigurong magbasa ng mga libro niya. Nahirapan lang kami kasi maliit lang naman ang TV namin tapos split screen pa. Kaya kailangan naming lumapit sa TV. Ang gusto ko kapag siya ang kalaro ko, tahimik lang kaya nahahawa ako. Pero ayos lang kasi nakakapag-concentrate ako sa ginagawa namin.

"Kumusta sa Uste?"

Sa sobrang gulat ko sumablay yung headshot ko sa kalaban kaya napalatak ako nang malakas. Aba, ngayon lang nangyari na si Mase ang nagsimula ng usapan! "Sakto lang. Wala namang masyadong nagbago."

"Napano na yung manliligaw mo?" tanong na naman niya.

Kailangan ko tuloy bagalan ang paglalaro kasi nahihirapan akong magmulti-task. Natututo pa lang nga kami ng goldfish memory kong magmemorize at umintindi ng kumplikadong bagay. Ayokong mabigla kami, huehue. "Sabi ko ayoko pang magpaligaw eh. De 'yon."

"Ah, okay."

"Ikaw? Kumusta naman ang panliligaw mo kay Sapio Girl?" balik-tanong ko tas mahina siyang natawa.

"Kailan ba darating yung graham balls mo?"

Huminto ako sa paglalaro at hinayaan siyang gawin yung mission namin. Boss fight na kasi. Kailangan naming i-infiltrate daw yung lungga ng mga bandits at talunin yung boss na si Sledge. Mahirap na kapag sumugod kami dun tas di ako maka-concentrate, baka mamatay kami pareho. "Ay, pagtapos pa raw ng Pasko madedeliver ni Ate Peachy eh. Sasagutin ka na ba, ha?" excited kong tanong.

"Magpapaalam pa lang manligaw." Hindi nakatingin sa'kin si Mase kapag sinasagot niya yung mga tanong ko. Pero namumula yung tenga niya.

"Ay onga. Nasabi nga rin ni bespren na di ka pa raw nanliligaw."

Biglang may napindot si Mase. Natapon niya yung granada kaya naglabasan lahat ng bandits at pinaulanan siya ng bala kaya namatay yung character niya. Buti na lang nasa malayo ako kaya di ako nakita ng mga kalaban. "A-Ano namang masasabi mo?"

Habang nagre-respawn si Mason, tinuloy ko na ang laban. Ako muna ang nagsi-snipe ng mga kalaban. Laking pasasalamat ko talaga na di pa lumalabas yung boss eh. Yun nga lang, di ako agad nakasagot sa tanong niya. Nung nakahabol na siya, saka lang ako nakapag-isip. "Ambagal mo. Diba old-school na yung magpapaalam manligaw? Kita mo nga si Kuya Mac, katext lang niya, bukas-makalawa sila na—"

"'Wag mo ngang tinutulad sa mga babae ni Kuya Mac si Louie," parang inis na sambit niya.

Kumunot ang noo ko. "Siyempre naman mas angat si bespren sa kanila 'no! Parang kinumpara mo ang German Shepherd sa kuto! Pero teka...diba si Sapio Girl ang pinag-uusapan natin? Paanong napasok sa usapan si Louie?" Eto ang ayaw ko kapag pinipilit ko ang sarili kong naglalaro at nag-iisip at nakikipag-usap nang sabay-sabay eh. Nawawala ako sa usapan. Tsk.

Sa wakas, lumabas na si Sledge! Akala ko tatahimik na si Mase. Pero kinausap pa rin niya ako. "Akala ko ba sinabi ni Louie sa'yong di pa ako nanliligaw?"

Paano ba nagagawa ni Mase na pagsabay-sabayin yung ginagawa niya? "Oo nga. Close kasi pala sila ni Sapio Girl. Sino ba 'yon?"

"Madalas talaga malabo kang kausap," naiiling niyang sabi. Di ako nakasagot agad kasi napuruhan ako eh.

Nakailang ulit pa kami—mga apat yata, bago namin tuluyang napatay si Sledge! Putek na berdugong 'yon! Tas shotgun lang ang ni-drop nung namatay. Tsk.

Pero napaisip talaga ako sa lagay ng kapatid ko. Gaano ba kahirap yung magsabi ng 'Oy, Sapio Girl, liligawan kita ah. Huwag kang papalag'. Parang ang dali-dali lang naman.

Napatingin ako dun sa picture nilang dalawa ni bespren. Akalain niyo, nasa iisang lugar lang kami nun pero di pa kami nagkakitaan! Pero ang ganda nung kuha ah. At ang galing nung kumuha nung litrato. Para silang magboypren hahaha. Joke, joke, joke! Sabi nga sa Japanese... imposiburu!

Pero napag-isip-isip ko rin...kung katulad ni bespren Louie si Sapio Girl... parang medyo kakabahan din akong manligaw, ahahaha. Siguro nga kaugali ni bespren yun. Close daw sila eh. Kaya rin siguro kabado si Mason.

Di bale, di bale...kampante akong sasagutin ni Sapio Girl ang kapatid ko. Kundi nako! Magpapatulong talaga ako kay bespren para sugurin 'yon.

---

"Charlie, may gagawin ka ba bukas?" tanong ni Louie. Nagtaka pa ako kasi sa cellphone ko pa siya tumawag eh may landline naman kami.

Napatingin ako sa kalendaryo. La, Sabado na pala bukas! "Ay, oo bespren! May pupuntahan akong bagong milktea shop. Inaya ako ni Taki!"

"Di naman halatang excited ka 'no?" natatawa niyang sabi.

"Oo naman. Milktea 'yon eh. Alam mo na, favorite ko 'yon."

Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko pero bigla siyang natawa. "Yung mas excited ka pa dahil milktea shop ang pupuntahan mo at hindi dahil inaya ka ng crush mo."

Napaisip ako dun. Medyo nawalan ako ng ganang kitain si Taki mula nung nagpresinta sina kuya na samahan ako. Parang 'di ko na siya ganun ka-crush. Pero gusto ko pa rin makipagfriends sa kanya. "Gusto ko kasing malaman kung ano'ng mas masarap. Kung Gong Cha o yung... Ano na kasing pangalan non?"

"Aba malay ko. Ikaw ang inimbita diba?"

Inalala ko yung nasa message ni Taki sa FB kagabi. "Crammers yata yun. Oo nga bespren. Yun nga yun. Bakit kaya ganun ang pangalan nun? Siguro masayang magpuyat dun pag mag-aaral para sa exam, ganun. Punta ka rin, Louie!"

"Ayoko ngang maging chaperone mo."

Bumusangot ako. Naalala ko na naman kasi. "Eh, ayoko nang dagdagan ang chaperone ko, bespren. Nag-volunteer na sina Kuya. Wag ka nang dumagdag."Tumawa lang talaga si Louie. Tsk. "Di nga, punta ka na rin dun. Tutal naman ikaw ang kras ni Taki. Matutuwa 'yon 'pag nakita ka."

"Baliw ka talaga, Charlie."

"Nagsasabi lang ako nang totoo."

"Alam mo kasi, tumawag ako para tanungin kung pwede mo akong tulungan. Pero kung busy ka, ayos lang din naman—"

"Ang init agad ng ulo. Kahit busy ako bespren, maglalaan pa rin ako ng oras para sa'yo. Kayo lang naman ni Chang ang mas busy," nakanguso kong sagot.

"At talagang bumalik pa sa'kin. O siya, bukas ng umaga lang yung gagawin natin. Ipapahatid din kita pabalik sa bahay niyo pagtapos. May gagawin din ako sa hapon eh. Pero susubukan kong sumunod dun sa Crammers na 'yon. Saan ba banda 'yon?"

"Yehey. Katipunan lang daw eh. Tapat ng Arneow."

"Ng ano?"

"Arneow. Arneow de Manila uneeversiteee!"

"Baliw ka talaga. O siya. Bukas ah, sa condo sa Pasig ka na lang dumiretso."

"Okey."

"A-Ano...pupunta ba lahat ng kuya mo dun sa Crammers bukas?" bigla niyang dagdag-tanong. Akala ko kasi tapos na kaming mag-usap. Buti pala di ko pa binababa yung phone.

"Hmm...ang alam ko oo. Wala naman silang sinabing may iba silang pupuntahan."

"Ahhh...ganun ba?"

"Oo bespren." Napapalakpak ako ng isang beses. "Dalhin mo na rin si Sapio Girl don nang makilatis ko naman."

"Oo nga. Pupunta nga ako dun, I mean siya...si Sapio Girl. Ano ba? Humaba na naman ang usapan! Ang daldal mo talaga! Basta bukas ah."

Ako pa talaga ang madaldal eh siya itong nagtanong. Naisip ko lang namang magandang ideya yung dalhin niya yung kaibigan niya don. Napailing na lang ako. "Sige bespren, see you."

---

Pagdating ng Sabado, nung sinabi ko kina kuya na aalis ako ng umaga, nagduda sila.

"Baka naman mamaya dun mo na kitain si Taki mo para di na siya pumunta dun sa milktea shop at ginagawa mo lang dahilan si Louie," nanliliit ang mga mata ni Kuya Mac.

Humaba tuloy nguso ko. "Grabeee, kahit tawagan niyo pa si bespren, kuya! Nagsasabi kaya ako ng totoo."

Kinuha ni Kuya Chuckie yung landline tapos pinasa kay Mason na nanonood lang ng TV. "O, tawagan mo raw si Louie."

"Hoo...baka nakuntsaba mo na si Louie. Ang mas magandang gawin, samahan mo na lang Toy," dagdag pa ni Kuya Mac, tas taas-baba ang kilay niyang tumingin kay Mase.

Binaba lang ni Mason yung telepono. "Hindi na ako magtataka kung matutong magsinungaling 'yan. Kahit nagsasabi kasi ng totoo pinagdududahan niyo." Tas tumayo siya tas bumalik sa kwarto.

"Salamat, Mase!" Tuwang-tuwa kong sinundan siya nang tingin tas nagtaas lang siya ng kamay bago pumasok sa kwarto. Buti pa siya kampi sa'kin. Di niya ako masyadong sinasakal. Di tulad nina Kuya Chuckie at Kuya Mac. Tss.

Sa huli pinayagan din nila akong umalis. Basta raw umuwi ako para sabay-sabay na kaming pumunta sa Crammers.

Excited akong makita yung condo ni Louie. Unang beses kong makakaakyat dun eh. Kasi nga binaba lang namin siya nung bumili kami ng sapatos ni ChanChan.

Nauna lang ako nang konti kay Louie don at kasama niya si Lark! Nasa kanila pala 'yon! Kaya pala di ko nakikita sa bahay. Akala ko naglayas eh, hehehe. Buti nga ipapauwi siya sakin ni bespren. Namiss ko siyang kalaro eh huehue.

Gagawa pala kami ng cookies kaya niya ako pinapunta don. Medyo kinabahan lang ako kasi parang masamang pangitain 'yon. Naalala ko kasi nung pinagbake niya ng blueberry cheesecake si Aidan diba naheartbroken siya non? Tas ito naman ngayon. Ang saya-saya pa niya habang nagbe-bake kami. Yung maya't-mayang napapangiti. Sino kayang pagbibigyan niya nito?

"Huy, tinatanong kita," pukaw ni Louie sa'kin.

"Ha?"

Pinanliitan niya ako ng mata. "Baka naman iniisip mo na naman kung gaano karami dyan ang iuuwi mo."

"Ahaha, medyo lang. Ano na nga yung tanong mo?"

"Tinatanong ko kung nagsorry ba si Hiro sa'yo," ulit niya habang nilalabas sa oven yung bagong batch ng cookies na naluto na.

Kahit lumaki ang butas ng ilong ko, pinilit ko pa ring pagtakpan ang kapatid niya. "Bakit naman magso-sorry 'yon."

"Wag ka na ngang magsinungaling sa'kin, Charlie. Alam ko kung ano'ng nangyari kahit wala kayong sabihin, okay? Bakit ba kasi pumapayag ka sa mga pinapagawa ni Hiro sa'yo kung alam mo nang di makatwiran yung pinapagawa niya?"

"Pakiramdam ko kasi ang laki ng utang na loob namin sa kanya. Yung kung anu-ano ang binibigay niya sa'min. Napalagyan pa nga nya ng aircon yung kwarto ganun. Tas mamaya iti-treat daw niya ng dessert sina Mama. Alamoyon?"

"Wala kang utang na loob sa kanya okay? If anything, siya ang may utang na loob sa inyo kasi kinukupkop niyo siya. Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging mabait mo. Kaya ka laging binubully nun eh."

Di na lang ako umimik. Hindi ba dapat alam din ng tao kapag sumosobra na siya? Yung kapag nakakasakit na siya ng tao? Kaya ka nga nakikiramdam para alam mo yun diba? Tss.

Nagsorry naman si Hiro sa text. Pero enko. Nawalan din ako ng ganang magreply. Iba kasi yung binubwisit niya ako dun sa sinabihan niya akong malas sa buhay niya. Ang sakit kaya non! Tas sorry lang sa text? Di sana wala nang nakukulong kung sorry lang pala ang katapat ng lahat. Hmp.

Dahil mainit-init pa yung mga cookies, inaya ako ni bespren na bumili ng mga lalagyan sa Robinsons Galleria. Halos katapat lang kasi nun yung condo ni Louie. Si Lark muna ang pinagbantay namin ng mga naluto. Sabi ko di ko siya iuuwi kapag nabawasan 'yon hahahah. Pero siyempre kumuha ako ng tatlo para tikman.

Tas dun ako tinanong ni bespren. Paano raw kung bibigyan niya ng cookies si Mason na ilalagay pa niya sa Mason Jar. Akalain mo, sikat pala talaga ang kapatid ko! Hahaha.

Pero kinabahan ako lalo dun. Tapos dun pumasok sa isip kong baka si bespren at si Sapio Girl nga ay iisa! Kahit ayokong pansinin yung mga sinasabi nina kuya, parang kinutuban ako eh. Tapos yung mga tanong din ni bespren, nakakapanghinala. Tapos...tapos...

Paano nga kung para kay Mase yung mga cookies tapos maheartbroken si Louie. Di naman sa iniisip kong sasaktan ng kapatid ko si bespren pero...kasi...ayaw kong maulit yung nangyari kay bespren nung nasaktan siya ni Aidan.

Tapos...tapos...naalala ko yung mga nagkakagusto kay Louie. Sina StingRay. Lagi ko kaya siyang nakikitang umiiyak nun tas inaalo siya nina Mase. Ayoko ring mangyari sa kapatid ko 'yon siyempre!

Argh! Enko...sana...sana hindi si Sapio Girl si Louie.

"Bespren, san ka pala pupunta mamaya pagkatapos mo akong ihatid sa bahay?" tanong ko habang tumitingin siya ng Mason jars. Naalala ko kasing sinabi niyang may pupuntahan pa raw siya sa hapon kaya umaga lang kami nagkita.

"Sa The Nook."

Napasinghap pa ako nang malakas. "Sama ako bespren!" Di ko na pinansin nung pinagtinginan kami ng mga tao.

"NO! I MEAN, WAG NA!" asik niya na ikinagulat ko. "Ibig kong sabihin...Balik na lang tayo ulit next time kasama si Chang? Para... mas masaya?"

Napaisip ako at napatango. "Sabagay. Baka nga magtampo siya kapag nalaman niyang lagi tayong magkasama tapos hindi natin siya inaaya kahit pa lagi naman siyang busy."

"Yes. I will try to contact him some time this week or after Christmas, maybe?"

Gusto ko 'yon! Miss ko na yung magkakasama kaming tatlo. "Yehey eksaytme— ay, excited na ako! Sana matuloy tayo agad, hehehe."

"Sorry ha, nagulat lang ako kanina."

"Okay lang bespren. Iyon lang eh. Dagdagan mo na lang ang cookies ko mamaya."

---

Walang tao sa bahay pagkahatid sa'kin ni Louie. May mga pinuntahan pa yata silang lahat kaya nilagay ko muna sa cage si Lark para makapagwalis ako nang konti.

Sa bahay kasi, kahit malinis na, kung makakita si mama ng kahit isang hibla ng buhok, magagalit 'yon. Eh diba kapag winawalis yun ng walis tambo, may naiiwan pa rin? Kaya gumagamit ako ng scotch tape para dun dumikit hehehe.

Yun nga lang, mukhang di nga nagwalis sina kuya kanina kaya nagwalis na lang ulit ako. Tas tumawag na rin si Mase na nasa Maginhawa Food Strip daw.

Pagkatapos naming mag-usap, naghinala ulit ako. Kasi diba sabi ni bespren pupunta siya sa The Nook? Eh nasa Maginhawa lang 'yon! Magkikita kaya sila? Si Mase kaya ang talagang bibigyan ni Louie ng cookies?

Sana hindi. Sana hindi sila magkita. Ayokong masaktan silang pareho bandang huli, huhuhu.

"O, nandito ka na pala. Magbihis ka na para makaalis na tayo," aya ni Kuya Chuckie pagkabukas ng pinto. Namili pala sila ng mga regalo para sa Pasko.

"Sina Kuya Chino at Kuya Macoy?" tanong ko kasi kagabi ko pa sila hindi nakikita.

"May mga trabaho pa kasi 'yun. Susunod na lang daw."

Sina Mama, pumunta na raw dun sa kung saan sila iti-treat ni Hiro ng dessert. Hmp. Epal talaga 'yon. De kung di niya inimbita sina Mama de sana kasama namin sila ni Papa sa Crammers.

Hindi naman mahirap sundan yung direksiyon papunta sa bagong milktea shop na 'yon. Pero sabi ni Kuya Mac, maganda raw na nakabakasyon na yung mga estudyante kasi di na gaanong traffic dun kundi oras ang bibilangin namin makarating lang.

May arkong gawa sa lobo sa pintuan nung kainan. Tas may malakas na tugtog galing sa loob. Marami na ring labas-pasok na mga tao dun.

Tuwang-tuwa ako nung agad kaming inabutan ng maliit na baso ng milktea. Free taste daw! Pupunta na dapat ako sa counter pero pinigilan ako nina Kuya.

"Diba sina Mama 'yon?" tanong ni Kuya Chuckie tas tumango sa isang gawi nung restaurant.

"Dito rin pala sila pupunta, de sana nagsabay-sabay na tayo," natatawang sabi ni Kuya Mac bago namin sila nilapitan.

Kasama nina Papa sina Hiro at Taki. Mas lalo akong nawalan ng gana.

"Ito pala si Taki eh, siya pala yung may-ari nitong Crammers! Aba, ang babatang businessmen pala nitong mga kasama natin!" namamanghang bungad ni Papa nung nakapagmano na kami. Sila na rin ang nagpakilala kina Kuya kay Taki.

Nagtanguan lang kami ni Hiro tas binaling ko na sa iba yung pansin ko. Nakiupo na rin kasi dun sina Kuya. Ayoko namang makisawsaw. Mamaya may masabi na naman yung isa. Hmp.

Natawag ang pansin ko nung mga paper cranes na maya't-maya kong nakikita. Kumuha ako ng isa.

"Huy, 'wag ka ngang pulot nang pulot ng kung ano-ano dyan. Dekorasyon yata 'yan eh," suway ni Kuya Chino na nakarating na rin.

"Tinignan ko lang naman, Kuya," nakanguso kong sagot pero nung nalingat siya, binulsa ko na agad. "Libot lang ako kuya. Sindakin niyo lang si Taki dyan."

Sakto lang yung laki ng lugar. Tas ang talino lang nung nakaisip na parang double deck yung mga upuan pero walang kama. Para mas marami siguro yung mga makaupo. Meron pa rin namang mga normal na mesa at upuan pero di masyadong marami kasi may parang maliit na stage sa harap tas nandun yung mga musical instruments. Nilapitan ko yung gitara na mukhang pamilyar. Pero mas napansin ko yung nakakabit na namang origami kaya nagpalinga-linga muna ako bago ko mabilis na kinuha at binulsa 'yon.

Hindi naman nagkalat yung mga origami. Parang nakatago nga sila eh. Yun nga lang, kung saan ako napapatingin, may origaming maliit na parang tinatawag ako. Wala namang sumusuway sa'kin de kinukuha ko ahahah.

"Di naman bawal kuhanin'tong mga 'to 'no?" tanong ko kay Taki nung nilapitan niya ako tas nakita niyang pinulot ko yung isang bear origami. Sinulyapan ko kung saan nakaupo sina Papa, may mga inumin na silang lahat.

"Hindi naman yata..?" pag-aalangan niya. "Tama ba, pre?" baling niya kay Hiro.

Saglit pang inirapan ni Hiro yung kaibigan niya. "Ikaw ang may-ari, diba? Bakit di mo alam?"

Nailing na lang si Taki. "Oo yata. Pwedeng kunin yang mga yan."

"Ano..." simula ni Hiro. Nakaharap siya sa'kin pero yung ulo niya nasa iba nakatingin. "Mag-order ka na ng inumin mo. Ako na ang magbabayad."

"Di na. Ako na lang magbabayad nung akin." Tas iniwan ko na sila dun. Kung pumayag akong siya ang magbayad, baka gawin na naman niyang dahilan 'yon para utus-utusan na naman ako.

Sinundan ako ni Hiro sa counter tas magsasalita sana pero nasapawan nung host yung boses niya kaya di ko na narinig kung may sinabi siya. May mga pa-games pala. Newspaper game yung una.

"Charlotte...Sumali ka sa mga palaro. Maraming hinanda si Taki. Magaganda yung mga prizes," sabi niya.

Humigop ako nang marami dun sa inorder kong chocolate milktea na may black and white pearls. "Di na. Masakit pa ang katawan ko." Tinalikuran ko na lang ulit siya at bumalik na ako kung saan nakaupo sina Mama. Tama nga si bespren, kailangan ko nang magbawas ng kabaitan lalo na sa mga taong lagi naman akong binu-bully.

"Hindi ka naman sinindak masyado ng mga kuya ko?" tanong ko kay Taki na kausap pa rin sina Papa ko.

"Ha? Bakit naman nila ako sisindakin? Ayos naman silang kausap kanina," kunot-noo niyang balik-tanong.

"Wala naman." Siguro kasi nandito sina mama kaya di siya ma-hotseat nina kuya. Ayos na rin.

"Himala, bakit hindi ka sumali sa mga games?" takang tanong ni Papa.

Kumunot lang ang ilong ko. "Masakit po kasi ang katawan ko, Pa."

"Baka naman magkakaroon ka na? Nagdala ka ba ng napkin?"

Narinig ko pang nasamid si Taki pero hinayaan ko na lang. Masanay na siya kung magiging kaibigan ko siya. "Hindi po. Bibili na lang po ako diyan sa malapit na Ministop kung datnan nga ako, hehe."

"Naku ikaw na bata ka talaga. Pag ikaw natagusan, ikaw maglaba niyan ah."

"Opo."

Pagkatapos ng newspaper game, nagsalita ulit yung host. "For our next game...look for origamis hidden all over the place. The person who gets the most number wins a great prize!"

Napatuwid ako ng upo. Tas tinignan ko si Taki na nakangiti lang sa'kin.

Agad talaga akong tumakbo sa host. Nung binilang niya, nasa thirty yung maliliit na origaming nakuha ko. Hinintay pa talaga namin kung may makakatalo sa'kin pero lima hanggang sampu lang yung mga nakita nung iba.

De ako ang nanalo hehehe

Ang premyo: once a week free milktea. For life!

Wuhoo!


---

A/N: Ah... dapat sa Dec 26 ko 'to ia-upload eh. Pero inuna ko na.. para naman may pampa-GV after ng magkasunod na update ng FAD at MA na medyo masakit sa heart :)

Wala na akong masabi. haha.. Merry Christmas and a Happy New Year sa inyong lahat :) Sana di kayo magsawang subaybayan ang mga stories namin :)

-hunny

Posted on 23 December 2016, Friday

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...