HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 176

3.3M 66.5K 104K
By maxinejiji

DEIB'S POV

NAKAPANLULUMONG NOON pa lang nagawang kumilos ng body guards. Iginiya kami ng mga ito pabalik sa campus. Totoong mabilis ang pangyayari, kahit si Taguro na parang hangin na kung kumilos ay hindi napaghandaan ang bagay na 'yon.

Nagkagulo ang mga taong sumasalubong sa 'min at gano'n na rin ang mga nakikiusyoso.

Humahangos si lolo nang madatnan namin sa loob ng office. "Sesanghe!"

Hindi siya makapakali at panay ang sulyap kay Chairman Enrile na noon ay sinusuri ng mga doktor.Nahihirapan ito sa paghinga.

Pakiramdam ko ay huminto ang mundo at hindi mawala ang inis ko kay Taguro. Sumugod na naman siya nang basta. Hindi iniisip ang sarili o kung may mag-aalala ba sa kaniya.

Parang sandali akong nalagutan ng hininga sa ginawa niya! Tsk!

Hanggang sa sandaling iyon ay abala sa pakikipag-usap si Taguro sa kung sino-sinong matataas na opisyal na animo isang detective. Tuloy ay hindi ko siya malapitan at magawang kumustahin. Wala akong nagawa kundi ang sulyapan lang siya nang paulit-ulit. Lalo lang akong nainis.

"Ano ba, Deib Lohr, maupo ka nga?" sita ni daddy.

Hindi ko man lang namalayang nagpapaikot-ikot na pala ako sa loob ng office, katitingin sa kanila at kay Taguro.

Nanlulumo akong naupo at naihilamos ang palad sa mukha. "What the hell is going on?" sa wakas ay naibulalas ko. Hindi ko naitago ang pagkalito at galit na ikipinag-alala nila.

"Deib Lohr," pagtawag ni Noona.

Hindi ko man lang siya nilingon. "Can somebody tell me what the hell is going on?" muling tanong ko tsaka tumingin kay daddy. "Dad?"

"Nobody knows," mapagpasensya niyang asik. "Deib Lohr, this is not the right time to discuss about this. Look at your great grandfather, he's not"

"Dad," pigil ko sa kaniya. "Have you seen what just happened? Muntik na kayong mapahamak, lahat kayo." Sinikap kong kumalma, nabigo ako. "Please tell me, what's going on?" litong-lito, hindi makaintinding tanong ko.

"Will you calm down, Deib Lohr?" asik ni lolo. Napapahiya akong nagbaba ng tingin ngunit ang inis ay naro'n pa rin.

Humugot ako nang malalim na hininga at sumandal na lang. "Parati na lang bang gano'n?" nalilito kong sabi. "Hinahabol na tayo ng panganib. Pero wala tayong alam kung saan nagmumula at sino ang may pakana. May karapatan akong malaman dahil myembro rin ako ng pamilyang 'to. Nandito ako sa school na 'to at dito sila mismo sumugod. God, damn it!"

Hindi ako matahimik sapagkat pakiramdam ko ay may alam ang lahat maliban sa akin. Ngayon lang nangyari ang gano'n. At talagang nananakit ang ulo ko sa kaiisip sa posibleng dahilan. Ngunit wala akong mahita.

"I said, calm down," singhal ni lolo, galit na, dahilan upang matahimik ako.

My incapabilities frustrates me. Pakiramdam ko ay napakainutil ko. Wala na akong ginawa kundi isigaw ang pangalan nang kung sino-sino, at tumunganga. Wala akong silbi kundi ang panoorin ang nangyayari at maghintay sa resulta. Hindi ko maitatangging naduduwag ako pero nasisiguro kong may magagawa ako.

Hindi ko lang talaga alam kung paano. Tsk! Badtrip!

Nangibabaw ang nakakabinging katahimikan. Tanging ang maingay na hikbi ni Noona ang maririnig sa paligid.

Natinag na lang kami nang bumukas ang pinto. Magkakasunod na pumasok ang mga Moon.

"Chairman Moon," tumayo at hinarap ito ni lolo.

Tumango bilang pagtugon si Chairman Moon. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng opisina. Isa-isa niya kaming sinuri ng tingin bago iyon ipinukol kay Chairman Enrile. Pinanood niya ang mga doktor sa ginagawa.

"May mga nangyaring hindi inaasahan kanina at heto ang naging resulta," napabuntong-hininga si Lolo Dei Min. "Nahirapang huminga ang Chairman namin nang dahil doon."

"Nakarating sa akin ang balita," pormal na tugon ni Chairman Moon.

Bigla ay magkasunod na pumasok sina Maxpein at Maxwell, naagaw ang atensyon namin.

Nagtama ang paningin namin ni Taguro. Pakiramdam ko sa isang iglap ay nagawa niyang pag-aralan ang kabuuan ko, sinisigurong ayos lang ako.

Sa halip na matuwa ay tumayo ako at inis siyang hinila papalapit. "Magpapakamatay ka ba, o papatayin mo 'ko?" asik ko.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya. "What the hell are talking about, Sensui?" seryoso siya.

"Sumugod ka na naman nang hindi kailangan! Paano kung napaano ka? "

"Come on, Deib. Wala namang nangyari sa 'kin, 'di ba?" sinikap niyang maging kalmado. "Hindi ka pa rin ba sanay sa 'kin?"

"Sanay na ako, at sinabi ko na sa 'yong ayaw kong ginagawa mo 'yon."

"Bakit nagagalit ka?" nalilito siyang ngumiti, nagmukha tuloy iyong peke.

"Dahil nag-aalala ako sa 'yo."

"Walang nangyari sa 'kin."

"Paano nga kung meron?" asik ko, natigilan siya. "Palibhasa ay iniisip mo parati ang ibang tao, pero ang nararamdaman ko, hindi. Nakita mo na ngang may sumabog, lumapit ka pa, Taguro."

"Tss."

"Ikaw na rin ang nagsabi, tao ka lang. 'Yong mga bagay na ginagawa ko sa 'yo noon, iniiyakan mo. Pero bakit sa ganitong sitwasyon ay ang lakas ng loob mo?"

Umiling siya. "Hindi kita maintindihan. Hindi mo kailangang sabihin 'yan, lalo na ngayon. Hindi mo kailangang magkompara. Dahil noon, walang buhay na nadadamay. Ngayon, meron na."

"Pero hindi pa rin 'yan sapat na dahilan para sumugal ka."

"Deib Lohr," galit na pagtawag ni daddy. "Huminahon ka, hijo, pakiusap."

"Natatakot ka para sa pamilya ko pero sa sarili mo ay hindi. Taguro naman?" nanlulumong asik ko. Hindi ko maipaliwanag ang pinanggagalingan ng inis ko. Masiyado nitong natatabunan ang pag-iisip ko. "Sinabi ko na sa 'yong ayaw kong ginagawa mo ang pasugod sa gano'n kadelikadong sitwasyon. How can I make you understand?"

Lalo siyang napailing, nalilito sa bagay na hindi niya maipaintindi sa akin. "Dahil kailangan, Deib," mariing aniya. "Pang-intindi rin ang kailangan ko mula sa 'yo ngayon. Now if you don't mind, I have some things to discuss with my family."

"No," pigil ko sa kaniya. "I want you to talk to me first."

Inis na binawi ni Taguro ang braso niyang hawak ko. Sumama ang tingin niya sa akin. "You're overreacting,"aniya. Napamaang ako. "Kung hindi ko ginawa 'yon, sino sa tingin mo ang gagawa?" pabulong na aniya saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Ikaw?"nakakainsultong dagdag niya.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay bumagsak ang lahat ng dugo sa katawan ko. Namutla ako sa pagkapahiya. May kakaibang kirot na idinulot ang tanong niyang 'yon sa puso ko. Ang huling salitang sinabi niya ay nagtila pang-aalispusta sa buong pagkatao ko.

Nagtiim ang bagang niya. "Kasi kung sasabihin mo sa 'kin ngayon na magagawa mo 'yong ginawa ko, sige, titigil ako," hamon niya sa mapaklang tono. Gusto ko na namang mainsulto. Pakiramdam ko ay nasisiguro niya nang hindi ko magagawa 'yon gaya gano'n kapait niya iyong sinabi.

"So what do you mean?" naiinsulto kong tugon.

"Pamilya mo ang iniisip ko at hindi ang sarili ko. Kung hindi ko ginawa 'yon ay paniguradong mas malala pa rito ang inabot nating pare-pareho. Nakapag-iisip ka pa ba?" singhal niya. Doon ko lang naramdaman ang galit niya.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko iyong galit na galit, na halos umapoy nang mga mata niya. Ilang beses ko na iyong nakita pero hindi sa akin nakatuon kung hindi kina Choco, Mallyu at Yago.

Lalo akong nanliit. Ang mga salita niya ay unti-unting sumasaksak sa akin. Nagawa niyang iparamdam sa akin kung gaano akong kainutil. Hindi ko alam kung paano niyang naisusumbat ang mga salitang 'yon sa harap ng pareho naming pamilya. Naiinsulto ang pagkalalaki ko. Masakit sa pakiramdam.

"Lakas at kakayahan ba ang batayan dito, Taguro?" mayamaya ay tanong ko.

"Hindi. Pero iyon ang kailangan sa sandaling ito."

Tatango-tango akong bumuntong-hininga. "Alright, then I'm sorry," mapakla kong sinabi. "Nawala sa isip kong sobrang lakas mo nga pala."

"Enough," saway ni Chairman Moon. Nagtama ang paningin namin. "Naiintindihan ko ang pag-aalala mo para sa apo ko, salamat," sinsero, nakangiting aniya. Napakurap lang ako.

Nakakabilib ang gano'ng ugali ng Chairman Moon. Hindi ko alam kung paano niya nakukuhang ngumiti nang ganoon kaganda sa kabila ng ganitong klase ng problema. Puro kabutihan ang ipinapakita niya sa 'kin, at hindi ko alam kung karapat-dapat ba ako ro'n.

"Ayos na ba ang kaniyang lagay?" bumaling si Chairman Moon sa mga doktor na umaasikaso kay Chairman Enrile. Tumango lang ang mga ito. "Maxpein? Ano ang nangyari?"

Gusto kong manlumo. Hindi ko inaasahang si Taguro ang tatanungin nila nang ganoon. Alam kong wala rin itong alam, at gaya namin, nangangapa sa posibleng dahilan nang pangyayari.

Pero kung magtanong ang Chairman sa kaniya ay para bang hawak niya ang tamang sagot. Tch. Mga wirdo talaga.

Bumuntong-hininga si Taguro. "Hindi natukoy ang lalaking nakasakay sa motor, Chairman."

"Bakit hindi?"

"Nakaalis agad sila, Chairman." Unti-unti ay humina ang tinig ni Taguro, kabado. "Walang tao para makasunod sa kanila."

Nilingon ni Chairman Moon si Taguro at pinagkunutan ng noo dahilan para mag-iwas ito ng tingin. "Walang tao, Maxpein?" sarkastikong anang Chairman. Lalong nagbaba ng tingin si Taguro.

'Wag niya sabihing pupuntahan pa ni Taguro ang mga 'yon? Hindi kita maintindihan kahit kailan, Chairman.

Nabasag ang namuong katahimikan nang mag-ring ang telepono ni More. Tahimik siyang nakipag-usap bago bumaling sa ama. "May natagpuan na runaway vehicle sa may CDCP," patungkol niya sa lugar papuntang Manila. Nilingon niya ang anak. "Ano ang plaka?"

Kahanga-hangang naidikta iyon ni Taguro. Hindi ko man lang naisip na kunin iyon kanina. Wala na ako sa sarili. At hindi ko na naman malaman kung ano ang mararamdaman ko habang nag-uusap silang pamilya. Para silang pira-pirasong puzzle na may binubuo gamit ang iilang salita.

"Nasaan na ang motor, Maxwell?" baling naman dito ni More.

"Kinuha na ng mga pulis, dad," kaswal na tugon ni Maxwell saka tumayo. "I gotta go. May duty pa ako."Tumango siya sa lahat.

Napamaang ako. Sa ganitong sitwasyon, duty? Unbelievable. Magkakapatid nga sila.

Hindi ko naiwasang maalala iyong sandaling harangin ako ng grupo nina Mallyu at Yago. Nang sabihin niyang kailangan ko nang umuwi at mag-aral.

Grabe. Kakaiba talaga ang pamilya nila.

Para akong mababaliw sa kaiisip. Naiintindihan kong nag-aalala sila. Pero paano si Taguro? Bukod sa akin, sino sa tingin niya ang mag-iisip ng lagay niya? At bakit kailangang parating kumilos siya para maisalba ang buhay ng iba? Ano ba ang tingin niya sa sarili niya? Litong-lito ako, napupuno na naman nang napakaraming hindi masagot na tanong ang isip ko. At lalo lang iyong dumaragdag sa emosyon ko.

Hindi ko maiwasang magmaktol. I can't believe she said that in front of our family. I'm overreacting? Tch. Ano naman ang tawag sa kaniya? Pabida!

Mataman kong pinagmasdan si Taguro. Nagpapalitan sila ng kani-kaniyang impormasyon at suhestyon ng kaniyang pamilya. Pilit kong pinakinggan ang mga iyon pero sadyang wala akong maintindihan. Dahilan upang lalo kong maramdaman kung gaano ako kawalang-pakinabang sa ganitong klase ng sitwasyon.

Sa kabilang banda ay ipinagtataka ko ang lakas ng loob na nakita ko sa kaniya kanina. Bumalik siya sa dating Taguro na walang kinatatakutan. Malayong-malayo sa Taguro na takot na takot nang gabi na mapahamak siya.

Nilingon ako ni Taguro nang matapos silang mag-usap. Galit siya. Kung nakapagsasalita lang ang mga mata niya, sa tingin ko ay pwede akong mamura ng mga iyon sa galit.

"Sa tingin ko ay ayos na ang lagay niya," anang doktor na sumuri kay Chairman Enrile..

"Thank you so much, Dr Arandia," ani Randall. "Mag-iingat po kayo."

"Call me when you need me," tugon ng doktor. Inihatid sila ni Randall sa ambulansyang hindi ko man lang namalayang pumasok kanina.

"Sa tingin ko ay puwede na tayong umuwi," ani Chairman Enrile, inalalayan siya ni Randall patayo.

"I'll take you home, Chairman," presinta ni Randall. Umiling ang Chairman. "Chairman, please? Your car is not in good condition. Besides, kailangan pang tingnan ng mga pulis iyon. I hope you understand."

"Maaari rin na kami na lamang ang maghatid sa inyo," sabad ni Chairman Moon.

Nakakagulat ang galit na bumalatay sa mukha ni Chairman Enrile nang marinig iyon.

"Ngunit nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung gugustuhin mo. Pwede kayong ihatid ng mga tao ko,"suhestyon ni Chairman Moon.

"Hindi na," pagmamatigas ni Chairman Enrile. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa kinakailangang nandito kayo."

Natitigilan kong nilingon si Chairman Enrile. What's wrong with him? Bakit parang siya pa ang galit sa mga Moon? They're here to help. Tch.

Nangibabaw ang tensiyon sa pagitan ng makahulugang tinginan ng mga Chairman.

"Salamat, pero hindi ko kayo kailangan," dagdag ni Chairman Enrile. "Tayo na." Pinagbuksan siya ng pinto ni Randall.

Napapahiyang bumaling si daddy sa mga Moon. "Pasensya na, Chairman."

"Nauunawaan ko, Lohrton. Mag-iingat kayo pauwi."

"Salamat, Chairman Moon," napapailing na bumaling sa 'min si daddy. "Let's go."

Agad na lumapit sa 'kin si mommy. "Please be careful on your way home, baby, okay?" Niyakap ko siya at hinalikan sa sentido. "Before dinner dapat nasa bahay ka na."

"I will, mom. I love you," mahinang tugon ko.

Pinanood ko pa ang pag-alis nila. Ngunit naagaw ni Taguro ang paningin ko nang sundan niya ang pamilya ko.

Saan na naman ang punta niya?

Susunod sana ako nang pigilan ako ni Mokz. Umiling siya ng dalawang beses, sinasabing 'wag ko nang sundan si Taguro.

"Hayaan mong ihatid sila ni Maxpein. Don't worry, she's just making sure they'll leave safe. Calm down, apo."

"Bakit ba hinahayaan ninyo siyang sumugod nang gano'n na lang, mag-isa?" hindi ko napigilang magsalita. "Bakit imbes na kayo ay halos itulak ninyo siyang iligtas kayo? Bakit gano'n, Mokz?" sinikap kong maging magalang.

"Deib Lohr?" asik ni Lolo Dei Min ngunit hindi ko siya pinansin.

Nanatili ako kay Mokz. "I don't get it." Umiling ako nang umiling. "Bakit parating si Maxpein? Si Maxpein nalang nang si Maxpein. Bakit, ano ba si Maxpein?"

Natigilan at napamaang si Mokz sa paghingi ko ng paliwanag. Nagkatinginan sila ng mga Moon at sabay-sabay na napabuntong-hininga.

"Gano'n ba siya kalakas?" iling ko. "Bakit sa kamay ng mga lasenggong 'yon ay hindi ko nakita ang ganitong lakas niya, Mokz? Make me understand. I'm so confused. Saan nanggagaling 'yong ganitong lakas niya ng loob? Bakit ganiyan na lang ang tiwala ninyong hindi siya mapapahamak? Tell me."

"Dahil kaya niya," tipid niyang tugon. Inis akong nag-iwas ng tingin.

Kulang na kulang ang sagot na 'yon sa dami ng tanong ko. Ngunit hindi kapani-paniwalang gano'n kabigat ang naging dating niyon.

"Calm down, Deib Lohr," aniya pa sa pinakamahinahong paraan.

"How? Hindi ko magawang humihahon sa t'wing makikita ko siyang sumusugod nang mag-isa. Kung pwede namang ako na lang."

"No," seryoso siyang umiling saka hinawakan ang balikat ko. "May mga bagay na nagagawa si Maxpein. May mga pagkakataon naman na mahina siya. At hindi mo iyon maiintindihan. Sa ngayon ay hindi natin kailangan iyang nararamdaman mo. Sana ay nauunawaan mo." Pakiramdam ko ay napakarami niyang misteryo na hindi pwedeng ibahagi sa 'kin. Kaya pilit niya na lang pinasisimple ang pagpapaintindi.

Ako lang ba talaga ang nag-aalala? O overacting nga talaga ako? Kailangan ko bang gumaya sa kanila? Ang umastang walang pakialam? Hindi ako nakasagot. Ang inis ay naro'n pa rin sa akin.

"Heurt?" pagtawag ni Chairman Moon. "Pigain mo ang lalaking hawak mo. Kailangan natin ng sagot sa lalong madaling panahon."

Nilingon ko ang Chairman. Sinong lalaki? Hindi ko naiwasang maalala ang lalaking nahuli sa Palawan. Kung gano'n ay hawak nila 'yon? Bakit hindi nila ibigay sa mga pulis? Kunot-noo, wala sa sarili, akong napatitig kay Chairman Moon. At gano'n na lang ang gulat ko nang lingunin niya ako. Nag-iwas ako ng tingin.

"We should leave now," ani Maze mayamaya. Sinuyod niya ako ng tingin.

"Ihahatid ko na kayo," sagot ko saka sumabay sa kanila papalabas.

Nalingunan ko si Lolo Dei Min. Gusto kong mainis sa masama at makahulugang tingin niya. Para bang sinasabi niya na pagagalitan niya ako mamaya dahil sa iniasal ko.

Tch. Ako ang hindi ninyo maintindihan. Babae si Taguro. Hindi siya ang dapat na gumagawa nito.

May mga lalaking myembro ang kanilang pamilya. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit siya ang ginagawang bala. Habang ang kaniyang pamilya ay naghihintay lang sa sasabihin niya.

Ngayon ko lang naiisip kung bakit gano'n na lang ang gulat nila nang malaman ang nangyari kay Taguro sa kamay ng mga lasenggo. Hindi sila makapaniwala. At nagkukumahog na makarating agad sa bahay at malaman ang lagay niya.

Nabalitaan ko rin ang ginawa ni Chairman Moon sa mga lasenggo. Sa galit niya ay ipinakulong niya ang mga ito, habang-buhay. Ngunit kakatwang binigyan niya ng pangkabuhayan ang naiwang pamilya.

"Ye?" abala sa pakikipag-usap si More habang nasa daan papalabas ng campus. "What did you say?" bigla ay nagtaas siya ng boses, nangangamba, nakakakaba. "We'll be there!" dagdag niya dahilan para maalerto ako. "Heurt," nagtanguan sila nito.

"Is there something wrong?" tanong ko.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay nagkatinginan ang mga Moon. Hindi nila maitatago ang pagbabago sa ekspresyon ng kanilang mukha. Nasisiguro kong may hindi magandang nangyari.

"You need to go back inside," bigla ay hinawakan ni Mokz ang balikat ko. Ang proteksyon niya ay na kina Chairman Moon at Lolo Dei Min.

"Why, what's going on?" usisa ko, kabado. Ngunit bago pa man sila nakasagot ay nagsipagtakbuhan na sina Heurt at More kasama ang guards palabas. Bigla ay nalito ako sa dapat kong gawin.

Damn it! Humabol ako kay More. "What happened?"

"Go back inside," nag-uutos, mariing aniya.

"Please tell me what's going on."

"I said go back inside!" sigaw niya. Dahilan upang matigilan ako. "Nakikiusap ako. Itikom mo muna iyang bibig mo."

Ngunit sa halip na matakot sa kaniya ay natuliro lalo ako. Wala sa sarili kong nilingon ang labas.

Si Taguro...nasa'n si Taguro?

Mabilis na nagkagulo sa tertiary campus. Nahabol ko ng tingin si Heurt na noon ay parang hangin na dumaan sa nagtatakbuhang mga guard at estudyante.

May nangyari ba kay Taguro?

Bumabaw ang paghinga ko ngunit sunod-sunod. At iyon ang tanging naririnig ko sa nagsasara kong pandinig. Kinabahan ako at napraning sa posibleng nangyayari. Wala akong naisip kundi si Taguro.

"Faster!" sigaw ni Mokz sa mga tauhan, hirap sumiksik sa rumaragasang mga estudyante.

Nagmadali akong sumunod nang makalabas na ang lahat. At halos mapaatras ako nang bigla ay umalingawngaw ang nakabibinging pagsabog. Hindi ako makapaniwalang nangyayari iyon ngayon sa harapan ko. Hindi hamak na mas nakakatakot kompara sa nangyari kanina lang.

Mom... Mas nagmadali pa ako nang maisip ang pamilya ko.

"Deib Lohr!" pagtawag ni Maze ngunit hindi ko siya na siya nagawa pang lingunin. Sila ni Chairman Moon ang naiwan sa likuran ko.

"Son, you have to come with us, now!" sigaw na ani Chairman Moon. Ngunit hindi ako natinag, mas lumapit pa ako, natitigilan, hindi makapaniwala sa nakikita. "You're not going anywhere, Deib Lohr!" nauubusan ng pasensyang pagtawag niya.

"My family is in there, Chairman!" sigaw ko. Nakita ko pa nang ihilamos niya ang palad sa mukha, nagagalit dahil hindi ako mapasunod.

Noon ko lang naramdaman kung gaano kalaki ang parking lot na iyon. Pakiramdam ko ay hindi ko magawang lumapit kahit anong takbo ko.

Pigil ko ang hininga nang mapanood si Heurt na talunin ang harap nang paparating na itim na kotse. Sa isang iglap ay nahampas niya ng tubo ang rear window niyon.

Gano'n na lang ang panghihilakbot ng mga taong nagtatakbuhan palabas at papasok ng ospital, hindi na malaman kung saan pupunta. Hindi ko sila masisisi dahil tila gyera itong nasa harapan naming pare-pareho. Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan.

Agad namang hinanap ng paningin ko si Taguro. "Where's Maxpein?" wala sa sariling bulalas ko, kabado. "Nasa'n si Maxpein?"

"Go back inside!" ani Mokz, prinoprotektahan pa rin ako.

"No," asik ko saka wala sariling lumapit kay Heurt. Nakita ko siyang magulat, narinig ko siyang magmura. Ngunit ang paningin ko ay hindi nahinto sa paghahanap.

"Deib Lohr! Come back here!" sigaw ni More, hindi ko siya nagawang pakinggan.

Nasa'n si Taguro? Kunot-noo kong iginala ang paningin, naghahanap sa iisang lugar nang paulit-ulit. Nang sandaling iyon ay hindi ko na maramdaman ang takot. Hindi ko na maramdaman ang nginig. Hindi ko na iniinda ang kaba. Dahil ang tanging nangibabaw sa akin ay kakaibang pag-aalala. Where are you, Maxpein? What happened to you?

Agad akong natigilan nang sa wakas ay mamataan ko si Taguro. Napanood ko kung paano siyang sinipa ng lalaking nakaitim, hindi makita ang mukha dahil sa suot na helmet.

Sa lakas ay humampas si Taguro sa gulong nang nakahimpil na motor. Umarko ang likod niya sa sakit matapos niyon.

"Taguro!" Agad akong nilingon ng mga tao, maliban sa kaniya. "Damn it!"

Tumakbo ako papalapit sa gawi niya upang muli lamang matigilan. Oh, shit! Napanood ko nang ikasa ng lalaking iyon ang hawak na baril. Baril...may baril!

Agad akong humarang nang itutok nito iyon kay Taguro. "No!" sigaw ko.

"Deib..," natutulirong bulong ni Taguro.

"Oh, my god, no! Deib Lohr!" dinig kong tili ni Noona, hindi ko siya magawang lingunin. Ang paningin ko ay napako sa lalaking nasa aking harapan.

Inangat nito ang salamin ng helmet, nagtama ang aming paningin. Walang mabasa ni katiting na emosyon sa mga mata nito.

Who the hell are you?

Agad akong natigilan nang bigla ay ibaling nito ang baril sa akin. Rumagasa papalapit sa 'min ang kotseng tinalon kanina ni Heurt. Nangilabot ako nang bumaba ang tatlo pang lalaki mula ro'n at lumapit sa 'min. Pare-pareho ang kanilang mga suot, hindi nakikita ang mga mukha.

Hindi ko malaman ang gagawin. Nakikita ko ang galit sa mukha nina Heurt at Mokz, dahil hindi nila magawang lumapit. Natatakot sila sa pwedeng gawin ng mga kaharap namin ni Taguro.

Damn it! What should I do? Nagsisimula nang magwala ang sistema ko. Bigla kong naramdaman ang kaba, panginginig at takot. Hindi ko magawang alisin ang paningin sa kaharap ko.

"Isa kang Enrile," napalunok ako nang magsalita ang kaharap ko.

Sa iilang salitang sinabi nito ay napansin ko ang kalabuan nito ng pananalita. At batid kong hindi iyon dahil sa helmet. Kakaiba ang punto nito, matunog ang letrang "R". "Sino ang mga ito?" pormal nitong dagdag. Batid kong ang mga Moon ang tinutukoy nito.

Bigla ay nalito ako. Sinugod nila ang mga Moon nang hindi nakikilala? Hindi ko akalaing posible pa palang magtaka sa kabila nang nangyayari. 'Ayun na naman iyong pakiramdam na biglang huminto ang mundo. At tanging kaming dalawa ng lalaking ito ang naro'n.

Naramdaman ko ang pagkilos ni Taguro. "Move away," nahihirapan aniya.

"Are you okay?" tanong ko nang hindi inaalis ang paningin sa kaharap. Marahan akong umatras, naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran.

"Masakit ang king ina!" bigla ay singhal niya, hindi ko malaman kung paanong tutugunan.

Nagyabang pa, bad trip!

Narinig ko nang mag-ring ang telepono nitong kaharap ko. Nagawa nitong kunin at sagutin iyon nang hindi inaalis ang atensyon sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay hindi ko maintindihan ang salita nito.

Mayamaya lang ay ibinaba nito ang linya at itinutok muli ang baril kay Taguro. "Tatandaan ko ang mukhang iyan," banta niya saka umatras papalapit sa itim na kotse sa kaniyang likuran.

Ang baril nito ay pinipigilan kaming kumilos ni Taguro. Ngunit bago sumakay inasinta at pinaputukan nito ang gulong ni Randall, kung saan lulan ang pamilya ko. Matapos ay itinutok nito ang baril sa langit at saka nagpaputok ng tatlong beses. Nakita ko pa itong sumulyap sa amin bago tuluyang umalis.

"Don't follow them!" Sigaw ni Mokz ang pumigil sa pagkilos ni Heurt. "Sesanghe!"

Nahilamusan ni Mokz ang mukha. Natitigilan siyang tumitig sa dinaanan ng mga estranghero, saka natutulalang bumaling sa amin.

Gusto kong mainis nang mabasa ang panlulumo sa mukha ni Taguro. Mukhang nanghihinayang siya dahil hindi nakaganti ng sipa sa lalaki.

"Are you okay, babe?" tanong ko. Akma ko siyang hahawakan nang tapikin niya ang kamay ko. "What?"

"Bakit ba hindi ka na lang mapirmi sa iisang lugar?"

Napamaang ako. "I was worried about you."

"How about you, then?"

"How about you!" pagbabalik ko sa tanong, nakaturo sa kaniya. Hindi ko gusto ang timbre ng boses niya. Nagyayabang, nagmamalaki, nangunguwestiyon. Hindi siya nag-aalala, nagagalit siya.

Nangingiti siyang umiling, sarkastiko. "You don't know what you're doing, Deib Lohr. You're only putting yourself in danger!"

"Because I was worried about you!"

"You don't get it," asik niya, talagang galit. "I don't need you there!"

"Nakakainsulto ka na, alam mo ba 'yon?"

Umiling siya nang umiling. Nasapo niya ang noo, pilit humihinahon. "Whatever. Let's stop talking about what's done. 'Wag mo 'kong simulan." Pinagpagan niya ang sarili saka ako tinalikuran. "What the hell were you doing, Randall?" asik na naman niya.

Natigilan ito at walang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. "I got scared, I'm sorry. My family's with me."

Aligagang lumingon si Taguro sa parking lot. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita ang kanilang Chairman. Saka siya lumapit sa kotse ni Randall at binuksan ang pinto sa likuran.

"Kailangan kayong ihatid ng mga tao namin,"aniya kay Chairman Enrile. "Iyong suicidal lang ang pwedeng tumanggi. Kahit ngayon lang, Chairman Enrile."

Pasiring na tinalikuran ni Taguro ang Chairman. Animong kaedad lang niya ang kausap, galit. Makapangyarihan ang mga salita niya at natinag niyon ang aming Chairman.

Tumango si Chairman Enrile saka nag-angat ng tingin. "At sa susunod ay huwag na kayong makialam sa amin," mas makapangyarihan, nagmamalaki, walang-takot na sagot niya.

Chairman... Napailing ako, hindi makapaniwala.

Agad na kumilos si Mokz at kinausap ang kanilang mga tauhan. Tumulong ako na makalipat ang pamilya ko sa sasakyan ng mga Moon. Sina Randall naman ay ginamit ang kotse ko.

Noon pa lang nagsipagdatingan ang rumaragasang mga pulis. Agad silang kumilos at naghanap ng sugatan, pero walang nakita.

"Ano ang nangyari?" Nagkamali ng nilapitan ang hepe.

Kunot-noo, nakangiwi itong nilingon ni Taguro. "Wala." Saka niya ito tinalikuran upang bumaling sa 'kin. "Sumabay ka na sa pamilya mo."

"No, I'll stay here," pagmamatigas ko.

"Please take care of our son, Maxpein," dinig kong ani mommy. Hinalikan ko siya sa noo at pinanood na umalis. Inutusan ni More ang mga pulis na eskortan ang pamilya ko.

"Nakauwi na ba si Maxrill?" tanong ni Taguro.

"Pihadong naglalaro na iyon sa bahay kasama ang kaniyang bantay at mga tauhan," si Mokz ang sumagot.

"Paano ang homeworks niya?" angil ni Taguro.

Nasapo ko ang noo sa panlulumo. Iyong kuya ay duty ang inintindi, hindi man lang lumabas ng ospital sa kabila nang malakas na pagsabog. Ang ate naman ay assignments ng kapatid ang iniisip matapos humampas sa gulong at matutukan ng baril.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" nagulat ako nang balingan ako ni Taguro.

"Nandito ka pa, eh," napapahiyang sagot ko. "Galit ka ba?"

Hindi nawala ang masamang tingin niya. "Kailan ka ba masasanay sa 'kin?"

Napailing ako. "Nag-aalala lang naman ako sa 'yo, ano bang problema ro'n?" mahinahon kong sinabi.

Tinapik ako nina More at Mokz sa balikat bago tuluyang lumayo. Maging si Heurt ay tinanguan ko matapos kong lingunin. Pakiramdam ko tuloy ay mahihirapan akong paamuhin si Taguro.

"Babe," sinubukan kong lumapit pero umatras siya. Napabuntong-hininga ako.

"Wala ka nang dapat na ipag-alala, umuwi ka na sana."

Lumalaylay ang mga balikat ko. 'Ayun na naman 'yong kirot sa dibdib ko na dulot ng masasakit na salita ni Taguro.

"This is who I am, Deib Lohr," itinuro niya ang sarili. "Hindi ka pa rin ba sanay sa akin?"

Napailing ako. "Nag-alala ako dahil baka maulit 'yong nangyari no'ng napahamak ka. Baka tulad nang gabing 'yon, hindi mo magawang lumaban ngayon."

"Deib, naiintindihan ko 'yong punto mo."Nahilamusan niya ang mukha. "Pero ang punto ko, 'wag kang basta na lang sumunod sa 'kin. Ipinapahamak mo ang sarili mo."

"Ano ba'ng masama ro'n, Taguro?"

"Mas nag-aalala ako kapag gano'n, alam mo 'yon, 'di ba?" aniya sa paraan na para bang paulit-ulit niya nang ipinaalala 'yon.

"But what about you?"

Bumuntong-hininga siya, nauubusan ng pasensya. "Kaya ko ang sarili ko."

"I know, and I trust you. Natakot lang talaga ako dahil baka maulit 'yon nangyari no'ng nakaraan."

Unti-unting sumama ang kaniyang tingin. Nagsawa agad siya sa umiikot naming usapan. Nagbaba ako ng tingin at nahilot ang sentido ko.

"Babe," mahinahon kong sinabi. "Kahit ganito lang ako, kahit kulang ang kakayahan ko, gusto rin kitang proteksyunan."

"Sa anong paraan?" padarag niyang sagot.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya akong nasasaktan sa ganoong simpleng tanong lang. Marahil ay dahil nagagawa niya nang kwestyunin ang kakayahan ko, bagay na hindi niya ginagawa noon.

"Sa paraang susulpot ka sa harap ko sa t'wing may ganoong klase ng engkwentro?" dagdag niya. "Deib, ipapahamak mo lang ang sarili mo, pati na rin ako."

Napailing ako. Sinubukan kong hawakan siya sa braso ngunit agad siyang lumayo. "Taguro..."

"At kapag napahamak ka, sa tingin mo ba ay makakikilos pa ako?" mariing aniya saka umiling. "Hindi na."

Natitigan ko siya. "I'm sorry, babe."

"Paulit-ulit na lang tayong nagtatalo sa t'wing may mangyayaring ganito, Deib," aniya sa nagsasawang tono. "I already explained it to you and I'm expecting you to understand me. Pero hindi. Wala kang naintindihan."

"Dahil hindi ko naman talaga maintindihan,"natutuliro nang sagot ko. "Pakiramdam ko ay hindi pa rin kita kilala, Taguro. Why don't you tell me? Why is it so easy for you to risk your life in that kind of situation, Maxpein?"

"Oh, come on," sumusukong aniya. Gusto kong mainis.

"Mag-iisang taon na kitang girlfriend," ngunit naalala ko ang sandaling nawala siya. Pumakla ang mukha ko. "Well, maliban no'ng mga panahong wala ka," wala sa sariling sambit ko.

Naging matunog ang pagbuntong-hininga niya. "Lumalayo ka sa usapan," lumalabas na ang natural niyang angas, handa nang mandarag.

"Sa tingin ko ay hindi pa tayo pwedeng mag-celebrate ng anniversary," sarkastiko kong sinabi. Nangunot ang noo niya. "Dahil sa tagal nang panahong nawala ka, naging girlfriend kita sa maikling panahon."

"Ikaw pa rin naman ang mahal ko no'ng mga panahong wala ako, anong problema mo?" seryosong aniya, galit na.

Natigilan ako at napamaang. Tch. Paano niya ba nagagawang baguhin ang nararamdaman ko nang gano'n kabilis, sa ganitong sitwasyon? Tsk.

Gusto kong mangiti ngunit agad kong pinigilan 'yon. "Don't change the topic, Maxpein," kunot-noong sabi ko. "Sagutin mo ang tanong ko."

"Nasagot ko na 'yan."

"Wala akong matandaan. Bakit gano'n na lang kalakas ang loob mong sumugod sa gano'n kadelikadong sitwasyon? Sa gano'n kadelikadong mga tao?"

"Dahil nasanay ako sa gano'n," sagot niya, hindi nawawala ang talas ng tingin sa aking mata.

"Bakit at paano kang nasanay?"

"Saan patungo ang usapang ito, Sensui?"

"Sa kung saan mas makikilala kita, Taguro."

"Kung ano ang nalalaman mo sa 'kin ay sapat na iyon. Wala na akong dapat pang ipaliwanag sa 'yo." Ubos na ang kaniyang pasensya.

Akma niya akong tatalikuran nang pigilan ko siya. "Anong klase ng tao ang pamilya ninyo?"

Kumunot ang noo niya at animong nagliyab ang mga mata. "Ulitin mo nga ang tanong mo?"

Kinabahan ako. "Anong klase ng tao ang pamilya ninyo?" nag-aalangan nang pag-uulit ko. Agad akong nagsisi dahil mas pinag-alab niyon ang galit sa mga mata niya. "Babe," hinawakan ko siya sa braso. "Please, don't get me wrong, I just want to clarify things"

"No," asik niya saka binawi ang sariling braso. "You're not clarifying, you're judging my family, Deib Lohr." Nagtiim ang bagang niya. "Wala kang karapatang kwestyunin kung anong uri ng pamilya meron ako. Dahil hindi ko 'yan ginawa sa 'yo."

"Babe..."

"Wala akong kailangang ipaliwanag lalo na kung may kinalaman ang pamilya ko. Uulitin ko, hindi lahat ng bagay ay kailangang alam mo, Deib."

Pakiramdam ko ay nanliit ako sa pagkapahiya. Naramdaman kong sumobra ako. "I'm sorry, hindi ganiyan ang ibig kong sabihin."

"Just shut up," mahinahon nang aniya ngunit mahihimigan ang pagbabanta.

"Babe, I'm sorry," muli akong sumubok na lumapit, at muli ring nabigo.

"I hope this is the last time that I will tell you this,"bumuntong-hininga siya. "Huwag kang lalapit sa 'kin kapag alam mong delikado, kahit pa may bangas ako, o ano. Dahil hindi ka lalo makakatulong." Iyon lang at tinalikuran niya ako.

Bakit ba pakiramdam ko ay idinidiin mo sa 'kin na mahina ako? "Taguro..." Hindi ko na siya nagawang habulin. Sagot ang inaasahan ko at hindi ang ganitong pag-iwas mo, Taguro.

Nanlulumo ko siyang nasundan ng tingin. Nag-aalala ako sa galit niya. Pero hindi ako nagsisisi sa tanong ko, gusto kong malaman ang sagot no'n. At hindi ko makukuha 'yon kung mananahimik lang ako. Pero mukhang na-offend ko siya.

Ilang saglit pa bago ako nagdesisyong sumunod. Iyon na yata ang pinakahamahabang araw sa buwan na 'yon. Maliwanag pa pero napakarami nang nangyari.

Halos punuin ng estudyante ang quadrangle nang makapasok ako. Nasa harapan si lolo at ipinaliliwanag sa mga ito ang pangyayari. Nagsabi siya nang totoo sa mga estudyante, hindi niya alam ang posibleng dahilan ng pangyayari. At hinihingi niya ang tiwala ng lahat para sa kanilang kaligtasan.

"Magkakaroon tayo ng paghihigpit, at sana ay maintindihan ninyo iyon. Ako at ang aking pamilya, gayon na rin ang buong pamahalaan ng BIS, ay humihingi nang paumanhin at patawad sa hindi inaasahang insidente," nakikiusap na ani Lolo Dei Min.

Hindi mahinto sa pag-iyak ang ilan, ang karamihan ay nananatili ang bulungan. Mukhang hindi magiging madali ito. Ngayon pa lang ay mukhang alanganing magtiwala ang mga estudyante dahil sa nangyari. Nakapanlulumo.

Pero sa kabila no'n ay si Taguro ang hanap ko. Pilit ko siyang hinanap sa dagat ng tao pero nabigo ako.

Tsk. Nasaan na siya? Bakit ba napakabilis niya laging kumilos?

"Deib! Are you okay?" bakas ang pag-aalala ni Parrot nang malapitan ko, gano'n na rin ang mga kaibigan nila.

"Yeah," sinipat ko sila ng tingin. "I hope you're all fine." Nakipagtanguan ako kina Lee at Tob. "Have you seen Maxpein?"

"She's with her family," hindi mawala ang takot ni Parrot. "Ano ba kasi ang nangyari?"

"It's a long story," umiiling kong sinabi.

Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung paanong magkukwento. Paniguradong hindi ko sila makokontento. Hindi ko naman masasagot ang mga tanong nila.

Dumeretso ako sa office ni lolo. Nasisiguro kong nandoon si Taguro at pamilya niya. Hindi ako mapakali, nasisiguro kong lalo siyang magagalit dahil sa kakulitan ko. Pero hindi ako matatahimik kung galit siya sa 'kin.

Wala na akong plano na tanungin pa siya ulit tungkol sa napagtalunan namin. Pero ang isip ko ay hindi matigil sa paggalugad sa posibleng dahilan niya.

Bakit kaya galit siya sa tanong ko? Tch.

Abala sa pag-uusap ang mga Moon nang datnan ko. Gusto kong magulat nang makita si Maxwell doon at ginagamot na ang ilang sugat nina Taguro at Heurt.

"Are you okay?" bungad ni Mokz. Tumango ako.

Nilingon ko si Taguro. Prente ang pagkakaupo niya sa sofa. Nakasandal ang batok at nakatingala sa kisame. Batid kong alam niyang naro'n ako, pero pinili niyang hindi ako pansinin.

"I think it's better if you go home, Deib Lohr," ani Mokz. "It's not yet safe here. Posibleng bumalik ang mga iyon. Kailangan mo ring manatili sa tabi ng pamilya mo." Napabuntong-hininga ako. "Inaasahan kong makatutulong ka na rin sa kanila," makahulugan ang ngiti niya.

Batid kong iyong itinuro niya sa akin ang kaniyang tinutukoy. Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. Gusto kong mapahiya. Dahil ni isa sa mga itinuro niya ay hindi ko man lang nagamit ngayon. At inaasahan pa niyang may maitutulong 'yon sa pamilya ko.

"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung ano ang nangyayari?" nakikiusap kong bulong. "I'm confused about what's going on, Mokz."

Inakbayan niya ako. "Sa tingin ko ay ang Chairman ninyo ang makasasagot sa tanong mong iyan, hijo. Wala kaming nalalamang dahilan kung bakit ito nangyayari. Wala rin kaming nalalaman na pinagmulan."

"Maigi siguro muna kung mababantayan natin ang mga Enrile," suhestiyon ni Maze, kausap si More.

"Hindi na kailangan." Si Taguro ang sumagot, nasa kisame pa rin ang paningin. "Ayaw ni Chairman Enrile na ginagawa natin ito para sa kanila."

"Maxpein," naninita ang tinig ni Maze. "We have no idea who these people are, you need to be patient. Just because the Chairman reacted that way, doesn't mean you will listen to him. Most especially if you have ways to help them."

"No," nagmatigas si Taguro. "Ang kailangan nating tutukan ay kung paanong napasok ang teritoryo natin. Bukod do'n ay wala na tayong ibang kailangang pakialaman." Basta niya na lang hinigit ang braso mula sa kapatid, hindi na nag-abalang pabendahan ang sugat.

Natahimik ang lahat. Tila ba nagpapakiramdaman. Nabasag lang 'yon nang pumasok si Lolo Dei Min. "Sesanghe," sapo niya ang ulo. "Nag-aalala ako sa maaaring kahinatnan nito. Natatakot ako para sa mga estudyante. Nadadamay ang mga walang kamuang-muang sa mga bagay na dapat ay pamilya ko lamang ang nasasangkot. Kasisimula pa lamang ng pasukan at ganito na ang sumalubong sa kanila. Paano na lamang ang kaligtasan ng mga bata?" nag-aalalang aniya.

"Huminahon ka," ani Chairman Moon.

"Nakausap ko ang Chairman at gusto niyang isuspinde ang klase at simulan na lamang muli sa susunod na linggo." Nilingon ni lolo si Reycie. "Naitawag mo na ba sa DepEd?"

"Yes, dean." Lumapit si Reycie at may iniabot na papel.

Napapabuntong-hininga kong nilingon si Taguro. Hindi pa rin talaga siya tumitingin sa akin. Nakatuon lang ang paningin niya sa sugat ni Heurt na ginagamot ni Maxwell. 'Ayun na naman 'yong blanko niyang mukha, galit talaga.

Gusto kong ihiga ang buong katawan ko at ipahinga ang utak ko. Pati kami ni Taguro ay naaapektuhan sa mga hindi inaasahang bagay.

Natinag ako nang magsipagtayuan ang mga Moon at magpaalam. Sandali silang nakipagpaalaman kay lolo bago tuluyang lumabas ng opisina.

"Babe," habol ko. "Let's talk, please."

Bumuga siya ng hangin, inis pa rin. "I've got a lot of things to do. I think it's better if you go home first."

Gusto ko na namang manlumo. Napakamakasarili ko nang isipin kong sasabayan niya ako.

"Kahit five minutes lang," muling pakiusap ko.

"I'm not in the mood to talk, Deib."

"Are you mad at me?"

"No." 'Yon ang sagot niya pero ang tono at hitsura niya ay hindi tugma ro'n. "Pero hindi rin ako natutuwa sa mga sinabi at ginawa mo kanina. Alam mo na 'yon."

"Hindi ako aalis hangga't ganiyan ka."

"'Wag ka nang mapilit kung ayaw mong mas magalit ako."

"Babe?"

"Please."

"Sorry na."

"Isang pakiusap ko pa, tatablahin na kita." Batid kong seryoso siya sa banta niya.

Galit talaga siya. Tsk. Ano ba'ng ginawa ko? "Okay,"ngumuso ako. "Diyan ka naman magaling. Ang umiwas kapag may ganitong problema. Ang umalis at solusyonang lahat nang mag-isa," bulong ko.

"Okay," aniya saka tinalikuran ako. Hindi ko inaasahang magtutuloy-tuloy siya kasabay ng kaniyang pamilya. Hindi na niya ako nilingon pa.

Napapikit ako sa inis. "Let's go home, Deib Lohr."At nagmulat lang sa tinig ni lolo.

Pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili. Wala akong marinig sa mga sinasabi ni lolo pero nagagawa kong sumunod. Siya ang naghatid sa akin pauwi.

Sangkatutak na pulis ang dinatnan namin nang makauwi. Mukhang nangunguha ng impormasyon kina daddy at Chairman ang mga ito. Pero wala ro'n ang interes ko, sinakop na naman ni Taguro ang katinuan ko at huwisyo.

Maghapon akong nag-iisip ng mga anong, emosyonal at tensyonado. Ang atensyon ko ay napukol sa cellphone, naghihintay kay Taguro. Maging nang hapunan ay wala akong imik. Bagaman naririnig ko ang usapan nila tungkol sa nangyari.

Ngunit gabi na ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Pakiramdam ko tuloy ay gano'n na lang katindi ang galit niya sa 'kin.

Tuloy ako ang hindi nakatiis, tinawagan ko siya. "Oh?" sagot niya.

"Babe, 'wag ka namang ganito sa 'kin?" pilit ang ngiti kong sambit.

"Inaano na naman ba kita?"

"Galit ka sa'kin, eh," tugon ko. Bumuntong-hininga lang siya. "Hindi ka tumawag o nag-text man lang, nag-aalala ako sa 'yo."

"Alam mong umuwi ako. Tss. Besides, kaya ko ang sarili ko," malamig niyang sinabi.

"Taguro naman?" nanlulumong sambit ko. Naninikip ang dibdib ko sa malamig niyang pakikitungo.

Sandaling nangibabaw ang katahimikan. Tumitindi ang lungkot ko. Ngunit batid ko ang pagkakamali ko.

"Pwede bang," sa wakas ay nagsalita siya. "Pwede mo ba akong bigyan ng mga ilang araw para makapag-isip?"

Natigilan ako, panay lang ang kurap at lunok. May kung anong umalon-alon sa dibdib ko. Pilit kong inulit-ulit sa isip ang sinabi niya.

"Kaunting panahon lang," patuloy niya. "Ayoko ng ingay. Hindi ko kailangan ng ingay. I hope you understand."

"Iiwan mo na naman ba ako?" seryoso kong tanong.

Sandaling natahimik ang linya niya. "Hindi," kaswal niyang sinabi, napakadali. Ako naman ang natahimik. "Hindi ako aalis. Pero kailangan ko ng panahon para sa sarili ko."

"May panahon ka naman para sa sarili mo kahit tayo, Taguro," mahina kong sinabi, sapo ang sariling noo.

"Iyong ako lang, Deib," mahina ngunit may diin niyang sagot. "Kailangan kong makapag-isip."

Napailing ako. "Makakapag-isip ka naman kahit nandito ako, Taguro," sinikap kong huwag mautal.

"Pero mas makapag-iisip ako kung wala ka."

Hindi ako nakapagsalita. 'Ayun na naman 'yong masakit na pakiramdam. Nailayo ko ang telepono. Tahimik akong bumuga ng hininga sa nakakuyom kong kamao.

Alam ko ang hinihingi niya. Inilalayo niya ang sarili, at nasasaktan ako no'n. Hindi ko alam ang sasabihin. Matindi ang pagpoprotesta ng dibdib ko, gusto kong tumanggi.

"Hindi pwede, Taguro," natakpan ko ang aking mga mata at pumikit. "Hindi ko kaya," pabulong kong sinabi.

"Kaya mo. Kayanin mo," mariin niyang sinabi. "Dahil kailangan ko talaga ito ngayon. Pakiusap iyan at hindi utos, Deib Lohr."

"Hindi mo na ba ako mahal?" bigla na lang 'yong lumabas sa bibig ko, emosyonal masyado.

"King inang 'yan," napakahina ngunit dinig kong usal niya. Para iyong patalim na gumawa ng sugat sa puso ko. "Mga ilang araw lang 'to, Deib, sandaling panahon lang," pilit niyang itinago ang inis sa tono ngunit nabigo siya. "Kung hindi mo talaga maintindihan, sige, tsaka na lang ako magpapaliwanag. Sa ngayon, wala ka munang maririnig mula sa 'kin."

Nagtiim ang bagang ko. Pilit kong nilabanan ang nakapanghihinang sakit sa dibdib ko.

May dahilan ba para maramdaman ko 'to? Nasasaktan ako. At nakadaragdag sa sakit ang lungkot na dala ng sinasabi niya. Iyon lang ang alam ko.

"Mahal mo naman ako, 'di ba?" umaasang tanong ko.

"Mahal na mahal kita, higit sa pagmamahal na naipaparamdam ko," tugon niya. Pero hindi tulad ng dati, hindi niyon nagawang burahin ang nararamdaman ko. "Isip mo ang kailangan ko ngayon, Deib. I need you to understand me. I'm expecting you to understand me."

"Walang magbabago sa 'tin, 'di ba?"

Tanging buntong-hininga ang isinagot niya. Tuloy pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang kaniyang pasensya.

Naisubsob ko ang mukha sa palad ko. "Pasensya na kung nadamay ka pa sa gulo namin, babe," nakapikit kong sinabi.

"Ang ginagawa ko ay walang kinalaman sa gulo ninyo," nagmamatigas niyang sabi. "Lahat ng kilos ko ay para sa aming teritoryo. Iyon lang."

"Mahal na mahal kita, Taguro."

"Kailangan ko nang ibaba ang linya. Marami pa akong gagawin."

Napapailing ako. Ayaw kong isiping itinataboy mo ako. Ayoko. Tumangu-tango ako at pilit na ngumiti. "Ingatan mo ang sarili mo. Hihintayin kita, Maxpein." Ako ang nasaktan sa mga huling sinabi ko.

"Ingat, salamat," walang emosyong tugon niya tsaka pinutol ang linya.

Napatitig ako sa screen ng cellphone. Wala na ang pangalan ni Taguro. Panay ang kurap ko upang mapigilan maski ang pamamasa ng aking mga mata.

It hurts, Maxpein. Hinihiling mo lang naman ay kaunting panahon, bakit nagagawa akong saktan no'n?

Parang bumagsak ang lahat sa 'kin. Nahiga ako at pilit na hinimay ang mga sinabi ni Taguro. Umaasa akong maiintindihan ko pangangailangan niya nang hindi ako nasasaktan. Pero nabigo ako. Nagulat na lang ako nang bagaman nakatulala ay tumulo ang mga luha ko.

'Mahal niya ako. Mahal na mahal. Nang higit pa sa naipaparamdam niya sa 'kin.

Paulit-ulit ko 'yong sinabi sa isip. Namalayan ko na lang ay basa na 'ko ng luha. Pakiramdam ko ay noon ko lang ulit nakatulugan ang pag-iyak.

DUMAAN ang magkakasunod na araw. Lumipas ang buong linggo nang hindi ko nakikita si Taguro. Wala akong naririnig, ni balita man lang sa kaniya. Kung paano niya akong natitiis, gusto kong malaman.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako. At lumalakas lang sa t'wing maiisip kong makikita ko na siya matapos ang dalawang araw. Iyon na lang ang inspirasyong ginagamit ko para ganahang mag-aral.

Dalawang araw na lang, Deib. I know you can do it.

Gaya nang mga nakaraang araw ay umalis ako nang hindi nag-aagahan. Nag-aalala na ang pamilya ko. Pero dahil alam nila ang pinagdaraanan ko kay Taguro, hindi na sila nangialam pa. Ang paalala ay naro'n pero marunong silang dumistansya.

Araw-araw ay kinukuwestiyon ko kung paanong natatagalan ni Taguro na hindi ako kausapin. Tumagal siya nang hindi man lang nagte-text. Samantalang ako ay tila naghihingalo na. Kung nakamamatay lang ang pagpipigil na mai-text siya, baka ilibing na ako ngayon.

Napakahirap pero wala akong magawa. Kailangan kong irespeto ang kaniyang gusto, lalo pa't hiningi niya iyon nang maayos.

Gaya rin nang mga nakaraang araw, galit ang mga nakakasabay ko sa kalsada. Paano'y maging sa pagmamaneho, wala ako sa sarili. Nararating ko ang school nang hindi namamalayan.

"Hi, Lohr," tinig ni Eerah Anitha. "I missed you so much!"

Hindi na ako nag-aksaya ng sandali upang tingalain siya. Napabuntong-hininga na lang ako, pinipigilan ang sariling silaban ang katawan niya ngayon. Maski ang magalit ay hindi ko makuha, para akong nanghihina.

Ngunit ang panghihinang iyon ay awtomatikong napalitan ng lakas nang bigla ay mag-ring ang cellphone ko.

"Taguro?" sagot ko nang hindi iyon tinitingnan.

"Here!" ani Eerah Anitha. Inis akong nag-angat ng tingin. "Gotcha! Yes, yes, yes, Deib Lohr Enrile! I got your fabolous number!"

"What the hell?"

"I can take you to heaven if you're tired in hell." Kinindatan niya ako. "Oh, please don't get mad? Please?" nang-aasar niya pang sinabi matapos ko siyang pagkunutan ng noo. "Don't be"

Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin nang hilahin ko ang kaniyang kwelyo. "I warned you not to fuck with me but you didn't listen. I told you to leave me the fuck alone!"

"Mister Enrile?" pasigaw na tawag ng propesor.

Pabato kong binitiwan si Eerah Anitha. Ngunit hindi ko nagawang alisin agad ang masamang tingin sa kaniya. Kung hindi dumating ang propesor ay paniguradong higit pa ro'n ang nagawa ko.

"What is going on here?" lumapit sa 'min ang propesor.

"Buburahin mo ang number ko, o buburahin ko 'yang mukha mo? You choose," tiim-bagang kong bulong, nanggigigil. Walang naisagot si Eerah Anitha. Tumitig siya sa akin nang may takot bago ako tinalikuran.

Sinira na ni Eerah Anitha ang buong araw ko. Kahit anong pilit ko ay hindi maagaw ng discussions ang interes ko. Bagaman nasa mga propesor ko ang paningin ay naglalayag ang isip ko.

Tinawagan ko sina Lee at Tob nang mag-lunch break. Pero pareho silang may klase. Tuloy ay mag-isa akong pumunta sa mall para kumain at magpalipas ng oras.

Pabalik na sana ako sa school nang muling mag-ring ang cellphone. Wala pa man ay nag-iinit na ang ulo ko. Imposible talagang tumawag si Taguro.

Sinagot ko iyon. "Naalala mo na ba kung saan mo ako unang nakita, Deib Lohr Enrile?" agad na ani Eerah Anitha.

Kunot-noo akong natigilan. Ang mga mata ko ay awtomatikong nagmasid sa paligid. At gano'n na lang ang gulat ko nang matanawan si Eerah Anitha. Deretso siyang nakatingin sa akin, nakaupo at nagkakape malapit sa parking space ko.

Hindi ko siya sinagot. Basta ko na lang ibinaba ang linya. Saka ako dumeretso sa kotse.

Ngunit bago pa man ako makasakay ay umalingawngaw na naman ang boses niya. Sumisigaw na.

"Let go of me, you son of a bitch!" tili pa niya. Gusto kong malito kung paanong sa isang iglap ay nasa gano'n na siyang sitwasyon.

Kunot-noo ko silang sinilip. Hindi maganda ang sitwasyon niya. May dalawang lalaki na nakahawak sa braso niya. Habang ang isa pang kasama ng mga ito ay matapang at ngingisi-ngising tinatanggap ang mga sipa ni Eerah Anitha.

"Help me!" nakaririnding tili niya.

Napabuntong-hininga ako saka bumaling sa gawi nila. "Hey! Let her go," malamyang utos.

Nginisihan ako ng tatlo. Nakakaloko ang mga ngisi nila habang sabik na hinahaplos ang legs ni Eerah Anitha. Napapikit ako sa alaalang sinapit ni Taguro sa kamay ng mga lasenggo. Bigla ay nag-init ang ulo ko.

Sinugod ko ang mga ito at basta na lang hinila. Walang-awa kong pinagsasapak ang tatlo ngunit hindi ako makontento. Pakiramdam ko ay harap-harapan kong nakikita ang mga lasenggong tumarantado kay Taguro.

"Tama na!" sigaw ni Eerah Anitha. "Mapapatay mo sila."

Sa halip na pakinggan ay sinamaan ko rin siya ng tingin. Napaatras siya nang bawiin ko ang braso kong hawak niya. Napamaang siya, tuliro at animong nalilito kung bakit galit pa rin ako matapos siyang tulungan. Tumitig siya sa 'kin na animong may napagtantong bagay na siya lang ang nakaaalam.

Nilingon ko ang tatlong lalaki. "Alis!" singhal ko. Nagsipagtakbuhan ang mga ito.

"Oh, my god," tila nawala sa sarili si Eerah Anitha. Nakakasuya ang arte niya. "Thank you, Dei"

"Don't touch me," agad na banta ko.

"Thank you so much," emosyonal niyang sinabi, bakas ang takot.

Basta ko na lang siya tinalikuran at iniwan sa lugar na 'yon.

I want to see you so bad, babe. I'm begging you, tapusin mo na 'tong nararamdaman ko. Makipagkita ka na sa 'kin.

Wala na yatang lulungkot pa sa 'kin. Ang nararamdaman ko nagiging resulta ng mga kilos ko. Pati ang pag-aaral ko ay apektado. Gayunman, alam kong may pagkakamali rin ako dahil hinahayaan ko.

But I can't help it. Siya lang ang laman ng isip ko. May sandali pa ngang pinagsasalikop ko ang parehong kamay at pinaniniwala ang sariling sa kaniya ang isa ro'n.

Pilit kong kinalilimutan kung bakit humantong kami sa ganito. Sa simpleng pagtatanong ko ay nangyari ito. Nahihirapan ako pero kailangan kong kayanin, lalo siyang magagalit. Hinihiling kong sana ay matagalan ko rin nang gano'n kadali.

Napakahirap, Taguro.

Pinigilan ko ang pamamasa ng mga mata ko, nabigo ako. Pasimple kong pinunasan 'yon. Ngunit nang magmulat ako ay 'ayun na naman si Eerah Anitha sa harap ko.

"You look so tired and unwell, what happened?" nag-aalalang tanong niya. Gusto kong matawa sa asar. Hindi ko siya sinagot. "Would you mind if I join you?"

"Yes." Sinamaan ko siya ng tingin. "Leave me alone."

"Please? Hindi kita kukulitin, I swear."

"I don't need you. Besides, I hate seeing you."

"Please?" she begged. "Promise, titigilan ko na,"sinserong aniya. Hindi ko makuhang maniwala. "I can't believe you did that," dagdag niya, nasa kawalan ang paningin. "I didn't expect you to help me after all the headaches I've given you. Thank you."

"Whatever. Just leave me alone," nakikisuyo, nauumay na sagot ko.

Kahit gaano yata kalalim ang sinseridad niya ay hindi niyon mahigitan ang inis ko. Hindi ko mahanap ang pakialam ko sa kaniya.

"Do you have a problem?" nag-aalala niyang tanong.

Kung titingnan ay nawala bigla ang nakakaasar niyang landi. Pero hindi ko magawang sakyan ang sinseridad niya. Bagaman ganito ang kaniyang sinasabi ay lalo lang akong naaasar.

"I have noticed that you've been very quiet lately. You seem so sad. What's wrong?"

Lalong nangunot ang noo ko. "Akala ko ba ay hindi ka na mangungulit?"

Napapahiya niyang nakagat ang labi. "I'm sorry."

"Delete my number and never call me again."

"Nag-away siguro kayo ng girlfriend mo, 'no? Was it because of me?" malungkot niyang tanong.

"Wala kang pakialam."

"She's so lucky," nakangiti, sinserong aniya saka ako tinalikuran.

Nasundan ko siya ng tingin saka ako napailing. Sana ay ganiyan din ang naiisip niya sa 'kin.

WALANG paglagyan ang saya ko nang dumating ang araw ng Biyernes. Maaga akong bumangon at naghanda. Hindi ako sumabay sa agahan, si Taguro ang sasabayan ko. Ngayong araw ang pagtatapos ng paghihirap at pagtitiis kong makita siya.

"Finally," masaya akong sinalubong ng yakap ni mommy. "Nakangiti na ulit ang baby ko. Kiss kay mommy, baby!"

"Tch," nakasimangot kong inilapit ang pisngi ko. "I gotta go, mom. Sabay kaming magbe-breakfast ni Maxpein. I love you." Nakangiti akong nagpaalam sa lahat saka nagmaneho papasok.

Dumeretso ako sa social hall. Malayo pa lang ay dinig ko na ang sounds. Tuloy ay lumawak nang lumawak ang pagkakangiti ko.

Hindi ko alam na posible palang ngumiti nang ganito kalaki, Taguro! Hehe!

Wala nang paglagyan ang ngiti ko nang tuluyan akong makalapit. Kung pwede ko lang isigaw ang pangalan niya ay ginawa ko na. Ngunit ayaw ko siyang mapahiya sa mga kasamahan.

Nakatalikod sila sa gawi ko, patuloy sa pag-eensayo ng sayaw. Nakangiti kong pinanood ang bawat kilos ni Taguro. 'Ayun na naman 'yong masarap na pakiramdam sa dibdib ko, sobrang paghanga sa kaniyang talento.

Ngunit ang ngiting 'yon ay unti-unting nawala matapos nilang humarap sa gawi ko.

'Wag niya sabihing dance troupe din 'yan?

Kunot-noo kong pinanood ang mga kilos ni Lovemir. Na noon ay walang kabuhay-buhay na nagpapapadyak at nagtatatalon sa tabi ni Taguro. Hindi ko alam kung napansin ako nito. Sa tagal kong naro'n ay hindi man lang ito nag-abalang sulyapan ako.

Nilingon ko si Taguro. Ngunit nalunod yata siya sa sariling damdamin habang sumasayaw. Kagat niya ang labi, napapapikit at bigay na bigay sa paggalaw, animong may sariling mundo.

Nang matapos ay agad niyang kinuha ang gamit upang lumapit sa 'kin. "Good morning, babe," pilit ang ngiting bati ko.

"Napadaan ka?" kaswal niyang tugon.

Pinandilatan ko siya. "Biyernes na ngayon, babe."

Inosente siyang tumingin sa 'kin habang pinupunasan ang sariling pawis. Kinuha ko ang sariling bimpo at tinulungan siya.

"'Di ba ngayon tayo magkikita?" dagdag ko matapos kunin ang bag niya.

"May usapan ba tayo?" nalilito niyang tugon.

"Babe..."

Bumuntong-hininga siya saka nagpaalam sa mga kasama. Nanguna siyang lumabas ng hall.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "Let's eat breakfast together, babe."

"Sige," tugon niya saka sumabay sa 'kin. Tahimik lang siya, panay naman ang pagsimangot ko.

"Ayaw mo ba akong makita?" hindi ko napigilan ang sarili. Bagaman masakit para sa 'kin na alamin 'yon.

"Bakit naisip mo 'yan?" inosenteng tugon niya. Hindi no'n magawang suyuin ang nagtatampo kong damdamin.

Pakiramdam ko ay ayaw mo akong makita, Taguro.Hindi ko naisatinig ang laman ng isip ko. "Where do you want to eat?" Iniba ko ang usapan.

"Diyan na lang sa harap. Magsisimula na rin ang klase ko."

Nanguna siya, napapabuntong-hininga naman akong sumunod. Um-order lang ako at mabilis na naupo sa harap niya.

"How are you?" kaswal niyang tanong, patuloy sa pagpupunas ng pawis.

Gusto kong manibago. Matagal na sa 'kin ang isang linggong hindi kami nagkita. Pero sa paraan nang pakikitungo niya ngayon ay para bang isang dekada iyon. Napakalamig ng kaniyang pakikitungo. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na naabala at nasira ko na naman ang panahon na hinihingi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm not fine," pilit kong itinago ang lungkot, bigo ako. "I miss you so much. But I'm happy that you're with me right now."

Sandali rin siyang natigilan. "Na-miss din kita, sobra."

Gano'n kadali niyang binuhay ang pagiging emosyonal ko. Namasa ang mga mata ko. Pero agad ko rin 'yong pinalitan ng ngiti. Ayaw kong magmukhang kakatwa sa kaniya.

Batid kong marami akong katangian na hindi nakasanayang makita sa isang lalaki. Pilit kong inaalis ang mga iyon sa personalidad ko, kahit pa iyon talaga ang nararamdaman ko. Sinabi ko sa sariling iiwasan ko nang maging emosyonal. Pakiramdam ko ay iyon ang nakikita niyang dahilan kaya mahina ako.

"Okay ka na ba ngayon, babe? I mean, are you done with your priorities?" pinilit kong ngumiti. Napatitig siya sa akin saka tumango. "Bukas na 'yong party, ako pa rin naman ang partner mo, hindi ba?"

"Of course," tumango siya. "Hindi naman magbabago 'yon kahit pa magbago ang isip mo. Ikaw ang gusto kong makasama sa lahat ng klase ng okasyon," sinserong tugon niya.

Napangiti ako. Iba pa rin talaga ang epekto sa 'kin ng mga banat niya. Tumayo ako upang lumapit at yumakap sa kaniya. Hindi niya inaasahan.

"Ano ba?" natatawang angil niya.

"Babe," mas humigpit ang yakap ko.

Inilayo niya ang sarili saka tumingin sa 'kin. Hinaplos niya ang pisngi ko, lalo ko namang isinubsob do'n ang mukha ko. Nang hindi siya magsalita ay sumandal ako sa balikat niya.

"Lumayo ka sa 'kin dahil pawis pa ako."

"Ayoko, dito lang ako," nakangusong tugon ko, lalong isinusubsob sa kaniya ang mukha. "Akala ko galit ka sa 'kin. Hindi ka man lang nagte-text, babe," halos pabulong na maktol ko. "Natatakot ako, kasi baka pagbalik mo, hindi mo na ako mahal."

"Bakit mo naman naisip 'yon?"

"Bigla ka kasing umiwas, nag-alala ako."

"Sinabi ko naman kung bakit ko kailangang gawin 'yon, 'di ba?"

"Hindi ako sanay, Taguro." Nag-iwas ako ng tingin. "Ngayon ka lang nagalit nang gano'n sa 'kin. Ngayon ka lang humingi ng distansya sa 'kin."

Tila nakonsensya siya. "Mahal na mahal kita, Deib,"emosyonal niyang sinabi sa pinakamalambing niyang paraan. Parang hinaplos ang puso ko.

Gano'n kadali niyang nabura ang lahat ng negatibong iniisip ko. Pati ang positibo ay hindi ko magawang maisip. Pakiramdam ko, ang tanging alam ko ay mahal ko siya at mahal niya ako.

Magsasalita na sana ako nang bigla ay halikan niya ako. Napamaang ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko napigilan ang mapangiti.

"I was not expecting for a kiss," nagugulat kong sabi, nakangisi. "In this kind of public place."

"Marami akong kayang gawin na hindi mo inaasahan," nakangisi, nagyayabang niyang tugon. Panakaw niya ulit akong hinalikan.

"Hindi mo sinabing kasama mo sa dance troupe ang lalaking 'yon, babe," mayamaya ay sabi ko.

"Sino?"

"'Yong baduy."

"Baduy?" nagtaka siya.

"Tch. Si Lovemir," pagdidiin ko saka muling ngumuso.

"Interesado ka ba sa kaniya?"

Sumimangot ako. "Hindi. Tch."

Natawa siya. "Bakit kailangan ko pang sabihin sa 'yo, kung gano'n?"

"Tch! Dahil ako ang boyfriend mo."

"So?"

"Taguro, kailangan kong malaman lahat."

"Hindi," sumeryoso siya. Natigilan ako. "Dapat kong sabihin sa 'yo ang lahat nang pwede mong malaman. Pero hindi lahat nang gusto mo ay kailangan mong alamin."

"Tsk." Bahagya akong lumayo. 'Eto na naman kami sa pagiging misteryosa niya. Tch.

Bumuntong-hininga siya. "Oo, dance troupe siya. 'Yon lang ang isasagot ko. At hindi ka na dapat magtanong pa ng iba." Hindi na ako umimik. Kumain agad kami nang mai-serve ang pagkain.

Hindi ko maintindihan. May kung ano sa kalooban kong hindi matahimik, hindi makontento. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na malayo ang loob niya. Hindi ako sanay nang ganito siya, bagaman dati naman nang ganito ang ugali niya. Nakakaloko. Sa loob ng iilang araw na hindi ko siya nakita ay parang bumalik siya nang hindi ko na kilala.

Nang matapos kumain ay nagpresinta akong samahan siya. Kailangan niyang mag-shower. Tutal naman ay maaga pa.

"Let's eat lunch together," sabi ko habang nasa daan. Tumango siya. "Paniguradong marami kayong gagawin ngayon kasi matagal na walang klase."

"Siguro nga."

"I bet you're prepared for quizzes, exams?" nakangiti, bilib kong tanong.

Nagkibit-balikat lang siya. Ayaw kong pansinin ang nababagot niyang hitsura.

"Matalino ka at mayabang. Kaya inaasahan kong masasagutan mo lahat ng assignments, recitations, quiz, lahat," dagdag ko.

Ngumiti naman siya, bahagyang natawa pa. Nag-isip pa rin ako nang mapag-uusapan. Nakakailang kasi ang pananahimik niya. Malayo 'yon sa natural niyang ugali. Naninibago ako.

"May dala ka bang motor?" kamot ang noo kong tanong, nagbubukas ng mapag-uusapan.

"Yeah."

"Sayang, hindi kita maihahatid."

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid, kaya kong umuwi nang mag-isa," deretsong tugon niya.

Natigilan ako sa paglalakad. Nahinto rin siya at nagtatakang lumingon sa 'kin. Sandali kong kinalma ang sarili saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Mahal mo pa ako, 'di ba?" pilit ang ngiti at umaasang tanong ko.

Natigilan siya. "Oo naman."

Pinagmasdan ko ang mukha niya saka ngumiti. "Pwede mo bang sabihin?"

"Tss, ilang beses ko ba dapat sabihin?" natatawang tanong niya.

"Maya't maya," seryosong tugon ko.

"Ang daming arte. Kailangan ko ba talagang ipaalala sa 'yong mahal kita?"

"Oo."

"Bakit?"

"Walang kailangang dahilan 'yon, Taguro. I just want to hear you say it," nagmamaktol nang tugon ko, salubong ang mga kilay at matulis ang nguso.

Hirap na hirap pa rin siyang sabihin, inuuna na naman ang yabang. Tch. Sa mga nababasa kong pocketbooks ay babae ang ganito pero bakit sa mundo ko ay ako? Tch. Nasasaktan ako kahit sa ganito kaliit na paraan. At nakakabaliw ang sakit na 'to, Taguro, bakit hindi mo maintindihan?

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan. Nasasaktan ako. Sa tabi namin ay naroon ang umbrella kung saan niya unang sinabi sa 'kin na mahal niya ako. Hindi ko malilimutan kung paanong binura ng halik niya ang pag-aalala ko.

"Kailangan ko ba talagang magmakaawa para sabihin mo sa 'king mahal mo ko?" wala sa sariling naitanong ko. Natutuliro niya akong hinarap at tiningnan. "Emosyonal ako at makulit," inuhan ko siyang magsalita. "Sabihin mo sa 'kin, ayaw mo ba nang ganito ako?"

Humakbang siya papalapit, naguguluhan. "Deib, what are you saying?"

"Handa akong magbago, Taguro," pilit ang ngiting dagdag ko. "Kung gusto mong tahimik ako, kaya ko 'yon. Kung gusto mo namang maging basagulero ako, kakayanin ko rin 'yon. Pwede kong bawasan 'yong pangungulit ko, 'yong pagtatanong ko, 'yong pagdikit-dikit ko sa 'yo, pwede kong bawasan lahat. Kahit 'yong panghahalik ko. Pwede kong pag-aralan lahat, Taguro," nagmamakaawa ang tinig ko. "Gagawin ko 'yon"

"Hindi," pigil niya sa 'kin. "Hindi mo kailangang gawin 'yon. Dahil gusto ko kung ano ka."

Nakangiti akong umiling. "Pero bakit gano'n?"

"Ang alin?"

"Parang kulang na kulang ako?"

Natitigilan siyang tumitig sa 'kin. Saka natutulirong lumapit. "No," umiling siya nang umiling, nag-aalala. "Sobra-sobra ka para sa 'kin, Deib. At alam kong alam mo 'yon," mahina ngunit sinserong tugon niya. Muli siyang humakbang papalapit ngunit umatras ako. "Deib..,"nauutal niyang sambit.

"Sorry," nagbaba ako ng tingin. "Naguguluhan ako."

"Saan?"

Taliwas ang mga sinasabi at kilos mo, Taguro. Hindi ko nagawang sumagot.

Muli siyang lumapit, muli rin akong umatras. "Deib?"Ang tanging nagawa ko ay tumitig sa kaniya. "No," muli siyang umiling nang umiling. "Please 'wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Tell me, what's confusing you? 'Yong hindi ko madalas na pagsasabi na mahal kita? Mahal talaga kita, Deib."

Kung ako ang tatanungin ay kaya kong isigaw rito na mahal kita, Taguro.

Nag-iwas ako ng tingin saka iniabot pabalik ang bag niya. "Magkita na lang tayo mamaya. Sasabayan kitang mag-lunch." Hinaplos ko siya sa pisngi saka naglakad papalayo.

Sorry, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay bale-wala sa 'yo 'yong pagiging emosyonal ko. Kailangan ko nga yatang magbago. Kailangan ko pang bawasan 'yong ganitong arte ko, na sinasabi mo.

Dumeretso ako sa locker at naghalungkat. Wala ro'n ang atensyon ko, panay lang ang buklat sa libro.

Sinabi niya sa 'king mahal niya ako pero hindi ko maramdaman. Kung ako ay sobra sa emosyon, siya naman ay kulang. Sanay na ako ro'n dahil 'yon talaga ang pagkatao niya. Hinalikan niya ako at naramdaman ko naman ang tamis no'n. Nababaliw na ako. Kung ano-ano ang iniisip ko. Pero anong gagawin ko? Tsk! Masiyado yata akong umarte at hindi na 'yon panlalaki! Peste!

"Kailangan ko siyang puntahan," nakokonsensya kong bulong. "Baka magalit siya. Mas lalong hindi ko kaya." Kamot ang ulo kong isinara ang locker.

Ngunit pagbaling ko may pares ng labi nang sumalubong sa 'kin. Awtomatiko akong napaatras.

"What the fuck, Eerah?" singhal ko. Saka pinunasan nang pinunasan ang labi ko. "What the hell did you do that for?"

"I don't know why I like you so much, Deib. What did you do to me?" animong naguguluhan pang tanong niya.

Kunot-noo ko siyang inilingan. "What the fuck?"matindi ang pagtitimpi kong masaktan siya. Hindi ko malaman ang gagawin.

"What you did earlier, did you save me because you were worried?" batid kong iyong sa parking lot ng mall ang tinutukoy niya.

"Oo, pero hindi dahil gusto kita!" singhal ko. "Babae ka. At hindi ka dapat binabastos nang gano'ng lalaki. What the hell were you thinking?"

Nanlumo siya. "Bullshit," bulong niya. May ibinubulong siyang siya lang ang nakakaintindi. "This is the first time someone saved me, for real. And it happened to be you."

"So what?"

"That's damn attractive, asshole!"

"Tch! Get out of my face!"

"Damn you!"

"Huh?" Inis ko siyang itinulak. "Stay away from me. This is not funny, Eerah Anitha. I'll kill you."

"I want you to like me."

"Are you insane?"

"You heard me."

"In your dreams."

"I'll make you fall for me," siguradong aniya. "I'm everywhere, Deib Lohr. And you can take me for granted. Keep that in mind."

"Get lost!" Inis ko siyang tinalikuran upang muli lamang matigilan. "Taguro..." Hindi ko inaasahang nandoon siya.

"Oh..." Lumapit si Eerah at sinalubong ang tingin ni Taguro. "You know, you have to listen instead of eavesdropping?"

"Shut up!" singhal ko. "Get lost already!"

"Uh-ah," maarteng iling niya. "I think she saw us, maybe I can help you explain what we did?" sarkastikong dagdag niya.

Agad na nangunot ang noo ko saka bumaling kay Taguro. Tatalikod na sana siya nang humabol ako. "Babe,"I got terrified. "I can explain."

Umiling siya saka ngumiti. "Nakita ko lahat."

Damn it! Hindi ko nagawang magsalita.

"Aren't you going to slap me or something?" animong nagtataka pang ani Eerah Anitha. Inis ko siyang nilingon. "You know I'm worth it," sarkastiko pa ring dagdag niya.

"No," tanging tugon ni Taguro.

Napamaang si Eerah at saka natawa. "Okay then, the next time I want to do something nice, just slap me!"

"Okay," tugon ni Taguro. "Basta tandaan mo, ang panampal ko, kamao," dagdag niya saka ngumisi.

"Ugh! You're weird and...uhm," Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Taguro saka nagpatuloy, "Boring."Humalakhak siya. "You know that?"

Buntong-hininga lang ang isinagot ni Taguro saka kami tinalikuran. Agad akong humabol.

"Babe, let me explain." Nagmadali akong sabayan siya. "I told her to get away from me, babe. I did everything to make her go away but she's persistent. I tried to avoid her, I swear. I did everything to avoid her." Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin. Hindi siya nagsasalita. "Babe..." Nawawalan ako ng pag-asa.

Pilit siyang ngumiti. "Wala naman akong dapat na ipag-alala, 'di ba?" mahinahong tanong niya.

"Oo naman," paniniguro ko. "Mahal kita, Taguro at hindi kita magagawang lokohin."

"I'm fine with that." Tinapik niya ako sa balikan saka bumaling papalayo.

"Taguro?" muling habol ko. Nanatili siyang nakayuko. "Babe, I'm sorry."

"I love you everything about you, Deib, except the fact that she's around," aniya nang hindi nag-aangat ng tingin sa 'kin. "I'll see you tomorrow," dagdag niya saka ako tinalikuran. Mabilis siyang naglakad papalayo.

Tomorrow? Bakit tomorrow? Akala ko ba ay magkikita pa kami mamaya?

Gusto ko pa siyang habulin. Gusto ko pang magpaliwanag hanggang sa masiguro kong hindi siya galit sa akin. Pero nag-aalala ako. Natatakot ako na baka kung saan na naman umabot ang usapang 'yon kung ipipilit ko. Nangangamba ako na baka muli siyang humingi ng panahon at dumistansya sa 'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
93.9M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
109K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 291K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...