Rough Play

By Lilyreen

25.4K 335 37

Dale Louie Matthew Villamor is a repeater and black-sheep in Lexi Adrienne's class. Kahit na sumasakit na ang... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Side Note:

Chapter 3

2.9K 57 11
By Lilyreen


All rise! Chapter 3 is up! Sorry for the long wait. :)

Salamat sa readers ni DLM. 💕 Advance Merry Christmas readers 😉

Short UD lang pero susundan namin yan agad para makabawi sainyo. Neks nemern.

----------------------------------------------------------------------

Chapter 3

I felt my head is aching. Urgh! Blame the alcohol plus my friends. Marami-rami ata akong nainom last night. While my eyes is close, hinilot-hilot ko iyong sentido ko. I won't do that again. Hindi na ako ulit iinom.

Marahan kong binuksan iyong mata ko. And to my surprise...

"Dale?" He was looking at me. And I saw amusement dancing in his eyes.

Then I realized... Na hindi ko ito kwarto. My eyes grew wider at awtomatikong dumako ang mata ko sa katawan ko.

Oh my gosh!

Malakas akong napabuga ng hangin. I thought... Aish, Lex! Ano bang iniisip mo? God! Ang lakas ng kabog ng puso ko. Umiling-iling pa ako. Baka naman aparisyon lang ang nasa harapan ko.

Pero hindi, dahil sa nakangisi pa siya ng nakakaloko.

Napatayo ako ng bigla.

"What? I didn't do anything, babe." he even wiggle his brows. Inirapan ko siya.

"Ano bang malay ko kung may ginawa ka sa akin huh, Mr. Villamor?" He furrowed his brows.

"Will you drop that 'Mr' thingy? Hell, it irritates me." Inikutan ko siya ng mata. Nakita ko ang pouch ko sa bedside table at agad ko itong kinuha.

Mas mabuti pang umalis na ako dito.

"Hey, where are you going?"

"Hindi ba halata? Aalis na ako." mataray kong sabi sabay talikod sa kaniya.

But darn! He blocked my way when I was about to leave.

"Who told you to leave, Lex." ang lalim ng tingin niya. Nakakalusaw.

What the hell, Lexi?! Napalunok laway ako ng wala sa oras. My eyes went to his lips. No! Mali 'yan Lexi. Gumising ka! 'Wag mong pagnasahan ang labi ng lalaking iyan na nasa harap mo ngayon... Lalo na't estudyante mo iyan.

Inalis ko na ang tingin ko sa labi niya and damn! Nagtama ang mga mata namin. His eyes, there's something na mayroon sa kaniyang mata.

"Beautiful," he mouthed. My heart did a somersault. Para na talagang mababaliw iyong puso ko! And it's effin wrong! Malamang sa epekto parin ito ng alak... Yes, maybe.

I shook my head.

"Out of my way." mautal-utal ko pang aniya. God. Why I even stutter? Grabe ata talaga ang hangover ko.

"Not until you eat breakfast with me." he said and tinangay ako papalabas ng kwarto niya at dinala sa kusina niya.

"Sa bahay nalang ako kakain, Mr. Villamor. I refused to-" Tulala ako matapos niya akong halikan sa labi.

Goodness! This is not right!

Matapos iyon ay nakangisi siya habang hinahanda iyong mga pagkain. Ako nakatayo parin at 'di makagalaw.

He freaking kissed me!

"Why did you do that!?" singhal ko sa kaniya.

There's his usual smug smile. He leaned in. Napa-hakbang ako patalikod. We were only inches apart from each other. At akala mo'y nakipagkarera ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

He tucked my hair behind my ear and run his finger along my jaw line.

Shit!

"Dale."

Gosh. What's happening? Natutulala ako sa kaniya. I can't even barely breathe. Sobrang lapit niya sa akin. He was too close that I can't even think straight. Para bang nakatuon ang atensyon ko sa makasalanan niyang labi.

Oh, gosh! Lex. Mahalay ka.

Akala ko ay hahalikan niya ako ulit kaya napapikit ako ng wala sa oras. But...

"Let's eat." he then whispered seductively in my ears.

Tubig! kailangan ko ng tubig! Halos mahigit ko iyong hininga ko! How dare him. I really should avoid him. Hindi healthy para sa puso ko. I almost had a mini heart attack!

For heavens sake. Mapapatagal pa kung mag-iinarte pa ako. So I sat and ate with him. Hindi ako nagsasalita at kumain lang ako ng tahimik.

But hell! nabulunan ako bigla sa sinabi niya.

"I'm interested to you, Lexi." Agad akong uminom ng tubig. Mamamatay ako ng maaga sa taong ito. Mabuti na lumayo-layo na ako ngayon pa lang.

Hindi ko nalang siya pinansin. Mas makakabuti iyon. At mali talaga lahat ng lumalabas sa bibig niya.

I stood up. "Uuwi na ako, thank you." nagmamadali akong lumabas ng unit niya. Pero kapag minamalas ka nga naman... Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras.

"Oh god. Ano bang meron sa araw na 'to?" I mentally ask myself at saka tumingin sa langit.

Ang lakas-lakas ng ulan. Ni iyong kalsada nga hindi ko na makita. Sinabihan pa ako ng security na mas mabuti pa raw na 'wag ko ng balaking sumuong sa ganiyang kalakas na ulan. Nakasimangot na umupo ako sa lobby. Ni signal ng data dito wala! Paano ko mako-contact iyong mga kaibigan ko?!

Sana pala talaga hindi na ako sumama kay Xyleena. Ang babaeng iyon talaga! Urgh.

"Stay at my unit for a couple of hours, wait until the rain stops." he's standing beside me. He even put a jacket on my shoulder.

Ayoko!

Mas ikabubuti ko na hindi ako mag-stay sa unit niya.

"Thank you, but no, dito nalang ako maghihintay hanggang sa tumila iyong ulan." He raised his brows.

"I don't take 'no' as an answer"

Napahiyaw ako ng wala sa oras.

"Dale!" binuhat niya ako. Bridal style. Hindi ako mapakali! Ano bang pinaggagawa niya!?

"Ibaba mo na ako." I said in a calm voice. But he didn't listen and do nothing. I sighed. Napalunok laway ako. Ayan na naman iyong makasalanan niyang labi. Iniiwasan kong tignan. Pero nakakaakit talaga.

"You're staring." kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

"Hindi ah! Assuming ka!" Oh sige, Lex. Tanggi pa.

Umiwas na lamang ako ng tingin dahil ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Napansin niya! Baliw na talaga ako! Sinasabi ko nga ba. Mali talaga na lumapit ako sa kaniya. I admit! I had a little crush on him.

Oo, a little.

Nung mapansin ko sasakay na kami ng elevator ay agad na bumitaw ako sa kaniya. Tapos umurong ako dun sa pinakasulok.

Bahagya siyang natawa. Nakakainis!

"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" I glared at him.

"Nah. I find you cute when you're blushing." napayuko ako.

Nang bumukas ay nauna akong lumabas sa kaniya sa elevator. Matitiis ko ba talagang kasama siya? Sana naman kasi diba? Tumigil na iyong ulan.

I mentally sigh. Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Naupo na lang ako sa couch niya at patayo-tayong sumisilip sa veranda.

Bakit parang wala atang balak tumigil iyong ulan?

Nagdasal ako na sana ay tumigil na iyong malakas na ulan. Ngunit nabigo lamang ako dahil ganoon parin. Mas minabuti ko nalang maupo at maghintay.

Bandang alas dose y media ay tinawag niya ako para makapagtanghalian. Sasabihin ko pa sanang busog ako kaso traydor naman ang tiyan ko! Walanghiya. Nasa pinggan ko lang ang mata ko. Pakiramdam ko kasi ay matutunaw ako sa tingin niya. Nag-angat ako ng ulo para uminom at 'di sinasadyang napatingin ako sa kaniya.

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

He was looking at me intently. I saw how his lips form a smile.

Oh my god, Lexi! Compose yourself!

Napa-ayos ako ng upo at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pinggan kong may laman pa. We both heard a ring from a phone. Hindi akin iyon dahil kanina ay tuluyan ng namatay ito dahil sa dead batt na ito.

Napansin ko ang pagtayo niya at paglabas ng kitchen. Ako naman ay nagmamadali ng inubos ang pagkain ko.

"Lex..." sa gulat ko ay natabig ko ang pitsel na may lamang tubig dahilan upang ako'y mabasa. Oh god!

"Ang malas naman." halos pabulong kong sabi. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko! May hindi tama, para akong pinapaso. Parang sobrang init. Hindi ako mapakali.

"You can change your clothes, use mine." wala sa sariling napatango ako at nagtanong kung nasaan ang banyo para makapagpalit. Nagtaka ako dahil may common bathroom naman sa labas ng kwarto pero doon nalang daw ako sa may cr niya sa loob ng kwarto niya.

I just shrugged my shoulders.

Napanganga ako ng tuluyan na akong makapasok. Ang ganda ng kwarto niya. It was all black and white. Ang linis. At halatang mamahalin ang gamit.

Napanguso ako.

Mas malinis pa ang kwarto ni Dale kaysa sa akin. Nakakahiya.

Pinili ko na rin na maligo. Halos kalahating oras ata ang itinagal ko dahilan upang katukin niya ako.

"Lexi, are you okay?" nataranta ako.

"I am! Patapos na!" Masiyado ata akong natuwa sa pagbababad kaya hindi ko na namalayan ang oras.

Tinapos ko na agad ang pagligo ko. Noong una ay nagdalawang isip pa ako kung gagamitin ko ba ang tuwalya niya. My god! Sisiguraduhin kong hinding-hindi na ito mauulit. I never imagine myself like this.

I mean... Kasi diba parang ang panget kasi tignan.

OA mo Lexi, it's just a plain towel.

Lumabas ako ng banyo na nakatapis ng puting tuwalya. Nakita ko iyong damit sa ibabaw ng king size bed niya. Dahil sa katangahan ko pati pala underwear ko ay basa. Isang white t-shirt at boxer shorts ang pinahiram niya. I smell his perfume.

Gosh.

Napabuntong hininga na lang ako. Sakto namang tapos na ako makapagbihis ay bumukas ang pinto.

"Where's your clothes?" napakagat ako sa ibabang labi ko.

Damn.

Bakit ganito, parang may kung ano sa tiyan ko. Nagtaka pa ako sa tanong niya.

"Dry clean." He simply said. Napatango ako at kinuha ang suot kong damit na basa dahil sa sariling kong katangahan. Inabot ko iyon sa kaniya.

Nung magtama ang balat namin ay para akong napaso kaya agad akong napaurong. Nakita ko iyong pag-iwas niya at isinara na ang pinto. What was that?

Tinapos ko ang pagpapatuyo ko ng buhok ko at pagkatapos ay lumabas na. Nakakahiya naman kung magi-stay ako sa loob. Nagkatinginan kami pareho paglabas ko. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Pinamulahan ako ng pisngi.

What the? Lexi! Ano ba iyan!?

Hindi naman siguro bakat ang ano.... kasi. Basta hindi naman, e. Kasi makapal iyong tshirt na binigay niya. Umupo siya sa couch at tumingin sa akin. Nakuha ko ang gusto niya. I sat beside him pero may distansya sa pagitan namin. Doon lamang ako sa tv tumingin pero sa gilid ng mata ko ay napapansin kong nakatitig siya dahilan para magtaka ako.

At bigla ko nalang naalala.

"I'm interested to you, Lexi"

Napailing ako ng wala sa oras.

"You okay?" aniya. Halos mapalundag ako dahil ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. Hindi ako mapakali.

"H-huh? Ah, oo." sagot ko.

"Lexi." napatingin ako kay Dale.

Alam ko naman na may mali. Pero bakit ganito? Iyong tibok ng puso ko, kakaiba. Parang nagwawala. Kuryoso ko siyang tinignan. I saw how his eyes went down and he was looking at my... my lips. I swallowed hard.

"Dale..." wala sa sarili kong sabi.

Pinutol niya ang distansya na mayroon kami. And I close my eyes as I felt his soft lips. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Para akong tinutupok.

Damn, Dale Louie Matthew Villamor.

Ano bang ginawa mo sa akin?

And why I didn't pushed you away?

Why did I even let you kiss me again?

"Mine." he said as he fully claim my lips. 




#Ohmy
#ComebackIzReaaal
#DLMHowToBeYoursPo

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
125K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
24.2K 2.2K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...