MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED...

By ms_tearious

10M 103K 4.1K

Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magba... More

I. NEW
II. II. BADBOY AND SUPERGIRL
III. MR. NICEGUY VS MR. BADBOY
IV. FIRST KISS
V. IN LOVE
VI. REAL WORLD
VII. READY OR NOT
VIII. FALLING
IX. THE WEDDING
X. FIRST NIGHT
XI. REALITY
XII. PREPARATION
XIII. FOUNDATION DAY
XIV. BATTLE
XV. MOMENTS
XVI. NEW HOME
XVII. NEW SCHOOLMATE
XVIII. JEALOUS MARK
XIX. EVAN
XX. CONFLICT
XXI. CHARITY EVENT
XXII. CHRISTMAS BALL
XXIII THOR
XXIV. EVAN'S GIFT
XXV. ATHENS
XXVI. ATHENS 2
XXVII. SCHOOL PAPER
XXVIII. VALENTINES DAY
XXIX. IT'S OVER
XXX. REGRETS
XXXI. UNEXPECTED
XXXII. SHE'S BACK
XXXIII. I Love You Goodbye?
XXXIV. HURT
XXXV. DAVID
XXXVI. QUEEN JANINE
XXXVIII. TOGETHER AGAIN???
XXXIX. OUR SON
XL. MARK AND DAVID
XLI. HATE ME
XLII. COURTING HIM
XLIII. FAMILY BONDING
XLIV. ONE MORE CHANCE
XLV. YES
XLVI. PREGNANCY
XLVII. JANELLE MARGARETTE
XLVIII. OBSTACLE
XLIX. SUSPECT
L. SACRIFICE
LI. TRUTH
LII. LIFE AND DEATH
LIII. TIME
LIV. RENEWAL
LV. HAPPILY EVER AFTER
Nobelista

XXXVII. DEAL

155K 1.7K 64
By ms_tearious

XXXVII. DEAL

“Papayag na ako sa annulment.”bigla akong napatingala kay Mark, we’re now on the middle of the dance floor, pagkabalik ko galing washroom inaya ako ni Mark na magsayaw hindi ako nakatanggi dahil agad niya akong hinala sa dance floor.

“T-talaga?”hindi ako makapaniwala na pumayag ito at hindi ko rin maikakaila ang sakit na naramdaman ko sa kaalamang sumuko na siya and he agreed to our annulment. Sabagay yun naman ang gusto ko di ba? Pero bakit hindi ako masaya?

“Yes, but in two conditions.”mariin na sabi nito, maang na muling tumingin ako sa kanya.

“What conditions?”nakita ang pagseryoso ng mukha nito at kinabahan ako doon.

“First, you need to work in our company, technically may ari ka din ng JFF dahil ang perang ginamit ko dito ay ang pera na galing sa mga magulang natin nung ikinasal tayo, idinagdag ko lamang ang trust fund. You will work as company consultant, dahil dapat mong pangalagaan ang sarili mong kumpanya.” Kaswal na sabi nito na para bang kliyente nya ang kausap niya. patuloy pa rin kami sa marahan na pagsayaw, kung titingnan kami akala mo ang sweet naming dahil masyadong malapit ang mukha naming sa isa’t isa na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.

“Imposible yan, may sarili na akong buhay sa Nevada at temporary lang ang pagbalik ko dito. At isa pa nandoon ang buhay naming mag ina.”lalo akong kinabahan ng makita kong tumaas ang sulok ng labi nito na para bang nagpipigil ng ngiti, knowing Mark may iniisip itong kakaiba.

“Bago ka tumanggi alamin mo muna ang pangalawa kong kundisyon.”He smirked again.

“Go straight to the point Mr. Fuentabella!”may halong inis na sabi ko sa kanya, naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang apektado ako ng presensya niya at natatakot akong mahalata niya iyon. Tuluyan na itong ngumiti na siyang naging upang magrigodon ang puso ko.

 “Hindi ka pa rin nagbabago Mrs. Fuentabella. Sige ang pangalawang kundisyon ko ay, kailangan magsama ulit tayo bilang mag asawa sa loob ng dalawang buwan, subukan nating ayusin ang relasyon natin, but after two months if you still want to pursue the annulment kahit ayaw ko, buong puso kong ibibigay sayo ang kalayaan na gusto mo.”hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, his wearing his poker face and I don’t know what to think and feel regarding his offer.

“Matatanggap ko siguro yung una mong kundisyon pero yung pangalawa, bakit pa?”I felt the familiar pain in my chest. Bakit kailangang may palugit ang pagsasama namin? Gusto ko sanang sabihin sa kanya that I want him back pero nag aalangan ako dahil baka maulit nanaman ung ginawa niya noon. Pero nung nakita ko ang hitad na si Abby kanina narealize ko lang na hindi ko kayang ipamigay ang sarili kong asawa, because I still love him, no hindi ako tumigil na mahalin siya.

“Bakit ba parang ayaw na ayaw mo na talaga sa akin? Alam ko namang malaki ang kasalanan ko sayo, pero please pagbigyan mo na ako, two months please.”his plead is like a music to my ears, pero konting pakipot muna, ano siya masyadong swerte para pagbigyan agad? I smiled secretly namiss ko ang ganitong pakiramdam with Mark.

“Let me think about it.”kunway sagot ko sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti na akala mo ay pumayag na ako sa gusto niya.

“Hintayin kita sa Monday sa opisina, pagdumating ka ibig sabihin tinanggap mo yung offer ko. Hintayin kita babe.”he kissed me on my forehead at lalong hinigpitan ang yakap sa akin habang marahan kaming sumasayaw.

“Ang sweet ninyong dalawa ah. Ano bumigay ka na ba sa charm ng hot mong asawa Faye?”bulong sa akin ni Zian pagbalik naming sa table, nakaupo din si Mark sa ma tapat naming ni Zian at nakatingin ito ng masama kay Zian dahil sa pagbulong nito sa akin.

“Tigilan mo ako Zian.”gumanti din ako ng bulong sa kanya at kung titingnan kami akala mo ay napakasweet naming dalawa.

“Faye, baka bigla akong tumumba dito, yung asawa mo mukhang papatayin ako, sama makatingin eh.” Tumingin ako kay mark nakita kong humigpit ang hawak nito sa kopita habang nakatingin sa aming dalawa ni Zian.

“Hayaan mo siya, for sure kaya mong saluhin mga suntok niya.”tumawa ako ng mahina dahil nakita ko ang takot sa mukha ni Zian dahil sa sinabi ko.

“Wag mo akong tinatakot Faye.”mahinang sabi nito kaya lalo ko siyang inasar, its like hitting two birds in one stone, una ang asarin si Zian at pangalawa ang pagselosin si Mark. Inilapit ko ang mukha ko kay Zian ang ngumiti ako ng ubod ng tamis sa kanya, nakita ko ang gulat at pagtataka sa mga mukha nito.

“Boyfriend naman kita eh.”I winked at him, halos mawalan ng kulay ang mukha nito ng lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya, gusto kong tumawa ng makita ang reaksyon mukha nito ng bigla may humila sa akin patayo.

“What?” I asked him. He stared at me then nabigla ng kabigin niya ako and he kissed me. Bigla akong nanigas dahil sa bolta boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa buo kong pagkatao. Pakiramdam ko biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko at hindi ko na naramdaman ang mga tao sa paligid namin, ang alam ko lang ngayon kaming dalawa lang habang magkalapat ang mga labi namin. His lips moved and with that hindi ko na napigilan ang sarili ko I answered his kiss. Oh! I missed his kisses, so tender, parang ingat na ingat yet so sweet.

“Hey! Ituloy nyo yan sa bahay ninyo!” bigla akong humiwalay sa kanya ng marinig kong sumigaw si Anne, psh! Panira naman ng moment itong buntis na ito. Tiningnan siya ng masama ni Mark.

“Pinsan, alam kong miss na miss ninyo ang isa’t isa pero nakakagaw kayo ng atensyon.”nag init ang mukha ko sa sinabi ni Drei, muntik ko ng makalimutan ang mga tao sa paligid namin na nakatingin ngayon sa gawi namin.

“I’m just branding what is mine. Janine is mine and she is my wife.”seryosong sabi ni Mark habang nakatingin sa nakatulalang si Zian.

--

“Good morning Ma’am.”

“I want to talk to Mr. Fuentabella.”nakangiti kong sabi sa secretary ni Mark, parang hindi ito yung secretary last time na pumunta ako sa building na ito.

“May appointment po ba kayo?”tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at tumaas pa kilay nito, I think hindi niya ako kilala.

“I don’t need an appointment. Bago ka ba dito?” nagpigil akong magtaray sa harapan ng babae na ito.

“Yes.”mataray na sagot nito. Nginitian ko ito bago ako muling nagsalita.

“Okay. Let me in, I need to talk to him.” muli ako nitong tinaasan ng kilay, gustong tirisin ang babaeng ito ngayon.

“Hindi pwede, wala kang appointment.” pabalang na sabi nito sa akin.

“Tell him her wife is waiting.” nakangiti kong sabi sa kanya. Tinawanan niya naman ako.

“Sa pagkakaalam ko walang asawa si sir Mark, hindi mo na kailangan gumawa ng kwento kasi hindi pa rin kita papatuluyin.” tuluyan na akong nainis, kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko I called Drei since wala pa akong number ni Mark.

“Hello Drei, nandito ako ngayon sa JFF, I need to see Mark, ayaw akong papasukin ng secretary niya.” kinausap ko si Drei sa cellphone habang ang mata ko ay nakapako sa secretary na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin.

“I’ll call Mark, on the way palang ako sa JFF.”sagot nito mula sa kabilang linya then I ended the call.

“Ano ayaw mo pa rin ba akong papasukin?” tanong ko sa kanya.

“Gasgas na yang style mo. Don’t be such a slut.” May halong sarcasm na sabi nito at hindi nito napansin na bumukas na ang pinto ng opisina ni Mark at narinig ni Mark ang mga sinabi niya sa akin.

“Ms. Santos, iligpit mo na ang mga gamit mo. You’re fired.”galit na sabi ni Mark sa kanya at mukhang nabigla ito.

“But sir-“

“No more buts! Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko, JFF itself Janine Faye Fuentabella. I’m sorry babe, bago lang siya dito. Anyway she’s fired.” lumapit ito sa akin at he kissed me on my lips bago inaya akong pumasok sa opisina nito.

“You came, ibig sabihin tanggap mo ang offer ko?” hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay ko.

“Yes.”tipid kong sagot sa kanya, he hugged me.

“Okay babe, since wala na akong secretary, ikaw nalang secretary ko.”sabi nito sa malambing na tono habang yakap pa rin ako. Marahan ko siyang itinulak.

“Akala ko ba Consultant ako?”nagtatakang sabi ko sa kanya.

“Oo, consultant ka slash secretary, yung opisina mo eh yung katabi nito office ko, hindi mo ba nakita yun?” sabi nito at muli akong niyakap.

“Bakit ba yakap ka ng yakap!” kunwari’y inis na sita ko sa kanya pero halos matunaw na ako sa kilig.

“Namiss kita. At hinding hindi ko sasayangin itong second chance na ibingay mo. I will make you fall in love with me again. Ipapakuha ko na yung mga gamit mo doon na tayo uuwi sa bahay natin mamaya.”hinalik halikan nito ang buhok ko.

“Teka lang ha? Pwede linawin natin yung deal, hindi pa nga malinaw yung deal nanantsing ka na dyan! Bitiwan mo nga ako, para kang unggoy kong makalambitin sa akin.” pagtataray ko sa kanya, binitwan niya naman ako at matiim na tumingin sa mga mata ko.

“Okay. Two months, yan ang hinihingi kong time sayo, sa loob ng panahon na yan gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako at mahalin mo ulit ako.”punong puno ng damdamin na sabi nito.

“At pag hindi nangyari yun?”hamon ko sa kanya.

“Then I will set you free.”mahina nitong sabi na parang ayaw lumabas sa bigbig nito ang mga salitang iyon.

“And one more thing.” sabi ko sa kanya tumingin ito sa akin na parang nagtatanong.

“We will sleep in separate room.”gusto kong matawa sa mukha ni Mark ng sabihin ko iyon para itong natalo sa sugal.

“What? Why?”litong taong nito.

“Dahil ayoko ko at may boyfriend ako remember?”pang iinis ko sa kanya. He cursed.

“Okay payag ako, pero sa loob ng dalawang buwan hindi ka makikipagdate sa kanya, akin ka lang pag hindi ka sumunod gagahasain kita at bubuntisin para wala kang rason na iwan ako!”may halong inis na sabi nito.

“Pervert ka talaga!”sigaw ko sa kanya ngumisi naman ito at kinidatan pa ako.

“Mahal kita.” sagot nito na nagpakilig naman sa akin, gusto kong sabihin na mahal ko din siya pero hindi pa ito ang tamang oras.

“Tigilan mo ako. At pakisabihan yang linta mong babae na wag siyang magpapakita sa akin.” tinaasan ko siya ng kilay.

“Babe, I’m sorry about Abby, at tinapos ko na kung ano mang meron kami. Sorry dahil nagpadala ako sa kanya, babe promise hindi na ulit mangyayari yun. I can’t lose you again, baka mabaliw na ako.” Ramdam ko ang sincerity niya, at kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata nito.

“Siguraduhin mo lang, kung hindi mawawalan ka ng kaligayahan.” tiningnan ko ang pundilyo ng pantaloon niya, sinundan naman niya ng tingin ang gawi ng mga mata ko sa bandang ibaba ng bahagi ng katawan niya. Nakita ko siyang napalunok ng marealize niya kung ano ang tinutukoy ko. Alanganin naman itong ngumiti sa akin at parang pinagpawisan ito bigla.

“Ang init, sira yata ang aircon.”hindi mapakaling sabi nito, with his looks I know his turned on.

“Hindi sira ang aircon Mr. Fuentabella.” Humakbang ako palapit sa kanya at inilagay ko ang palad ko sa may dibdib niya, ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya. Sunod sunod itong napalunok at lalong pinagpawisan.

“What are you doing?”malat na tanong nito.

“Wala naman, masama bang gawin ito sa asawa ko?” napangiti ako ng lihim ng makita kong apektado ito sa ginagawa ko. Isa sa mga rason ko kung bakit ako pumayag sa deal na ito para pahirapan siya sa paraan na alam ko, parusa sa kanya sa pagpatol niya sa hitad na Abby na iyon.

“if you’re seducing me, I tell you babe it’s really damn working.”kita kong nahihirapan ito, his eyes were burning with passion.

“Babe, I will not share my bed with you. You don’t deserve it, yet.”malambing na sabi ko sa kanya.

“Ma-.”bigla akong lumayo kay Mark ng marinig ko si Drei. Mukhang nabigla ito sa nakita.

“Learn to knock Drei.” inis na sabi ni Mark sa pinsan. At mukhang nakabawi naman ito sa pagkabigla, ngumiti ito sa akin.

“Kanina pa ako kumakatok, alam ko na kung bakit hindi nyo narinig. By the way welcome sa JFF Faye.” may halong pang aasar na sabi ni Drei.

“Thank you! Anyway baka pwede muna ninyo akong ipasyal sa company.”kunwariy masiglang sabi ko at pilit na kinakalma ang sarili dahil ako mismo apektado sa ginawa ko kay Mark, sana lang hindi niya nahalata.

Inilibot ako ni Mark sa buong JFF at ipinakilala sa mga empleyado as his wife and also as a owner of the company since mag asawa kami. Maraming nagulat at namangha ng makita ako, kalat na din sa buong building ang poster ko as the model of JFF Cruise Ship. Nagpatawag din ito ng board meeting para pormal akong ipakilala as part of JFF. May mga ibinigay din siyang papers sa akin para mafamiliarize ako sa takbo ng negosyo.

“Let’s go home babe, 8pm na.”nandito ako ngayon sa sarili kong opisina busy sa pababasa ng mga papeles kaya hindi ko na namalayan ang oras. Nakaramdam ako ng pagod at gutom.

“Convoy nalang tayo may dala akong sasakyan.”sabi ko sa kanya habang nililigpi ko ang mga gamit ko.

“No, iwanan mo nalang dito yung sasakyan mo, pagod ka na at hindi ka na dapat magdrive.”pumayag na lamang ako at wala din naman saysay kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Bago kami tuluyang umuwi dumaan muna kami sa isang restaurant upang kumain dahil pareho naman kaming gutom.

“Thank you Janine.”kadarating lang namin sa bahay, umupo muna ako sa sofa I’m really tired.

“For what?”tanong ko sa kanya isinandal ko ang katawan ko sa sofa para maging kumportable ako.

“For giving me a chance, hindi mo lang alam kong gaano mo ako pinasaya lalo na at muli kitang nakasama magdinner at ngayon nandito ulit tayo sa sarili nating bahay. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.” I saw him walking towards me.

“Ang dami mong sinasabi, itulog mo nalang yan pagod lang yan.”pambabalewala ko sa mga sinabi niya pero ang totoo masaya ako. Ayaw ko lang ipakita sa kanya dahil natatakot pa rin ako na maulit ang lahat ng nangyari noon.

“Mukhang ikaw ang mas pagod.”narinig kong sabi niya, ipinikit ko saglit ang mga mata, oo pagod talaga ako. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa sofa. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko at marahan niyang minasahe ang balikat ko. It feels good and relaxing.

“Like it?”his voice was husky at sexy ang dating nito sa pandinig ko. Tumango na lamang ako, this guy is turning me on. Maya maya pa ay naramdaman ko ang mga labi nito sa leeg ko giving butterfly kisses na nagdulot naman ng kilabot sa buo kong pagkatao and it feels good. Parang biglang nawala ang pagod ko.

“I missed you babe.”then he kissed me on my lips, gusto ko siyang itulak, hindi ito tama pero ayaw naman sumunod ng katawan ko at sa huli natalo ang depensa I answered his kiss with equal passion.  I felt his hands moving all over my body humahaplos at pumipisil that makes me shiver. He lowered his lips on my neck when suddenly tumunog ang cellphone ko na siyang nagpagising sa akin kaya agad ko siyang itinulak palayo sa akin. Halos hindi ako magkanda ugaga kahahanap ng cellphone ko sa loob ng bag ko dahil nagnginginig pa ang mga kamay ko.

“Hello David?”I answered the phone. I saw Mark looking intently at me. Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. Kaya no choice ako kundi makipag usap sa phone habang katabi si Mark. Tapos na kaming mag usap ni David pero tahimik pa rin si Mark na para bang napakalalim ng iniisip. Kaya tumayo na ako para umakyat sa kwrato kong ng mapahinto ako sa sinabi nito.

“I want to meet your son.”

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 182K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
221K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
82.1K 259 2
Sina Shazna at Lucas na siguro ang #couplegoal ng lahat. Their relationship is perfect, not until their wedding day came and Shazna decided to leave...
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)