WRONG SEND

By Kojieson

10.8K 243 16

One message can start something new. (COMPLETED) More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 2

1.9K 47 1
By Kojieson

"Hoy. Cassandra Omac Camorra. Maawa ka sa tao. Mag-iisang oras mo nang pinag-iintay."

Gigil na gigil na bulong sakin ni Yvrine.

"Oh edi ikaw pumunta dun. Sige oh."
Sabay tulak ko sa kanya ng pabiro.

"Alam mo,kung sakin may gusto. Aba eh why not? Single sya? Single ako. Gusto nya ko. Kaya ko syang magustuhan. Hello? Sino bang pinag-uusapan natin dito? Denver Castalde lang naman. Ang hot kaya nya."

"Eh kase naman eh."

"Eh kase ano? Torpe ka? Ano bang mapapala mo sa pagpapakatorpe mo? Sa tingin mo ba meron? Hoy Sandra! Wala noh! Ang mga tao ngayon makakita lang ng lamang dagat,mapa-hipon pa yan,pinapatos na. Alam mo kung bakit? Nag-uunahan silang lahat matagpuan sa mga bituka nun,ang salitang 'forever'. Ngayon kung lalamya-lamya ka. Sisihin mo yang sarili mo pag umuwi kang gutom at luhaan. Kase yung inihain na sa'yo. Nanakaw na ng iba."

Di na'ko sumabat pa. Oo,gustong-gusto kong lumapit. Yun yung isinisigaw ng puso ko. Pero,wag ang sigaw ng utak ko. Nakikisang-ayon din dun ang mga paa ko.

"Ano? Tutunganga ka nalang dyan? Habang yung isa nilalangaw na?"

Sabay turo nya sa posisyon ni Denver. Nagtatago kase kami ngayon sa likod ng puno.

Huminga ako ng malalim saka pumikit.

Bakit ba ako ang kinakabahan? Eh sino bang nang-imbita? Ako ba? Hindi naman ah. Siya diba? Binukas ko na yung mata ko at dahan-dahang humakbang.

"Oh my ghaaad! Ahihihi. Kaya mo yan."

Nginitian ko lang si Yvrine at nagsimula nang lumapit sa pwesto ni Denver.

Natatanaw ko ang maamo nyang mukha,may kapit syang mga bulaklak,kahit na ang simple ng porma nya. Lakas pa rin ng dating nya.

Oo,nagustuhan ko sya.

Pero,binalewala ko yun kase alam kong never magtatagpo ang landas namin.

Pero mali pala ako. Tama nga ang sabi nila.

Dapat hindi mo pinapangunahan ang mga bagay-bagay.

Just take an action,but after that sit then watch the result.

Hanggang sa maabot ko ang posisyon nya.

Kasalukuyan pa syang nakatingin sa sahig at nakakalong ang magkabilaan nyang braso sa magkabilaan din nyang hita.

Alam kong naramdaman nya ang pagdating ko.

Dahan-dahan nyang iniangat ang ulo nya.

Nakita ko yung pagkurba ng mapula nyang labi. Ngiti na nya ata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Pero,agad na binawi sakin yung pagmo-moment ko nang mawala yung ngiti sa labi nya. At biglang kumunot ang makinis nyang noo.

"Who the hell are you?"

Napaatras ako sa inasta nya.

Tinatanong nya kung sino ako?

Ako lang naman yung tinext nya na mahal nya.

"I'm asking you. Who are you? And why the hell you're wearing a black t-shirt partner with jeans?"

Napakunot ako ng noo ko.

"Ako si Cassandra."

Agad syang napatayo mula sa pagkakaupo nya. Nabitawan nya rin yung mga bulaklak na bitbit nya.

Kitang-kita ko sa reaksyon nya ang pagkagulat at pagkalito.

"Hindi sya pwedeng maging ikaw."

"Ha?"

"You're lying. Where do you get the fucking information that I'll meet her here?!"

Napatingin ako sa paligid. Medyo napapataas na yung boses nya. Kaya marami nang nakakarinig. May mga nagbubulungan na din.

Yung mga tingin nilang mapanghusga,ang pinakakinakatakutan ko sa lahat.

"P-pero. Tinext mo'ko."

"And why would I do that?!"

Lalo akong napaatras,halos maluha-luha na nga ako eh.

Agad akong napatungo. Pero kahit nakatungo ako kita ko yung mga taong nanghuhusga kahit hindi alam yung buong pangyayari.

Maya-maya pa'y may narinig akong mga paang kumakaripas ng pagtakbo.

Hanggang huminto yung tunog sa tabi ko. Kaya napaangat ako ng ulo at tinignan kung sino.

"Hoy Denver!" Si Yvrine.

"Sya si Cassandra!"

"What?! But she can't be the Cass that I know!"

Agad na hinablot ni Yvrine yung kapit kapit kong cellphone.

Tinitignan ko lang sya. Habang may kung anong kinakalikot sa cp ko.

Saka biglang inilantad yun kay Denver.

"Oh yan! Diba convo nyo yan?!"

Pagkakita ni Denver,ramdam kong nagulat sya.

I knew it! Si Cassandra the second ang gusto nya at hindi ako. At yung message na nareceive ko,hindi dapat para sakin kundi para kay Cass.

Ang tanga ko.

Everyone prefer to call me Sandra not Cass. Shit! Bakit ngayon lang pumasok yun sa isip ko.

Muli akong napatungo. Nag-assume ako.

Umasa ako.

Ang sakit madisappoint. Sobra.

"So,ibig sabihin. All this time. Sya yung Cassandra na dinedescribe nyo sakin?"

"Oo!"

"How about the another Cassandra? Yung totoo kong gusto?"

Ouch!

"The reciprocal of the Cassandra standing in front of you right now."

"Liar."

Iniangat ko yung ulo ko at tinignan syang maigi sa mata.

Napatingin din sya sakin. Pinipigilan ko. Pero,kusang nagsituluan yung mga luha sa mata ko.

Nakita kong nanlaki yung mata nya,siguro dahil sa naging reaksyon ko.

"Wag kang mag-alala. Di naman talaga ako naniniwala na para sakin yung message mo eh. Kahit tanungin mo si Yvrine. Kinukulit ko syang baka hindi nga ako. At.. alam ko namang walang lalake ang gagawa ng ganyang bagay para sakin eh.. ang magconfess."

Nagsimula na'kong tumalikod,at matapang na nilagpasan ang mga malalagkit na titig ng mga taong nakatingin sakin.

Umasa ako. Nag-expect. Walang masama sa mga yun. Pero,ang mali ay yung sumobra ako sa dalawang yan.

Continue Reading

You'll Also Like

826K 2.8K 8
High and Untouchable Gods Society is an elite group of Bachelors that is consist of 6 well-known businessmen from different parts of the world and fr...
109K 5.2K 93
When boredom struck, Aila found herself messaging the popular Facebook page. Meanwhile, an admin decided to open it and to send replies to her series...
2M 32.4K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
53.7K 67 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂