Chapter 2

1.9K 47 1
                                    

"Hoy. Cassandra Omac Camorra. Maawa ka sa tao. Mag-iisang oras mo nang pinag-iintay."

Gigil na gigil na bulong sakin ni Yvrine.

"Oh edi ikaw pumunta dun. Sige oh."
Sabay tulak ko sa kanya ng pabiro.

"Alam mo,kung sakin may gusto. Aba eh why not? Single sya? Single ako. Gusto nya ko. Kaya ko syang magustuhan. Hello? Sino bang pinag-uusapan natin dito? Denver Castalde lang naman. Ang hot kaya nya."

"Eh kase naman eh."

"Eh kase ano? Torpe ka? Ano bang mapapala mo sa pagpapakatorpe mo? Sa tingin mo ba meron? Hoy Sandra! Wala noh! Ang mga tao ngayon makakita lang ng lamang dagat,mapa-hipon pa yan,pinapatos na. Alam mo kung bakit? Nag-uunahan silang lahat matagpuan sa mga bituka nun,ang salitang 'forever'. Ngayon kung lalamya-lamya ka. Sisihin mo yang sarili mo pag umuwi kang gutom at luhaan. Kase yung inihain na sa'yo. Nanakaw na ng iba."

Di na'ko sumabat pa. Oo,gustong-gusto kong lumapit. Yun yung isinisigaw ng puso ko. Pero,wag ang sigaw ng utak ko. Nakikisang-ayon din dun ang mga paa ko.

"Ano? Tutunganga ka nalang dyan? Habang yung isa nilalangaw na?"

Sabay turo nya sa posisyon ni Denver. Nagtatago kase kami ngayon sa likod ng puno.

Huminga ako ng malalim saka pumikit.

Bakit ba ako ang kinakabahan? Eh sino bang nang-imbita? Ako ba? Hindi naman ah. Siya diba? Binukas ko na yung mata ko at dahan-dahang humakbang.

"Oh my ghaaad! Ahihihi. Kaya mo yan."

Nginitian ko lang si Yvrine at nagsimula nang lumapit sa pwesto ni Denver.

Natatanaw ko ang maamo nyang mukha,may kapit syang mga bulaklak,kahit na ang simple ng porma nya. Lakas pa rin ng dating nya.

Oo,nagustuhan ko sya.

Pero,binalewala ko yun kase alam kong never magtatagpo ang landas namin.

WRONG SENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon