Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~38~ Over You

181K 4.8K 1.4K
By marielicious

~38~ OVER YOU

 

CHLOE’S POV

Shocked. Wala akong masabi sa nangyayari. Bakit sa lahat ng lugar, lagi nalang nagkukrus ang mga landas namin? Ang layo na nitong Baguio pero nagkita pa rin kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko, seryoso. Kailangan bang nakakulong nalang ako sa bahay buong buhay ko para lang ‘di ko na sila makita??

“Chloe, hayaan mo na. Hindi naman tayo maglalagi palagi dito sa hotel. Susubukan nating iwasan sila.”

Kanina, nashock din si Warren sa nakita niya. Pero unlike me, nakarecover naman agad siya. Baka nga naman nagkataon lang at hindi naman yun imposible dahil hotel ito ng pinsan ni Wayne na kaibigan pa ni Dustin. May koneksyon ang lahat ng bagay. Ugh, sumasakit ang ulo ko sa nangyayari!!

“Kung ayaw mo pala silang makaharap, bakit ka pa pumayag sa dinner kasama sila?”

Minasahe ko ang sentido ko pagkarinig ko sa tanong niya. Hindi ko ineexpect na magiging frustrating itong out-of-town namin. “Baka kung anong isipin ni Jenine kapag ‘di tayo sumama sa kanila.”

“Parang alam ko na ang nangyayari,” umupo siya sa tabi ko sa kama at pinagmasdan ang mukha ko. “Si Jenine na galing sa America ay matagal ng girlfriend ni Dustin. Tapos, niligawan ka niya habang sila pa? Panigurado, walang alam si Jenine tungkol dito dahil gusto ka niyang maging kaibigan.”

Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Basta, yumakap nalang ako sa dalawang hita ko habang nakaupo sa kama. Oo, tama siya. Lumalabas na ako yung panira sa relasyon nila.

“..At nagkataon pa na si Jenine yung kapatid ng batang naging kaibigan mo nung nakaraan? Langya, Chloe! Parang ang liit naman ng mundo para sa inyong tatlo.”

Buntong-hininga nalang ang naisagot ko. Napakaliit talaga ng mundo.

“Oh, ano? Pupunta pa ba tayo?” Tumayo siya at hinawakan ang pulsuhan ko. “Tara, nandito naman ako eh. Hindi ka nag-iisa.”

“Pero—“ Hindi ko na alam kung anong ipapalusot ko. Pumayag na ako eh. “Haaayy, hindi nalang sana ako pumayag.”

“Wala na. Pumayag ka na eh,” hinila-hila pa niya ang pulso ko hanggang sa makatayo na ako. “Nakakahiya naman kung iindyanin natin sila.”

“Kung sabagay… Wait lang. Mag-aayos lang ako ng sarili ko.”

Pagkabitaw niya sa kamay ko, umupo na ulit ako sa kama at nagbutingting na sa kikay kit ko. Suklay dito, suklay doon. Naglagay lang ako ng kaunting powder sa mukha, pati na rin ng lip balm. Hindi pa man ako tapos magsuklay ng buhok, narinig kong may sinabi si Warren na halos nagpawindang sa akin.

“Chloe, willing akong maging boyfriend mo habang nandito tayo sa Baguio… Yun ay kung papayag ka…”

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko halos maigalaw yung kamay ko dahil sa pagkagulat. Jusme, may mangyayari pa ba sa araw na ito na ikagugulat ko?? Quota na po eh.

“Chloe…”

Breathe in. Breathe out. “Warren naman, hindi benta ‘yang joke mo,” pinilit kong ngumiti pagkaharap ko sa kanya. Napansin ko yung pagkaseryoso ng mukha niya. Uh oh. Hindi ba joke yun?

“Hindi ako nagbibiro.”

Lumunok ako ng laway dahil parang natuyuan yata ako ng lalamunan. Sheez, pinagpapawisan tuloy ako ng malamig sa kaba ko.

“W-Warren naman…”

Ngumiti siya. Yung ngiting simple lang. “Habang nandito lang naman tayo sa Baguio. Aalalayan kita. Sisiguraduhin kong makakalimutan mo yung problema mo habang nandito tayo kahit nakikita mo sila.”

Naglakad siya palapit sa akin. Medyo napakurap pa ako nang idikit niya ang kaliwang palad niya sa baba ko para iangat ang ulo ko. Ngayon ay sinalubong ko na yung mga tingin niya.

“Rest-assured na magiging stress-free ang bakasyon mo. Gusto mo bang maging boyfriend mo ako?”

Napangiti nalang ako sa huling sinabi niya. Si Warren yung tipo ng lalaki na kumportableng kasama. Kumbaga, may kuya ka na, may bestfriend ka pa. What more kung naging boyfriend ko pa siya?

“Thank you, Warren.”

Sapat na yung ngiti ko para malaman niya ang sagot ko sa katanungan niya.

***

Almost 8PM na nang maisipan naming lumabas na sa hotel room namin para pumunta sa restaurant na nakalocate sa lobby ng mismong hotel. Nasa Entrance pa lang kami, narinig na agad namin ang boses ni Jenine na tinatawag ang mga pangalan namin. Kumabog tuloy lalo ang dibdib ko sa sobrang kaba. Geez, Chloe, kumalma ka. Sasapakin kita!

“Chloe! Warren! Over here!”

Naramdaman ko yung paghigpit ng hawak ni Warren sa kaliwang kamay ko kaya tinignan ko siya. Nakangiti lang siya sa akin, samantalang ako, nakangiwi lang. Ninenerbyos ako eh. :/

“Akong bahala sayo…” Bulong niya bago niya ako hilain palapit sa table nila Jenine. Sinalubong naman agad ako ni Jenine ng beso, pagkatapos ay umupo na kami sa harapan nila.

“Glad you came, guys. Akala ko, ‘di niyo kami sisiputin. Wala naman kasi akong nasabing oras ng dinner natin,” sabi ni Jenine sa sweet na boses. “Hi, Chloe, are you and Warren really friends? Para kasing there's something special sa inyong dalawa eh.”

Hindi pa man lumalabas sa bibig ko yung sagot ko, umentra na agad si Warren. Napakagat-labi nalang tuloy ako.

“Kami na.”

“Oh… Wow,” sambit niya tapos ay tinignan si Dustin sa kaliwa niya. Kagaya ko, hindi rin siya makatingin sa akin. “I told you, Dustin. Magboyfriend sila…”

Natigilan ako sa sinabi ni Jenine. Pinag-uusapan ba nila kami?

Naputol ang pag-uusap namin (o kung matatawag mong pag-uusap yun), nang dumating yung waiter. Ayun, si Warren na yung nag-order para sa akin. Si Jenine naman yung nag-order para kay Dustin… Oh well, as if I care.

“Anyways, kailan pa naging kayo? Sabi niyo recently, friends lang kayo diba?”

Yun ang paunang tanong ni Jenine nung umalis na yung waiter. Sa isip-isip ko, pinagdadasal ko na sana mabilis ang food service dito. D-amn, hindi ko na yata kayang tumagal pa dito sa lamesang ito kasama sila!!

“Kanina lang,” diretsong sagot ko. Napatikhim naman si Dustin sa harapan namin, pero dahil hindi ko siya matignan, pinagpatuloy ko nalang ang sasabihin ko. “Kagagaling ko lang kasi sa break-up. Kagagaling ko lang sa 10 month relationship sa isang g-agong lalaki…”

Parinig kung parinig. Wala akong pakialam. Pabayaan niyo na ako. Kahit sa ganitong paraan lang, makaganti ako sa hayup na yan.

“Oh, I’m sorry.”

I smiled. “Don’t be. Siya dapat ang magsorry.”

“Huh?”

Natawa ako ng mapakla. Si Warren, eto, pailing-iling lang ng ulo habang nakatingin sa akin ng nakangisi. “Wala. What I mean to say is, ayos na ako. Thankful ako kasi dumating si Warren na nandyan para sa akin all-along.”

Napakagat-labi nalang ako sa nakita ko. Hindi dahil sa hagikhik ni Jenine, kundi sa pagpulupot ng braso ni Dustin sa bewang ng girlfriend niya. Pero napalitan ng pagkagulat ang inis ko nang maramdaman ko yung kamay ni Warren na pumatong sa kamay ko sa ilalim ng lamesa. Salamat talaga, Warren.

“You look so sweet together. Nakakatuwa, kasi sa lahat ng lugar yata sa Pilipinas, lagi nalang tayong pinagtatagpong apat. Gosh, hindi ako naniniwala sa fate pero dahil sa nangyayari sa atin, it seems that we’re fated to be friends. Don’t you think?”

Tumango nalang ako bilang pagsagot. “Tingin ko nga… Anyway,” hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Warren. Kailangan ko ‘tong maitanong sa kanya kahit na alam kong ikakasira lang ito ng gabi ko. “—Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo? You look so good together.”

Nahagip ng tingin ko ang pagtitig sa akin ng matigas ni Dustin, pero bilang pagsagot, ngumiti lang ako ng matamis.

“We’ve been together for like 4 years? 2nd year highschool pa lang nung naging kami,” nagdramatic pause pa si Jenine at isinandal ang ulo niya sa balikat ni Dustin, “And I’m glad that up to now, we’re still together. Eventhough we’ve been a million miles apart, he never left me. He’s d-amn loyal. Right, honeybee?”

Tumaas ang isang sulok ng labi ko sa sagot niya. Wow, loyal? Sigurado ka? Tch. Nakakaawa si Jenine. Hindi niya alam na matagal siyang niloko ng boyfriend niyang sira-ulo. Para tuloy ang sarap buhusan ng gasolina ‘yang boyfriend niya saka ito silaban ng buhay!!

“Right…”

At sumagot pa… Right? Edi siya na! Siya na ang g-agong loyal! Well, ano nga ba naman ang role ko sa buhay niya? Entertainment ka nga lang, Chloe diba? In other words, past time ka lang. Rebound. Panakip-butas. Bored lang siya. Tch. Edi sana nagpakamatay nalang siya kung nababagot na siya sa buhay niya kesa yung nangpepeste siya ng buhay ng ibang tao!

BABAERO! MAHAROT! G-AGO! SIRA-ULO! USER!

“Chloe…”

“What’s wrong, Chloe?”

Hindi ko na namalayan na napatayo na pala ako sa sobrang intense ng nararamdaman ko ngayon. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa na tipong kaya ko silang sunugin sa pamamagitan ng apoy na pwedeng lumabas sa ilong ko! UGH! AYOKO NAAAAAA!

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit. “S-sorry, powder room muna ako. Excuse me.” Aalis na sana ako sa table namin nang biglang kumapit si Warren sa kaliwa kong kamay. Pagtingin ko sa kanya, bakas sa kanya ang pag-aalala. “Call of nature, Warren. Huwag mo kong masyadong mamiss.”

 

Nagmamadali akong dumiretso sa powder room para i-isolate ang sarili ko sa cubicle. Nakaupo lang ako sa nakatakip na toilet bowl habang inaalala ang pinag-usapan namin kanina.

“Bwsit ka talaga. Sarap mong pagulungin at ipasagasa sa mga sasakyan sa Session Road. Bwsit! Bwsit!!”

Kung posibleng lang na mabura ang mukha sa kakahilamos ko sa sariling palad, malamang, wala na akong mukha. Nakakafrustrate! Bakit sa loob ng 10 months, kahit isang beses, hindi ko man lang nahalata na number two, kabit, kerida, third wheel, o kung ano pang pwedeng itawag sa role ko sa buhay ng hayup na yun? Itong mukhang ito… Pang-third wheel lang? Eh g-ago pala talaga yun eh!

4 years…

Apat na taon na pala silang magkarelasyon. Anong panama ng 10 months dun?? Ang sarap niyang paulanan ng bala! Sana… Sana… Makarma na agad siya. NOW NA!!

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng cubicle. Hindi ako pwedeng magtagal dun sa loob dahil baka makahalata sila dahil sa pagiging wirdo ko. At syempre, nag-ayos muna ako ng sarili ko. Nakakahiya naman sa kagandahan ni Jenine! Mga ganun pala talaga ang tipo ni Dustin. Eh malamang nga, yun talaga ang tipo ni Dustin; Sexy, maganda, nice at sweet, kaya hindi niya yun maiwanan. So Close to being perfect ika nga.

“Yun nga lang, may isang katangian ang pinagkapareho namin,” nasabi ko nalang sa reflection ko sa salamin sa harapan ko, “Parehas kaming t*nga. Yun nga lang, mas t*nga siya. Magandang t*nga. Eh ako? T*ngang hot.”

Pfft! Nababaliw na yata ako. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Nakakahiya tuloy sa ibang tao dito sa powder room. Pinagtitinginan na ako.

Teka, bakit ba ako naiinis kay Jenine? Kung tutuusin, nakakaawa siya dahil ang alam niya never siyang niloko ng hinayupak na boyfriend niya na mukha tuod at walang alam kundi ang magpoker face. Tsssss…

Nag-final touch muna ako sa mukha ko, bago ako lumabas ng powder room. Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko siya…

Oo, siya…

Automatikong napatiim-bagang ako sa presensya niya, pero dahil ako si Chloe Chanelle Mendez, nginitian ko lang siya at binilisan na ang lakad ko. Gusto ko siyang lagpasan pero napahinto nalang ako nang marinig kong kinausap niya ako.

“Kayo na pala?”

Sinalubong ko ang tingin niya at tumango ako. Yung tipong taas noo pa, at proud pa dahil si Warren ang ipinalit ko sa kanya. Naks, Chloe! Gumaganun ka na!

“Kanina lang?” Dagdag niya.

Ngumiti ako ng matipid. Pa-girl lang. “Oo…”

“Bakit… bakit ang bilis?”

Hindi ko alam kung bakit pero napa-‘weh?’ ako sa tanong niya. Teka, bakit ganun ang tanong niya? Sira-ulo ba siya? Baliw? May sinto-sinto? May saltik sa utak? Kulang-kulang?

“Mabilis ba yun?” Sinabi ko yun ng painosente. “Hindi naman. Eversince naman, gusto ko na talaga si Warren. Kilala ko siya. Alam kong… hindi niya ako gagag-uhin.”

Nakatitig lang siya sa akin ng may bakas ng pagkainis. Alam ko yung tingin tuwing naiinis niya sa akin. Mula sa malamig, nagiging matigas yung expression sa mukha niya. Naku, bakit mas nasisiyahan ako kapag nakikita siyang naiinis?

“Huwag kang mag-alala. Safe ang kalokohan mo sa akin. Hindi ko sasabihin ang pinaggagagawa mo nung nasa States pa lang ang girlfriend mo. Loyal pala ah,” sarkastikong sabi ko. “Kung lahat ng loyal sa mundo ay katulad mo, maraming babae ang masasaktan.”

Hinintay ko siyang makasagot pero nakatingin lang talaga siya sa akin. Anong problema nito?

“Sige, babalik na ako dun.” Hindi na siya muling nagsalita kaya naman iniwan ko na siyang nakat*nga dun. Si Dustin ba talaga yun o clone lang niya?

                  

 

DUSTIN’S POV

“Honeybee, are you sure you’re not friends with them?”

“We’re not. We just have common friends…”

Kanina pa ako tinatanong ni Jenine ng mga bagay tungkol kay Chloe. It has been three hours since we returned to our designated rooms. After dinner, Jenine asked me to walk around the perimeter of the hotel. Jenine invited Chloe and Warren but the latter said that they wanted to go to sleep early. Wala na ba silang ibang gagawin kundi ang magkulong sa kwarto nila? To think that they’re already into each other… That fast? F-ckingsh*t.

“Dustin, off mo na yung ilaw. Let’s sleep already…”

I sighed as I turned off the lamp shade. Why am I thinking about them? Chloe seemed to be happy with Warren and I’m with Jenine. All seemed to be well. I have nothing to worry about anymore.

I laid myself on my own bed and stared at the ceiling. Let me sleep tonight, please.

“Dustin, goodnight. I love you…”

“Goodnight, sweetdreams, Jenine,” I retorted as I closed my eyes. I love you…

 

***

The next day, Jenine and I woke up early to jog outside. Nakailang ikot na kami sa labas ng hotel nang may sinabi sa akin si Jenine. Minsan, iniisip ko, bakit masyadong friendly ang girlfriend ko? Ayan tuloy, ako yung naiipit. Imbes na ayos na, mukhang nagugulo pa. T@ng!na.

“Tara, katukin natin sina Chloe sa kwarto nila. Yayain natin mamasyal!”

“Huwag na. Baka tulog pa sila…”

“Hey, hindi naman siguro. Ang aga nilang natulog kagabi eh!”

In the end, napapayag ko si Jenine na huwag na silang istorbohin. Hindi naman matigas ang ulo ni Jenine kagaya ni Chloe. Sh*t, why am I even comparing the both of them?

We resumed on jogging anyway with the earphones on. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw kaya kitang-kita pa yung fog sa sobrang lamig ng temperatura. I must say that it’s nice to stay here… that is if you’re out of trouble. Nakakastress lang lalo ang pagbabakasyon namin dito.

“There they are…”

I stopped on my tracks as I saw what Jenine has seen. It’s Warren and Chloe… walking hand in hand while getting in a cab.

“Saan kaya sila pupunta? Baka mamasyal no’? Aww, sana sumama tayo. The more, the merrier diba?”

As the cab went away, I couldn’t control myself not to curse in my mind. Sh*t, f-ck, d-amn! Does she really need to show to me that she’s over me?

“Dustin, tara na? Breakfast na--- Dustin! Hey!”

I exhaled in annoyance as I walked away. Bakit mo ba ako pinapahirapan, Chloe?

---

A/N: Next weekend ulit ha? Walang update this week, sa Sabado at Linggo nalang ulit. Ayokong puro wattpad ang inaatupag ng mga readers ko (Naks!). If kaya ng brains ko, 4 UD ulit next weekend. Iinform ko lang kayo, hanggang chapter 45 (plus epilogue) nalang ito. Malapit ng maggoodbye. Thanks sa mga nagcocomment at nagvovote. Nagwa-what's hot din ito sa humor at teen fiction eh. Lels =)) May team Warren at may team Dustin dito ah! Basta ako, team 'the one'! Hahahaha! Anyway, dedicated ito sa gumawa ng teaser video ng HAC. Ang ganda ng video! Pakiwatch sa prologue. Salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 94.4K 52
This all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves
589K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...