Hi Mr. Playboy (COMPLETED)

By invisiblegirlinpink

13.5K 562 273

Hi Mr. Playboy Written By: invisiblegirlinpink - A twisted love played by the playboy. - Started: October... More

A/N
THE START OF EVERYTHING
GETTING TO KNOW THE PLAYBOY
FALLING FOR THE PLAYBOY
NEW HEART, NEW LIFE
THE FALL OF THE PLAYBOY
WAITING AND HOPING
CHASE OR CHANCE
GOODBYE MR. PLAYBOY

CHANGED

1K 55 10
By invisiblegirlinpink

CHANGED

-

[Zerene Alviar]

Nanghihina ako. Hindi makakain, hindi makabangon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil-pigil ang mga luha kong wala 'atang balak tumigil sa paglabas. Sa dami na ng inilabas kong luha, hindi pa ako natutuyuan ng tubig sa katawan.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobra. Bakit ganito?

Ang sakit ipagtabuyan ng taong mahal mo, pero mas masakit pala ang mawala ang taong natutunan mong mahalin higit pa sa taong itinulak ka sa iba.

Dark died before our wedding day. Dark left me and it hurts me so much that I can't stop myself from crying kahit nailibing na ito. It's been 12 days and I'm still hurting. Of course.

Settled na lahat eh, prepared na rin lahat ng mga plano namin pero hindi namin inakalang hindi tatanggapin ng katawan niya ang bagong pusong inilagay sa kanya. Hindi man lang niya muna hinintay na ikasal kami, magkaanak at maging masayang magkaroon ng sariling pamilya. I'd dream that with him.

I cried hard every time I remember him, I remember how he loves me so much that made me love him back more than he loves me. Paano na ako? Sana isinama na lang niya ako.

"Anak, please open the door. Nandito pa kami. 'Wag mong solohin ang sakit na nararamdaman mo. I understand how yo—"

"No! Hindi niyo ako naiintindihan at hinding-hindi niyo ako maiintindihan! Just please leave me alone!" I said, sobbing. Kung dala man ito ng aking nararamdaman ngayon, I don't care anymore. I just want to be alone. I don't want to see nor talk to anyone.

-

I decided to stay at my condo na binili ko talaga para mapag-isa. May ipon naman kasi ako dahil sa online business ko.

Parati ko lang naaalala si Dark lalo na kapag pinagagalitan ako ng parents ko sa bahay.

Hinayaan ko silang dalaw-dalawin na lang ako para lang payagan nila akong mapag-isa dito. That's actually their condition.

"Anak, kumain ka na. Kahit kaunti lang. Hindi matutuwa si Shawn sa pagpapahirap na ginagawa mo sa sarili mo. We made a deal right? We'll allow you to be alone but you have to take care of yourself." My Mom reminded me.

"Sorry." Mahinang sabi ko lang habang nakatulala.

"It's been five months. Alam naming mahirap, pero kailangan mong kayanin." My Dad said.

I just hugged them and cried hard again.

Minsan ay napapadalaw din sa akin ang parents ni Dark na sinisermonan din ako.

Wala din akong magawa kung 'di ang umiyak at yakapin lang sila. Hindi ko na rin kasi malaman kung saan na ako papunta.

Kumain ako ng kaunti saka nakatulog sa pagod ng kakaiyak. Tinabihan ako ni Mama at kinantahan. Nakatulog naman ako dahil doon. Hindi man gaya ng tulog ko noon, ayos na rin para sa akin. Sa tuwing nakakatulog kasi ako, doon ko lang nakakasama si Dark. Kung pwede nga lang hindi na magising.

-

[Sean Light Vergara]

Nabalitaan ko ang nangyari kay Zerene at awang-awa ako nang nalaman ko kung gaano siya naghihirap sa sakit na naidulot ng pagkawala ng kapatid ko. Of course that hurts me too. Loosing my brother after all of my sacrifices, iiwan niya lang pala kami.

I'm not around when my brother passed away that day. I'm busy trying my best to change for the better and forcing myself to accept the fact that I have to let go Zerene. Kung hindi nga lang ako kinuha bilang bestman ng kapatid ko, hindi na rin sana ako a-attend. Hindi rin naman natuloy ang kasal dahil bago ang kasal nawala ang kapatid ko.

Hindi ko magawang lapitan si Zerene at puntahan dahil natatakot ako. Natatakot akong hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin siyang muli lalo na ngayon. Ayoko rin namn samantalahin ang pagkakataon.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi, Sean." Bungad ni Mama sa akin. Pagkatapos kasi ng libing ni Shawn. Hindi na ako ulit umuwi-uwi. Patawag-tawag na lamang. Pagala-gala din naman kasi ako for business purposes.

"Sorry, Ma."

"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay nandito ka sa first death anniversary ng kapatid mo."

Yes. It's Shawn's first death anniversary already. So, it's been a year since he left us.

"Opo. I remember that's why I came."

Binuksan ko ang laptop ko at pinagmasdan ang mukha ni Zerene na wallpaper ko sa laptop. Miss na miss ko na siya and it hurts me knowing that she misses my brother. I already accept the fact that she's really deeply in love with my brother kaya pinili ko ng lumayo dahil hindi ako nakakasigurong mapipigilan ko ang sarili kong iwasan ang nararamdaman ko.

Inaantok na ako nang may kumatok kaya nabangon ako't binuksan ang pinto.

"Pa? Bakit po?" Inaantok na tanong ko.

"Ang tagal na nitong gusto kong ibigay sa'yo pero ngayon ko lang mabibigay. Pinabibigay 'yan ng kapatid mo a month before he died. Hindi ko sinubukang buksan dahil alam kong mas gugustuhin niyang ikaw mismo ang magbukas niyan." Paliwanag nito.

May inabot siya sa aking envelope at USB saka lumabas ng kwarto.

Tinitigan ko muna ang USB bago ko naisipang i-connect sa laptop ko. Ano naman kayang laman nito? May dalawang video. Bigla akong kinabahan. Ano bang trip ng kapatid ko?

I clicked the first video and watched it.

Kinilabutan ako nang makita ko ang mukha ng kapatid ko. He smiled weakly at the camera.

He cleared his voice as he prepared the camera before waving his right hand na para bang nagkukunwaring masigla.

"Hi, Kuya! It's one month before my wedding at alam kong isa sa mga dahilan ng pag-alis mo ay dahil sa kasalang ito. Mahal na mahal ko si Zerene but my body can't stay longer with her. Malakas lang ako sa paningin niya. I don't want to see her sad. I just want her to be happy. But this new heart won't allow me." Huminga ito ng malalim then smiled weakly. "Sigurado akong mapapanood mo ito kung kailan wala na ako. Give me a favor. I want you to take care of her, I want you to love her, and I want you to teach her how to open her heart for you again because sooner or later kakailanganin niya ng taong mag i-stay by her side in her ups and downs. Sorry, Kuya kasi alam kong nauna ka niyang mahalin pero dahil sa akin nagparaya ka. Mahal na mahal ko siya kaya malaki ang pasasalamat ko kay Lord at sa'yo na hinayaan akong makaramdam ng ganitong pagmamahal. Thank you. Hindi na ako magtatagal." He smiled again then ended the video.

Hindi ko namalayang puno na ng luha ang mga mata ko. Mahina akong napamura.

I click the next and last video.

"Hi Kuya! Isang linggo na lang ikakasal na ako. Buhay pa naman ako." He joked and laughed as he continue. "Akala ko 'yung last time na gumawa ako ng video eh mamamatay na ako pero gumawa pa rin ako ng video. Mas mahina ngayon ang puso ko, Kuya. Hindi ko na talaga kakayanin pang tumagal. Gusto ko sanang kahit ikasal muna kami o magkaanak man lang muna bago ko siya iwan but I can't change my future. Siguro hanggang dito na lang talaga ako, Kuya. I'm happy kasi ikaw ang naging Kuya ko at alam kong sasaya sa'yo si Zerene. After all, you're her first love. Babantayan ko na lang kayo kapag wala na ako. Nga pala, may matagal na akong nabiling lupa at pinatayuan ko na ng bahay. Sabi ko kasi surprise ko 'yon sa kanya after our wedding sana. Mag vi-video ulit ako kapag natuloy at umabot ako sa wedding namin. Basta wag mong kalilimutan ang unang bilin ko sa first video ko, Kuya." He smiled weakly then ended the video.

Binuksan ko ang envelope. Laman nito ang isang titulo ng lupa at pictures ng bahay. Sa likod ng isang picture ay may nakasulat.

- Our dream house. ❤

Ang ganda ng bahay. Sakto lamang ang laki nito para sa bagong kasal na bubuo pa lamang ng pamilya. Napapalibutan ang bahay ng garden. Bato-batong maliliit ang daanan.

To be honest, hindi ko alam ang unang hakbang na gagawin ko pagkatapos kong malaman ang laman ng videos at envelope.

Kinabukasan, we attended the mass for my brother's first death anniversary at nauna sila Zerene dumating kaya nasa unahang parte sila ng simbahan. Hindi siya lumilingon o tumitingin man lang sa paligid para siyang may sariling mundo. Nakikita ko kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata.

Minabuti kong mag-stay sa likuran nila. Katabi ng parents niya ang parents ko.

Pagkatapos ng simba nag-shades ako para kung sakaling mapatingin siya sa akin ay hindi niya mahahalatang nakatingin din ako sa kanya.

Nasa hapagkainan na kami. Hindi ako tumapat sa kanya.

"Ija, eat some more. Nangangayayat ka na. Balita ko bumalik ka na daw sa online business mo. That's a good news!" Sabi ni Mama dito na nginitian lang ng parents nito.

"Yes po. Sorry, wala lang po talaga akong gana."

"It's okay. Basta 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Hindi 'yan magugustuhan ni Shawn. Alam mo naman 'yon alagang-alaga ka." Nakangiting sabi pa ni Mama.

"Don't worry. Bantay sarado ko na siya ngayon sa condo niya eh ayaw namang umuwi sa bahay." Sagot naman ni Tita Shella.

Mukhang hindi naman niya ako napansin the whole time dahil parang may sarili nga siyang mundo. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Parang naging invisible ako sa paningin nito.

Pagkauwi namin ng bahay. I decided to buy a condo malapit sa condo niya para mabantayan ko ito. Babantayan ko siya hindi dahil sinabi ng kapatid ko sa video niya kung 'di dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na nandito pa akong nagmamahal at naghihintay na muling makita niya.

-

Lumipas ang mga araw na sa tuwing pagkagaling ko sa trabho ay dadaan ako sa condo ni Zerene. Nagdodoorbell at nag-iiwan ng kung ano-ano sa harap ng pinto nito.

Hindi ko alam kung kinakain ba niya o tinatago lang sa ref dahil hindi ko naman nakikitang tinatapon nito.

It's either fruits,  chocolates, cakes or cupcakes, for breakfast, for lunch or even for dinner ang mga iniiwan ko kapag ramdam kong hindi napapadalaw sila Tita Shella.

Ngayon, may binili nanaman akong strawberry cake na alam kong paburito nito.

Tumingin muna ako sa paligid bago pumwesto sa harap ng unit nito. Parati na lang akong kinakabahan sa tuwing gagawin ko 'to. Inilapag ko doon ang box ng cake saka nag doorbell pero sakto namang bumukas ang pinto at pareho kaming nagulat nang makita ang isa't-isa.

Napamura ako. Palpak. Nahuli na.

"So, ikaw pala ang nagtatambak ng kung ano-ano sa tapat ng pinto ko?" Mataray na panimula nito na nakapamewang pa. "Could you please stop? Hindi ko kailangan ng mga iniiwan mo." Madiing sabi pa nito na nagpalungkot sa puso ko.

I suddenly felt the urge to hug her, so I hugged her.

"I'm sorry."

Tinulak niya ako at galit na tumingin sa akin.

"Sorry for what?! Gago ka ba talaga at bumalik ka pa? Ang kapal din ng mukha mong magpakita no?"

"Sorry, Zerene. Mahal pa rin kita." Nahihirapan kong sabi. Hindi ko nanaman napigilan. Ang rupok ko.

"Sorry lang naman ang alam mong gawin. Noon hanggang ngayon. You're not even capable of loving kaya 'wag mo akong nilolokong mahal mo pa rin ako! Go to hell!" Sabi nito saka ako pinagbagsakan ng pinto.

Simula no'ng araw na 'yon ay hindi na niya kinukuha ang mga iniiwan ko pero hindi ako pwedeng sumuko. Tutal alam na niyang ako, susundan ko na lang din ito.

-

"Good morning!" Bati ko kay Zerene nang mahabol ko ito sa elevator.

Tiningnan niya lang ako ng may pandidiri sa mukha saka inirapan but I smiled. Parang may nakakahawa naman akong sakit.

"Hindi ko nakitang pumunta si Tita Shella. Kumain ka ba ng breakfast? Bibilhan kita. No. Sasabayan kita kumai—" Hindi pa man ako natatapos magsalita ay nagsalita na agad ito.

"Shut up, Light!" Madiing sabi nito nang balingan ako nito ng tingin.

Parang pakiramdam ko na effort denied nanaman ako. Napamura ako sa aking isipan.

"Okay." Sagot ko na lamang saka lumayo at hinayaan siyang makaalis.

Pero hindi 'yon dahilan para tumigil ako. Mapapansin mo din ako ulit hindi sa pamamaraan ko noon kung 'di sa pamamaraan ng bagong Sean Light Vergara ngayon. Napangisi ako.

Tomorrow is another day. Kahit ma-another effort denied pa, okay lang. Alam kong tutulungan ako ng kapatid kong nagbabantay sa amin ngayon. I know he's there. After all he's the one who requested this though I really want to do this kahit hindi niya sabihin.

-

Pagkatapos ng trabaho diretso ako sa pagsusunod kay Zerene and because she's an interior designer aside from her online business. Interior designer din ito. Madali ko itonh nasusundan sa kung saan ang meeting place nila.

Pagpasok nito sa kanyang unit, nagdoorbell ako. Binuksan niya ito ng may galit na tingin sa akin. Kung nakamamatay lang ang tingin. Patay na ako. But before she say something, inunahan ko na.

"Good night." Nakangiting sabi ko saka tumakbo papasok sa unit ko. Parang bata akong naka-isang puntos sa kalaro na kalaban.

Narinig ko pa ang mahina nitonh pagmumura. Natatawa ako kasi hindi siya pwedeng sumigaw dahil baka may magreklamo. Hindi namn sound proof ang mga unit dito.

Kinabukasan, umupo ako sa 'di kalayuan sa kanyang table dahil nasa coffee shop kami ngayon. May ka-meeting siyang lalaki at naiinis akong nginingitian niya ito samantalang ako na matagal na niyang kilala, minahal pa niya hindi niya mabigyan ng kahit isang ngiti.

Kaya para mapansin niya ako hinarang ko ang paa ko sa lalaking naghahatid ng coffee doon sa ka-meeting niya. Pasensya nadamay. Nagpipigil ako ng tawa nang matapon ito sa hita nung lalaki at doon niya lang ako nakita, nahalata 'ata niyang nagpipigil ako ng tawa kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Sorry po, Sir! Sorry!" Tarantang sabi ng nakatapon dito.

Tumayo ako't nag-iwan ng bayad for my coffee. Hindi ko na kinuha pa ang sukli. Nakangisi akong lumabas ng coffee shop.

-

Naisipan kong umuwi muna sa bahay nila Mama para kumuha ng iba kong damit dahil pina-laundry ko ang mga damit ko sa condo. Ang tamad ko kasi pumunta ng laudry shop lately sa kakasunod ko kay Zerene. Pagkatapos kasi ng trabaho ko diretso agad sa kakasunod. Ganito na yata ako kabaliw sa kanya.

"Kumusta, anak?" Bungad ni Mama. "Sabi ng Papa mo, malapit ang unit mo sa unit ni Zerene. Naaawa ako sa batang 'yon. Dalawin kita doon para madalaw ko din siya minsan." Sabi pa nito.

"Okay naman po ako. Nakikita ko din po si Zerene. Mukha namang kinakaya niya kahit mahirap." Sagot ko.

"Tumawag ako sa bahay nila, wala ang parents niya doon. Nasa Cebu daw may inasikaso." Malungkot na sabi nito.

"Kailan pa po?"

"Last week pa."

Nagulat ako. Ang akala ko kaya 'di siya lumalabas these past few days dahil dinadalaw siya ni Tita Shella. Pagpasok ko ng kwarto ay nakasunod pa rin si Mama. Tinulungan niya akong kumuha ng damit at ayusin ito sa bag kong dala.

"Ma, alis na po ako. Love you." Pagpapaalam ko saka humalik sa ulo ni Mama.

Dumiretso agad ako sa tapat ng unit ni Zerene nang makarating ako sa condo. Kinakabahan kasi ako. Impusibleng umabot ng tatlong araw ang stocks nito ng pagkain dahil nakita ko 'yon.

Ilang ulit akong nag doorbell pero wala. I'm worried sick.

"Zerene! Zerene!" Paulit-ulit na tawag ko hanggang sa may marinig akong boses.

"Leave me alone, Light!"

"Are you alright?"

Hindi na ito sumagot kaya naisip ko ng hulaan ang password ng unit nito.

"Zerene, let me see you. Nag-aalala ako. Kung hindi mo 'to bubuksan, pipilitin ko 'tong buksan!" I warned but no response.

I tried her birthday, my brother's birthday, and their anniversary. Pero hindi bumubukas.

Until I put my brother's death anniversary at doon lang bumukas. Napamura ako. That hurts. Double dead.

Pumasok ako kaagad. Nakita ko siyang nanginginig na nakabalot sa kumot sa sofa with some red spots on her face. Nagmura ito nang makita ako. Bumaba ang kumot. Nakita kong may red spots din ito sa braso. I'm expecting that the red spots are all over her body. I think I know this case.

"Ba't ka pumasok?" Umuubong tanong nito na tatayo dapat pero natumba lang siya. Lumapit ako kaagad para tulungan ito.

"What happened?" Tanong ko naman habang tinitingnan ang kanyang balat.

"Umalis ka na. Baka mahawa ka! May chicken pox ako!" Sigaw nito na para bang bingi ang kausap.

Imbis na mainis dahil pinapaalis niya ako, napangiti pa ako dahil nag-aalala siyang baka mahawa ako. I don't care as long as I can take care of her.

"Stay here. Maghahanap ako ng pwedeng lutuin sa kusina mo."

Hindi na ito tumutol. Hinayaan na lamang niya ako which is good. Siguro wala itong energy na awayin ako.

Walang laman ang kusina niya kung 'di puro instant noodles. Kaya bumalik ako sa unit ko saka naghanap ng pwedeng maluto. Nag search muna ako ng pagkain na pwede sa may chicken pox saka ako nagluto. Maya't-maya ko naman siya tinitingnan. Tinawagan ko ang kaibigan kong Doctor para papuntahin.

"Kumain ka muna. I'll feed you."

"Salamat sa pagkain. Umalis ka na." Walang buhay na sabi nito.

"Hindi ako aalis. You need me." I insist.

"I don't need you. Sino ka ba para kailanganin ko?" Mataray na sabi nito kahit nahihirapang magsalita.

"Edi hindi. Ang dami mo ng sinabi. Let me just take care of you. Baka multuhin ako ni Shawn kapag pinabayaan kita. Konsensya ko din."

Bigla na lang itong natahimik at narinig ko ang mahina nitong paghikbi. Sh*t!

"I miss him. I miss him so much." Sabi nito habang nakatago ang mukha sa kumot.

Wrong move.

"I'm sorry, Zerene."

I hugged her kahit ayaw nito hanggang sa tumahan siya. In the end, hinayaan ako nitong pakainin siya.

"You can leave now. Tapos na akong kumain." Walang ganang sabi nito.

"Pero hindi ka pa magaling."

"B—"

Biglang may nag-doorbell. Siguro ang kaibigan ko ng Doctor 'yon kaya ako na ang bumukas and I'm right.

She checked up Zerene at niresetahan din.

"Thanks, Janet."

"You're welcome lover boy." Natatawang sabi nito. Napailing-iling lang ako dito.

Binalikan ko sa sofa si Zerene para magpaalam.

"Bibilhan lang kita ng gamot. Labas muna ako. Makati daw talaga 'yan kaya 'wag mong kakamutin kung ayaw mong lumala o magkapeklat ka." Paalala ko dito.

"Sino 'yung Doctor? One of your girls?" Mataray na tanong nito na ikinatawa ko. I find her cute asking about other girls.

"Of course not. She's just my friend."

"Ang showbiz mo sumagot! Lover boy nga ang tawag niya sa'yo." She said rolling her eyes.

Lumapit ako ng napakalapit dito habang titig na titig ako sa mga mata nito.

"Kung iniisip mong marami akong babae, you're wrong. Dahil isa lang ang babae sa buhay ko except for my Mom." Bulong ko saka ngumisi. "At ikaw lang ang babaeng 'yon." Dugtong ko saka ako umalis para bumili ng gamot nito. Kasabay ko na si Janet.

Nakabalik ako after more than 30 minutes. Dumating akong tulog na tulog ito sa sofa. Bakit kaya ayaw nito sa kwarto matulog? Napakamot tuloy ako sa aking ulo.

"Zerene. Zrene. Kailangan mong uminom ng gamot. Wake up." Malumanay na sabi ko.

Dinama ko ang leeg at noo nito. Inaapoy talaga siya ng lagnat. Napamura ako ng mahina.

" 'Wag mo nga akong hinahawakan!" Inis na sabi nito nang magising.

"Uminom ka muna ng gamot." Ibinigay ko ito sa kanya at inabot ang tubig. "Damihan mo ang inom baka ma-dehydrate ka." Tinitigan ako nito ng masama pero uminom pa rin ito ng madami kaya napangiti ako.

"Umalis ka na nga!"

"Not until you get well. Bakit ba ayaw mong lumipat na lang sa kwarto mo?"

"Wala kang paki!"

"Mas magiging komportable ka sa kwarto mo."

"Pwede ba?! Nakakahilo kaya maglakad." Reklamo nito. Napailing-iling ako saka may naisip na gawin.

'Yon lang pala ang problema niya. Bigla ko siyang binuhat na ramdam kong ikinagulat nito.

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" Tarantang sabi nito pero napakapit sa akin.

"Ibababa kita sa sahig? Idadala na nga kita sa kwarto mo ng makapagpahinga ka ng maayos."

"Ang pakialamero mo na talaga." Mahinang sabi nito.

"Okay lang, ikaw lang naman ang gusto kong pakialaman."

"Gago!"

Inihiga ko ito sa kama niya saka hinalikan ang noo kahit balot siya ng kumot at may red spots ang ilang parte ng mukha. I find it cute.

" 'Wag mo nga akong hinahalikan bigla!" Inis na sabi nito.

"Bakit? Papayag ka ba kapag nagpaalam akong hahalikan kita?"

"Hindi! Gago ka ba?! Wala kang karapatang halikan ako!"

Ang tapang masyado ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang 'to mahal eh.

"Okay. Wala akong karapatang halikan ka, magpapaalam na lang ako."

"Ba't ba kasi nandito ka?!"

"Lower you voice. Mapaos ka kakasigaw. Hindi ako bingi. Mas lalo ka lang lalagnatin sa ginagawa mo. Hayaan mo akong alagaan ka hanggang sa gumaling ka. That's all I want, Zerene. So, please just let me." Seryosong sabi ko.

"Hindi kita kailangan!" Pagmamatigas pa nito.

"Oo na! Hindi mo ako kailangan! Dahil si Shawn lang ang kailangan mo pero pwede ba?! Wala na 'yung tao. Kailangan mong tanggapin 'yon. Kailangan mong tanggapin na ako ang kasama mo ngayon kahit ayaw mo."

"Hindi mo ako naiintindihan! Masakit pari—"

"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan ng mawala siya? Kapatid ko 'yon kaya malamang nasaktan ako! Lumayo na nga ako para lang hindi kita makuha sa kanya 'di ba?! Pero punyeta! Hindi ko kayang nakikita kang nagkakaganyan sa taong wala na! Kailangan mong tanggapin na wala na siya!"

She cried hard at nagtalukbong ng kumot.

I feel so frustrated. Nahilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko saka lumabas ng kwarto nito. Napuno na ako.

Isang oras ko siyang hinayaang umiyak na hindi ko alam kung natigil na ba. Huminga ako ng malalim bago muling pumasok sa kwarto nito.

Malakas akong napamura. Hindi dahil wala ito sa kama kung 'di nakita ko itong nasa bathtub na nakalubog sa tubig. She's unconscious pero may pulso pa ito kaya dali-dali ko siyang dinala sa pinakamalapit na hospital. Mababaliw yata ako hindi sa pagmamahal kung 'di sa pag-aalala ko sa kanya.

I called my parents and her parents dahil sa pagkakataranta. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil sa sobra niyang pagmamahal sa kapatid ko o dahil sa pagpapakamatay nito.

"She'll be okay." Sabi ni Mama habang hinahaplos ang likod ko.

She hugged me when she saw me. Naiiyak kasi ako sa frustrations.

Her parents is on her side waiting for her to wake up.

Si Papa hindi nakapunta dahil may ginagawa kaya si Mama ang pumunta.

"Sorry po. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ko sinabing tanggapin na lang niya na wala na—wala na. Wala na ang kapatid ko hindi siya magtatanggakang magpakamatay. Sorry po." Mahinang sabi ko sa parents nito.

"Ijo, hindi mo kasalanan. Pasalamat nga kami at binatayan mo siya. Kung hindi, hindi na namin alam ang gagawin kung mawawala ang nag-iisang anak namin." Sabi ni Tita Shella.

"Please continue taking care of her. Alam namin kung gaano mo siya pinahahalagahan noon pa man." Sabi naman ni Tito William saka ako tinapik-tapik sa balikat. It's like he really trust me for her daughter. I appreciate that.

-

CHANGED Posted: December 14, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.4K 28
Paano na lang kung pinipilit ka ng isang lalaki na magpakasal sa kanya? Even you don't love him. Ano ang gagawin mo? Say yes dahil wala ka ng ibang m...
118K 409 4
:UNDER EDITING: She just went out to buy a bottle of soft drinks, got tired hiding because she accidentally broke a side mirror of a strangers car...
794K 39.2K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
100K 1.6K 12
once your mine you always mine