Monstrous Academy 3: The Hidd...

By dauntlehs

957K 31.7K 8.3K

(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from t... More

P R O L O G U E.
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue.
Final note.

Chapter Five

37.6K 1.3K 321
By dauntlehs


5: Missing friend.
-

“Bakit naghiwalay kayo ni Jennie?” Mahina pero halata ang galit sa boses ni Xian.

“Dito talaga natin pag-uusapan ‘yan? Let’s go somewhere else.” Sabi ni Zero kaya naman patago kaming nagpunta sa likod ng girl’s dorm.

“Sabi niya kasi may sisilipin lang siya sa first floorㅡZero, hindi niyo ba napansing may pumasok ng main building?” Tanong ni Jester.

“Wala, wala kaming napansin ni Rozee.”

“May lalake kasing umakyat ng second floor, dinambahan ni Jennie kaya nakatulog at pagtapos no’n bigla na lang siyang bumaba. Sa tingin ko sa first floor galing ‘yong lalake kaya hindi niyo nakitang pumasok.” Paliwanag ni Jester at napataas ako ng kilay.

“May nakita ba kayo sa control room kanina?” Tanong ko kila Alex.

“Wala. Nakapatay lahat ng cctv kaya walang record.” Sagot ni Chloe. Damn!

“What now? Anong gagawin natin? Paano natin hahanapin si Jennie?” Tanong ni Xian, halatang nag-aalala. Hinawakan ko lang ang balikat niya at  marahang tinapik-tapik. Ngayon, siya naman ang hindi makapag-relax.

“Gabi na. Delikado na ‘tong ginagawa natin knowing na may kinalaman nga ang school sa mga nangyayari. Let’s trust Jennie. She’s aberrant, I’m sure okay lang siya.” Sabi ko at tumango naman sila. They know what I mean. Hindi mahina si Jennie, mautak din ang babaeng ‘yon kaya confident ako na okay siya. ‘Wag lang talagang may mangyaring masama sa kanya dahil ewan ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa dean.

“Bumalik na tayo sa dorm.” Dagdag ko at patago na kaming bumalik sa dorm. Mas pinili naman ni Rozee na roon mag-stay sa kwarto niya dahil baka raw bumalik si Jennie.

Kinabukasan, tahimik lang kami nila Rozee. Hindi kami umiimik dahil hindi bumalik si Jennie.

“Good morning, class.” Bati ng babaeng pumasok. Hindi siya pamilyar, who is she?

“I will be your new class advisor starting today.” Anito kaya napataas ako ng kilay.

“Nasan si Ma’am Freyes?” Tanong ko.

“She’s dead. Natagpuan ang bangkay niya kagabi sa faculty.” Kaswal na sagot nito na akala mo’y normal iyon.

“What?” Tanong ni Rozee at nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko. I can’t trust this womanㅡThere’s something wrong, I hate her presence.

Tumayo ako saka naglakad palabas, naramdaman ko naman ang pagsunod nila Chloe.

“Where do you think you’re going?” Tanong nang bagong prof.

“None of your business.” Pagmamataray ko at saka lumabas. May kinalaman ba ang dean sa pag kamatay ni ma’am? Kaya ba gano’n na lang ang itsura niya kahapon? Akala ko mga estudyante lang ang target nila.

For fuck’s sake! Para saan ba ang ginagawa nila? May involve pang drugs. Anong binabalak nila?!

“Hey, Erin. What’s wrong?” Tanong ni Rozee nang mapansing malalim ang iniisip ko.

“It’s really strange. Ayoko sa bagong prof, she’s kind suspicious.”

“Yeah, me too.” Pagsangayon ni Chloe. Nakasunod lang sila sa akin kaya umakyat kami sa third floor para puntahan sila Zero pero sa hallway pa lang ay nakasalubong na namin silang apat.

“Saan kayo pupunta?” Tanong ko.

“Ako dapat magtatanong nyan. Anong ginagawa niyo rito?” Tanong ni Zero.

“May namatay na naman, but this time ay ‘yong prof na namin.” Sagot ni Rozee at nagkatinginan bigla ‘yong apat.

“Sa inyo rin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jester.

“Wait, what do you mean?” Tanong ni Chloe.

“Namatay rin daw ‘yong prof namin last nigㅡ”

“Montero, Sevilla, Madrigal, Villaruel! Go back!” Sabi ng lalaking lumabas mula sa classroom nila Zero. He really got this strange aura. Kagaya ng bago naming prof. Wait, pinagplanuhan ba ‘to? Like I meanㅡ

“Sino ka sa tingin mo?” Walang emosyong tanong ni Zero kaya bago pa siya tuluyang gumawa ng gulo ay hinawakan ko na siya. Tinignan niya ako bago ngumiti ng bahagya.

“Mga wala kayong galang! Magsibalik kayo. May klasㅡ”

“Hey, old man! Kung ano man ‘yong binabalak niyo. Itigil niyo na ngayon pa lang.” Sabi ko sa lalake at tila nanlaki ang mga matanito. Hindi niya nagawang sumagot kaya hinila ko na si Zero palayo.

I know there’s something wrong. Sabay na namatay ang prof namin at nakahanap agad sila ng kapalit na para bang in-expect na nila ang mangyayari. That’s very obvious .

Kung ipinadala nila ang babae at lalaking ‘yon para bantayan ang kilos namin, pwes ngayon pa lang ay sisirain ko na ang plano nila. They can’t manipulate us, hindi nila kami makokontrol. Mahanap ko lang si Jennie, ako na mismo maghahanap ng paraan para malaman ang tinatago ng academy na ‘to.

Ang hindi ko kasi maintindihan, bakit kailangan nilang pumatay? ‘Yong drugs? May kinalaman ba ‘yon sa pagkamatay ng mga tao rito?

“Hey, Erin! Are you listening?” Tanong ni Xian, dahilan para wala sa sarili akong napatingin sa kanila. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng building. Bahagya akong tumango at sa hindi malamang dahilan, naiyak na lang ako bigla.

Agad akong hinila ni Zero para yakapin pero kumalas ako nang makita ko si Third sa likuran niya.

“Ate, Erin. Why are you crying?” Tanong niya nang lumapit siya sa akin.

“Ah wala nagda-drama lang ako. Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase?”

“Oo nga, kailangan ka pa nag-cut?” Tanong ni Zero.

“Eh kasi ang weird no’ng isa kong kaklase, eh. Paulit-ulit niyang sinasabi na mamatay kaming lahat. Kami na raw ang susunod.” Nagkatinginan na lang kami nila Chloe matapos iyong marinig.

Kinakabahan ako. Paano kung mangyari kay Third ang sinapit ng ibang estudyante rito?

“Mamayang gabi, doon ka na matulog sa kwarto namin ng kuya Xian mo.” Sabi ni Zero na halatang nababahala rin.

“May alam ba kayo sa nangyayari? Sinubukan kong tanungin ‘yong kaklase ko pero ang sinasabi niya lang na papainumin din daw kami ng drugs at matutulad sa kanya, mamamatay rin daw kami kaya nga natakot ang mga kaklase ko at nagsitakbuhan. Ang weird sa school na ‘to.”

“Xian, kayo muna bahala kay Third. Alex, samahan mo ako.” Sabi ko bago mabilis na tumungo sa keen’s lab.

“Bakit?” Tanong ni Alex habang sinasabayan niya ako sa pagtakbo, sumama rin sa amin si Rozee at Zero.

“Tatanungin ko si Tito Axel. Baka may alam siya sa drugs na ‘yon.” Sabi ko at saka kami pumasok sa loob ng keen’s lab. Agad kaming dumiretso sa office ni tito at doon namin siya nakitang tahimik na nakaupo.

“Oh, anong ginagawa niyo rito?” Tanong niya.

“Dad, may alam ka ba sa drugs na pinapainom sa mga estudyante? Aware ka naman na sunod-sunod ang mga namamatay ‘di ba?” Walang paligoy-ligoy na tanong ni Alex.

“Anong drugs? Wala kaming ginagawang gano’n dito sa lab. Ano bang nangyayari? Teka. ‘Wag niyo sabihing kayo ang mga estudyanteng hinahanap ng school’s management?”

“Hinahanap?” Tanong ni Zero.

“Sabi, isa sa mga board director ang natagpuang walang malay sa second floor ng main building, pinapahanap niya ‘yong mga estudyanteng nakita niya kagabi. Ano bang pinag gagagawa niyo? ‘Wag niyo ng pakialam ang mga nangyayari, madadamay lang kayo.”

“Tito, paano mo nasasabi ‘yan? Buhay ng mga estudyante ang nakasalalay rito.” Sabi ko at tumayo naman si Tito Axel. His eyes were blank, anong nangyari? Hindi ba siya naaalarma?

“Gustuhin ko mang alamin ang ginagawa ng school’s management, hindi ko magawa. Alam niyong mahal ko ang trabaho koㅡ” Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang sapakin ni Rozee si tito.

“What theㅡRozee!” Pagpigil ko.

“Dad.” Mabilis tumakbo si Alex papunta kay tito na ngayon ay walang malay.

“Why? Are you insane?” Tanong ni Alex kay Rozee nang lingunin niya ito.

“Can’t you see? He’s not your dad! I mean, he was being controlled!” Histerikal na sabi ni Rozee at saka siya may kung anong hinila sa may bandang batok ni tito. Ipinakita niya sa amin ang parang isang maliit na bilog na may apat na mahabang wire.

“What’s that?”

“I don’t know, pero mukhang ito ‘yong nagsisilbing transmitter para makontrol si tito.” Ani Rozee kasabay nang paghiga ni Alex kay tito sa may couch. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa nangyayari. Gagawin talaga nila lahat para hindi mabunyag ang mga ginagawa nilang krimen. Should I call the police? No, walang maniniwala sa akin.

Malakas ang impluwensya ng school. Nakakapagtaka nga dahil walang magulang ang sumugod dito, ibig sabihin lang no’n ay hindi nila alam na patay na ang anak nila. Hindi nila alam ang nangyayari sa loob ng academy.

“Damn! Hindi ko na kaya. I will talk to dean.” Sabi ko at nang akma na akong aalis ay pinigilan ako ni Zero. Hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang ako na parang nagsasabi na ‘wag ko nang ituloy ang binabalak ko.

“Ze, let me go.”

“Stop doing reckless things. Hindi natin alam kung ano kayang gawin ng dean.”

“I don’t care. Hindi ko na kayang maghintay ng himala na matatapos ‘tong problemang ‘to.”

“Sasama akㅡ”

“No. Let me handle this. Bantayan mo na lang si Third. Mahirap nㅡ”

“What am I to you, Erin?” Seryosong tanong niya na ikinagulat ko. Marahan siyang bumitaw sa akin at saka yumuko.

“Zerㅡ”

“You can go, wala ka namang pinapakinggan kung hindi sarili mo lang.” Nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niyang ‘yon. Hindi ko alam pero ang sakit na sa kanya nanggaling ‘yon. Iniisip niya ba na makasarili ako?

Oo naiintindihan ko naman na nag-aalala siya sa akin pero sana intindihin niya na hindi ko naman ito ginagawa para sa akin. Kasi kung kapakanan ko lang naman, wala akong pakialam but that’s not the caseㅡdamay sila rito, lahat ng nandito sa loob ng academy.

Hindi ko na nagawang kumibo at lumabas na ng kwartong ‘yon. Doon ko lang na-realize na tumulo na pala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan at nagmadali sa pagtakbo, hindi ko namamalayan na may mabubunggo na pala ako. Muntik pa akong mapaupo sa damuhan pero nasalo niya ako. Marahan niya akong itinayo at saka ako lumayo.

“Are you okay?” Tanong niya at marahan akong tumango. Bakit ganito? Parang kilala ko siya. Hindi, baka nagkakamali lang ako. Imposible.

“I-I’m okay. Thank you.” Sabi ko at saka nagmadaling maglakad pero napahinto ako nang marinig ko siyang magsalita.

“Masaya akong makita ka.” Agad akong napalingon pero nakalayo na siya. Bahagya pa akong napahinto ng ilang minuto bago ulit maglakad.

Baka imagination ko lang ang narinig ko. There’s no way na masaya siyang makita ko, I meanㅡIt’s my first time meeting him, pero bakit ganito? Pakiramdam ko talaga ay kilala ko siya. I want to talk to him pero hindi ito ang oras para roon. May mas mahalaga pa akong gagawin. I need to confront the dean.

Continue Reading

You'll Also Like

14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
9M 222K 109
(Most Read Filipino Story 2014) Book One "One wrong move and you're dead."
High School Terror By Shhh

Mystery / Thriller

26.7K 769 24
A summer camp gone wrong. Are they ready to experience what we call, hell?
23.9K 1.1K 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog n...