Chasing My Idol

By sayuriMa

3.4K 84 16

Anong kaya mong gawin para sundan ang lodi mo? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

189 6 0
By sayuriMa

"It's fine if it's painful...
No Matter how much it hurts inside...
Whether it's pain
Or love
They're all part of my dream"

-Mitsuki, Full moon wo sagashite



"John, ito si Yumi, kilala mo na ba siya?" tanong ng director.

Tumango lamang ng bahagya si John.

"A miss Yu..." Tumingin sa akin ang director "Si John Oriel nga pala ang makakasama mo sa commercial natin."

BLANKO...

Bigla akong hindi makapagsalita.

Talaga bang nasa harapan ko si John Oriel?

"Miss Yumi?"

"Ah... opo, kilala ko siya!" sagot ko,

Doon na ko parang natauhan. Ngumiti ako sabay bow sa harapan ni John Oriel.

Inasahan ko na ngingiti rin siya, pero hindi...

Tumingin siya sa akin na parang nangmamata, yung tipong pinipilit lang ngumiti.

Grrrr. Dito ko napapatunayan kung gaano kasama ang ugali ng lalaking ito sa totoong buhay.

Hindi siya ang idol na dapat hangaan.

Siguro hanggang ngayon ang tingin niya sa akin ay isa pa ring caterpillar na nasa cocoon.

Five, four, three, two... ACTION!

Nang magsimula ang shooting ay tsaka ko lang nakita ang totoong ngiti ni Oriel. Talaga nga naman, ang galing niyang artista-sa harap ng kamera nagagawa niyang ipakita na masayahin siya, -- na mabait siya... kahit hindi!

"Para sayo..." sabi ni John (Bahagi ito ng shooting, ang senaryo bibigyan niya ko ng chocolate)

Alam kong shooting lang, pero nang mga oras na yon habang nakikita ko siyang nakangiti, naaalala ko si Mechaman... talagang magkamukha sila...

Teka, ano bang sinasabi ko, syempre magkamukha sila dahil iisang tao lang sila, pero hindi ko dapat kalimutan na si Mechaman ay isa lamang fictional character!

*

"Yaahh!" bulalas ni Kirari pagkatapos ng shooting "Proud na proud talaga ako sayo, Yumi! Bukod sa ang cute cute mo sa screen ang swerte mo dahil nakasama mo ang sikat na sikat na si John Oriel."

Nagsalubong ang kilay ko... hindi kasi ako sang ayon sa huling sinabi niya, pero hindi ko na siya pinansin, inayos ko na lang ang mga gamit ko.

"Yu... Yu..." parang natitigilang sabi ni Kirari na may kasamang pagkalabit.

"Puwede ba Kirari wag mo nga akong kalabitin," saway ko, sabay lingon sa kanya.

"Tingnan mo sa likod mo..." senyas niya.

Paglingon ko...

"Ah!"

Papalapit si John Oriel.

DOKI DOKI DOKI DOKI

Teka bakit bigla akong kinabahan?

"Hi Oriel!" bati agad ni Kirari.

"Hi!" sagot nito.

Doon lang, halos lumuha na sa kilig ang mga mata ni Kirari.

"Ikaw si Kirari, hindi ba?" tanong ni John Oriel.

"Oo ako nga, ang galing naman, kilala mo pala ko," mabils niyang sagot.

Ngumiti si Oriel "Narinig ko kasi na ikaw ang manager ni miss Yumi," Tumingin siya sa akin.

Sa pagkakataong yon, mas lalo na namang kumabog ang dibdib ko.

"Ang totoo kasi nyan fan ang mama ko ng show mo miss Yumi."

"Ah ganun pala..." singit ni Kirari "O Yu narinig mo ba yon, fan mo pala ang mama nitong si Oriel, anong masasabi mo?"

"Masasabi ko? A-Eh... e di salamat, salamat! pakisabi na lang sa mama mo na sana patuloy niya kaming suportahan."

"Sigurado yon... by the way, puwede ko bang mahingi ang number mo?"

"N-number ko?" nanlaki ang mga mata ko.

"Oo, para marami akong malaman sayo..."

"Eh?!"

"I mean sa mga recipe mo... para sa mama ko"

Medyo napakamot ako ng ulo pero hindi na ko nag-isip, kinuha ko na yung cp niya at inilagay ko ron ang number ko.

"Salamat" sabi ni Oriel.

Ngumiti naman ako (Pero fake smile yon!)

Then umalis na si Oriel.

"Ang galing!" bulalas si Kirari. "Yumi, sa palagay ko gusto ka niya!"

Napataas ako ng kilay "Hiningi lang ang number gusto na agad... eh sinabi na nga diba, para lang makahingi ng recipe, para sa mama niya-at tsaka first meeting pa lang namin imposibleng mag ka crush agad siya sakin."

"Pa humble ka pa dyan, sikat ka no, kaya for sure matagal ka na niyang kilala."

"Hay nako... sige... isipin mo na ang gusto mong isipin pero imposible yon, dyan ka na nga!" iniwan ko na si Kirari.

"Uy sandale, Yumi!" Habol niya.

Nasa loob na kami ng Van.

BEEP... BEEP...

May natanggap akong text message pero hindi naka register ang number.

"Hi miss Yumi, ito ang number ko -John Oriel"

"Sinong nagtext?" tanong ni Kirari

"Ah, yung childhood friend ko lang," sagot ko sabay tago sa cp ko. Siguradong aasarin niya lang ako kaya hindi ko sinabi na si John Oriel ang talagang nagtext.

Limang minuto ang lumipas.

Narinig kong tumutunog ang phone ko.

RING! RING

Pagsilip ko sa phone ko, nakita kong number yon ni John Oriel kaya itinago ko uli.

"Oh bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Kirari.

Ngumiti lang ako sabay hikab, nagpanggap ako na inaantok.

Gusto kong isipin ni Kirari na antok na antok ako kaya ayokong sumagot ng mga tawag.

Kinagabihan...

RING! RING!

May natanggap uli akong tawag--Galing kay John Oriel.

"Nanaman?"

Ayoko talagang sagutin ang tawag pero baka importante, kaya nagpasya nakong i-press ang Yes button.

Pero bago ko pa magawa yon, natapos na ang tawag.

1 missed call.

Mukhang sumuko na si Oriel sa pagtawag.... Mabuti, mas mabuti yon.

Ibinaba ko na ang phone ko, nahiga na rin ako sa kama.

Maunti lang naman ang schedule ko ngayon pero pakiramdam ko super napagod ako, pero kahit ganoon masaya ko.

True, masaya ko.. pero hindi ko alam kung bakit.

RING RING!

May tumatawag uli, at tulad ng inaasahan, si John Oriel na naman.

Sa pagkakataong iyon, hindi na ko nag-isip, sinagot ko na ang tawag.

"Buti naman sinagot mo na, busy ka ba ngayon?" sabi niya sa kabilang linya. Medyo natigilan ako-hindi ko kasi inexpect na ganoon ka tender ang boses niya. Napakalamig nito, napaka malumanay....

"Yumi?"

"Ah, ano... bakit ka tumawag?" respond ko.

Napakunot pa ako ng noo, alam ko kasi na medyo unethical ang ginawa ko... hindi ko na nga sinagot ang mga tawag niya tapos ang bigla ko pang tanong bakit siya tumawag.... Pero nasabi ko na kaya dapat panindigan ko na lang...

"Sorry kung naabala kita pero gusto lang sana kitang imbitahin..."

"Imbitahin?"

"Meron akong ticket para sa stage play ng isa sa mga kaibigan ko, kung available ka sa araw ng play baka puwedeng samahan mo ko?"

"Teka... date ba yon?" naisip ko na lang.

"Yumi?"

"Ah, stage play ba kamo...kailan ba yon?" tanong ko

"This coming Saturday, sana puwede ka," sabi niya.

"Okay!" mabilis kong sagot.

Hindi ko talaga maisip kung bakit pumayag ako agad, pero hindi rin ako makaisip ng dahilan para tumanggi.

Naguguluhan ako...

Taka... bakit parang biglang tumahimik sa kabilang linya?

"Oriel andyan ka pa ba?" tanong ko

"Ah, oo, nandito pa ko, salamat sa pagpayag mo, ano san kita susunduin?"

"Ite-text ko na lang sayo."

Nang ibaba ko ang cellphone ko kakaibang excitement ang tila ba gumapang sa buo kong katawan.

Totoong sinabi ko na kalilimutan ko na si John Oriel pero sa ngayon sobrang na e-excite ako na makadate siya...

Pero teka... bakit parang ambilis?

Kanina lang kami nagkakilala date na agad?

Sandale...

Eto bang John Oriel na ito ay nagt-trip... tama, baka pinagt-tripan lang ako nito, sinusubukan niya kung madali niya kong mapapasagot, at pag nagtagumpay siya syempre ipagyayabang niya yon sa lahat...

Kung ganon ang plano niya, titiyakin ko na hindi siya magtatagumpay!

Saturday night,

Nagkita kami ni John Oriel sa napagkasunduang lugar: sa isang Restaurant sa New Manila. Malapit lang kasi doon ang theatre na pupuntahan namin.

Hindi ko na ininform si Kirari tungkol dito kasi siguradong gagawan ako non ng tsimis.

"Kumain ka pa..." sabi ni John Oriel.

Ngumiti ako, sa isip ko hindi na niya yon kailangang sabihin dahil talagang kakain ako ng marami-syempre dahil libre... sa buong buhay ko ata ngayon lang may nanlibre sa akin na lalaki... kung sa bagay ngayon lang naman may nakipag date sa akin. Dati ang madalas kong makasama sa mga ganitong pagkakataon ay ang best friend kong si Johnny pero ako naman ang laging nanlilibre.

Pagkatapos naming kumain nagdiretso na kami sa theatre dome.

"Literature major ka kaya sa tingin ko magiging malaking tulong ang panonood ng isang theater play," sabi ni John habang naglalakad kami papasok sa hall.

Ngumiti ako "Actually iyon talaga ang reason kung bakit tinanggap ko ang imbitasyon mo."

"Ganun ba..." sagot niya. Hindi na uli sya umusap, sa halip pinagmadali na niya ko sa paglalakad.

Nang makaupo na kami ay tsaka na nagsalita si John.

"Ah Yu, may alam ka bang trivia?" simuila niya.

Napakunot ako ng noo "Anong trivia?"

"Mga trivia... o sige bibigyan kita ng halimbawa... number 1Trivia... Alam mo ba na ang oldest novel sa mundo ay naisulat sa Japan libong taon na ang nakakalipas?-Ang nobelang iyon ay ang The Tale of Genji..."

Napasimangot ako, alam ko na kasi ang tungkol don.

"Mukhang alam mo na yon... o sige ibang trivia naman.... Alam mo bang ang most-visited amusement park sa mundo ay ang Tokyo Disneyland?"

"Eh, totoo?"

"Oo naman, simula pa nung 1983 mahigit kumulang 17 million katao ang bumibisita dito kada taon.

"Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dun ah," komento ko.

"May isa pa kong trivia" dagdag niya. "Alam mo ba na sa Virginia, ang ibig sabihin ng pineapple ay gratitude? Kadalasan ibinibigay ito as gift sa mga dinner parties"

"Mali ka!" bigla kong nasabi "Hospitality yon, hindi gratitude"

"Eh?" Parang natigilan napaisip pa siya ... "Oo nga, parang hospitality nga yon... Ehehe... pagdating talaga sa pagkain parang alam mo lahat Yumi, ang galing mo!"

Medyo nagsalubong ang kilay ko. Compliment ba yon? Parang hindi naman.

"Bukod sa arts tsaka sa cooking, meron ka pa bang ibang gusto?" tanong uli niya.

Natigilan ako...

Ibang gusto ba?

Bukod sa Arts at cooking?

Actually meron naman... meron akong nagustuhan... Kinabaliwan pa nga...

Walang iba kundi si Mechaman

Kaya lang paano ko masasabi yon? Kung sasabihin ko na naging fan ako ni Mechaman eh di parang sinabi ko na rin na nagustuhan ko si John Oriel, hindi puwede yon!

"Wala na, wala na kong ibang gusto!" sagot ko "Eh ikaw John, ano bang gusto mo?"

Ngumiti siya, sabay tingin sa akin.

"Eh?"

"Isa lang talaga ang gusto kong makuha sa ngayon..."

Bigla akong pinagpawisan, kinabahan...

Ano ba, bakit nakatitig sa akin si John Oriel?

Napalunok ako, lalo na dahil nakikita ko kung gaano kaganda ang mga mata nyia, pati na ang lips niya, parang nang-aanyaya- umaapila ng kiss.

"Naku naman oh... bakit ba parang buhay na temtasyon itong taong to?"

Nalapit siya... nilalapit niya ang mukha niya sa akin...

Naman oh... malapit na....

Kyaaaa!!!

CURTAIN UP!

Ayun, perfect timing!

Buti na lang magsisimula na ang play... nakaligtas ako....

"Aba, yung kasamahan mo pala sa Tornado ang bida sa play na'to..." sabi ko.

"Oo, kilala mo pala siya?"

"Siyempre naman, magaling siyang actor. Narinig ko na nag de-date sila nung sikat din na artista na nakatrabaho niya, totoo ba yon?"

"Hehe... wala ako sa lugar para sagutin yan..."

Pagkatapos ng magandang play, umuwi na rin kami. Inihatid na ko ni John sa pad na tinutuluyan ko.

"Salamat sa treat ha, nag-enjoy ako!" sabi ko bago ako bumaba ng kotse niya.

"Mabuti naman nag enjoy ka... masaya kong malaman yon," sabi niya.

Ngumiti ako bago bumaba.

"Ah sandale!" biglang tawag ni John sabay hawak sa braso ko.

Nakita ko syiang nakatitig na naman sa akin...

Not again... ninenerbyos na naman tuloy ako...

"Sana maulit pa ang paglabas natin..."

Napangiti ako, sabay tango bago ko hinila palayo ang kamay ko. Pero teka... bakit parang ambilis ata ng mga nangyayari... ano ba talagang plano sakin ng John Oriel na ito... ayoko ng ganito, ayoko ng pinag t-tripan...

"John Oriel!" Muli ko siyang hinarap...

"Johnny, puwede mo kong tawaging Johnny."

"Johhny?" So iyon pala ang nickname niya? Parehas pa sila ng bestfriedn ko.

Anyway, tinawg ko siya para magkalinawan kami.

"Magkalinawan nga tayo... ano bang gusto mo sa akin, I mean... anong balak mo... may gusto ka ba sa'kin?"

Hinga ng malalim... actually nagulat ako sa sarili ko dahil nasabi ko yon...

"Oo Yumi, gusto kita!" diretso niyang sagot.

Hindi ako nakaimik, sa halip bumalik sa akin yung mga pinapantasya ko dati tungkol sa amin ni Mechaman.

Nang ipagtapat ni Mechaman ang narramdaman niya kay Yumi, ngumiti si Yumi at yumakap sa kanya bago sinabing... "Mahal din kita..."

Yung imagination ko na yon, nangyayari na...

Sinabi na kasi sa akin ni Mister Mechaman na gusto niya ko... Turn ko na para magsabi ng linya... Supposedly dapat sabihin ko na mahal din kita...

"KULANG KA SA SELF CONFIDENT, SORRY PERO NO AKO!"

Yun yung sinabi ni John sa contest... pinagtawanan niya rin ako nang sabihan ako na caterpillar sa cocoon...

Tama... ganoon ang naging panghusga niya sa akin...

"May pag-asa ba ko?" dagdag na tanong niya.

Kung magsalita siya ay parang siryosong siryoso-parang totoong totoo, pero galit ako sa kanya!

Ang dami kong ginawang effort makita ko lang siya, mapansin niya lang ako... pero ang naging kapalit noon ay isang panlalait...

Ambilis pati ng mga pangayayari--- parang hindi kapanipaniwala na nagustuhan niya agad ako...

Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight!

"I'm sorry pero... hindi ko pa alam ang sagot....!" Pagkasabi ko non, umalis na ko... nagmadali akong makapasok sa pad ko.

Pabagsak kong isinara ang pinto...

Napasandal ako dito, kasabay ng paghawak ko sa aking dibdib.

Sobra ang kaba ko... naghahalo ang takot at saya sa puso ko.

Sa totoo lang hanggang ngayon, nasa puso ko pa rin si Mechaman--- si John Oriel. Pero hindi sapat na mahal ko siya, hindi sapat na sinabi niya lang na gusto niya ko ay tatanggapin ko na siya. Kapag nagtiwala agad ako, siguradong masasaktan ako. Hindi ako dapat magpalinlang, hindi ako dapat magpatangay.

Kailangang patunayan muna niya ang pagmamahal niya sa akin bago ko siya sagutin...

[John Oriel's POV]

"Kamusta ang date?" tanong ng mga kasamahan ko sa banda.

Napabuntong hininga lang ako.

"Aba, mukhang masamang balita ah..." sabi ni Ivan, isa sa mga band mates ko.

"Okey lang yon, okey lang yon..." pag-alo naman ni Zei, ang leader namin

Maging si Marco (yung actor sa nakaraang play) ay dinadamayan din ako.

"Teka, asan si Nikki?"

Kagrupo din namain si Nikki. Siya ang madalas magpayo sa akin tungkol sa love.

"May interview si Nikki para sa upcoming drama niya, parating na rin siguro yo,n" sabi ni Zei.

"30 minutes pa bago tayo mag take, wala ba tayong puwedeng gawin para malibang?" tanong ni Ivan na halatang naiinip. Hindi niya talaga gusto na nakatambay lang.

Ilang saglit pa may biglang kumatok...

KNOCK! KNOCK!

"Pasok, bukas yan!" sabi ni Marco.

Isang lalaki ang pumasok. "Ah may delivery po para kay Mr. John Oriel."

Napakunot ako ng noo "Para sakin, galing kanino?"

"Galing po kay miss Kirari, yung manager ni miss Yumi Marquez."

"Eh?" Dali dali kong kinuha ang package.

Sa STUDIO 6

[Yumi's POV]

Nakuha akong guess sa isang talk show.

Maraming itinanong sa akin ang host, lalo na tungkol sa love.

"Miss Yumi, ano bang ideal man mo?"

"Ideal man?" ulit ko

Sino nga bang ideal man ko?

Actually may nagustuhan akong guy nung nasa high school pa ko, yung kamukha ni Goo Jun Pyo pero ang talgang hinangaan ko ay si Mechaman--- pero sa totoo kay John Oriel talaga ako na inlove.

Okey lang ba na sabihin ko yon sa show na'to?

"Well... wala pa kong karanasahan sa pag bo-boyfriend pero... gusto ko ang isang lalaki na hard working. Yung tipong gagawin ang lahat makita lang ang taong mahal niya, yung tao na kayang maging masaya kahit dahil lang sa maliit na bagay..."

Gusto ko si John, gustong gusto ko syia pero... hindi siya ang ideal man ko.

Ang gusto ko ay isang lalaki na nag- eeffort. Sa ganung paraan mapapatunayan ko ang pagmamahal niya.

Sinabihan ko si Kirari na padalan ng package si John Oriel.

Kung talagang gusto niya ko... dapat mag effort siya...

Nagpadala ako ng jar ng M&M, may note yon na nagsasabing kung mas marami ang red na M&M sa green, oo ang sagot ko-OO sinasagot ko na siya, pero... kapag mas marami ang green, NO ang sagot ko.

John : Sinimulan ko na ang pagbibilang, tinulungan ako ng mga band mates ko.

To be honest sinadya kong damihan ang green, gusto ko kasi na pagkatapos mag effort ni John sa pagbibilang ay ma d-dis appoint siya...

Tama lang yon para maramdaman niya ang naramdaman ko noon...

Nag effort akong makita siya... pero sa huli na disappoint lang ako.

Hanggang sa matapos ang interview nasa isip ko pa rin ang ginawa ko... alam kong okey lang yon, pero... nalulungkot ako.

Nagpalingon lingon ako "Nasan na si Kirari? Gusto ko nang makauwi asan na ba siya?"

Sa paghahanap ko kay Kirari may isang tao ako na nakita...

"Johnny!" Nanlaki ang mga mata ko, matapos kong makita si ang best friend ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Anong ginagawa mo rito.. ang guwapo mo ngayon ah..."

"Ah..." Ngumiti siya "Hinde, hindi ako si Johnny, ako si Nikki--- ikaw si Yumi diba?"

Natigilan ako... hindi nga siya si Johnny pero talagang magkamukha sila.

"Pasenisya na, akala ko kasi ikaw si yung kaibigan kong si Johnny, magkamukha kasi kayo.""

"Talaga, nakakatuwa naman. Kung may bestfriend ka na Johnny ibig sabihin parehas ang pangalan ng best friend at boyfriend mo...parehong Johnny!"

"Ha?" Bigla kong naalala nung sabihin ni John Oriel na puwede ko siyang tawaging Johnny.

Mukhang nagkamali ng akala itong lalaki'ng ito.

"Hiindi ko boyfrienbd si John Oriel" giit ko.

Bakit kaya niya naisip na boyfriend ko si John gayong kakakilala pa lang naman namin...talaga bang iniisip nila na easy to get ako?

"Hindi pa ba kayo... kung gayon, hindi mo pala gusto ang kaibigan ko?" tanong ni Nikki.

Napakagat ako ng labi..."Ang totoo niyan..."

"Hay, kawawa naman si Johnny, actually 2 years ka na niyang gustoi"

"Ano?"

Nag strike sa akin ang sinabi niya, anong ibig nyang sabihin na two years?

Paano nangyari yon?

Continue Reading

You'll Also Like

200K 533 4
Allison Naomi Fernandez can do everything for love - even if it means playing with fire. Kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, para sa lalaking...
265K 7.2K 177
Main Link : https://twitter.com/walangvowels/status/738938097715412993
2.3M 68.8K 63
Rich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her unwitting victim. Will Annika and Walter f...
770K 24.2K 45
Even after getting dumped by his beauty queen girlfriend, Jacob de Lara refuses to move on. But when his friends come up with a plan involving the sp...