Make It Right

Autorstwa JustJOVEN

1.7K 100 0

Tama bang sapat na ang pagmamahal para bumuo ng relasyon? Kailangan bang kilala mo ang sarili mo bago sabihin... Więcej

Paunang Salita
Panimula
1 - A Cliché Story
2 - Kapirasong Papel
3 - Tulay
4 - Wallpaper and Letters
5 - Naudlot na Pagtatapat
6 - Salawahang Puso
7 - Request Accepted
8 - Magulong Desisyon
9 - Namulat sa Masakit na Katotohanan
10 - Decision Making
11 - Ipagpilitan
12 - Mensahe at Pagpapakatanga
13 - Monkeys
14 - Pagkikita at Pag-iwas
15 - Pekeng Relasyon
16 - Umbrella
17 - Muling Pagtatapat
18 - Pagsilong
19 - A Caller
20 - Pagkalunod sa Pagmamahal
21 - Pagtatagpong Muli
22 - Again
23 - Sa Wakas
25 - Coffee
26 - Maaga
27 - Lingunin
28 - See You Again
29 - Alam Ko
30 - Pagtatampo
31 - Ready
32 - Asawa?
33 - Sa Katanuyan
34 - Marry Me
35 - Pagtanggi
36 - Paghahanda
37 - Girls
38 - Gawin ang Tama
39 - Kapatid
40 - Sa Ilalim ng Ulan
41 - Beautiful In White
Epilogo
justJoven's Note

24 - Pagpili

20 2 0
Autorstwa JustJOVEN

Angel's POV

Napahinto ako sa pagsasayaw ng hindi ko na marinig ang kanta. Tumigil e.

Napahinto rin ako ng makita may ilaw na nakatutok sa amin.

Napahinto rin ako ng makitang kaming dalawa nalang ang nagsasayaw sa gitna.

Napahinto ako ng makitang ang mga tao ay nakatingin sa aming dalawa ni Justin.

Napahinto ako at binalot ng kahihiyan.

Anong kalokohan to?

"Ano na? Nagkaaminan na ba kayo?" rinig kong sigaw ni Hazel.

Lumapit siya sa isang babaeng mga nasa edad 40 na. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Tita, siya po yung dahilan kaya nagkakaganyan si pinsan. Ayun oh." turo ni Hazel sa akin.

"Siya ba? Kaya naman pala nagkaganyan si Justin e, ang ganda niya. Hello sa iyo iha." kaway sa akin ng babaeng katabi ni Hazel. Siya pala ang mama ni Justin. Dahil sa hiya ay nginitian ko na lamang siya.

"Baby Angel, umamin ka na ba?"

"Malamang Rina, kita mo kung paano magyakapan diba? Common sense naman unggoy."

"Kausap ba kita ha? Ha?" piningot siya ni Rina, ulit.

"Psh, ano bang meron sa tenga ko at ang hilig mong pingutin?"

"Wala, masyado ka talagang papansin ano?"

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Justin at dinala ako sa isang parte ng garden kung saan walang tao. Umupo siya roon at hinila ako paupo sa tabi niya.

Isinadal niya ang ulo niya sa balikat ko at tumingala sa kalangitan.

Ang ganda.

Ang daming bituin.

"Pwedeng ganito lang muna tayo?" tanong niya.

Gusto ko rin ng ganito. Kasama siya at nakatingala sa kalangitang puno ng mga bituing nagniningning.

"Masaya ako Justin, salamat." sagot ko naman.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Hinawakan ko naman yun pabalik at hinigpitan ang pagkakahawak ko rito.

Naramdaman ko ang pag-angat ng ulo niya at ang paghawak niya sa ulo at inihilig ito sa balikat niya.

Ayoko ko ng matapos ang gabing ito.

Ayoko na.

Naalala kong siya rin yung nagpayong sa akin noon, yung Justin na minahal ko at unang beses kong nakita noong grade 10 ako. Siya, iisa lang sila.

Nanatili lang kaming ganun at hindi umiimik. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at ang paglalaro niya sa mga daliri ko.

"Mahal kita." narinig kong bulong niya at hinalikan ang bunbunan ko.

"Mahal din kita." sagot ko naman.

"Iiwan ko sayo si Halo, alagaan mo siya ah."

Si Halo ay yung aso niya.

"Aalis ka talaga? Hindi mo ba sasabihin sa akin kung saan ang punta mo?"

"Hindi na. Ayos na yung ganun. Hahanapin ko ang sarili ko diba? Sususbukan ko kung anong mangyayari pag nawala ka sa paningin ko. Kakayanin ko kaya? Pag sa pag-alis kong yun ay kinaya ko na wala ka sa sistema ko at hindi kita nakikita ay mas mapapabilis ang paghahanap at pagtuklas ko sa mga bagay. Pero pinapangako kong hindi ka maaalis dito." sabi niya at gamit ang kamay ko ay inihawak niya sa dibdib niya.

"Kakayanin mo yan. Ganyan din ang gagawin ko. Pag nakita tayong muli sinisigurado kong nandito ka pa rin sa puso ko.
Akala ko noon, wala talagang magmahal sa akin na katulad mo. Pero pinatunayan mong mali ako. Kaya naman para sulkian ang pagmamahal mo, kailangang maipakita at maiparamdam ko rin sayo na deserving ako para sa pagmamahal mo."

"Hindi mo kailangang gawin yun. Kahit wala kang gawin, sapat ka na sa akin."

"Hindi, yun ang gagawin ko. Hindi pwedeng ikaw lang."

"Mahal kita, at hindi ako nagsisising ikaw ang pinili nito."

"Ako rin." sabi ko at ipinikit ang aking mga mata.

Dinadama ko ang kasiyang nararamdaman ko.

Sa pagtapos ng gabing to ay matatapos rin ang kasiyahang to.

Panibagong araw ang bubungad sa akin na walang Justin sa paligid.

Panibagong yugto ng buhay.

Kaya gusto kong sulitin ang gabing ito kasama siya.

~~~

Gaya ng nangyari natapos ang gabi at nasa bahay na ako.

Makalipas ang dalawang oras naming pag-upo ng magkasama at nakatingin sa langit ay napagpasayhan naming tumayo na dahil kailangan ko ng umuwi.

Hinatid niya ako hanggang sa bahay namin. Ginawaran ko siya ng isang mahigpit na araw bago magpalaam sa kanya at sinabing magkikita pa rin kami.

Nasa kwarto na ako ngayon at nakatingin sa kisame.

Hindi ako makatulog.

Naalala ko yung mga nangyari kanina. Yung mga sinabi niya.

Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko ang box sa ilalim ng kama ko.

Yung box na naglalaman ng mga papel mula sa lalaking hindi ko inakalang mahal pa ako at siya rin ang lalaking mahal na mahal ko.

Bakit ganun?

Nagmove on para sa wala. Sabi ko na nga ba at pag hindi talaga dapat mangyari ay hindi iyon mangyayari.

Yung pagmomove on ko ay wala naman talagang nangyari.

Naisip ko tuloy na yung pagmomove on na yun ay napakanonsense. Sa mga arawkasi na naririnig ko at sumasagi sa isip ko ang salitang "move on" ay naalala ko lang si Justin.

Naging dahilan yata yun para lalong mas tumindi ang nararamdaman ko sa kanya.

Isa isa kong nilabas ang mga papel na iyon. Isa isang binuklat at binasa.

Puro mahal kita ang nakasulat doon.

Nakakaaba ng puso na mabasa ang mga salitang yun.

Mahal niya ako at mahal ko rin siya pero mas napili naming kilalanin pa at hanapin ang sarili namin na karaniwang hindi ginagawa ng iba.

Madalas kasi ay pag nalaman ng iba na mahal nila ang isa't isa ay kaagad silang maghahalikan diba? Yung ganon, tapos kinabukasan sila na.

Pero kami hindi. Gusto namin na sa araw na magkarelasyon kami ay pareho naming kilala ang sarili natin.

Pareho kaming deserving para sa isa't isa.

Parehong matapang at handang ipaglaban at ipagmalaki ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

Parehong handang gawin ang lahat.

Pero naisip ko na sa mga panahong iyon, maraming araw, buwan ang lilipas, wala kayang magbago dun?

Pero dahil ito ang desisyong napili namin, dapat ay handa kami sa kahit anong kalalabasan ng mangyayari.

Ibinalik ko na ang mga papel at inilagay itong muli sa box.

Humiga ako at tumingalang muli sa kisame.
Inaalala ang mga nangyari kanina.

Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

~~~

Kinabukasan...

"Gumising ka na riyan." tawag ni mama sa akin na siyang nagpagising sa akin.

Ano na bang oras?

Napalingon ako sa orasan at nakitang alas siyete na pala.

Haaay.

Tumayo ako ng may ngiti sa labi.

Nagpunta sa cr at ginawa ang dapat gawin doon.

"Mukhang ang saya ng gising mo ah? Kumusta ang party?" tanong ni mama sa akin ng makita ako.

"Masaya ma. May pinadalang pagkain sa akin kagabi, nakita niyo ba? Nasa ref. Initin ko nalang para makain natin."

"Arf, arf, arf..." narinig kong tahol sa gilid ko.

Napayuko ako t nakita ang asong paikot-ikot sa paa ko habang tumatahol.

Si Halo...

"Inihatid yan kanina ng isang lalaki, hinahanap ka. Kaso ang sabi ko tulog ka pa. Kaya ayan iniwan na lang niya yang tuta. May iniwan din siyang papel kanina." sabi ni mama at may kinuhang papel sa sala.

"Oh ayan, di ko binasa yan. Boyfriend mo ba yun?" tanong ni mama habang nakangiti sa akin.

Hindi, pero mahal ko siya.

"Hindi po." sagot ko naman habang nakangiti.

"Ayos lang naman sa akin na magkaboyfriend ka na anak. Alam mo naman ang ginagawa mo. Siya ba ang dahilan ng mga ngiti mo? Mukhang kailangan ko siyang pasalamatan." sabi ni mama at nginitian akong muli at pumunta na sa kusina.

Ako rin ma, ang laki ng pasasalamat ko sa taong yun.

Lumuhod ako at kinuha si Halo.

"Saan ang amo mo?"

"Arf, arf." sagot naman niya.






Ang cute talaga ng asong to. Hay.

Justin, pasensya at hindi kita naabutan kanina.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.9K 531 70
There is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
549K 24.1K 42
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang...