A/N: For those who want to watch the Part 2 trailer of this story, just click the video above, or kindly search for this title in YouTube ——> "Marrying Mr. Arrogant - PART 2 Wattpad Trailer"
______________________________
Chapter 47 — PART TWO
—FIVE YEARS LATER—
[Vianca's POV]
Tsk! Traffic na naman.
Hindi ko maiwasang mainis habang sakay ng taxi. Kasi naman, ako ang na-assign bumili ng mga materials na gagamitin sa paparating na school festival. 'Yan tuloy, baka ma-late ako sa klase ngayong araw.
Bigla kong naalala si Ashley, kaya tinawagan ko agad siya.
"Hello, Ash? Malapit na ako sa school. Madami kasi 'tong pinamili ko, tapos traffic pa kaya medyo mahuhuli ako. Kumusta si Lei? Naihatid mo na ba siya?"
[Oo. Idinaan ko na siya kanina bago ako pumasok sa shop. Ando'n naman ang mga friends niya. Nag-eenjoy na 'yon.]
"Sige, salamat." Nagpaalam na ako sa kanya.
Ilang saglit pa, natanaw ko na ang malaking gusali ng St. Gregory Learning School kaya pinara ko na ang taxi.
Dali-dali na akong bumaba at nagtungo sa faculty room para ihatid ang mga dala ko. Saka ako dumiretso sa tinuturuan kong klase.
***
Naglalakad pa lang ako sa corridor, dinig ko na ang ingay na nagmumula sa loob ng classroom.
Pagpasok ko sa silid, agad na bumungad sa akin ang mga magugulo at naghahabulang mga bata. Ang kukulit talaga!
Napansin nila ang pagdating ko, kaya mabilis din silang bumati sa akin. "Good morning, Teacher Vian!" masiglang sabi nilang lahat.
"Hi, kids! Behave na kayo. Go back to your own seats now," malambing na utos ko.
Ang totoo niyan, limang taon na ang lumipas at isa na ako ngayong pre-school teacher. Tama nga marahil ang sinabi ko noon na calling ko na yata ang pagtuturo. Kahit saan mapunta, sa propesyong ito pa rin ako dinala ng kapalaran ko.
Bumalik na sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante, kaya inumpisahan ko nang magturo. Mga basic lang naman ang kailangan kong i-discuss sa kanila, katulad ng correct spelling at kung paano magbasa. Nakakaaliw rin naman ang magturo, dahil una sa lahat mahilig ako sa mga bata.
"Okay, class. Who among you wants to spell the word 'cat' on the board?" nakangiti kong tanong.
Nagsitaasan ng kamay ang karamihan sa kanila. Gustung-gusto nilang mag-recite dahil kapag tinawag ko sila at tama ang naging sagot nila, lalagyan ko ng stamped na star ang mga braso nila at proud na ipapakita naman 'to sa kanilang mga magulang.
"Yes, Shane?" tawag ko sa bibong batang babae na nakaupo sa harap ko.
Tumayo siya at nagsulat sa board.
"Wow, very good!" Pinuri ko siya, kasunod ang pagbigay ng pinakaaasam niyang star.
Tumawag pa ako ng tatlong bata at lahat sila ay tuwang-tuwa nang bumalik sa mga seats nila.
"All right. The next word is 'mouse.' Who wants to write it on the board?" tanong ko ulit.
"Ma'am! Ma'am!" Muling nag-unahan sa pagtaas ng kamay ang mga mag-aaral ko.
Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng klase hanggang sa dumako ang pansin ko sa napaka-cute na batang lalaki na nakapuwesto sa kaliwang bahagi ng classroom.
Nakaupo lang siya sa desk niya habang mistulang nagta-tantrums na naman ang hitsura. Halatang naiinis na siya, kasi kanina pa nagtataas ng kamay pero hindi ko tinatawag.
Napangiti tuloy ako. Kapag nakikita ko siyang ganyan ay may bigla akong naaalalang isang tao na halos kasing ugali rin niya. Masyadong mainipin at madalas inaatake ng temper nito. Siguro nga ay sa lalaking 'yon nagmana ang batang 'to.
***
Makalipas ang dalawang oras ay kailangan ko nang pauwiin ang mga estudyante ko.
"Kids, be careful on your way home," bilin ko sa kanila. Lumapit na ang mga parents at binitbit ang gamit ng mga anak nila.
Samantala, nagpaiwan sa upuan ang batang lalaking napansin ko kanina. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at kitang-kita ang pagtatampo sa mukha niya.
Malungkot siya at nagmamaktol pa rin, kaya nilapitan ko na.
"Halika na, uwi na tayo." Lumuhod ako sa harap niya para maging magkasingtangkad kami. Pero sa halip na sumagot ay nag-mumble lang siya.
"Tsk! Bad attitude," saway ko sa kanya. "Ano bang palaging sinasabi ko sa 'yo? Haven't I told you that I don't want you acting that way?" Nagkunwari akong nagagalit habang kaharap ko siya.
Bahagya siyang natakot, kaya napilitan ring tumingin sa akin sa bandang huli. Naging teary-eyed pa siya habang nakikipag-usap sa akin.
"I'm sorry... Eh, kasi you didn't want to call me to recite earlier. You like to call those kids sitting in front. Sila na ba ang favorite mo? Hindi na ako?" Nag-pout pa siya na lalong nakadagdag sa cuteness niya.
"Ikaw talaga." Ginulo ko ang buhok niya. "Siyempre, ikaw pa rin ang one and only favorite ni Mommy," pagbibigay assurance ko naman sa kanya.
Dahil dito ay napalitan ng maaliwalas na ngiti ang mukha niya. "Really, Mom?"
"Yup." Tumango ako. "Halika na. Umuwi na tayo."
Tumayo na ako, kaya sumunod na rin siya at hawak-kamay kaming lumabas ng classroom.
***
"Naasikaso mo na ba lahat ng decorations sa upcoming school activities ninyo?" untag sa akin ni Ashley. Nandito siya sa bahay at nakikigamit ng laptop ko.
"Oo. May mga katulong naman akong gumawa no'n. Thank you nga pala ulit sa paghatid mo kay Lei kanina sa school. Medyo malayo pa kasi 'yong mall na binilhan ko. Alangan namang isama ko pa siya doon," paliwanag ko nang hindi nakatingin kay Ash.
Pinagmamasdan kong maigi si Lei habang masayang naglalaro sa garden kasama ang alaga naming pomeranian.
"Yan ngang inaanak ko super excited na para do'n sa event. Sabi ko naman sa 'yong mas mag-eenjoy 'yan kung papapasukin mo sa klase mo, kahit parang nakiki-sit in at saling-pusa lang. Hahaha!" natatawang sabi niya. Actually, siya naman talaga ang nag-suggest na i-enroll ko si Lei sa preschool.
Mas mabuti na rin 'yon, kasi wala naman talaga akong mapagkakatiwalaan na pwedeng pag-iwanan kay Lei dito sa bahay. Bukod pa roon ay mas mababantayan ko siya habang nasa loob kami ng classroom. At the same time, may matututunan pa siya sa klase ko.
"Tapos ka na ba diyan sa laptop ko?" tanong ko kay Ashley 'di nagtagal.
"Mamaya na, nagsu-surf pa ako," hirit niya. Ikatlong beses na siyang nanghihiram sa akin, dahil na-virus ang desktop computer niya.
"Psh! Kailan ba maayos 'yong computer mo?"
"Bukas ng hapon ako pinapabalik ng technician," sagot niya habang tutok na tutok sa screen.
Tiyempo namang papalapit na sa akin si Lei.
"Come here." Tinawag ko siya at pinaupo sa lap ko.
Inaayos ko ang towel na nakalagay sa likod nito nang bigla na lang nagtitili sa kilig si Ashley.
"OMG! May nag-upload na pala sa YouTube ng performance ng Infinite sa SBS Gayo Daejun! Sheeet! Bakit ngayon ko lang 'to napansin? Waaah! Ang gwapo talaga ni Woohyun ko! I can't contain my feels!" Animo'y kinikiliti siya habang patay na patay na pinapanood ang pitong members ng nasabing grupo.
"Talaga po, Ninang? Then my dad is there, too." Biglang nagningning ang mga mata ni Lei nang marinig ang salitang "Infinite." Kumawala siya sa pagkakakarga ko at patakbong tumabi kay Ash upang panoorin ang K-pop group na nagpe-perform sa video.
"Ha? Ah... eh... oo," natatarantang sagot naman ni Ashley sa bata.
Tumingin siya sa akin, kaya inirapan ko siya. Binanggit na naman niya 'yong Infinite, kaya naalala na naman ni Lei ang daddy nito.
Speaking of daddy, ang ama kasi ni Lei ay walang iba kundi si L (Kim Myungsoo). Matapos kasi ang aksidenteng kinasangkutan ko noon ay nagpunta ako sa Korea para doon magtrabaho bilang OFW. Nang mga panahon ding 'yon ay nagkakilala kami ni L at nagkaroon kami ng relasyon sa isa't isa, at ang naging bunga ay si Lei.
Ay! Leche! Bakit ba pati ako nahawa na sa mga inimbentong kwento ni Ashley?
Sa dalas ba naman kasing itanong sa akin ni Lei kung paano kami nagkakilala ng tatay niya, na-memorize ko na yata ang script na 'yon.
Sumulyap ulit si Ashley sa kinauupuan ko, kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Hala! Sige, panindigan mo 'yan! Kung anu-anong mga kasinungalingan ang pinagsasabi mo kay Lei. 'Yan tuloy, naniwala na ang anak ko." Lihim ko siyang pinapagalitan sa isip ko.
Paano ba naman, wala akong maisagot nang minsang nagtanong si Lei kung nasaan ang tatay niya. Saktong nakita ni Ashley sa TV screen ang pagmumukha ni L na medyo kahawig ni Mitsui at bigla siyang umepal. Kaya ayan!
"Mommy, kailan po uuwi si Daddy dito sa Philippines?" Naagaw ulit ang atensiyon ko nang magtanong si Lei. Ramdam ko ang lungkot sa tinig niya.
Matagal akong tiningnan ng anak ko at alam kong hinihintay niya ang sagot ko.
"Don't worry, baby." To the rescue na si Ashley na katabi pa rin ni Lei sa mga sandaling iyon. Niyakap niya ang bata at nanggigigil na hinalik-halikan sa pisngi. "Busy pa kasi ang daddy mo sa promotional world tour nila. Hayaan mo, after that for sure bibisitahin kayo no'n ng mommy mo. 'Di ba, Vian?"
"Oo... tama," napipilitang pagsang-ayon ko naman.
Napa-facepalm na lang ako.
Lord! Patawarin n'yo po kami sa pagbibigay ng false hope dito sa anak ko.
**********