The Lost Princess

By MerittQuinn

4.6K 174 22

Isang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud s... More

Prologue
CH.1: Destined
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.5
Chapter 16 : Her World

Chapter 5

209 8 1
By MerittQuinn

Ariane's POV.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, kasama ko dito si Seungmyun sa parang meeting room ng palasyong to. Hinihintay namin yung 'ina' daw namin. Pangalawang araw ko na to dito sa palasyo pero ngayon ko lang siya makikita. Siguro maganda rin yun, kasi ang ganda ni Seungmyun eh. Malamang mabait din kasi mabait si Seungmyun. Ay grabe lahat binase ko kay Seungmyun ah.

Maya maya lang me pumasok na isang nakakaintimidate na babae. Mukhang eto na nga ata yung 'ina.' Umupo siya sa gitna namin ni Seungmyun. Habang inaadmire ko yung kagandahan niya nabigla ako nung napalingon siya sakin. Hindi siya nagsalita pero parang me sinasabi yung mata niya.

"Sa darating na Huwebes, magiisa na ang Bahay ng Minister Park sa kataas taasang palasyo ng Haring Gwang-mu. Mangyayari yun sa pamamagitan ng pagpapakasal ni Jisoo sa Prinsipe Yeongchin. Dapat nating paghandaan ang pagalis dito ni Jisoo at ang paglipat niya sa Mataas na Palasyo. " Napalunok ako, mukhang hindi ako handa sa sinasabi nung 'ina' namin. Ako? Magpapakasal dun sa lalaking cute kanina?!

Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito eh.

"Jisoo."

Oh may ghad, anong gagawin ko.

"Jisoo?!"

Paano na si Kuya?!

"Jisoo!!!! *Blag*" Napalingon ako sa isang malakas na hampas. Nakita kong nakatingin na sakin yung ina namin at nanlilisik ang mata.

"Seungmyun. Iwanan mo muna kami ng iyong ate." Nagtatakang tumayo si Seungmyun. Tiningnan niya muna ako bago siya lumabas.

"Wag na tayong magpaligoy ligoy pa. Alam kong hindi ikaw si Jisoo." Sabi nung 'ina.'

"Ako si Lady Cha na asawa ni Minister Park. Ang ina ni Seungmyun at Jisoo. At ikaw ang pumalit sa pumanaw kong anak na si Jisoo." Napanganga lang ako sa mga narinig ko. Ibig sabihin yung Jisoo na kilala nila Sunjong, Yeongchin at Seungmyun eh patay na? Bigla akong nangamba. Anong mararamdaman nila kapag nalaman nilang hindi ako ang taong inaakala nila.

"Ikaw? Sino ka?" Tanong niya.

"A-ako si Ariane Gonzales, nito ko lang nadiskubre na nasa old korean era ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito." Tumango tango siya. Mukhang me alam siya kung paano ako nakarating sa lugar na to.

"Shaman, ikaw ang magpaliwanag sa kanya ng mga nangyayare." Nagtingin tingin ako sa paligid kung sino yung tinatawag niyang Shaman. Napaurong ako nung biglang lumabas yung matandang babae na nakausap ko nung isang gabi galing sa isang madilim na parte ng kwarto. Lumapit siya samin.

"Kamusta? Ariane."

"I-ikaw..."

"Ipaliwananag mo sa kanya kung ano ang mga bagay na gagawin niya." Utos nung Prinsesa Cha.

Nanatiling nakatayo yung Shaman sa gitna namin nung Prinsesa Cha. Me binulong siyang chant sa hangin tapos nanlaki yung mata ko nung me lumabas na parang flashback scenes nung nasa bundok pa ko na nagpeplay sa pader. Alam kong galing sa magic yun dahil hindi pa naman uso dito projector.

"Paano mo nagagawa yan? Astig."

"Naalala mo nung umakyat ka sa bundok?" Tumango ako. Nagsisimula ng magpaliwanag yung Shaman." Dun kita nakita, ikaw ang inilabas ng mahika ko na natatanging kawangis ng Prinsesa Jisoo. Inagaw kita mula sa kinabukasan. Sa kasalukuyan ika'y nasa panahon ng Joseon, kung san namumuno ang Haring Gwangmu. Kaibigan ni Jisoo ang dalawang anak ng kamahalang Gwangmu, na sina Seja Sunjong, ang unang nasa linya upang maging susunod na hari sumunod si Wonja Yeongchin na anak ng hari mula sa isang concubine."

Napahawak nalang ako sa dibdib ko, medyo hindi kasi ako makahinga. Hindi ko alam kung bakit pero nung habang nagpapaliwanag yung Shaman nanghihina ako.

"Anong nangyayare sa kanya Shaman?" Napansin na ata ni Lady Cha ang pagkilos ko.

"Normal yan, dahil sa biglaan kong pagkuha sa kanya. Mawawala din yan sa mga susunod na araw. Ang importante ay maipaliwanag natin sa kanya na kelangan niyang magpanggap bilang si Jisoo. Magiging delikado ang buhay nating lahat dito kapag nalaman ng hari o ng kahit na sino na patay na ang tunay na prinsesa. Kelangan niyang maikasal agad sa Prinsipe Yeongchin."

Mas lalo akong nahilo. Anong nangyayare? Hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko?

"Ariane!" Tuluyan na ata akong nawalan ng malay.

***********

Seja Sunjong.

Nagikot ikot ako sa palasyo, araw ng Huwebes ngayon, ang nakatakdang paglabas ng kabilugan ng buwan at ang araw ng kasal ni Jisoo at Yeongchin. Alam kong kagabi ay sinubukan sabihin ni Yeonchin na ayaw niyang pakasalan si Jisoo. Pero siya'y bigo dahil masama ang kalagayan ng aming ama.

Pero may bumabagabag sa aking isip. Nitong nakita ko si Jisoo, me iba akong nararamdaman sa kanya. Kakaiba siya, parang wala siya sa katinuan niya. At parang iba rin ang kinikilos niya. Hindi rin mawala sa isipan ko ang pagdududa sa kanya.

Mukhang nasosobrahan na ata ako sa pagbabasa.

"Nabalitaan mo naba ang pagkawala ng anak ng isang gobernador? Ayun ay isang dalagang nakatakdang ikasal din ngayon." Napahinto ako ng marinig kong nagkkwentuhan ang mga nagaasikaso ng paghahanda para sa kasalan.

"Totoo? Me nabalitaan din ako na nawawala ang isang babaeng nakatakdang ikasal din ngayon na anak naman ng isang mangingisda. " Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng mga alipin. Pero minsan me punto ang mga pinaguusapan nila. Alam na kaya ng aking ama ang nangyayaring ito?

Pagliko ko sa may papuntang kwarto ko eh nakasalubong ko ang babaylan ng aming palasyo. Nagulat ako dahil matagal na siyang di nagpakita.

"Soyou!"

*****

Nagpahanda ako ng tsa-a at nagusap kami ni Soyou. Maniniwala ba kayo na nasa isang daang taon  na ang edad niya? Ngunit ang itsura niya ay parang diseotso lamang? Siya ang nagkasal sa inang reyna at ama ko. Isa siyang magaling na babaylan.

"Nakapagtataka na ngayon ka lamang ulit nagpakita " sabi ko. Ngumiti siya.

"Ako ang magkakasal sa Prinsesa Jisoo at Prinsipe Yeongchin. Pinahanap ako ng iyong ina." Tumango ako. Akala ko isang pari mula sa silangan ang magkakasal sa aking kapatid.

"Magtatagal kaba dito?" Tanong ko.

"May kakaiba akong napanaginipan nung isang gabi. May nangyaring di maganda sa ating kasalukuyan. May isang tulad ko na sumira ng ayos ng isang buhay na tao. Hindi ko iyon mabaliwa dahil...malapit lang ang taong yun dito." Nakatingin siya sa may kalangitan nun. Sino kaya ang tinutukoy niya?

"Paanong sinira?"

"Sa ngayon, hindi ko alam ang buong pangyayare pero ako'y natatakot para sa inyo ng Prinsipe Yeongchin. Mag ingat kayo. " Sa babala niyang iyon parang ayaw kong ituloy ang kasal ng aking kapatid. Nagpaalam na ko sa kanya at nagmamadali akong pumunta sa kwarto ng aking kapatid.

Kelangan naming mag ingat dahil lahat ng sinasabi ng babaylan ay totoo.

*******

Ariane's

Ginising ako ni Seungmyun. Nagulat ako nung makita kong umaga na, hindi ko akalain na isang gabi akong makakatulog dahil sa sakit na naramdaman ko nung isang gabi. Oo nga pala, pinagtapat na sakin ng Lady Cha at Shaman kung ano ang tunay na nangyari. Pero marami pa kong gustong itanong.

"Ate, salamat at ika'y nagising. Kelangan mo ng bumangon at maghanda, maya maya lamang ay susunduin kana ng palaquin papunta sa kataas taasang palasyo." Bumangon ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ngayon ang iyong kasal." Ano?!!

"Teka, kala ko ba sa susunod na araw pa?"

"Dalawang araw kang nakatulog." Shit. May kagagawan kaya yung Shaman dito? Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Hindi ako pwedeng maikasal, kelangan maitanong ko sa Shaman kung paano ako makakabalik sa amin, malamang ay nagaalala na si Kuya!

"Ate!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni Seungmyun. Lalo na't alam kong patay na ang ate niya at hindi ako yun.

Tumakbo ako papunta sa secret garden at lumabas dun sa itinuro ni Yeongchin na daan.

Hindi ko alam kung saan ako papunta. Me nakakakilala kaya sa Shaman?

Me nakita akong batang lalaki na nakatingin sakin.

"Me kilala ka bang Shaman?" Umiling siya. Nagtago siya sa isang puno na malayo sakin. Natakot ko ba siya?

"Binibini." Napalingon ako sa lalaking kumalabit sa kin. Mukhang nahawakan niya rin yung nakasabit na palawit sa balikat ko kaya nalaglag yun. Pero bago ko yun pulutin tinanong ko siya.

"Bakit?"

"Sino ay iyong hanap?"

"Kilala mo ba yung Shaman?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya.

***********

Prinsipe Sunjong.

Kanina pa ipinasundo ng aking ama si Jisoo. Kanina pa nakahanda ang palasyo para sa kasal. Ngunit napakatagal ng pagdating ng karwahe. Ako'y nagaalala lalo na't naaalala ko pa ang pinagusapan ng mga alipin kanina. Nilingon ko si Yeongchin. Nakayuko lang siya at naka tingin sa kanyang mga palad. Napatingin ako sa babaylan. Nakatingin siya sa akin. Wari'y may sinasabi.

'Nawawala si Jisoo.'

Tumayo ako at nagpasintabi sa aking ina at ama. Pasimple akong pumunta sa kulungan ng mga kabayo. Kinuha ko ang kabayo ko at lumabas kami ng palasyo. Kung totoo nga ang nadinig ko sa bulong ng babaylan sakin, kelangang mahanap ko si Jisoo, hindi ko pwedeng pagalalahananin ang aking ama at kapatid.

Pinabilis ko pa ang takbo ng kabayo.

Pagdating ko sa Hilagang palasyo nagkakagulo doon.

Hindi na ko nagpakita sa mga prinsesa pero hinarang ko ang isang alipin.

"Anong nangyayare?"

"Kamahalan, n-nawawala ang Lady Jisoo!" Pabulong niyang tugon. Siya'y agad na tumakbo sa isang direksyon. Totoo nga ang sinasabi ng babaylan. Totoo kaya ang sinasabi ng mga alipin na dinudukot ang mga babaeng ikakasal sa unang kabilugan ng buwan?

Umikot ako papunta sa sikretong labasan ng palasyo. Nakita ko sa lapag ang isang simbolo ng Pamilya Park na karaniwa'y nakasabit sa balikat ng mga anak ng ministro dito. Mukhang galing ito sa damit ni Jisoo. Dalawa lamang ang ganito, tag isa sila ni Seungmyun. Sira ang simbolo.

"Kuya!" Napalingon ako sa isang batang lalaki.

"Tulungan niyo yung isang magandang dalaga! Binuhat siya nung isang lalaki papasok sa kakahuyan, me kasama yung lalaki. Sabay sabay silang tumakbo papasok sa kakahuyan habang buhat yung dalaga!" Sabi niya.

"Anong suot ng dalagang iyong tinutukoy?"

"Magarang damit. At sobrang ganda niya." Si Jisoo na nga iyon!

"Salamat, pagbalik ko, may ibibigay ako sayo." Nagliwanag ang mukha nung bata. Agad kong pinatakbo ang aking kabayo papasok sa kakahuyang tinukoy niya. Alam ko ang lugar na ito, dito kami pumupunta para mangaso noon. May mga nakikita din akong bahay dito.

Inisa isa ko ang mga yun pero mukhang di sila ang dumukot kay Jisoo.

Hanggang sa may nakita akong sunog na bahay, mukhang inayos lamang ng onti para matirhan. Bumaba ako at itinali ko muna ang aking kabayo sa isang puno.

Ako ang pumasok sa bahay na iyon.

May nakita akong tatlong lalaking nagiinuman. Umiwas ako sa kanila at umikot ako papasok sa isang bodega. Sumilip ako dun at may nakita akong tatlong dalaga.

Pinatahimik ko sila kaagad nung nakita nila ko.

Pumasok ako don.

"Nandito ba ang anak ni Ministro Park?" Tanong ko. Tumango sila.

"Siya ang huling dinukot, nandun siya sa may isang pintuan." Tinuro nung isang babae yung pintong nakasara. Agad ko itong binuksan. Nakita ko doon si Jisoo, walang malay at may takip ang bibig at nakatali ang kamay. Nilapitan ko siya't ginising.

"Jisoo." Unti unti siyang dumilat. Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko nung makita kong gising siya at maayos. Tinanggal ko agad ang tali niya at takip sa bibig. Ramdam kong nanghihina siya kaya ipinasan ko siya. Itinuro ko naman sa mga babae yung daan palabas.

Pumunta kami kung nasan ang kabayo ko.

"Maraming salamat ginoo." Sabi nila.

"Pasensya na kung hindi ko kayo maihahatid sa mga bahay niyo dahil isa lamang ang dala kong kabayo. Pero titingnan ko muna kayong makalayo bago kami umalis."

"Maraming salamat talaga." Mabilis silang tumakbo palayo.

Ginising ko ulit si Jisoo.

"Kaya mo bang tumayo kahit saglit? Sasakay ako sa kabayo para maiangat ka."

"M-mukhang kaya ko naman." Dahan dahan siyang tumayo. Sumakay agad ako sa kabayo at inalalayan ko siyang makasakay. Sa unahan ko siya isinakay.

"Ayon! Ayon! Tumatakas na sila!" Paglingon ko, paakyat na yung mga lalaking dumukot kay Jisoo papunta sa pwesto namin.

"Kumapit ka." Bulong ko.

Nagulat ako nung hindi siya kumapit, bagkus ay yumakap siya sakin.

*Dug dug.*

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo. Lalong humigpit ang yakap ni Jisoo sa akin.

Paglabas namin ng kakahuyan, nakita ko ang mga rumorondang kawal.

"Ang mga lalaking dumukot sa Prinsesa Jisoo ay nasa kakahuyan! Ang kung sino mang makahuli sa kanila ay may pabuya galing sa akin, na Prinsipe mula sa kataastaasang palasyo!" Agad na napalingon ang mga tao.

"K-kamahalan!" Sigaw ng mga kawal, iniutos ko agad na pumunta sila sa kakahuyan. Dinala ko agad si Jisoo sa palasyo.

Sumalubong sakin sina Yeongchin, at ang mga iba pang kawal. Pagtingin ko sa paligid wala na ang mga nakahanda para sa kasal. Mukhang nakarating na ang balita sa kanila.

Binuhat ni Yeongc si Jisoo. Tinanguan niya ko bago niya dinala ito sa pagamutan.

Pagbaba ko ng kabayo agad kong iniutos sa isang kawal na ipakulong ang mga lalaking dumukot kay Jisoo.

Hindi ko ipagpapabaliwala ang ginawa nila.

*********

Kinaumagahan.

Nagpulong ang mga ministro at mga may mga posisyon sa palasyo. Dahil sa nasa kapahamakan ang mga anak ng Ministro Park na kasalukuyang nasa ibang lugar dahil sa utos ng Hari. eh napagdesisyunang sa palasyo muna sila titira. Dahil sa lumipas na ang unang kabilugan, sa susunod na ulit pepwede ang kasal nila. Nagkaron pa ngayon ng panahon si Yeonchin para makausap ang ama.

Pagkatapos ng pagpupulong naisipan kong dalawin si Jisoo sa tinutuluyan niya. Pero wala siya dun, kaya hinanap ko siya sa buong palasyo.

Nagawi ako sa paborito kong lugar kung san kitang kita ang buong kalangitan. Dun ko siya nakita na maaliwalas ang mukha at nakikipaglaro sa mga batang anak ng mga alipin. Masaya siyang nakikipaglaro dito.

Nakakapagtaka, hindi nakikipaglaro si Jisoo sa mga bata, sa katunayan niyan mabait siya pero hindi niya kaya ang makihalobilo sa mga bata.

Naramdaman ko naman yung kakaibang kabog sa dibdib ko.

Eto'y hindi ko nararamdaman sa kanya. Anong nangyayari?

(To be continued)

Continue Reading

You'll Also Like

231K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...