Are we Still Strangers? [Comp...

By rizzamaruja

13.4K 353 62

Sina Sheena at Troy? Hindi sila magkaibigan. Hindi sila magkamag-anak. Wala silang relasiyon. Except sa salit... More

Are we Still Strangers? [1]
Are we Still Strangers? [2]
Are we Still Strangers? [3]
Are we Still Strangers? [4]
Are we Still Strangers? [5]

Epilogue

1.6K 94 35
By rizzamaruja

** LAST **

3rd Weeksary na…

 

Napagtanto ni Troy…

Aamin na ako kay Tanya…

 

At magiging Malaya na ako kay Sheena…

 

“YESSSSS!!!!” Napatalon siya sa sobrang saya. Talon. Talon. Talon. Talong siya ng talon sa kama hanggang sa nauntog siya sa kisame. “Aruuuuyyyy!!!” Ang sakit. Sh*T.

 

“Troy! Kanina ka pa hinihintay ni Sheena! Baka malate kayo! Bilisan mo!”

“Opo!” masaya niyang sigaw sa Mommy niya.

Lumabas na siya ng bahay habang dala-dala ang kanyang bike.

“Ako naman ang magba-bike!” sabi ni Sheena sabay agaw ng bike... Nagsimula na din siyang magpidal.

“T-Teka! Akala ko ba hindi ka marunong mag bike? Saka sabi mo takot ka sa mga bike?”

“Hahaha. Naniwala ka naman sa akin??” saka siya nagpatuloy sa pagpipidal.

“Uy! T-teka sandali! Hintayin mo ako!” at ayun, walang nagawa si Troy at hinabol niya ng hinabol si Sheena..

Pwede naman siyang mag tricycle pero bakit hindi? Mahalaga kasi yung bike. Bigay pa ng pumanaw niyang Daddy yun sa kanya. Since wala nga siyang tiwala kay Sheena, eh hindi niya maiwan ito. Kaya ayun, todo habol.

“Sheeeeeeenaaaaa!” sigaw ni Troy habang tumatakbo papasok sa eskuwelahan.

“Hahahaha! Habulin mo ako! Ang bagal mo kasi! Ayan! Hindi mo ako mahabol! Tsk. Tsk..” patuloy naman si Sheena sa pagpidal sa bisikleta.

“Eh paano kita mahahabol? Naka bike ka, shunga!” hingal na hingal na sabi ni Troy.

“Habol ka na lang! Ah oo nga pala! Yung lunch natin nasa bag mo! Baka maalog!” sigaw naman ni Sheena.

“Ano?” Biglang napatigil si Troy at binuksan ang kanyang bag. At yung lunch boxes? Ayun, natanggal ang takip at nagkalat ang pagkain sa loob ng kaniyang bag. Sayang naman. “Loko ka talaga Sheena hindi mo agad sinabiiiii! Humanda ka sa kin mamaya pag-uwi!!” at nagpatuloy na siya sa pagtakbo.

***

**School.

Hingal na hingal si Troy. Habang nakangiti naman sa kanya si Sheena.

“Walang.. walang hiya ka Sheena!” bulalas niya dito.

“Hahaha. Oh heto na ang bike mo. Baka may makakita pang iba… sabihin bakit ko gamit yan. Heto na..” saka niya iniwan ang bike at naglakad naman na papasok sa loob ng eskuwelahan.

Pambihira… yun na lamang nag nasabi ni Troy sa kanyang sarili.

Pagkapasok niya ng classroom, nakatingin na agad sa kanya si Tanya.. nang nakangiti.

“Ah… Troy…”

Bigla siyang kinilabutan sa narinig… ilang beses naman nang binabanggit ni Tanya ang pangalan niya pero sa pagkakataon na ito, parang kakaiba.

“B-Bakit?” Bigla siyang napatingin kay Sheena na nakangiti naman.

“Mamyang uwian, gusto kong mag-usap tayo. Hihintayin kita sa may likod ng gym.” Sabi niya saka lumabas ng kuwarto para bumili sa canteen.

Okay, anong meron? Bakit ako niyaya ni Tanya? Kagagawan ba ito ni Sheena? Pero… paano? Shooot kinakabahan akoo!

 

Tinignan niya si Sheena at nakangiti pa din. “Good Luck.” Sabi nito at saka siya nilagapasan.

Thump. Thump. Thump. Nando'n na naman yung something na naramdaman niya nung nakaraan. But this time, parang may tumutusok sa kanyang puso. 'Yun ang tamang description para sa nararamdaman niya ngayon. Hindi din niya alam kung bakit pero ganun talaga eh.

**UWIAN

Nasaan na ba kasi siya? Sabi niya dapat nasa harapan niya eh! Eh ngayon ko na gagawin!

 

“The number you have dialled is not ---“

“Ay putek!” naibaba na niya yung cellphone niya saka niya binulsa. Pang sampung beses na niya tinatawagan si Sheena pero nakapatay pa din ang kanyang cellphone.

“Ano bang problema nun? Tssss…” medyo badtrip niyang sinabi.

“Ay, nanjan ka na pala.” Mejo nagulat siya sa pagdating ni Tanya.

“Oh Tanya, nandito ka na pala.”

“Oo, hmm.. mukhang badtrip ka ah?” tanong sa kanya ni Tanya.

“Ah, hindi naman..”pero mejo badtrip nga siya. Hindi pa kasi niya nakakausap simula pa kanina si Sheena eh. .”Ano ba yung, sasabihin mo? Oh.. pag-uusapan natin?” tanong niya kay Tanya.

“kasi.. Ano… ahm…”

Aamin na ba siya? Gusto niya ba ako?

“Kasi, may.. nakapag sabi sa kin na, aalis na daw si Sheena mamaya. Alam mo  ba kung saan siya nakatira?”

Naitigilan si Troy. Medyo hindi pa nga nag function ng mabuti yung utak niya sa mga sinabi ni Tanya, at para siyang nabuhusan ng malamig na yelo nung tuluyan na niyang naintindihan ito.

“Aalis?" ulit niyang tanong.

“Oo, nabanggit niya sa akin kanina. Aalis na daw siya mamyang gabi. Kaya maaga siyang uuwi…”

“Si-Sigurado ka?” hindi siya makapaniwala.

“OO. Kasi, nakita kong ikaw yung isa sa mga naging close niya sa room. Gusto ko sana gawan natin siya ng parang party bago siya---“

Hindi na niya pinatapos si Tanya sa pagsasalita at tuluyan na siyang tumakbo.

***

“Ma!” sigaw niya pagkapasok niya ng bahay. Pero walang tao… Nagtungo siya sa kusina at may nakita siyang note.

May pinuntahan ako. Medo male-late ako ng uwi.- Mommy”

Naihilamos naman niya ang kamay niya sa kanyang mukha. “Badtrip bakit ngayon pa nawalan ng tao sa bahay?” agad siyang umakyat sa taas at nagtungo sa kuwarto ni Sheena.

Tinignan niya yung cabinet at laking gulat niya na wala nang laman ang cabinet nito; at mapasalampak na lang sya sa sahig, may nakita naman siyang isang sulat.

“Troy, salamat. Pasensiya na ha? Napatunayan ko na yung gusto kong mapatunayan. Thank you at naging part ka nung gusto kong mangyari. Mag-iingat ka palagi. :) – Sheena”

At hindi namalayan ni Troy, unti-unti nang nababasa yung hawak hawak nyang papel.

Nababasa...

ng kanyang sariling mga luha.

***

Gusto kong mapatunayan, kung magiging masaya ba talaga ako kapag nakasama ko siya. Bata pa lang ako, gustong gusto ko na siya. Simula nung magpunta kami sa bahay nila, isang beses nung mga bata pa kami, eh gustong gusto ko na siyang nakikita. Nagpunta si Daddy sa bahay ng kaibigan niya nung mga panahon na may kailangan siyang asiksauhin at sinama niya ako.

At dun ko nakita si Troy…

Masungit talaga siya sa simula pa lang. Pero napag desisyunan kong lumuwas para Makita ko ulit siya. At kita mo nga naman.. nakasama ko pa siya sa iisang bubong dahil na din sa kagustuhan ni Daddy na maging ligtas ako. Mas gusto daw niyang dun na muna ako tumira hanggang sa maka-uwi siya ulit dito.

Masaya ako. Sobra…

Nagsinungaling ako sa kanya nung sinabi kong dahilan na gusto ko lang mag adventure kaya ako nagpunta dito… Nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong dahil sa kanya eh. Kaya naman ayun, kahit masamang mag sinungaling eh ginawa ko.

Nagsinungaling ako na hindi ako marunong mag bisikleta para lang maranasan ko na maiangkas niya. Nalaman ko na may iba na siyang gusto...Naging kami kahit sandali nang dahil dun.. At tinulungan ko pa siya para umamin sa taong gusto niya. Ngayon kaya? Nakaamin na kaya siya?

 

“Sheena!” napalingon si Sheena sa pinanggalingan ng boses. Natigilan pa nga niya nang makilala niya kung sino iyon. “A-Anong gingawa mo dito?” nagulat siya nang makita niya si Troy na mabilis na mabilis na pinapatakbo ang bisikleta papalapit sa kanya.

Inihinto na n i Troy ang bike. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. 

Ilang. Iyon ang  naramdaman niya; at para hindi na niya ito maramdaman, siya na ang bumasag sa katahimikan. “Oh? Bakit ka nandito? Ang layo ng pinidal mo ah! Hahaha.” tumawa siya, kahit na parang gusto niyang umiyak.

“Nakakangiti ka pa! Adik ka talaga!” at doon na napawi ang ngiti ni Sheena. Nagkatinginan silang dalawa, wala ni isang nagsasalita. Pero dahil hindi sanay si Sheena sa awkwardness, siya na ulit ang nauna.

“Eh bakit ka ba nandito?” 

“Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Paano na si Mommy kung mag-alala na naman sa iyo yun at bigla kang nawala?”

Napatungo si Sheena at saka gumiti. “Ah..” napakamot pa siya sa ulo.  “Alam ng mommy mo na aalis na ako ngayon.” Paliwanag niya “Akala mo ba hindi?” 

Nakita niyang nagbago rin ang expression ng mukha ni Troy. “Ah.. Alam niya?”

“Yup. Sinabi ko na kagabi.”

“Eh... Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Bigla naman ulit napawi ang ngiti ni Sheena.

“Eh, hindi mo naman kailangan malaman eh. Hindi ka ba natutuwa na aalis na ako? Wala rin namang kuwenta kung sasabihin ko sa'yo eh.” ayaw mo nga sa akin 'di ba? Simula pa lang? gusto niya sanang idagdag.

Para naman sinampal si Troy sa narinig. Wala nga lang ba sa kanya? “Sa tingin mo ba kung wala lang sa akin yun eh hahanapin at susundan pa kita dito?” medyo galit na tono ni Troy. Medyo nagulat naman si Sheena sa narinig. 

Kaso may naisip siya...

“Ah, alam ko na kung bakit ka nandito. Sorry na." Nagbuntong hininga si Sheena. "Yung huling gusto kong mangyari, yung umamin ka kay Tanya sa harapan ko," napalunok pa siya ng laway. Para kasing natutuyuan siya ng lalamunan. "Sorry kung hindi na ko nakasipot ah? Hindi ko kasi… Kakayanin.” Saka siya ngumiti ulit, at gaya ng dati, binalik niya ang sigla niya na palagi niyang pinapakita kay Troy. “Eh ano nang nangyari? Nasabi mo na ba? Kayo na? Congrats kung—“

Natigil siya sa pagsasalita dahil bigla bigla na lang siyang niyakap ni Troy.

“Nakakainis…" bulong nito sa kanyang tenga. Hindi naman mapigilan ni Sheena na kilabutan sa tono ng boses ni Troy. "Bakit mo ba ginawa yun? Hindi mo ba alam kung gaano ka masasaktan kapag nangyari yun?”

“A.. Ano..” hindi siya makapagsalita.

Lalo pang hinigpitan ni Troy ang pagkakayakap niya kay Sheena.

“Hindi ko kayang aminin. Hindi ko siya ganun kagusto. Kasi iba na yung gusto ko.. Hindi na siya. Simula nung makilala kita, hindi na siya yung gusto ko…”

Kumalas sila sa pagkakayakap.

“Sorry kung hindi ko magagawa yung gusto mong mangyari, and sorry kung hindi kita hahayaang bumalik sa kung saan ka man nanggaling..” sabi ni Troy.

“Ha?” nagtatakang tanong ni Sheena, pero nakangiti na siya.

“May gusto kasi akong mangyari… at involved ka dun.”

“Ano naman?” ngiting ngiti na siya. Hindi niya mapigilan.

“Gusto kita Sheena. Kahit na ang kulit kulit mo.. Gustong gusto kita…”

“Oh tapos?” nakangisi na siya. Ngising ngisi na siya.

“Be my girlfriend. Hindi lang sa isang buwan. Kundi hanggang sa umayaw ka.”

And then pareho na silang napangiti.

Bakit walang 4th weeksary?

Eh kasi hindi aabot.

1st day pa lang na sila eh, and it’s now official. 

Ang may akda,

Rizza Maruja <3

But wait, may pahabol pa pala si Sheena...

“Are we still strangers?”  Tanong nito kay Troy.

Napa-isip si Troy, at saka niya hinalikan si Sheena sa labi.

“Sa tingin mo?” 

Continue Reading

You'll Also Like

216K 14K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.