Are we Still Strangers? [Comp...

By rizzamaruja

13.4K 353 62

Sina Sheena at Troy? Hindi sila magkaibigan. Hindi sila magkamag-anak. Wala silang relasiyon. Except sa salit... More

Are we Still Strangers? [1]
Are we Still Strangers? [2]
Are we Still Strangers? [3]
Are we Still Strangers? [5]
Epilogue

Are we Still Strangers? [4]

1.3K 51 3
By rizzamaruja

Magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa may plaza. Apat na araw nang sila. Buti na lang at gabi na at nakasuot siya ng jacket. Lagot na ang image niya kung may makakakita pa… Hindi na nga siya masiyadong kilala eh lalo pa siyang hindi makikilala dahil may ka date siiyang isang baduy.

Hindi naman talaga sa baduy si Sheena. Sadyang hindi lang sya marunong pumorma. Kaya ayun, nagmumukha siyang baduy.

“Ilibre mo naman ako nun!” sabay turo ni Sheena sa may siomai.

“Eh? Wala ka bang pera?” sabi naman ni Troy.

“Meron. Pero di ba ‘tayo’? kaya ilibre mo na ako…”

“Tssss..” agad naman nagtunog si Troy sa may siomai-yan at binalikan na si Sheena na may dalang siomai.

“Oh ayan na..! Siomai mo!”

“Thank you!” sabi ni Sheena. “Upo ka na sa tabi ko.” Pinat pa ni Sheena yung uupuan ni Troy.

“Alam mo, hindi kita maintindihan. Ano ba kasing plano mo??” tanong  ni Troy. Kahapon pa siya nabo-bothered sa mga sinasabi ni Sheena.

“Ayun nga! Nasabi ko naman na hindi ba? Yung about kay Tanya, yung about sa iyo. Ayun… Yun lang yun.” Sabi ni Sheena.

“pero ano nga? Bakit mo ginagawa yun?” Tanong ni Troy.

“May gusto lang akong patunayan…” sabi niya.

“Patunayan???” isang nakakabagabag na salita na naman para kay Troy. For sure mababaliw na naman siya kakaisip mamayang gabi.

“Ay pag-usapan na lang natin yung about sa atin!” sabi ni Sheena.

“Paanong sa atin?”

“Meron kasi akong gustong mangyari habang tayo! Susulitin ko na!” sabi niya habang tumatawa.

“Baliw.” Sabi ni Troy saka umirap.

“Ano ka ba, for sure mag eenjoy ka rin dito.” Sabi niya.

“Okay, EH ano ba 'yun?”

“Yung una, gusto kong makasakay sa Ferris Wheel!”

“Gusto mo mag perya?” Tanong ni Troy.

“Oo. Pero… Kapag wala nang tao. I mean, kapag sarado na yung perya.” Sabi niya.

“Adik! Eh hindi na pwede yun!” sigaw ni Troy. Kumokontra na siya ngayon lang. Alam niya kasing mahihirapan na siya eh.

“Kaya nga gusto kong mangyari yun eh! Okay? Gawin natin yun sa first week natin! Okay? Then yung second, sunset sa itaas ng bundok. Gusto kong makakita ng sunset mula sa bundok!”

“Bakit?'Kala ko taga probinsiya ka? Eh bakit parang wala kayong bundok?”

“Hindi pa kasi tapos eh. Gusto kong makita ang sunset sa bundok kasama ang taong gusto ko.”

Bigla naman natigilan si Troy sa narinig niya kay Sheena. Tumingin siya dito at nakangiti ito nang hindi nakatingin sa kanya. “O-Oh tapos ano pa?” nauutal niyang sinabi.

“Pangatlo, hmmm… Tutal tatlo linggo na lang at isang buwan na, hanggang tatlo lang pala ang pwede! Kasi every week natin gagawin yun di ba? Tsss..” nakita niya pang parang nadisappoint ito.

“Eh ano nga yung pangatlo??” naiinip na tanong ni Troy.

“Umamin ka kay Tanya sa harapan ko.”

“Ha???” napatayo siya. Aamin ako kay Tanya?

“Oh bakit? Mahirap ba yun?” tanong ni Sheena.

“O-Oo! Mahirap yun!” Bulalas naman niya.

“Sus… ang dali dali nga nun eh! Mas madali pa yun kesa dun sa nauna kong gusto! Hahahaha.” Tawa ni Sheena.

“Eh teka teka, bakit mo naman biglang naisip yan?” tanong ni Troy.

“Hmmm.. Wala lang. hindi ba sabi ko tutulungan kita kay Tanya? Kaya habang cine-celebrate natin ang mga weeksary natin, eh magbibigay ako ng tips about her! Close ko na kaya siya ngayon..” tumayo na si Sheena habang hawak hawak ang siomai.

“Ganun?”

“O, kaya dapat gawin mo yung mga gusto kong mangyari.. Kasi kung hindi, sayang ang pagkakataon..” saka siya naglakad papalayo.

---

“And that’s our report . Thank you for listening!” pagtatapos ni Tanya sa report nila sa English. Nagsipalakpakan naman ang mga classmates nila.

“Wow. That’s a very good job, you three! Kayo ngayon ang may pinaka mataas na grade na nakuha! Bawing bawi ka sa nabagsak mong exam, Tanya!”

“Yes!” sigaw ni Tanya at ni Sheena.

“Yes! Troy! Yahoo!” napayakap pa si Tanya kay Troy. Medyo O.A. pero ganun talaga si Tanya eh… Medyo "vuvu" kasi siya. Mabuti na lang at siya'y maganda.

“Ah-Ahh.. Oo nga, congrats sa'tin!” namumula naman si Troy sa nangyari. Napatingin siya kay Sheena na nakangiti naman sa kanila ngayon.. Kumindat pa nga ito sa ka kanya at parang sinasabing.. ‘Nice! Nice!’

“At dahil d'yan, ililibre ko kayo mamyang uwian!” sabi ni Tanya.

“Talaga? Wow! Sige sige, maganda yan!” sabi ni Sheena.

“Ano gusto mo mamaya Sheena?” tanong ni Tanya.

“Ako? Kahit ano basta libre!”

“EH ikaw Troy?” Bumaling naman ito kay Troy.

“Ah. Ka-kahit ano din.” Nauutal niya na namang sagot.

“Good. Basta mamaya hintayin niyo ako ah? Pupunta lang ako ng meeting saglit. Okay?” sabi ni Tanya.

** Uwian

“Hi Troy!” bati sa kanya ni Tanya. “kanina ka pa?” tanong nito.

“Ah hindi naman.. Medyo kadadating ko lang din.”

Tumango-tango naman si Tanya. “Ah… eh nasaan na si Sheena?” tanong nito.

“Hindi ko nga alam eh. Baka marami pang ginawa dun sa club nila..”

Tapos maya-maya, biglang tumunog yung cellphone ni Troy. Binasa naman niya ang text.

From: Sheena

Uy, uwi na ako ah? ;) Enjoy ka jan, okay? DO THE MOVES! Hahahahaha

“Adik talaga yung babaeng yun!” sabi ni Troy.

“Ah? Sino?” tanong ni Tanya.

“Ah.. hindi, nagtext kasi si  Sheena sa akin.”

Napangiti naman si Tanya. “Mukhang close kayo ni Sheena ah?” sabi niya.

“Naku! Hindi noh! Nakuha ko lang naman yung number niya kasi di ba, magka group tayo?” paliwanag ni Troy. Kailangan niyang magpaliwanag kasi, si Tanya ang kausap niya. Ayaw niyang isipin nito na close siya sa isang baduy…

“Bakit? Wala namang masama maging close kay Sheena ah? Medyo may pagka iba siya sa iba nating classmates pero mabait siya." sagot naman ni Tanya as if nabasa niya ang iniisip ni Troy. "Minsan nga… naiisip ko, na gusto mo siya eh.” Bigla naman napayuko si Tanya.

Bakit bigla bigla niyang sinabi yun?

“Ay! Ano nga pala ang sabi ni Sheena?” tanong ni Tanya.

“Hindi na daw siya makakasama sa atin. Kasi, nagtatae daw siya.” Sabi ni Troy.

“Ah, okay sige… tara na ililibre na kita?”

At naglakad na sila sa kung saan at nilibre na iya ni Tanya. Masaya si Troy… Aba! First time niyang makasama ng ganun ang super, duper crush niyang si Tanya! Pinapangarap nya itong mangyari… Ngayon natupad na..

Unti unti nang gumaganda ang huling taon ko ng high school. Sabi niya sa kanyang sarili… at isa pang narealize niya,

dahil iyon kay Sheena.

** Bahay.

“Nandito na po ako!” sigaw ni Troy pagkapasok niya sa loob ng bahay. Hanggang ngayon eh ngiting ngiti pa din ang mokong… Heaven eh, nakasama niya yung super, duper crush niyang si Tanya. And take note: Nilibre pa siya nito.

Sinong hindi sasaya, hindi ba?

“Oh, nandito ka na? Nasaan si Sheena?” tanong naman ng Mommy niya.

“Ha? Wala pa po siya dito?” laking gulat niya. Kanina nag text si Sheena na uuwi na daw. Pero hanggang ngayon, wala pa pala ito sa kanilang bahay.

Eh nasaan kaya si Sheena ngayon?

***

Halos nalibot na niya ang buong barangay at buong lugar nila pero hindi niya Makita si Sheena.

Sige pa din ang pagpidal niya sa kanyang bisikleta. Tumingin siya sa relo at alas dose na din ng gabi.

Saang lupalop naman yun nagpunta? Sabi kanina uuwi na!... naiinis na tanong ni troy.

“ANong petsa na! Dapat natutulog na ako ngayon eh!” sabi niya.

Bigla siyang napahinto….

“Anong… petsa nga pala ngayon?”

Dali-dali siyang nagpidal at pinaandar ang kanyang bike ng sobrang bilis hanggang sa makarating siya sa isang saradong perya-han.

“Ang tagal mo naman!”

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...