Just Fall In Love Again (Publ...

By asherinakenza

12M 167K 10.6K

Published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P199.00 Kaya mo pa bang magmahal kung sobra sobra ka... More

Just Fall In Love Again
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Finale
Epilogue
Pagbati at Mensahe mula kay Ate Ash :">
Special Chapter: Drake's payback time...
Special Chapter: Drake Tyler Christmas Gift

Kabanata 49

182K 2.8K 249
By asherinakenza

Dedicated kay @sweet_rhyme kahit anong stories ko yata nagcocomment ka ng bongga. hahaha, salamat sa suporta! :)



Kabanata 49


Tinititigan ko ngayon si Drake habang nilalaro niya ang kamay ni Tyler sa crib, masayang masaya siya.


Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko, hindi man ganun kadali dahil alam kong muntik na talaga akong mawala pero at least nakuha kong lumaban.

"Ang tapang nga ni Marie, mas matapang siya kaysa saakin. Pinigilan niya talagang h'wag ipikit ang mata niya pagkalabas ni Tyler." Puri ni Tita Jessica saakin, nandito kami ngayon sa sala. Natutulog naman sa itaas si Tyler, habang si Drake nandito sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko habang nakaupo kami sa sofa. Panay ang kwento nilang dalawa ni Tito Drew tungkol sa panganganak ko, kitang kita ko naman ang paghanga ni Papa saakin, natutuwa pa rin ako tuwing naaalala ko kung paano sinabi saakin ni Papa na matapang talaga ako.

"Pero sa totoo lang, 70 percent ng buhay talaga ni Marie ang nasa hukay nung gabing yon." Pag amin ni Tito Drew, tumango naman si Tita Jessica. Naramdaman ko ang titig saakin ni Drake pero hindi ko nalang pinag bigyang pansin iyon dahil alam kong nalulungkot lang siya.


"Yeah..yung heartbeats niya sobrang baba at bagal. Pero iba talaga, masasabi mong lumaban at lumaban siya." Masayang sabi ni Tita Jessica, hindi ko makakalimutan kung ilang ulit na malalalim na paghinga ang ginawa ko nung gabing iyon, basta ang iniisip ko lang non kailangan kong mapuntahan si Drake sa beach kahit na anong mangyari. 


Dahil nakikinita ko ang mukha niyang nalulunod sa luha dahil sa sakit. Alam kong mahal na mahal niya ako at ayaw niyang mawala ako kaya kahit sobrang hirap, lumaban ako at naniwala na maliligtas kaming pareho ng anak ko.

"Hay nako, kaya dapat pag laki niyan ni Tyler hindi maging matigas ang mukha. Aba, buwis ang buong buhay ng Mommy niya para lang makita niya 'tong mundong 'to." Sermon ni Tita Aira, napangiti ako, isipin ko palang kasi na makikita ko ang paglaki ng anak ko sobra sobrang lumulundag ang puso ko sa saya.

"Hahaha! Matapang din si Tyler, dahil normal ang heartbeats niya nung gabing yon. Grabe ang lakas niyang umiyak pagkalabas na pagkalabas, parang nagyayabang nga! At ang una kong napansin yung dimples niya!" Manghang manghang sabi ni Tita Jessica.

"Narinig ko siyang umiyak! Nagising nga ako eh!" Sigaw ni Miracle sa gitna ng usapan, nagtawanan naman kaming lahat! Ang pilya talaga niya.

"Diba baby? Ang lakas niya umiyak?" Sabi ni Tito Drew, tumango tango naman si Miracle.

"Kaya lang sobrang tagal nag-labor nitong si Marie! Iyak na nga siya ng iyak dahil sobrang sakit daw talaga! Limang oras pa yata yung hinintay namin bago tuluyang lumabas si Tyler." Sabi ni Tita Jessica.

"Nako, ganyan talaga kapag manganganak. Para kang binibiyak!" Sabi ni Mama.

Natawa ako nang maimagine ko ang sarili ko, iyak nga ako ng iyak kagabi dahil panay ang ikot ni Tyler sa tiyan ko at hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko nung gabing yon.

"Narinig ko pa nga yung pag sigaw ni Marie sa pangalan ni Drake!" Pang aasar ni Kei saakin, napangisi ako. Hinahanap ko kasi kagabi si Drake kahit alam kong pinalayo ko siya para hindi niya makita yung paghihirap ko.

Napatingin ako kay Kyle nang bigla siyang tumakbo sa may hagdan.

"Anak! Pangarap mo bang maging superhero?!" Sigaw ni Kyle kay Marcus, nagtawanan kaming lahat dahil nakita naming tumatalin sa bawat baitang ng hagdan si Marcus, samantalang medyo gumagabay palang naman ito paglalakad, mabilis niyang binuhat iyon, naeexcite tuloy ako sa unang paglalakad ni Tyler.


"Ang likot likot, kanina lang nandito sa carpet gumagapang ngayon nasa hagdan na." Suway ni Kei na ngayon ay buhat buhat si Ethan dahil tulog ito, kambal kasi ang anak ng kapatid ko, at balita ko kambal ulit ang ipinagbubuntis niya ngayon.

Narinig ko pa ang pag uusap nila pero biglang inilapit ni Drake ang labi niya sa tainga ko at bumulong. "Labas muna tayo?" Anyaya niya, tinignan ko siya at napalunok ako dahil sa sobrang lalim ng titig niya saakin.

"S-sige." Sagot ko, tumayo siya at napahiyaw ako nang buhatin niya ako na parang isang bagong kasal, napatili naman ang kapatid ko dahil sa ginawa ni Drake.

"Alagang alaga ang asawa." Puri ni Tita Jessica.

Narinig ko naman ang palihim na hagikhikan nila Mama. "Lalabas lang po muna kami." Paalam ni Drake sa lahat, nagtanguan naman sila.

Naglakad siya palabas ng bahay, kaagad kaming sinalubong ng malamig na ihip ng hangin kaya naman mas lalo akong yumakap sakanya. Nang makarating kami sa isang kubo na malapit sa may pampang ng beach umupo siya ng hindi pa rin ako inaalis sa pagkakabuhat niya, sa halip ay inayos niya ako ng upo sa ibabaw ng hita niya at ipinulupot niya ang dalawang braso niya sa baywang ko, sobrang init talaga ng yakap niya.

Ang sarap pakinggan sa tainga ng paghampas ng alon, malapit na rin lumubog ang araw doon sa kabilang isla, medyo nag o-orange na rin ang kalangitan.

"Sweetheart..alam mo bang may isang batang lalaki na lumapit saakin sa panaginip ko?" Biglang kwento niya saakin, tumingala ako para matitigan ko ang gwapong mukha niya, nakatuon lang ang mga mata niya sa beach.

"Kanina ko pa iniisip kung sino yon. Parang isang kalokohan, pero naisip ko baka si Tyler yon." Nakangising sabi niya.

"Sa tagal mong naglabor sa tingin ko sinubukan niya kung tama bang lumabas na siya at makasama tayo? Kung magiging mabuting magulang ba tayo para sakanya? Habang kausap ko yung batang yon sa panaginip ko iba eh, magaan, parang sobrang kilala ko na siya, tapos nung nakita ko kanina si Tyler...naramdaman ko ulit yung naramdaman ko sa panaginip ko." Kwento niya, napangiti ako. Isang angel talaga si Tyler saaming dalawa, mas lalong humigpit ang yakap niya saakin, itinungo niya ang ulo niya at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Sabi niya h'wag daw nating sasayangin ang mga blessings na ibinibigay saatin." Paalala niya, tumango ako sakanya bilang sagot.


Pinagsalubong niya ang nga daliri namin nang mapansin niya ang dahan dahan na paglubog ng araw. "Akala ko hindi na kita mayayakap ng ganito kahigpit." Bulong niya sa tainga ko, napapikit ako dahil sa init ng buga ng hininga niya sa tainga ko.

"Papayag ba naman ako na hindi ka mayakap?" Tanong ko sakanya.

"Hmm.." Ungol niya at mas yumakap pa saakin.

"Namiss kita. Sandaling oras ka lang nawala pero muntik na akong mabaliw." Bulong niya, napangiti ako, nakakapanindig balahibo kasi ang mga sinasabi nitong si Drake.

"Kei Marie...sweetheart ipinapangako kong mas lalo kitang mamahalin at aalagaan ko kayong mabuti ni Tyler." Aniya.

Ngumiti ako, pero biglang nawala iyon nang maisip kong hanggang isang anak lang ang kaya kong ibigay sa asawa ko. Dahil kung iisa pa kami ng anak baka doon na talaga ako mawala.

"Drake..pasensya ka na kung isa lang." Malungkot na bulong ko sakanya.

"Ano ka ba Sweetheart. Tama na saakin na magkaroon ng anak basta sayo galing. Kahit isa lang yan mamahalin ko yan ng buong buo dahil anak natin siya, at higit sa lahat dahil alam kong malaking sakripisyo ang ginawa mo para ibigay saakin si Tyler." Litanya niya.


"Hindi manlang kita nasamahan kagabi.." Dagdag pa niya.

"Drake, ano ka ba..okay lang yon." Bulong ko sakanya.



Isang buwan na ang lumipas, lumuwas muna kami ng Manila para dumalaw sa mga magulang ni Drake at para na rin makapunta muna ako sa pinagtatrabahuhan ko dati, kukuhanin ko na yung mga naiwan kong gamit dahil ayaw na akong pagtrabahuhin ni Drake. Ang tagal nga bago namin napagkasunduan, ayoko kasing tumigil sa trabaho pero naging dahilan pa yon para mag away kaming dalawa kagabi, hindi pa rin kami nag uusap hanggang ngayon.

Kaya heto ako, nagpasundo ako kay Mateo dahil malamig pa rin ang trato saakin ng asawa ko, naiintindihan ko naman siya. Pero kasi kaya ko namang magtrabaho sa umaga at alagaan sa gabi si Tyler, kumuha na nga rin kami ng nurse na makakatulong sa pag aalaga sa anak namin. Pero sa huli siya pa rin ang nasunod.

"Aalis na ako." Paalam ko sakanya, lumingon siya saakin at tumungo saakin para mahalikan ako sa pisngi.

"Mag ingat." Yun lang ang sinabi niya.

"Drake..galit ka pa rin? Eto na nga diba? Kukuhanin ko na yung mga gamit ko." Suway ko sakanya, sandali akong tumingin sa labas para sumenyas kay Mateo na sandali lang.

"I'm not. Pero bakit kailangang mag away pa tayong dalawa bago mo ako sundin? Para din naman sayo yun." Seryosong sabi niya atsaka hinila niya ako palabas ng bahay, nagpaalam na ako kela Tita Aira, abalang abala sila kay Tyler.


Kinatok niya ang glass window ng sasakyan ni Mateo kaya naman ibinaba niya iyon.

"Ako na ang maghahatid sakanya." Sabi ni Drake, napanganga si Mateo.

"Ay bongga mga kapatid, nag aksaya lang ako ng gas?" Prangkang sagot ni Mateo.

"Babayaran ko." Matigas na sabi ni Drake, umiling iling si Mateo at inistart niya ang kotse niya.

"Hindi na, para namang iba saakin yang si Marie. Osige na gora na ako." Paalam niya saamin.

Pinatunog ni Drake ang alarm ng sasakyan niya atsaka inalalayan niya akong makasakay.

Tahimik pa din siya hanggang sa magsimula na niyang bagtasin ang kalsada papunta sa Go De Perfume. Napatingin ako sakanya nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"I'm sorry.." Bulong niya, tinignan ko naman siya seryoso pa rin siya sa pagmamaneho.

"Hindi dapat kita inaway.." Dagdag pa niya, "It's alright Drake, naiintindihan naman kita." Sagot ko sakanya, tumigil siya dahil inabot kami ng stop light.

Bumaling siya saakin at mariin niya akong tinitigan bago niya dinampian ng halik ang labi ko.

"Sorry Sweetheart.." Bulong niya saka lumipat ang halik niya sa noo ko. Amoy na amoy ko pa rin ang mabangong siya, nakakatawa lang isipin na kahit may anak na kami ang lakas pa rin ng epekto ko sakanya. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa at saka marahan na ngumiti, kaagad kong hinulu ang nagmumurang dimples niya na kagayang kagaya ng sa anak namin.


"Huy, go na." Natatawang sabi ko sakanya, napangisi siya at mabilis na pinaandar ang sasakyan niya. Ang gwapo gwapo talaga niya at nakakainis lang dahil alam kong maraming nahuhumaling sakanya kahit pa may suot na siyang wedding ring.


"Marie!!" Sigaw ng mga katrabaho ko pagkakitang pagkakita nila saakin, kinawayan ko naman sila pero kaagad nakatawag pansin sakanila si Drake na ngayon ay nakahawak sa baywang ko.

"Siya yung napang asawa ni Marie.." Narinig kong bulong ng isa.

"Ay tarush, kung siya lang din naman ang mapapang asawa ko pagkatapos ng scandal ko ayos lang." Napailing nalang ako at ngumiti. Parang walang wala na talaga saakin yung issue na yon, kahit pa paulit ulit buksan alam kong buong buo na ulit ako ngayon, at higit sa lahat may anak na rin ako.

Nakasuot ako ng dress na lagpas hanggang tuhod ko dahil medyo mataba pa rin ako ng kaunti dahil sa pagbubuntis ko.

"Magpaalam ka ng maayos." Bulong ni Drake pagkasakay na pagkasakay namin ng elevator. Tumango ako sakanya, nakapagpasa nanaman ako ng resignation letter sa email ni Mr.Go at ni Tom.


Nang makarating na kami sa floor kung saan nandun ang office ni Tom ay kaagad umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Tom Andres.

"Vanalein!!!" Nagkatinginan kami ni Drake dahil galit ang boses ni Tom Andres, umupo muna kami sandali. Narinig ko ang matapang na boses ng babae mula sa loob pero hindi ko masyado maintindihan ang pinag uusapan nila.

Napalingon ako nang tumunog ang elevator at iniluwa noon si Mateo.

"Girl!" Hiyaw niya at tumabi saakin, "Sino yung nasa loob?" Tanong ko sakanya. Ngumisi siya.

"Haaay nako, fiancee ni Sir.Tom, nakakaloka nga. Ang pilya kasi nung fiancee niya." Natatawang kwento ni Mateo.

"May fiancee si Tom Andres?" Halos lumuwa ang mata ko nang itanong ko iyon.

"Hahaha! Oo girl, si Mr.Go kasi pauso ang peg, anong year na ngayon oh? Uma-arrange marriage pa--" Hindi naituloy ni Mateo ang kwento niya dahil bumukas ang pintuan ng office ni Tom Andres at iniluwa noon ang isang babae na sobrang ikli ng mini skirt na suot at nakablack na long sleeve, actually pati yung mini skirt niya itim. San ang lamay niya? Hindi lang yon kulay itim ang gamit niyang lips stick, tapos nakataas ang buhok niya.

Pinagmasdan ko pa siyang mabuti, maputi at makinis ang balat niya at masasabi kong may magandang hubog siyang katawan, matangos ang ilong niya at maganda ang mga mata niya. Yes, maganda siya pero bakit ang weird ng ayos niya? Saang horror party ang punta niya?

"Sungit! Palibasa kasi walang sex life!" Nanlaki ang mata ko sa isinigaw nung babae, nakita ko ang pagtayo ni Tom Andres at lumapit sakanya.

"Umuwi ka na. Ayusin mo yang itsura mo!" Sigaw ni Tom Andres sakanya, parang puputok na ang ugat sa ulo niya dahil sa sobrang inis, narinig ko naman ang hagikhik ng asawa ko kaya siniko ko siya.

"Tse! Bigyan mo akong pera.." Kumura siya kay Tom Andres.

"Vanalein, kabilin bilinan ng Daddy mo h'wag kang bigyan ng pera dahil inuubos mo sa alak at sigarilyo. Look at yourself, mukha kang bangkay." Sumingkit ang mata ni Vanalein at tinapik niya ang pisngi ni Tom Andres na naging dahilan ng pagkuyom ng panga nito.

"Hindi kita Tatay ha, malelate na ako sa Christmas party namin. Bilisan mo na! Kung ayaw mong magbigay ako ang dudukot ng pera diyan sa bulsa mo may kasamang pisil pa yon." Pilyang sabi nito at mabilis na tinakpan ni Drake ang mata ko nang biglang ipasok ni Vanalein ang kamay niya sa loob ng pants ni Tom Andres ang kamay niya! Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Mateo! Narinig ko naman ang malakas na pagtalpak ng pinto sa pader kaya tinanggal ko ang kamay ni Drake sa mata ko, nakasandal na ngayon si Vanalein sa pintuan at matama siyang tinitigan ni Tom Andres.

"Don't you dare Vana.." Bulong niya dito atsaka sinilidan ni Tom Andres ng pera ang dibdib ni Vanalein.

"Tsura mo! Magbibigay din naman pala dami pang arte! Alis na ako!" Pagtataray nito atsaka tuluyan ng lumabas.

"Bye Vana!!" Sigaw ni Mateo.

"Bye bakla! Walang sex life yan oh!" Sigaw ni Vanalein bago tuluyang sumakay ng elevator.

"Sus makapagsalita akala mo may experience." Bumubulong na sabi ni Mateo.

"Kilala mo ba yon?" Natatawang tanong ko.

"Oo, nako laman ng bar ang babaeng yon. Madalas ko ngang makakwentuhan yun nung wala ka, ang loka daming alam sa chukchakan pero wala din namang sex life. Naririnig niya daw yun sa dalawang Kuya niya nung high school palang siya kaya ang bibig baluga." Ngumingising kwento niya, napapitlag ako nang magsalita si Tom Andres.

"Come in!" Malamig na sigaw niya, kunot na kunot ang noo niya nang umupo sa swivel chair niya.

"Natanggap ko yung resignation letter mo. Sad to say, pero kailangan mo munang buuin yung 2 months mo dito. Nakapirma ka ng kontrata." Pormal na sabi niya, napatingin ako kay Drake.

"Pero, pwede ka naman pumasok kahit four times a week, basta mabuo lang yung 2 months." Dagdag pa niya.

"Nakausap ko na rin si Mr.Go, sinabi niya na kailangan mo munang tapusin yung mga unfinished business mo dito. May naiwan ka pa daw kliyente.." Sabi niya, huminga ako ng malalim. Oo nga pala, may dalawang kliyente akong naiwan simula nang mabuntis ako.

"Ah..sige mag start nalang akong pumasok bukas." Sabi ko, narinig ko ang pagkuyom ng panga ni Drake pero hindi ko nalang muna siya nilingon.

"Yeah.. I'm sorry Mr.Cortezano, pero kailangan sundin ang company policy. Ganun din naman siguro sa inyo." Sabi ni Tom Andres, hindi na sumagot ang asawa ko, nauna na siyang lumabas.

"Pasensya ka na Tom Andres, tinotopak lang yon." Natatawang sabi ko, ngumiti siya saakin.

"It's alright. Kumusta ka? Saka si Tyler?" Pag iiba niya ng usapan.

"Eto, may maintenance na ulit akong gamot para sa puso. Si Tyler naman nasa parents ni Drake, dun muna kami magtitigil." Kwento ko sakanya, tumango tango siya.

"Ikaw? May Vanalein ka na ha!" Panunukso ko sakanya na naging dahilan ng pagkainis ng ekspresyon niya.

"Masakit sa ulo. Sabi ni Dad, subukan ko daw muna bago ako tumanggi, kaya naman pinagbigyan ko. Binigyan nila kami ng two months, hindi naman sapilitan yung kasal. Pero sa tingin ko hindi ko rin magugustuhan." Sabi niya saka inayos yung mga folders sa mesa niya.

"Sus, sa simula lang yan. Baka mamaya hindi mo namamalayan inlove ka na dun." Pang aasar ko sakanya, napaawang ang bibig niya at umiling iling.

"Papakamatay nalang ako. Daddy na rin nung babaeng yon ang nagsabi, purwisyo sa buhay ang anak niya. Kahit manlang daw baguhin ko ang pag uugali matatanggap na niya kapalit ng pag merge ng Company ng mga Romeo." Sabi niya.

"But that's not easy, matigas ang mukha nung babae na yon." Iritadong sabi niya, napailing nalang ako.

"Oh paano? Mauna na ako ha? Aamuhin ko pa ang asawa ko." Paalam ko sakanya, ngumiti siya at tumango.

Lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Congratulations Marie.." Bulong niya sa tainga ko.

"Salamat.." Sagot ko sakanya at naramdaman kong hinalikan niya ang pisngi ko.

"Magpapaalam lang may yakapan pa?" Napalundag ako nang marinig ko ang pagsusungit ni Drake saamin, humalakhak naman si Tom Andres.

"Nakatali ka na nga sakanya natatakot pa rin siyang maagaw ka ng iba." Natatawang sabi ni Tom Andres, hinampas ko ang braso niya at humiwalay na ako sakanya.

"See you tomorrow." Sabi niya saka marahan na pinisil ang kamay ko, tumango ako at naglakad na ako palapit kay Drake na ngayon ay naghihintay na pala sa may tapat ng pinto.

"Ang sungit mo!" Natatawang sabi ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya ang kamay ko at sumakay na kami ng elevator.


"Kaya mo na bang magtrabaho?" Pag aalala niya saakin, nandito na kami ngayon sa kwarto niya. Si Tyler naman tulog nanaman sa crib niya, grabe nga parang hindi siya isang buwan dahil sa laki niya.

"Kaya ko nanaman Drake, h'wag kang mag alala hindi naman ako magpapabaya." Bulong ko, tumango siya at hinalikan ang noo ko.


Humiga na kami, mabilis niya akong kinulong sa bisig niya kaya naman nagsumiksik ako sa dibdib niya, ang bango bango talaga niya.

"Ang sungit mo ngayon Drake.." Suway ko sakanya, buong araw kasi talagang sobrang sungit niya! Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at mas humigpit ang yakap niya saakin.

"Namimiss lang kita." Bulong niya, tumingala ako at nakita kong nakapikit na siya ngayon.

"Namimiss?! Magkasama naman tayo ah." Natatawang sabi ko sakanya, pero hindi niya ako sinagot. Biglang nag init ang pisngi ko nang marealize ko kung anong namimiss nitong asawa ko! Hinampas ko ang dibdib niya kaya iminulat niya ang mata niya, tinitigan niya ako ng sobrang lalim.

"Ang manyak mo Drake.." Natatawang pang aasar ko sakanya.

"Tss, manyak na ba yung namimiss lang ang asawa? It's been 10 months sweetheart, pero hindi pa rin pwede ngayon dahil you're still sore sa panganganak kay Tyler." Paliwanag niya, namula ang pisngi ko kaya naman tumungo ako, pero mabilis niyang itinaas ang baba ko.

Natural lalaki pa din ang asawa ko at alam ko ang pangangailangan niya. Gusto ko tuloy matawa.

"Two more months, sa tingin ko kaya ko na yon." Bulong ko sakanya, pero umiling siya.

"Ayos lang kahit limang buwan pa, basta magaling na magaling ka na." Bulong niya atsaka hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"Pasensya ka na sa asawa mo, ganito lang kapag namimiss ang misis." Paumanhin niya.

"Pero kahit ganon, hindi naman magbabago yung katotohanan na sobrang mahal na mahal kita Sweetheart." Dagdag pa niya, halos magwala ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Lumunok ako at tinitigan ko siya, hinaplos niya ang ulo ko pababa sa batok ko.

"Mabubuhay naman ako kahit wala yon, basta ba mahahalikan kita ng paulit ulit Kei Marie..at alam kong nasa tabi lang kita." Bulong niya at napapikit ako nang angkinin niya ng sobrang lalim na halik ang labi ko, maingat pa rin siya kung humalik.

Nakakatuwa lang isipin na nagkaroon ako ng asawang katulad niya. Sabi nga ng iba, sobrang swerte ko na. Sino ba naman kasing hindi suswertehin kung isang Drake Cortezano ang napang asawa mo?

Marahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa, nakaramdam ako ng panghihina sa halik niya, nakakahibang kasi.

At halos humalakhak ako sakanya nang sabihin niyang.

"Isa pa nga."

****

A/N: Hello! Kahapon pa dapat 'tong update ko! Kaya lang pag uwi ko kagabi bagsak na kaagad ako! Kaya nalate! Hehe, sensya na. Nga pala tatlong update nalang tapos na. :) Pasilip si Vanalein at Tom Andres sa Chapter na 'to. Magiging sawi pa rin kaya si Tom Andres sa sarili niyang story soon? Hahaha! Salamat guys! Kanino ko kaya idedicate ang Chapter 50 at Finale? Kasi yung Epilogue sa inyong lahat ko idedicate, mamaya ko malalaman kung kanino ang Chapter 50 ;)

Hello kela >>> @NEKONOHIME @pink_mystique @SerendipityMee @ReaderAddict_1922 @Erylcarillooo @SquishyDyo @JannicaSierra @Playgirling @prettyapples @cutedhang @unending_pain @eniallej @tonton1989 @chrishieyne @LittleWattyAuthor21 @PrettyBlast @jeanyap @fiercepower04 thank you so much guys! ;)

Saka sa mga nagcomments sa previous chapter salamat! Pati sa votes! Thank you! ;)

Love lots.

Ate Abo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
2.3M 1.7K 2
SPG/R-18 Claude Vidalia will do everything his father tells him to do, no matter how dangerous it is. Itataya niya ang kanyang pride, yaman at pang...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...