Life With You

Av BlackBlueBiege

321K 12.1K 1.2K

An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking... Mer

2 - Wrong Move
3 - New Morning
4 - Lunchdate?
5 - Dinner Date?
6 - Magical Moments
7 - In Your Arms
8 - Sexytary
9 - This Is It
10 - Hungry Jade
11 - Hurt
12 - Light Moments
13 - The Guevarras
14 - Baby? Maybe
15 - Mommies
16 - Familywoman
17 - The Mothers
18 - Openness
19 - Answers
20 - Twin Team
21 - Heartbeat
22 - Truth and Lie
23 - Plan
24 - Love Floats
25 - Proposal
26 - Tides and Waves
27 - Thicker than Blood
28 - Painful Decision
29 - Heart Over Hurt
30 - Mothers and Children
31 - Love Above All
32 - Baby #3
33 - Preggy Althea
34 - Jealous Althea
35 - Welcome K
36 - With You

1 - Arrangement

22.2K 584 86
Av BlackBlueBiege

Althea

Past 12 midnight. Ito na ang regular na uwi ko, walang pinagbago kahit na may asawa na ako. Basta maraming trabaho sa office hindi ako umuuwi ng maaga at para makaiwas na rin sa traffic. Sa office cafeteria na madalas ang dinner namin ni Mang Julio, sa daan ay nakakaidlip na ako. Pero ngayon at sa nakaraang dalawang linggo mula ng mangyari ang kasalan ay hindi na ako makaidlip sa biyahe. Lagi na lang akong napapaisip kung tama ba na sumang ayon ako sa desisyon ni Lolo Pablo at ni Tito Oscar na ikasal ako sa nagiisang anak ni Tito Oscar. Napabuntong hininga ako at napailing. Two weeks na pero parang estranghero pa rin kaming dalawa sa isa't isa.

"Ilang araw ka ng hindi nakakaidlip sa daan, Althea. Ayos ka lang ba?" pukaw ni Mang Julio na nagmamaneho.

"Ayos lang po, Mang Julio. Napapaisip lang ako kung tama bang sumang ayon ako sa kagustuhan nila Lolo at Tito Oscar na kasal. Naaawa ako kay Jade, dahil wala siyang nagawa. Hindi umubra ang pagiging brat niya." mahina kong sabi na nakangiti.

"Si Senyor Pablo pa, kaya mo nga siya pinagbigyan dahil sa katandaan na niya di ba? Pang blackmail niya ang sakit niya." natatawa niyang komento.

"Siguro pag nakita nila na talagang hindi kami magkasundo ay sila na rin ang magdedecide na paghiwalayin kami agad ni Jade." sagot ko na lang saka muling akong nagpalabas ng buntonghininga at tumingin sa labas. Sana nga makita na nila na mali ang kasunduang ginawa nila.

Pagdating namin sa bahay ay nadatnan namin ang isang kotse na nakapark sa harap ng gate. Nakahazard pa ito, bumaba ako at tiningnan ko kung may tao sa loob ngunit wala. Lumabas din si Mang Julio sa kotse at napakamot sa batok.

"Ang galing din namang mang harang sa gate no, pag nakita ng Lolo mo to, tiyak yupi na tong kotse paglabas ng may ari." naiiling niyang sabi. Ngiti lang ang naisagot ko at pumasok na ako sa loob. Tahimik ang bahay pero malinaw ang tinig na naririnig ko, babaeng tumatawa at nagsasalita. Si Jade. She came home wasted again. Mula ng ikasal kami, alak na ang kasama niya gabi gabi at laging nasa bar nakikipag kita sa mga kaibigan, dahil yon daw madalas ang gawa nila. She's a model at naiinvite na rin siya abroad as per information I read and heard, she's a spoiled brat only daughter  of the Tanchingcos. What Jade wants, Jade gets sabi nga ni Tito Oscar. But in this situation wala siyang nagawa. Naalala ko pa nang hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ni Lolo at ni Tito Oscar sa office, nasa private room ako ni Lolo nakaidlip and when I decided to come out don ko napansin na may kausap si Lolo.

"Then let us tame her, this will be a test between your daughter and my granddaughter." Rinig kong sabi ni Lolo kay Tito Oscar.

"What do you mean Tito?" tanong ni Tito Oscar.

"You want your daughter to be serious in her life, well at least to stop her from going out with different guys and I want to know if my granddaughter knows how to love or if she's even capable of falling in love, why not let them both get married. Hindi ko alam kung saan nagmana ng katigasan ng puso ang apo ko. Mahal naman niya ako at mga magulang niya pero wala siyang interest sa mga babae. Ayaw naman niya ng lalaki." rinig kong sabi ni Lolo na natatawa pa. Si Lolo talaga wala lang akong kadate bato na agad ang tingin niya sa puso ko.Tsss. Hindi ko magawang kontrahin si Lolo at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ganon kadaling ma convince ang anak ko Tito Pablo. She's smart to know na pinipilit ko lang siya at masusunod pa rin ang gusto niya."

"Then tell her you owe me a lot at nakasalalay ang negosyo niyo dito sa kasunduan. Just tell her to give this marriage a year. Pag walang nangyari then papayag akong maghiwalay sila."

"Hindi po kaya masyado ng matagal ang isang taon baka po magkasakitan na sila physically." biro ni Tito Oscar.

"Haha, mabuti para pareho silang mapirmi sa isa't isa. Pero Oscar is it alright with you? I mean, you know Althea."

"Kung siya ang makakapagpatino sa anak ko Tito I don't see any wrong with it."

Nakakainis isipin na ang dali lang para sa kanila ang ikasal kaming dalawa na nagkita lang dalawang araw bago ang kasal namin, kaya anuman ang nangyayari ngayon sa amin pagkatapos ng kasal ay naiintindihan ko dahil na rin sa kagagawan nila Lolo at Tito Oscar. Para lang kaming isa sa kanilang mga negosyo kung pagusapan nila. Si Jade. I know her and I know too that she'll never fall for me. Kaya alam ko na hindi rin magtatagal ang kalokohang gustong mangyari nila Tito Oscar at Lolo.

Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan ng marinig ko ulit ang  tinig ni Jade. Tahimik ang paligid kaya kahit nasa second floor ang boses na naririnig ko ay malinaw ang dating sa aking pandinig.
Umakyat ako at patungo sa kwarto namin ni Jade. Nakita ko ang likod ng isang lalaki na halos nakahiga na sa kama at si Jade na nakatungkod na ang isang braso sa kama. They're so close at kulang na lang ay maghalikan na.

"You have to go now, David. Thank you sa paghatid." rinig kong sabi ni Jade.

"I can stay here if you want." sagot ng lalaki, napailing ako. Hindi pwede ito sa sariling pamamahay ko protesta ng isip ko.

"I don't think that would be a good idea." sagot ko at pareho silang nagulat at naitulak pa ni Jade ang lalaki.

"Althea!" gulat niyang sigaw saka bumaling sa lalaki. "Go now David. Leave!" sigaw sabay tulak niya.

"But Babe." tawag pa nong isa.

"Go!Leave!" sagot lang ni Jade at tumayo na ang lalaki at tumalikod na rin ako para iwanan sila. Bumaba ako at deretso sa mini bar namin, nagsalin ng alak at minsanan ko itong ininom. Maya maya pa ay naramdaman ko ang sasakyang paalis kaya naisip kong nakaalis na ang kasama ni Jade.

"Dumating ka na pala Althea." boses ng matandang nagsalita sa likuran ko. Si Yaya Caring.

"Gising pa po kayo Ya?" tanong ko.

"Napabangon lang ako, Anak. Akala ko may nagsisigawan eh." sagot niya. Matagal akong hindi nagsalita ng may naalala ako.

"Ah, Ya. Maayos pa po ba ang kwarto ko sa attic?" habol tanong ko na ikinagulat niya.

"Oo naman Anak. Kahit higit isang linggo ka ng hindi natutulog doon ay malinis palagi yon." sagot ni Yaya at tumango lang ako."Papalitan ko lang ng punda at kobre kama. Matutulog ka ba ngayon doon?"

"Opo Ya. Salamat po." yon lang nasabi ko at tumango lang siya sunod ay umakyat na. Nakaupo pa rin ako sa bar counter at nag iisip ng marinig ko si Jade.

"I'm sorry, hinatid niya lang ako---"

"---I don't care what you do, Jade. But I will not allow you to do it in my house, not in my room and definitely not in my bed." putol ko sa sinasabi niya.

"We're not doing anything, hinatid lang ako ni David." Seryoso niyang sabi.

"Hinatid? How long have you known him para ihatid ka niya hanggang kama? A mere acquaintance will just stay outside your gate, a close friend outside your door and a very close one outside your bedroom and a lover definitely ihahatid ka hanggang kama."

"He's not my lover." mataray na niyang sagot.

"Like what I said Jade, I don't care what you do. Just don't do it here." sabi ko na sabay tayo at akyat ng hagdan, nilampasan ko ang kwarto namin, hinding hindi na ako hihiga diyan bulong ko sa sarili ko at tuloy tuloy na akong umakyat sa attic.

- - -

Jade

Nawala ang kalasingan ko ng makita ko si Althea. Ang kulit kasi ng David na to sabing kaya ko namang pumasok mag isa nagpumilit pa. Naiwan akong nakatayong tulala sa may mini bar. Ilang minuto pa ay nagpasiya na akong umakyat sa kwarto namin pero pagbukas ko ng pinto ay wala doon si Althea. Wala din sa bathroom, kaya nagtaka na ako at lumabas ng kwarto namin. Nakita ko si Yaya Caring galing sa taas at may kasamang isa pang kasambahay na may dalang bedsheets at pillowcases.

"Yaya Caring, si Althea po?" tanong ko.

"Nasa attic, Jade. Doon daw siya matutulog." sagot ng matanda at magalang na na silang nagpaalam. Hindi ko alam pero bakit bigla akong nalungkot sa narinig ko.

Mabigat ang paa kong humakbang pabalik ng kuwarto namin at humiga sa kama. Matagal akong nakatingin sa kisame at nag iisip, dahil ba sa nakita niya kanina kaya ayaw na niyang matulog sa kwarto namin? Oo pinagkasundo kaming ikasal dahil baon sa utang si Dada at kahit ayaw naming dalawa ay wala kaming parehong nagawa. Dalawang linggo na mula ng magsama kami dito sa bahay at mahigit isang linggo na kaming natutulog sa iisang kuwarto kahit na walang imikan at tahimik lang kami, nasanay na rin akong katabi siya kahit dulo sa dulo ang higa naming dalawa, kung iisipin ay kasya pa ang dalawang tao sa laki ng pagitan naming dalawa sa kama. Pero kahit ganon sanay na akong maramdaman siyang nasa kabilang dulo lang ng kama. Pero ngayon wala siya dahil sa nangyari, kung tutuusin dapat masaya ako dahil wala akong katabi pero bakit parang iniisip ko sana andito siya kasama ko sa kuwarto. You're just curious Jade, sabi ko sa sarili ko. Yes I am just curious! sagot ko muli sa sarili. Don't get affected bulong ko ulit sa sarili ko, huwag ka patatalo sa Dada mo. Show him that this is something he'll regret. Mataray kong kumbinsi sa sarili. Saka ako pumikit at pilit na matulog.

- - -

Althea

Nakahiga na ako ngunit hindi pa rin makatulog. Dapat ay wala akong pakialam sa nakita ko pero bakit parang nasasaktan ako, expected ko na ito hindi ba? Pero bakit parang mabigat sa dibdib? Hindi namin gusto ang desisyong ikasal kami pero hindi kami nag aaway, para bang naintindihan namin na biktima kami pareho. Hindi ko pa nakitang nagtaray siya bukod kanina. Nababalitaan ko ang tungkol sa pag babar niya gabi gabi pero balewala sa akin, kahit nong ikasal na kami. I understand her and I'm used to see her drunk and wasted, normal na rin sa akin ang marinig siyang mahinang humihilik dahil sa kalasingan pero ayos lang yon. Bakit ngayon kung kailan tahimik ang paligid ko at malaya akong makatulog ng mahimbing ay hindi naman ako dalawin ng antok. Parang naging pampatulog ko nang marinig ang mahihina niyang hilik. Napailing ako at humilig sa kabilang side ng bed, masasanay na yata ako sa ganitong pwesto kahit hindi ko siya kasama sa kama.

- - -

Pagbaba ko kinabukasan ay parang narinig ko ang pamilyar na boses. Si Lolo, anong oras nanaman kaya siya dumating bakit andito nanaman ang Lolo, it's been more than a week na rin na parang kabuteng bigla na lang nasusulpot si Lolo kaya napilitan na rin kaming magsama sa isang kwarto ni Jade dahil sa kanya. Madami siyang tanong lalo na tungkol sa mga sleeping habits ng isa't isa sa amin. Nanadya lang talaga.

Tama nga boses ni Lolo at kausap na niya si Jade sa dining table, nag aalmusal na sila. Lumapit ako at humalik sa kanya.

"Alis na po ako, Lo. Anong oras po kayo dumating?" tanong paalam ko na hindi nililingon si Jade.

"Mga ilang minuto pa lang, Apo. tinaon ko talaga para makapag almusal ako kasama niyo. Hindi ka na ba magaalmusal muna?" Tanong ni Lolo. "Hindi mo ba kami sasabayan ng asawa mo?" tanong niya muli sabay tingin kay Jade.

"Late na po ako, Lo." dahilan ko at aktong maglalakad palayo.

"Ikaw ang may ari ng kumpanya, Apo, hindi naman siguro kalabisan kung paminsan minsan ay mahuli ka di ba?" katwiran ng matanda at napabuntung hininga na lang ako at walang nagawa. Naupo ako sa tapat ni Jade. "Bakit diyan ka naupo di ba katabi mo lagi asawa mo?" pansin niya pero hindi ako gumalaw, nanatili ako sa kabilang side ng table opposite Jade at katabi ni Lolo Pablo.Alam ni Lolo na sa kabisera ako umuupo kaya halos katabi ko na rin si Jade. "May problema ba? Nag away ba kayong mag asawa?" usisa ni Lolo. Tumingin si Jade kay Lolo na parang may gustong sabihin pero inunahan ko na.

"We didn't fight. But you know from the very start that  we already have a problem, Lo." sagot ko habang umiinom ng kape at nag umpisa na akong sumubo.

"Apo." mahinang tawag ni Lolo sa akin.

"I want to eat in peace, please." pakiusap ko sa mahinang boses. Yon lang at hindi na muling nagsalita si Lolo. Tahimik na ang buong kainan at pansin ko lang ang pasulyap na tingin na binabato ni Jade sa akin. Ilang minuto lang ay tapos na ako at magalang na nagpaalam. "Excused me." paalam ko "I have to go." sabay tayo ko at halik kay Lolo.

"How bout your wife?" tanong niya ng napansin niya akong paalis na na hindi humalik kay Jade. Tiningnan ko lang si Lolo, ayaw ko siyang magdamdam dahil matanda na siya kaya umikot ako sa kabilang side ng dining table at lumapit kay Jade, mabilis ko siyang hinalikan.

"Bye." matipid kong sabi.

"Ingat." ngiting sagot niya pero wala akong reaksiyon.

- - -

Jade

"Hindi ko nais na sirain ang kinabukasan mo, Jade dahil lang nakasal ka sa taong hindi mo gusto, lalo na at hindi mo mahal." rinig kong sabi ni Lolo nang nakaalis na si Althea. "Pero huwag kang mag alala, apo kung talagang walang pag asang mahalin niyo ang isa't isa ay hindi ko hahayaang matali ka sa kanya habang buhay. Bigyan mo lang sana ng konting pagkakataon ang matandang ito na makita kung may pag asang magmahal ang apo ko." ngiti niyang sabi sa akin. "Patawarin mo sana ako apo sa ginawa kong ito sa inyo ni Althea." dugtong niya at hindi agad ako nakasagot.

"Lolo, gusto ko pong intindihin ang ginawa niyo para sa apo niyo pero maling paraan po ito, pati po ang samantalahin ang utang sa inyo ni Dada. I can work in your company so I could help Dada pay off his debts to you." mahina kong sabi at nakita ko siyang ngumiti.

"Sapat na ang nagawa mong sakripisyo para kay Althea, kahit hindi abutin ng isang taon na balak ko sanang panahon para sa kasunduang ito. Kahit dalawang buwan lang Hija sana mapagtiisan mo ang apo ko." mahinang hiling ni Lolo Pablo. "After a month at least kung hindi mo na siya talaga matitiis." pahabol niya.

"Mabait naman po ang apo niyo, Lolo. Wala naman po kaming naging away or pagtatalo mula ng ikasal kami---"

"---Pero hindi rin kayo nag uusap."

"You can't expect that we'll get along well, Lolo. We just formally met 2 days before our wedding. What will you expect? Kayo lang ni Dada ang nagusap. This is worst than shotgun wedding. I know you as my father's business partner but I don't remember attending in your gatherings Lolo. Once, I guess. Yes. We're just introduced but that's it. I only know Althea through business news but I think just like Althea she only knew me as Dada's daughter and a model. That's it. We don't have interest in each other." paliwanag ko.

"So not talking is still a good sign then. It means pinakikiramdaman niyo ang isa't isa." ngiting sabi ulit ni Lolo Pablo. Napailing na lang ako at napangiti habang tahimik nang sinabayan si Lolo Pablong kumain.

- - -

A/N:

Another JaThea story for you, beautiful people. Just want to know po kung interesado po kayo lalo na po yong mga nagfollow. Please hit the vote kung hindi naman po kalabisan😁. Sa mga silent readers kahit isang vote lang para naman makapag thank you ako ng personal sa inyo for supporting me until now. But I'm not forcing you for I am a silent reader myself😊. But just the same I want to thank you guys for reading my stories, it's because of you kaya may bagong story nanaman po. Someone suggested this plot to me (and it took a year bago maisulat😊) just put some personal touch and ta-da!

Hope you'll like it.

🤓

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

82K 1.9K 43
In the end we only regret the chances we didnt take. I wish I can turn back time when you're still into me and I'm starting to fall for you.
232K 7.4K 42
Suffering from a broken heart, Althea vowed not to fall in love.....at the moment. But through a chance encounter, she met Jade and no matter how she...
Chances Av abcd efg

Slumpmässig kategori

23.6K 1.2K 52
A modern day story about romance, bravery, friendship and family.
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...