The Lost Princess

By MerittQuinn

4.6K 174 22

Isang simple at masayahing pinay college student si Ariane Gonzales, walang hinangad kundi ang maging proud s... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.5
Chapter 16 : Her World

CH.1: Destined

411 17 1
By MerittQuinn

(Pic above is Ariane Gonzales)

Joseon Era


Great King Gwangmu's Royal Palace.

Year 1801

(A/N: PAALALA LANG KOREAN DYNASTY TO. PAKI IMAGINE NALANG NA KOREAN SINASABI NILA. LOL)


Uhm Mag lesson muna tayo about Royal Titles para di kayo gaano malilito.

Reigning King : Jusang Jeoha

Queen (King's Wife): Wangbi (Mama)

Wonja : Royal Prince (King's son with a royal concubine.)

Seja/Wangseja : Crown Prince (Next in throne.)

Sejabin/Wangsejabin : Crown Princess (Crown Prince's wife)

Yangban: Noble Class


Seja Sunjong's POV.

Hindi ko mawari kung bakit kanina pa ko paikot ikot dito sa labas ng aking kwarto. Dahil ba sa malalaman ko na kung sino ang pakakasalan ng kapatid kong si Yeongchin? O dahil sa baka ako ang bigyan ng prinsesang pakakasalan? Urghhh. Ano ang aking gagawin?!

"Seja *(Crown Prince) Sunjong, magandang gabi. Nandyan na po ang mahal na hari. Kasama po ang Prinsipe Yeongchin." Tinanguan ko lang Si Minister Yuan. Inayos ko muna ang aking sarili kinalaunan natanaw ko ang aking kapatid at ama. Masayang naguusap.

"Magandang gabi kamahalan." Bati ko sa aking ama. Nginitian niya lang ako at inaya narin ako papasok sa pagpupulong. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Lady JiSoo at Lady Seongmyun kasama ang ina nilang si Lady Cha. Tatayo sana ang mga nasa pagpupulong para batiin ang aking ama, pero pinaupo lang sila nito. Sa loob, nandon ang Royal Concubine JangHyun (ina ni Yeongchin) Minister Park, at ang mga binibini. Hindi mapagkakaila na talagang magagandang dalaga ang mga anak ni Lady Cha. Kababata namin si Lady Jisoo samantalang si Lady Seungmyun naman ay ngayon lang namin nakilala nung sabay kaming nag aral.

"Hindi na ko makapaghintay kung sino ang pakakasalan ng anak kong si Yeongchin. Napakasaya ko dahil sa wakas magkakaron na ko babaeng anak." Sabi ng aking ama. Nagsitawanan naman ang mga kasama namin. Kitang kita sa ama na masaya siya. Ramdam ko rin na basta tungkol sa aking kapatid na si Yeongchin ang paguusapan, masaya siya. Hindi ko maiwasang mainggit, bata pa lang kami ni Yeongchin, madalas na kaming maglaban sa lahat ng bagay. Sa pagaaral, sa pangangabayo at sa pageespada. Laging ako ang nanalo pero si Yeongchin ang laging binabati ng ama.

'Hindi ka dapat ganyan mag isip Sunjong, mapapansin din ng ama ang mga ginagawa mo.'

"Kamahalan, dahil po nasa wastong edad naman na sila at sadyang di mapagkakaila na magkasundo sila, naisip kong mas maganda kung si Lady Jisoo at Yeongchin ang ikasal, para sa ikakatibay ng kataastaasang pamilya."

Hindi na kami nagulat ni Yeongchin na si Jisoo ang ipapakasal sa kanya. Nagkatinginan kami ng aking kapatid.

"Ama-" nais sanang magsalita ng kapatid ko ngunit pinutol ito ng amang hari.

"Sa ikalawang paglabas ng buwan gaganapin ang kasal nila. Makakaganda ito sa darating na buwan ng pagaani. Ang anak ng araw at anak ng buwan eh magiisang dibdib." Sabi ng ama. Buong gabing yun puro kasiyahan at ang kasal ang pinagusapan nila. Pagbalik sa palasyo tahimik lang ang aking kapatid.

"Yeongchin."

"Ayokong maikasal kay Jisoo." Alam ko nang ito ang sasabihin niya.

"Pero, yun ang nais ng ama. Makakatanggi kaba?"

"Ayaw sakin ni Jisoo. Alam kong mas gusto niyang maging tunay na doctora kesa maikasal sa isang prinsipe, mas gusto niyang makatulong sa iba kesa magpatibay ng posisyon niya. "

Kaya sila magkasundo ni Jisoo dahil parehas silang me pagmamahal sa panggagamot.

"Ngunit hindi nagsalita si Lady Jisoo kanina. Hindi siya tumanggi."

"Hindi ko rin alam kung bakit, bukas na tayo ulit mag usap. Magpapahinga muna ko." Pumasok na siya sa kanyang kwarto. Napalingon nalang ako sa ganda ng buwan sa kalangitan. Gaganapin ang kasal sa ikalawang pag litaw ng buwan. Ayun ay sa susunod na linggo. Sana maging maayos ang lahat bago ang kasal.

********

Lady Jisoo's POV.

"Ina hindi ko kaya ang pinapagawa ninyo! Hindi ko kaya!" Sinampal ulit ako ng aking ina. Napahiga ako sa lapag ng aking kwarto. Ako ay walang nagawa kundi ang lumuha. Lumuhod ang ina para hatakin ang aking buhok.

"Hindi ka pwedeng tumanggi sa kahit na anong iutos ko sayo. Magpapakasal ka sa Prinsipe Yeongchin. At papatayin mo siya sa pangatlong araw ng pagiging magasawa niyo!"

"Ina, kaibigan ko si Yeongchin. Hindi ko siya kayang patayin." Hinila lalo ng ina ang aking buhok.

"Tandaan mong hindi parin sigurado ang estado ng ating pamilya sa kataas taasang palasyo. Hanggat hindi nagiging hari ang iyong ama mananatili tayong taga kain ng tira tira ng pamilya nila Yeongchin!"

Panay ako sa pagluha, bata pa lang ako ay nilalason na ng aking ina ang aking utak. Siya ang nagpapaikot ng aking buhay sa palasyo,  gusto kong maging doctora ng aming mga pinamumunuan pero akoy di niya pinayagan. Iniwan ako ng ina na nakahiga at umiiyak sa aking kwarto. Pero bago siya umalis akoy pinapili niya.

"Papatayin mo siya, o ikaw ang mamatay."

Mga ilang oras din akong nanatiling nakahiga. Nagiisip ako ng gagawin. Bumangon ako para puntahan ang kapatid kong si Seungmyun. Naabutan ko siyang nagbabasa. Napalingon siya sa akin.

"Jisoo. Bakit namumula ang iyong pisngi?" Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya.

"Patawarin mo ko Seungmyun, sapagkat akoy walang magawa. Alam kong pagkatapos ng aking kasal ikaw naman ang nakatakdang ikasal sa Prinsipe Sunjong." Hinagod niya ang likod.

"Alam ko iyon pero wala naman na ata tayong magagawa. Kelangan nating sundin ang ipinaguutos ng ating ina at ama. Kelangan nating ipaglaban ang posisyon ng ating pamilya."

Hinarap ko si Seungmyun.

"Paano na kayo ni Jungya?" Si Jungya ang lihim na iniibig ng aking kapatid. Isang karaniwang tagapagsilbi sa aming bahay at kababata niya.

"Hindi pa niya alam, kaya sana wag mong sabihin sa kanya."

"Hindi ko pipigilan ang kung ano mang nagpapasaya sa aking kapatid. "

"Bakit kung makapagsalita ka ay parang nagpapaaalam kana? " tanong niya. Umiling ako. Hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya.

"Sige na, tapusin mo na ang iyong binabasa at matulog kana." Tumango siya. Tumayo na ko para bumalik sa kwarto, pero tiningnan ko muna ang ganda ng buwan. Hindi ako tumuloy sa aking kwarto, palihim akong tumakas sa bahay at hinanap ko ang bahay ng aking kaibigan na si Se Hwa. Kinatok ko ang kanyang bintana.

"Kamahalan! Gabi na, anong ginagawa niyo sa labas ng palasyo? "

"Pahiramin mo ko ng iyong kabayo." Kumunot ang noo niya.

"San po kayo pupunta?!"

"Hindi ko na kaya ang paghihigpit ng aking ina Se Hwa. Tulungan mo ko."

"Iyang, sugat sa iyong pisngi kagagawan ba yan ng mahal na unang prinsesa? " Tumango ako. Hinila ako ni Se Hwa sa likuran ng kanilang bahay at pinsakay niya ko sa kanyang kabayo.

"Magiingat ka Lady Jisoo."

"Maraming salamat Se Hwa. Isa kang mabuting kaibigan." Sinipa ko ng bahagya ang kabayo at agad itong tumakbo ng mabilis.

Tinawid namin ang kabundukan at ang isang ilog, hanggang sa nakarating kami sa sinasabin bundok ng Bintana ng Buwan. Sa bangin na ito makikita mo ang buong hugis ng buwan na para bang onting angat mo lang ng iyong kamy eh maabot mo na ang buwan.

Bumaba ako at naglakad papunta sa bangin. Pumikit ako para muling makita sa aking imahinasyon ang ngiti ng kapatid kong si Seungmyun at ang ngiti ni Yeongchin. Ayokong magpaalam sa aking naging mabubuting kaibigan. Ngunit sa itinagal tagal ng buhay ko ni minsan hindi ko nagawang huminga ng dahil sa aking ina. Sa ginawa niya kanina napilitan akong gawin ito. Mas gugustuhin ko pang ako ang mamatay kesa patayin ko ang aking matalik na kaibigan. Unti unti akong lumalapit sa bangin. Seungmyun, hindi kita pababayaan kahit na akoy nasa langit na. Paalam aking kapatid.

Paalam Yeongchin.

(To Be Continued)

Type a message...
Type a message...

Continue Reading

You'll Also Like

603K 34.7K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
547K 27.3K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
El Fili Project By bruh

Historical Fiction

3.8M 7.1K 44
A Project in Filipino ♥♥♥ (c) to http://angelfilibusterismo.blogspot.com/ <--- sa website po na ito ako kumuha ng karamihan sa impormasyon, madaming...
247K 885 1
http://angela-akademika.blogspot.com/2012/02/buod-bawat-kabanata-ng-noli-me-tangere.html