Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-31-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-32-

69.1K 2.3K 391
By vampiremims


HINDI ko pa rin naiintindihan ang nangyayari. Ian left after saying he’s breaking up with me. Ni hindi ako nakapagtanong, nakapagsalita… after saying he loves me, but he needs to let me go, he left.

Hindi ko mapigilang mag-aalala sa kanya. Alam ko na may bumabagabag kay Ian. Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Isa pa, sinasabi niya na mahal niya ako… pero kailangan niya akong hiwalayan. Kung maghihiwalay kami, gusto ko na malinaw sa aming dalawa ang nangyari.

Kung ako ang nakipaghiwalay sa kanya, maaaring hindi ko rin maidetalye ng maayos sa kanya ang dahilan, but he deserves to know the truth… well, maybe something close to the truth. Because not everyone will understand what’s happening… hindi lahat ng tao ay katulad ni Kol.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto ko. Something’s wrong with Ian… no, maybe something’s bothering him. Kinagat ko ang labi ko bago naupo sa kama ko. Kung may isang tao na maaaring makatulong sa akin na malaman ang problema ni Ian, sa tingin ko ay si Kevyn iyon.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at bago pa man ako makapagdial ay nagring na iyon.

Jahann calling…

Kunot ang noo na sinagot ko ang tawag nito sa akin.

“Hello?” tumayo ako at lumapit sa pinto at inilock iyon.

“Nasa bahay ka na?” tanong niya sa akin. Naupo ako sa couch at niyakap ang unan na naroon.

“Yeah…” sagot ko naman sa kanya.

“What’s wrong?”

Hindi ko napigilang mapangiti ng malungkot. Kahit sa telepono lang, alam agad ni Jahann kung may iniisip ako o ano.

“Nothing. I’m fine, I’m just tired and—“

“Creep, what’s wrong?” putol niya sa sinasabi ko. Hindi ko naman napigilang mapabuga ng malalim na buntong-hininga. “Nandito si Ian kanina…” sumandal ako sa couch at pumikit.

“Ah.”

I mentally rolled my eyes. Kaya ayokong sabihin, eh. Alam ko naman na hindi rin magiging kumportable si Jahann kung sasabihin ko sa kanya na nandito si Ian kanina. Sa mga nangyayari, mas nagiging malinaw na sa akin ang lahat.

Sa bawat sandali na kasama ko si Ian, kausap ko si Ian… nasasaktan si Jahann. At wala siyang ibang magawa kung hindi ang tiisin ang lahat ng iyon. Hindi lang ako ang nahihirapan. Si Jahann din.

“Kumain ka na?” tanong ko na lamang sa kanya para baguhin ang usapan.

“Yeah. I just ordered something,” sagot naman ni Jahann sa akin.

“You ordered something? Hindi ka na lang magluto, mas okay pa ‘yun…” mas tipid naman kung magluluto na lang siya. Isa pa, Jahann’s a good cook.

“If you’re here, I’ll be more than willing to cook, Creep…” sinundan niya iyon ng pagtawa. “I don’t have much time, too. Tinatambakan ako ni Dean ng gagawin, eh…”

“Si Dean?” ipinilig ko ang ulo ko.

“Yeah. He asked me if he could visit you there, I said no. Pagkatapos ‘non, ang dami ko ng dapat gawin…”

Hindi ko naman napigilang matawa dahil parang nagsusumbong sa akin si Jahann sa tono nito. “Anderson ka, use that…” pagbibiro ko sa kanya. Kahit naman kasi si Dad ang may-ari ng Ai’s, hindi naman maikakaila ang malaking parte ni Tito Dale roon. Pumapasok rin doon si Jahann dahil sa naging hobby na nito ang photography. Hindi rin naman nagpapaka-boss si Jahann doon.

“Nah. I rather use that with you than with anyone else…”

Hindi naman ako nakapagsalita kaagad sa sinabi ni Jahann. 

“Creep…” untag ni Jahann sa akin sa kabilang linya.

Inalis ko muna ang bara sa lalamunan ko bago sumagot sa kanya. “I’m still here,” mahinang sagot ko.

“And I’m still yours…” seryoso ang pagkakasabi ni Jahann doon. “Will always be yours…”

Napailing na lang ako. “Sabi mo wala ka ng oras para magluto dahil marami kang ginagawa. Unahin mo na ‘yang mga ‘yan para matapos mo na…” paglilihis ko na lamang ng usapin naming dalawa. Hangga’t maaari ayokong buksan sa kanya ang naging pag-uusap naming dalawa ni Ian. Ayokong makadagdag pa iyon sa iisipin ni Jahann.

“I always have time for you, you know that…”

“Jahann…”

“Why does it sound so different when you’re the one who's calling my name?”

“Baliw ka lang…” sagot ko naman sa kanya. “Anyway, I have to go. I promised Mom I’ll cook our dinner tonight,” paalam ko sa kanya.

“Alright, then. I’ll just call you later again,” hindi naman na tumutol si Jahann. Matapos kong magpaalam sa kanya ay ibinaba ko na ang tawag. Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago sinubukang tawagan si Kevyn. I still have something else to do.

Kahit pa gusto kong kausap si Jahann, kailangan ko munang alamin ang nangyayari kay Ian. Technically, I’m no longer his girlfriend since he broke up with me, but I’m still his friend. Nag-aalala ako para sa kanya.

Nakakailang ring na ang nakalipas bago sumagot si Kevyn sa tawag ko.

“Kevyn, si Che—“

“Hi, Kevyn’s busy at the moment. Who’s this?” dire-diretsong sabi sagot sa akin ng isang babae. Pamilyar ang boses niya sa akin.

“Uhm, sige wag na… I’ll just call him again later,” iyon lamang at ibinaba ko na ang tawag. Maging si Kevyn, hindi ko makausap.

Damn, ano ba talagang problema ni Ian? Naaalala ko ang itsura niya kanina habang nandito siya sa bahay. Halos hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Bakas rin ang lungkot sa mukha niya, maging sa boses niya.

I tried to call him earlier, too. Pero naka-off naman ang cellphone niya. Kailangan kong makausap si Ian. He needs someone to talk to. I may not love him as much as he loves me, but he’s still a friend to me.

Iniwan ko na lang ang phone ko sa kwarto ko at bumaba ng bahay namin. Wala pa si Mommy, si Daddy at si Aly kaya naman inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtulong sa pagluluto para sa hapunan namin para sa gabing iyon.

Hindi ko napigilang isipin ang kalagayan ni Jahann. Dahil mag-isa lang siya, gaya ng sabi nito, wala na itong oras para magluto ng sarili niyang pagkain.

Maybe I should bring him food…

Napailing ako sa naisip ko.

Grounded ka, Cherinna. Hindi ka rin marunong magmaneho. Asa ka pang makakarating ka ng buo sa tinitirahan ni Jahann.

Si Aly naman ang unang dumating na may dala-dalang cupcakes galing sa SD. Agad naman siyang nagreklamo sa akin na hindi sumunod sa kanila si Jahann.

Sa kabila ng nangyari sa amin ni Ian, alam ko na hindi tamang pakinggan ngunit nakaramdam ako ng tuwa na hindi talaga nagpunta si Jahann sa SD.

Nagpatulong na lang ako kay Aly na mag-ayos ng lamesa para na rin hindi na siya magdaldal pa ng pangyayari sa SD sa akin.

“Nagpunta si Ian kanina?” kapagkuwa’y tanong ni Aly sa akin. Natigilan naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. “Ah, yeah. Dumaan siya kanina…” iniiwas ko ang tingin sa kanya.

“Sabi ni Iris, parang may problema kayo ni Ian. Hindi rin daw pumasok ‘yun. Okay lang ba kayo?” tanong ulit ni Aly sa akin. Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko rin napigilang makaramdam ng inis kay Iris. Bakit ba kailangan nitong pakialaman ang mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya?

“We’re fine, Aly…” pagsisinungaling ko.
Wala pa akong balak pagsabihan ng tungkol sa nangyari. Kahit pa sino sa kanila.

“Si Iris talaga, lahat na lang napapansin. Palibhasa sinusungitan na naman ni Jahann ngayon, eh…” sinundan iyon ni Aly ng pagtawa. “Kaya kung saan-saan nababaling ang atensyon, eh…”

Hindi naman na ako nagsalita pa. Wala rin naman akong maisip sabihin lalo pa’t isa si Iris sa pinag-uusapan naming dalawa.

Hanggang sa makatulog ako ng gabing iyon ay hindi na nawala sa isip ko ang nangyari. Hindi nawala sa akin ang pag-aalala kay Ian. Naging mabuti siya sa akin kaya naman sa panahon na pakiramdam ko ay kailangan niya ng makakausap, gusto ko siyang damayan.

Gaya ng nakaraang araw ay hindi ako sumabay kay Aly sa pagpasok dahil hatid-sundo ako ng driver namin bilang parte iyon ng parusa ni Daddy. Gaya rin ng nagdaang araw, nakasandal si Jahann sa may sasakyan nito na tila may hinihintay.

“Plano mo bang gawin ‘yan araw-araw?” tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa akin. Nagkibit-balikat lang siya sa akin. “Morning,” nakangiti niyang sabi. “Tinulugan mo ako…”

I received three missed calls and two messages from Jahann. Sa pag-iisip ko kagabi ay nakatulog na lamang ako. Hindi naman ako nagreply sa kanya kaninang umaga dahil magkikita rin naman kaming dalawa ngayon.

“Sorry…” hinging-paumanhin ko sa kanya. Ngumiti naman siya ulit bago pinisil ang ilong ko. “Jahann!” saway ko sa kanya.

“It’s alright, don’t worry…”

“Aly told me Iris felt bad yesterday. Hindi ka kasi sumunod sa SD, eh…” sabi ko na lang sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Inayos naman ni Jahann ang bitbit na backpack bago nagsalita. “I already told you the reason why I don’t want to go there. I don’t give a damn if they won’t accept it.”

“Jahann…” huminto ako at tinignan siya.

He sighed. “Alright, I’ll talk to Iris if that’s what you want.”

That’s not what I want. “Much better.” Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nagpaalam na rin ako kay Jahann na papasok sa klase ko at tumango naman siya sa akin.

Kailangan ko na naman magpanggap na wala akong problema kahit na naghahalo-halo na ang lahat sa isipan ko.

Iyong nararamdaman ni Jahann para sa akin. Iyong nararamdaman ko para sa kanya. Iyong sitwasyon naming dalawa. Idagdag pa ang nagyayari kay Ian na hindi ko maintindihan kung ano. At si Iris.

Maging ang mga sinabi ni Kol sa akin kahapon ay tumatakbo pa rin sa isip ko.

Would it be fine with me to just let Jahann be with someone else?

Hell, no.

Pero ano bang gagawin ko talaga? Ano bang dapat kong gawin sa sitwasyon naming dalawa?

Puno ng agam-agam ang isip ko nang pumasok ako sa classroom. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Hindi ko naman napigilang magtaka. Tumayo si Iris at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papalabas ng classroom.

Wait, what the hell?

May alam na ba silang lahat kaya ganoon na lang silang makatingin sa akin?

“What happened, Cherinna?” tanong ni Iris sa akin. Napatingin ako sa kanya. Bago pa man ako magtanong kung ano ang tinutukoy niya ay nagsalita na siya kaagad.

“Bakit nag-drop out si Ian?”

Natigilan ako sa sinabi niya. “What?” hindi maikakailang nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na magda-drop out si Ian. Nakipaghiwalay siya sa akin kahapon, walang matinong paliwanag o ano, at ngayon naman, nag-drop out siya?

“Hindi mo alam? Nagdrop na si Ian. Inaasikaso niya ngayon ‘yung mga papers niya. Okay lang ba kayong dalawa?” pag-uusisang muli ni Iris sa akin.

“Uhm… I… I have to go,” paalam ko kay Iris at mabilis na tumalikod na rito. Kung inaasikaso pa lang ni Ian ang mga papel niya, nasa school pa siya. Isa pa, wala pa naman lahat ng tao sa admin office.

Mabilis akong bumaba para hanapin si Ian. Dumiretso ako sa admin office ng school para tignan kung naroon ba si Ian. Hindi naman ako nabigo dahil nakasalubong ko siya nang papasok sana ako.

Natigilan siya nang nakita ako.

“Ian…” bahagya pa akong hinihingal dahil sa mabilis na paglalakad.

“Sun—“ he smiled sadly. “Cherinna…”

“Magda-drop ka?” tanong ko sa kanya. I know I am asking the obvious but I really want to know what’s happening to him.

Tumango siya sa akin. “Yeah.”

“Why?” lumapit ako sa kanya. “Bakit ka magda-drop?” ngayong nakatingin ako sa mukha niya, kitang-kita ko sa mga mata ni Ian ang lungkot. Sigurado ako na may bumabagabag kay Ian.

He looked at my face. Matagal. Tila kinakabisa niya ang bawat parte ng mukha ko.

“Ian…”

“I have to.”

“Why? Why don’t you give me a direct answer instead of that?” hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa kanya. “What the hell is your problem?”

“Cherinna…”

I closed my eyes and sighed heavily. “Ian, please? I know you broke up with me yesterday, but I am really worried about you and I care about you…”

“You might hate me if I’ll tell you what happened…” he smiled sadly.

“Try me,” seryosong sagot ko sa kanya. Mas gusto kong malaman ang totoo kahit ano pa iyon kaysa paniwalain niya ako sa isang bagay na hindi ko naman naiintindihan at maraming tanong na bumabagabag sa isip ko.

“Okay…” hinawakan ni Ian ang braso ko. “Come with me…” inakay niya ako papunta sa parking lot. Hindi ako tumutol nang sumakay ako sa sasakyan niya at lumabas kami ng school. Alam ko na grounded pa rin ako at dapat ay nasa school ako pero mapapatawad naman siguro ako ni Daddy.

Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin ni Ian na coffee shop. Siya na rin ang umorder para sa akin. Tahimik lang si Ian, hindi tulad noon. Hindi tulad ng Ian na nangungulit sa akin noon.

“What happened?” tanong ko sa kanya.
Huminga ng malalim si Ian bago nagsalita. “Paano kung sasabihin ko sa’yo na may ibang girlfriend ako?”

Natigilan ako sa sinabi niya sa akin. Tinignan ko si Ian. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. Seryoso siya. “What?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Yes, Cherinna. I do have a girlfriend…” napayuko si Ian. “Her name’s Anika.”

“Wait, you mean to say, you courted me, but… there’s a girl named Anika in your life?” paglilinaw ko sa sinabi niya.

“I told you, you might hate me if I tell you what’s happening. I don’t want you to hate me,” inabot ni Ian ang kamay ko na nasa lamesa pero ako na mismo ang nagbawi niyon.

“No. I want to know what’s happening,” buo ang loob na sagot ko sa kanya.

“Cherinna…”

“Ian, please. I want to know the truth…” mahinang sabi ko.

He closed his eyes like he’s in pain. “I loved Anika. We’ve been together for almost two years already. She’s in the States…” pagsisimula ni Ian. Nakikinig lang ako sa kanya. Tumitingin siya sa akin na tila humihingi ng abiso kung magpapatuloy pa siya. Marahang tango lamang ang isinasagot ko sa kanya.

“When we first me, Anika was breaking up with me. I am really pissed that time. Hindi ko alam kung ilang beses na ba siyang nakikipaghiwalay sa akin. Kaunting tampo niya, makikipaghiwalay siya. Maliit na bagay lang, makikipaghiwalay na siya. Sobrang nabubwisit ako nang araw na ‘yon kaya nasungitan kita…”

I remember that incident. Hindi pa rin ako nagsalita.

“I saw you again. I was trying to loosen up a bit, and I saw you. Kahit saan ako magpunta sa amusement park na ‘yon, nakikita kita. Hanggang sa nakatabi kita. Mula nang makita kita, hindi ka na maalis sa isipan ko. No matter how hard I try, I just can’t. It’s like you’re a permanent portrait that is stuck in my head…” he smiled again, but that didn’t reached his eyes.

“Believe it or not, when I entered that school, I have no idea that you’re there. I don’t know why I was so happy I saw you again. I am committed but I am so damn attracted to you. That sucks because I love Anika…”

Minabuti ko pa rin na huwag na munang magsalita kahit na may mga tanong na, na nasa isip ko.

“It’s wrong to like you when I am still committed with someone else. When we saw each other in Baguio, I broke up with Anika. That’s the time I admitted I like you. Days, weeks, months passed… and Cherinna… I fell in love with you.”

“Anika called one night. She’s crying really hard, asking me to take her back again… and that’s Anika. I didn’t say yes, but I didn’t say no, as well… I can’t stand the thought of her crying. No matter how brat she is, no matter how nagger she is, hindi ko pa rin matiis na makitang umiiyak si Anika.”

“I’m the biggest jerk in town. Niligawan kita kahit na magulo pa ang sitwasyon namin ni Anika. For her, I’m still her boyfriend. Gustong-gusto kita, Cherinna. And I am so damn serious about you. I thought, if I just give Anika some time, she’ll accept it. Matatanggap niyang nakikipaghiwalay na ako sa kanya…”

“You were so cold to me. Despite that coldness, I still fell in love with you…” he laughed softly. “Kevyn asked me to drink with him and I said okay. I was a bit frustrated that time because no matter what I do, it was as if it's nothing to you. Anika was there. That night, I got drunk and something happened…”

Halos pigilan ko ang paghinga habang nagsasalita si Ian.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang sinabi mong boyfriend mo na ako…” muling ngumiti si Ian sa akin. “Finally, the girl I want to spend the rest of my life with said yes,” huminga siya ng malalim. “Everything went well. We were happy… I almost forgot about Anika…”

“Then she came in to my house. She told me she’s… she’s crying and she told me that she’s…” napayuko si Ian.

“She’s pregnant?” wala sa loob na sabi ko.

“Napakagago ko, Cherinna…”

Tila nablangko ang isip ko. Wala akong mahanap na sasabihin kay Ian.

Nag-iwas ako ng tingin.

May karapatan ba akong magalit sa kanya? Naging unfair ako kay Ian. May kasalanan din ako kay Ian. Dapat ba akong magalit?

“I love you, but I have to let you go… you don’t deserve this, Cherinna. You deserve the best in the world. And I’m not even close to that word…” muling inabot ni Ian ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

“I know you might doubt my feelings, but I really love you. Damn, Cherinna. Just tell me to leave Anika and I will do it. Susuportahan ko na lang ‘yung bata, sabihin mo lang. Hindi ko alam ‘yung gagawin ko. I don’t want to lose you…” punong-puno ng pagsusumamo ang tinig ni Ian.

Tinitigan ko siya.

I’m not mad at him. Hindi ko alam kung normal ba ako o hindi, pero hindi ako galit kay Ian sa kabila ng mga sinabi niya sa akin.

Umiling ako sa kanya. “Anika needs you, Ian…”

“But I love you, Cherinna. Hindi ka ba naniniwalang mahal kita?”

Marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Naniniwala ako.”

“Sunshine…”

“Your child and Anika needs you, Ian. You deserve to be happy, too. And I am sure, hindi rin ako ‘yung makakapagpasaya sa’yo…” ngumiti ako ng tipid sa kanya.

Umiling si Ian. “No. You’re my happiness and—“

“Ian?”

Sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Maputi ang babae at mahaba ang buhok. Matangkad rin ito at maganda.

“Anika, what are you doing here?” tumayo si Ian at nilapitan ang babae.

Hindi ako nagsalita habang nakatingin kay Anika.

“Is she the reason why you’re ignoring me?” matapang na tanong ni Anika kay Ian.

“Anika,” hinawakan ni Ian ang braso ng babae.

“Siya ba?” tanong muli ni Anika kay Ian.

“Anika—“

Nabigla ako nang biglang damputin ni Anika frappe na nasa lamesa at ibuhos sa akin. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakabigla ko nang biglang dumapo sa pisngi ko ang palad niya at hablutin niya ang buhok ko.

“Bitawan mo ako!” hinawakan ko ang kamay ni Anika na mahigpit ang pagkakakapit sa buhok ko. Damang-dama ko ang sakit sa anit ko dahil sa tindi ng paghila niya sa buhok ko. May naririnig akong umaawat kay Anika at hinihila ang babae pero nahihila nito ang buhok ko.

“Let me go!” nag-iinit na ang sulok ng mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko maging sa pagkapahiya na nararanasan ko.

“Malandi ka! Boyfriend na ng iba, nilalandi mo pa!” narinig kong sigaw ni Anika. Naririnig ko ang pag-awat ni Ian sa babae. Nabitawan na ni Anika ang buhok ko at bahagya na siyang nailayo na siya sa akin. Patuloy pa rin ang pagsasalita niya at pagtawag niya sa akin ng kung ano-ano.

Walang ibang lumalabas sa mga labi ko kundi ang pakiusap na bitawan niya ako.

“Anika, stop it! Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?” tanong ni Ian sa babae.

“Ano sa palagay niyo ng malanding babaeng ‘yan ang ginagawa niyo?! Magkakaanak na tayo pero nilalandi ka pa niyang babae na 'yan!” muling tumingin sa akin si Anika.

“Napakalandi mo!” muli siyang lumapit sa akin at ang sunod na naramdaman ko ay ang paghapdi ng braso ko at maging ng pisngi ko.

“Anika, stop it!” hinawakan ni Ian ang babae. Akmang susugod pa si Anika sa akin nang may humila sa akin at niyakap ako.

“Bitawan mo nga ako! Hindi pa ako tapos sa malanding ‘yan!” naririnig ko pa ring sabi ni Anika.

“Creep…”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Jahann. He examined my face and his jaw tightened when he saw my cheeks.

He looked at Anika and glared at her. “Who the fuck gave you the permission to hurt her?” his voice was deep and dangerous.

“Jahann…” basag ang boses ko nang magsalita ako. Hinawakan ko ang braso niya.

Napatingin sa akin si Ian. Tila nagulat din ito sa nakitang natamo ko sa ginawa ni Anika.

“Cherinna…” akmang lalapit si Ian sa akin nang harangan ito ni Jahann. Ian looked at Jahann.

“And who the hell are you to protect that whore? Don’t tell me isa ka rin sa mga nilandi niya at—“

“Call her that once again and you’ll regret showing up your self here,” putol ni Jahann sa sinasabi ni Anika.

“Sino ka ba para makialam, ha?!” malakas ang boses na sabi ni Anika kay Jahann.

“Anika, stop it! You’ve done enough damage!” sumigaw na si Ian sa babae. “I’m not yet done, Ian! Pati diyan sa babae mo!” padabog na lumabas ng coffee shop na iyon si Anika. Lahat ng tao sa loob ng shop na iyon ay nakatingin pa rin sa amin.

“Jahann…” hinila ko ang braso niya. Lumingon naman siya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata ko. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jahann ng tignan ako.

“Cherinna…”

Nilingon ni Jahann si Ian. “Huwag na huwag mo ng lalapitan si Cherinna. Consider that as a warning, Montenegro.”

Hinawakan ni Jahann ang kamay ko at inakay ako palabas matapos nitong kunin ang bag ko. Nang makapasok ako sa sasakyan niya ay hindi ko na napigilan ang paghagulgol.
Naramdaman ko ang kamay ni Jahann sa balikat ko na tila inaalo ako.

“Damn,” he breathed. He pulled me closer and hugged me tight. “Hush, Creep. I will never let anyone hurt you again…”

Hindi ako nagsalita. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakakulong ako sa bisig ni Jahann.

Patuloy lang ang pag-aalo sa akin ni Jahann. Nararamdaman ko pa rin ang kirot ng mga sugat ko pero isa lang ang nasisiguro ko habang yakap ako ni Jahann.

Hindi niya ako papabayaan.

Hindi niya ako sasaktan.

I buried my face on Jahann’s chest.

With him, I am safe.

Continue Reading

You'll Also Like

5K 507 15
After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to his bride-to-be, only to learn that she ha...
117K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
42.3K 1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...