Played by Fate - Book 1

By vampiremims

4.9M 130K 28.2K

Our love story will just end up tragic... More

-
Prologue
-1-
-2-
Commercial.
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-14-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-50-
--

-31-

68.1K 2.2K 524
By vampiremims


“TWIN, sasabay ka ba sa akin o hindi?” tanong ni Aly sa akin habang nakatayo siya sa may gilid ng kama ko. Nakaayos na ito para pumasok sa school. Umiling ako bago tumayo. “Alam mo naman na grounded ako, diba? Ihahatid ako ng driver papasok ng school at susunduin,” sagot ko sa kanya. Napasimangot si Aly.

“Buti na lang noong naga-grounded ako, dito pa nakatira si Jahann. Nakakalusot pa rin ako kay Dad,” ani Aly bago muling tumingin sa akin. “Sure ka? Pwede naman kasing sabay na tayong pumasok, tapos susunduin ka na lang mamaya,” suhestiyon nito. Muli akong umiling sa kakambal ko. “Hindi na, Aly. I’m fine,” ngumiti ako sa kanya para naman makumbinsi ko siyang ayos lang sa akin ang lahat. Iyon naman ang palagian ko ng ginagawa. Ipakitang ayos lang ang lahat.

“Okay, hindi na ako mamimilit. Pero let Jahann talk to Dad, okay? Malakas si Jahann kay Daddy, eh…” ngumisi na siya bago ako niyakap at lumabas na ng kwarto ko.

Hindi ko masabing totoo ang sinabi ni Aly. Alam kong pantay ang pagmamahal ni Daddy sa aming tatlo. Kaya lamang nagmumukhang malakas si Jahann kay Daddy ay dahil na rin para silang pareho kung mag-isip. Jahann will always be Daddy’s little snob.

Inayos ko na lang ang gamit ko at saka lumabas na rin sa kwarto ko. Naabutan ko pang naroon si Daddy at kausap si Mommy.

“Mom, Dad, alis na po ako,” paalam ko sa kanilang dalawa bago lumapit at humalik sa mga ito. Eversince that incident happened, hindi na ako makatingin halos ng diretso kay Mommy at Daddy. Hindi na rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

“Alright, take care, okay?” nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

“Dumiretso ka ng uwi, Cherinna…” ani naman ni Daddy sa akin. Marahan akong tumango bago lumabas. Narinig ko pa ang pagsaway ni Mommy kay Daddy pero hindi ko na narinig ang naging tugon ni Daddy doon. Dumiretso na lamang ako sa sasakyan at nagpahatid na sa school.

I texted Ian already.

Actually, plano ko ngang wag pumasok ngayong araw para kausapin si Ian. I know, a sorry is not enough. It’ll never be enough. Pero kung mas patatagalin ko naman ang relasyon namin, mas masasaktan si Ian. It’s better this way. Kung magagalit siya sa akin, mauunawaan ko naman. Kung ayaw niya na akong makausap pagkatapos, mauunawaan ko rin. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito kung tutuusin. Hindi ko na sana dinamay pa si Ian.

Naghihintay kami na mag-green ang light ng traffic lights nang mapatingin ako sa labas ng sasakyan. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Ian na nakaupo roon at hawak ang phone nito. Agad ko namang pinagmasdan ang phone ko. Kanina pa ako nagtext sa kanya pero hindi siya nagreply sa akin.

Muli akong tumingin sa labas.

Sigurado naman akong si Ian ang nakaupong iyon. Baka may usapan sila ni Kevyn. Muli akong tumingin kay Ian at napakunot ang noo ko nang may lumapit na babae sa kanya. Hindi ko na masyadong natitigan ang mukha ng babae dahil umandar na rin ang sasakyan.

Sino ‘yung babae? Kapatid ni Ian? Pero wala naman siyang kapatid. Maybe she’s his friend. Napailing na lang ako na sumandal.

May sariling buhay rin naman si Ian. Nang sinagot ko siya, sinabi ko na rin na hindi ko siya papakialaman. Isa pa, tatapusin ko naman na ang relasyon namin ngayon. He deserves to be happy. At hindi ako ang makakapagbigay ng saya na iyon kay Ian. He deserves someone else. Someone better than me. Someone who will love him the way he loves her.

“Ma’am, alas-kwatro po, nandito na ako…” ani ng driver sa akin nang ihinto nito ang sasakyan. Marahan akong tumango. “Sige po,” paalam ko bago kinuha ang gamit ko at bumaba na. Naabutan ko naman si Jahann na nakasandal sa sasakyan nito habang nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Tila may hinihintay.

Nakasuot din ito ng cap na nakabaliktad.

He smiled when he saw me.

I let out a deep sigh.

Naglakad naman si Jahann papalapit sa akin. Matapos nitong batiin ang driver naming ay humarap na siyang muli sa akin. Umalis rin naman ang driver namin.

“What are you doing here?” tanong ko kay Jahann. Nagkibit-balikat ito sa akin. “Just say it and I’ll talk to dad. Para hindi ka na grounded at—“

“Jahann, it’s fine, really. Okay? One month won’t hurt…” putol ko sa sinasabi niya. “Papasok na ako sa klase ko,” paalam ko rito bago naglakad. Sumunod naman siya sa akin.

“Naisip mo na ‘yung sinabi ko kahapon?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

Natigilan naman ako at nilingon siya. Huminto rin si Jahann at nakita kong nakatingin siya sa akin. “If you’re talking about the kiss, I think you should—“

“Creep, I’m not talking about the kiss…” he smiled playfully. “Pero mukhang hindi lang naman pala ako ang hindi pinapatulog ng halik na ‘yon,” ngumiti si Jahann. Pakiramdam ko naman ay nag-init ang pisngi ko kaya naman napayuko ako.

“I’m talking about Montenegro…”

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

“Jahann…” mahina lang ang boses ko habang nakikipag-usap sa kanya.

Ngumiti lang muli si Jahann sa akin. “I badly want to kiss you but…” nagpakawala si Jahann ng malalim na buntong-hininga. “I think I should get your permission first.”
Hindi naman ako nagsalita. “I’ll go ahead. I’ll see you later, Creep…” ginulo niya ang buhok ko bago naglakad at nilagpasan ako.

“I love you…” mahinang sabi niya sa akin bago tuluyang naglakad papalayo sa akin.

Napayuko naman ako. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at pilit pinakalma ang sarili ko.

Dumiretso na rin ako sa classroom namin. Wala pa rin si Ian. Bihira namang nale-late si Ian.

“Cherinna, si Ian, bakit wala pa?” nilingon ako ni Iris. Umiling ako ng marahan sa kanya. “Hindi ko rin alam, eh…” sagot ko. Pero nakita ko naman siya kanina. Hindi ba siya papasok dahil may gagawin siya? May aasikasuhin?

“Hindi mo alam, girlfriend ka niya diba?” kunot-noong tanong ulit ni Iris sa akin.

Napatingin ako sa magandang mukha ni Iris. “Yeah. Girlfriend, hindi nanay…” hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Hindi naman na sumagot si Iris sa akin.

Natapos na lamang ang isang subject namin pero walang Ian na dumating.

Iniisip ko kung tatawagan ko ba siya o itetext para hanapin pero naisip ko rin na baka importante ang inaasikaso ni Ian.

Hindi rin naman mawala sa isip ko na may kasama siyang babae.

“Watch where you’re going, Jahann’s…” may humawak bigla sa ulo ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Nag-angat naman ako ng tingin at nakita ko si Kol na nakayuko sa akin.

“Kol!” hindi ko napigilang ngumiti.

“Don’t smile at me like that. Seloso si Jahann…” ngumiti ng tipid si Kol sa akin.

“I’m just so glad that you’re here!” pakiramdam ko ay kahit papaano ay gagaan na ang pakiramdam ko. Wala naman akong ibang nakakausap tungkol sa problema ko maliban kay Kol. Kakambal ko si Aly pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nangyayari. Kaibigan ko si Lean pero hindi ko naman alam kung paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang nangyayari.

“What happened?” tanong ni Kol sa akin. Hinawakan ko naman sa braso si Kol bago hinila sa garden ng school namin. Wala namang ibang taong naroroon kaya makakapag-usap kami ni Kol.

Nakatayo lang si Kol habang nakaupo ako.
“So… what happened?” tanong ulit ni Kol sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

“He said he loves me…” mahinang sagot ko sa kanya.

He laughed softly then he cleared his throat. “Tell me something I don’t know, Cherinna…”

“What do you mean?” kunot-noong tanong ko sa kanya. Naupo si Kol sa tabi ko at sumandal.

“Matagal ko ng alam na may gusto si Jahann sa’yo…” seryosong sabi niya sa akin. Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya. “And I guess, you’re wondering why it’s fine with me…” sinundan iyon ni Kol ng mahinang tawa.

“At first, it’s not. You’re siblings…”

Napasandal na rin ako at napatingin sa mga damo na naroon. “Yeah, we’re siblings…”

“Noong inamin ni Jahann sa akin, nasuntok ko pa ‘yung kapatid mo.”

Nilingon kong muli si Kol. “What?”

“Tita Mika was asking us what happened… walang umaamin,” muling ngumiti si Kol. “I told him countless times that he should make up his mind. He’s so fucked up to feel something towards you, but damn it to hell, Cherinna, he’s madly in love with you…”

“Pero Kol, magkapatid kami…”  nalasahan ko ang pait sa mga salitang binitawan ko.

“Alam ng lahat ‘yan,” ibinaling ni Kol ang ulo sa akin. “Sa tingin mo ba hindi naisip ni Jahann ang tungkol sa bagay na iyan?” he raised a brow on me.

“Anong gagawin ko?” tila nawawalan ng pag-asang tanong ko kay Kol pabalik.
Ngumiti si Kol sa akin. “I already told you that doing the right thing was never easy. It’s your call, Cherinna. But no matter what happens, I’m just here…” hinawakan ni Kol ang kamay ko.

“Makikipaghiwalay na ako kay Ian…” maya-maya’y sabi ko sa kanya.

“And then?” tanong ni Kol na tila interesado sa mga plano kong gawin.

“And then I don’t know. I still don’t know what to do…”

“Do you love him?” diretsong tanong ni Kol. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Alam kong isang tao lang ang pumasok sa isip mo nang tanungin kita. Do you love him?”

“Kol…”

“Why do you have to be siblings? Life would be a lot easier for the both of you if you’re not…”

Hindi ako nagsalita. Sumandal lang ako at pumikit. He’s right. Life would be a lot lot easier if Jahann’s not my brother. Pero kung hindi ko ba siya kapatid, magtatagpo ba ang landas naming dalawa? I doubt that.

At the end of the day, the truth remains. The reality remains. Pareho kaming Anderson. Pareho kami ng pinanggalingan.

“What’s on your mind?” tanong ni Kol sa akin. Hindi naman ako dumilat. “A lot of things…” tugon ko. Hindi naman nagsalita pa si Kol. Wala kaming kibuan na dalawa hanggang sa si Kol ang bumasag ng katahimikan.

“Wala ka na bang klase?”

“Ayokong pumasok…” sagot ko naman.

“I wonder what Jahann saw in you…”

Napadilat ako at tinignan si Kol ng masama. “What do you mean by that?”

Nagkibit-balikat lang siya sa akin bilang sagot.

“Alam ko namang maraming mas maganda sa akin,” napasimangot ako. “Ang daming babaeng nakapaligid kay Jahann. Kahit naman ako, nagtataka kung bakit…”

“Can I ask you?” tanong ni Kol sa akin sa halip na pansinin ang sinabi ko.

“What?” napakatahimik sa garden kaya naman kahit hindi kalakasan ang boses namin ni Kol ay nagkakarinigan kami.

“Would it be fine with you to see the person you love, love someone else?”

Natigilan ako sa tanong ni Kol. Nilingon ko siya at seryoso ang mukha niya. “Would it be fine with you to just let go and let that person be happy with someone else? Okay lang ba sa’yo na makita siya na masaya sa iba dahil binabalewala mo siya?”

“Kol…” napabuga ako ng hangin. “It’s just—“

“Do you want that person gone just for you to see his worth?”

Umiling ako.

“You’re a strong girl, Cherinna. Alam kong kayang-kaya mo ‘yan.”

Hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa nagbabadya sa mga mata ko.

“Hindi ko na alam, Kol. I want to be with him… pero kasi, ‘yung sitwasyon… ‘yung pagkakataon, lahat mali…”

Hinila ako ni Kol at niyakap. “You’ll get through this. Whatever your decision will be, I won’t leave you, alright?” pag-aalo ni Kol sa akin.

Sinamahan lang ako ni Kol hanggang sa mag-alas tres na. Hindi na rin siya pumasok sa klase niya dahil sabi niya, mukhang mas kailangan ko siya. Pumasok naman ako sa last subject ko at hindi ko napigilang titigan si Iris kahit na nakatalikod siya sa akin.

Okay lang ba talaga sa akin na makita ko si Jahann na may kasamang iba? Of course not. Ayoko.

Okay lang ba talaga sa akin na may ibang nagpapasaya kay Jahann? Hindi rin. Gusto ko ako lang.

Wala rin akong halos naintindihan sa naging lesson ng araw na iyon dahil malayong-malayo ang nilalakbay ng isip ko.

“Cherinna!” habol sa akin ni Iris nang pababa na ako para magpunta sa parking lot. Hindi naman ako nagsalita pero nilingon ko siya.

“Uhm, we’re going to SD today. Sam aka?” tanong niya sa akin habang sumasabay sa paglalakad ko.

“No, thanks. Uuwi ako kaagad, eh…” pagtanggi ko sa kanya.

“Oh, I remember. Grounded ka nga pala. Sabi ni Aly sa amin sa Ai’s, eh. Sayang kasi kumpleto pa naman. Sasama kasi si Jahann, eh. Makukumpleto sana kayong tatlo ulit.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

Kasama nila si Jahann?

That means, magkakasama si Jahann at Iris?

Damn.

With just the thought of them being together, pakiramdam ko ay may kung anong tumutusok na sa puso ko.

Minabuti ko na lang na wag magsalita. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay si Iris ang nagsasalita. Ikinukuwento niya sa akin kung gaano kagwapo si Jahann lalo na kapag ito ang kumukuha ng litrato sa Ai’s.

“Che, hindi ka ba talaga pwedeng sumama sa amin?” tanong ni Lean sa akin. Hawak-hawak pa niya ng mahigpit ang braso ko. Wala pa ang driver namin kaya naman sumama na muna ako sa kanila dahil hinihintay pa nila sila Kol.

“Grounded nga ako,” natatawang sagot ko naman sa kanya.

“Inom pa, Twin…” pang-aasar naman ni Aly sa akin. Inirapan ko na lamang ito.

“Are you okay now?” tanong ni Enzo sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Tinitigan niya lang ako pero hindi na siya nagsalita.

“Pero iba pa rin ang pagpapa-abs ni Theon,” lumakas ang tawa ni Keij. “Buti na lang pre, Dela Cruz ka. Naghuhumiyaw ang sex appeal sa apelyido natin,” pagmamayabang naman ni Keij.

“Ang gwapo pala ng boses ni Jahann, no? That’s the first time I heard his voice…” ani Iris na naupo sa tabi ni Aly.

“Hindi naman kasi kumakanta ‘yun. Si Keij lang naman makapal ang mukha sa mga Dela Cruz, eh…” ani Aly. Hindi naman narinig ni Keij ang sinabi nito dahil nag-aasaran na naman silang dalawa ni Theon.

“Twin, di ka talaga sasama? Let’s just ask Jahann to call Dad and—“

“Aly, wag na…” maagap na awat ko sa kanya. “I’m fine. Pasalubungan mo na lang ako mamaya…” pilit akong ngumiti sa kanya.

Gusto kong sumama… gusto kong sumama dahil ayokonng magkasama si Iris at Jahann na hindi ko nakikita kung anong ginagawa nila. Pero mas malaki ‘yung part sa akin na ayaw sumama dahil ayokong makitang magkasama sila.

Isa pa, hindi naman talaga ako pwedeng sumama dahil grounded ako.

Maya-maya pa ay dumating na si Kol at kasunod nito si Jahann. Dumiretso ang tingin sa akin ni Jahann na tila ba alam nito kung saan ako nakaupo. He smiled at me.

“Finally! Akala ko nagpakain na kayo sa mga babae sa SSG, eh…” ani Keij na inakbayan si Kol.

“Ikaw ang mahilig magpakain, Keij,” seryosong sagot naman ni Kol sa kakambal niya. Tumingin din sa akin si Kol. “Sasama ka?” tanong niya.

“She’s grounded, remember? Di daw siya makakasama…” si Aly ang sumagot para sa akin.

“Yeah, too bad. Pero pasalubong na lang daw, eh…” sabi naman ni Iris na nakatayo na sa gilid ni Jahann.

“Tara na?” aya ni Theon sa kanila. Nagsipagtayuan naman na sila.

“Bye, Cherinna. See you tomorrow,” bumeso sa akin si Lean bago sumunod para sumakay sa sasakyan ni Enzo. Nagpaalam na rin sila Aly, Keij, Kol at Iris sa akin.

Tumingin ako kay Jahann.

“Wala pa ‘yung driver, eh. I’ll just stay here, parating na siguro ‘yon,” ngumiti ako sa kanya.

Lumapit si Jahann sa akin. “Ihahatid na kita pauwi,” sabi niya sa akin.

“Jahann, hindi na. Sumama ka na sa kanila papunta sa SD. I’m fine…” pagtanggi ko rin sa kanya.

“Kay Kol sama ka ng sama, kapag ako todo tanggi ka,” he scoffed.

“What?” napatingin ako sa kanya. Nawala na ang ngiti sa mukha nito.

“Jahann, let’s go na,” tawag ni Iris sa kanya. Hindi naman pinansin ni Jahann si Iris. Nakatingin pa rin siya sa akin.

“Mauuna na kami, Jahann. Sumunod ka nalang,” ani Kol bago pinaandar ang sasakyan nito. Sumunod naman dito si Enzo na kasama si Lean. Pagkatapos ay si Theon na kasama si Keij. Si Iris ay sa sasakyan ni Aly nakasakay.

Nakasimangot si Iris nang paandarin na ni Aly ang sasakyan nito.

Naupo si Jahann sa tabi ko.

“Kinausap ko lang si Kol kaya magkasama kami kanina…” mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan kong mag-explain sa kanya kahit na hindi naman dapat. Hindi nagsalita si Jahann.

“Sumunod ka na sa kanila sa SD,” iniwas ko ang tingin sa kanya. Taliwas sa nararamdaman ko ang sinabi ko sa kanya.

“Why would I? Wala naman sa SD ‘yung gusto ko…” sagot naman niya sa akin.

“Jahann…”

“Creep, I know it’s hard. Just trust me…”
Nilingon ko siya. “I trust you, pero Jahann—“
Ngumiti na siya sa akin ulit. “I won’t let go, Creep. I will hold on tight. Because no matter how many times you’ll try to let go, kakapit pa rin ako sa’yo.”

“Makikipagbreak na ako kay Ian…” halos pabulong na ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon. “But I don’t know if what will happen next…” ngumiti ako ng malungkot.

“Do you know what it’s like to feel this towards you? It’s like having the sweetest chocolate in the world. I am so tempted to eat it but I know that one more bite will kill me. It’s like I can just look at you, stare at you… that’s all that I can do because it’s like I’ll never going to have you…”

Pinagmasdan ko siya. Kol was right. He’s also having a hard time… mas mahirap sa kanya dahil ang tagal na niyang kinikimkim ang nararamdaman niya.

Maya-maya ay dumating na ang driver ni Mommy para sunduin ako. Tumayo na rin si Jahann at sinamahan ako papalapit sa sasakyan.

“I’ll just see you tomorrow,” ngumiti si Jahann sa akin. Tumango ako sa kanya. “Tutuloy ka pa sa SD?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin. “Uuwi na ako. Gaya ng sabi ko sa’yo, wala sa SD ang gusto ko…” binuksan ni Jahann ang pinto ng sasakyan para makapasok na ako.

Dumiretso naman ako sa bahay gaya ng bilin sa akin ni Mommy. Naabutan ko naman si Ian na nasa bahay namin nang makapasok ako.
He looks tired and sad.

“What happened?” lumapit ako sa kanya.

“I just missed you…” niyakap ako ng mahigpit ni Ian. “I missed you, Sunshine…” ramdam ko ang lungkot sa boses ni Ian.

“Are you okay?” hinawakan ko ang braso niya. Hindi siya sumagot pero niyakap niya ako ng mas mahigpit pa.

“Ian…” hinawakan ko siya para mailayo ng kaunti sa akin. “What happened? Bakit wala ka sa school kanina?” tanong ko ulit sa kanya. “Something came up. Hindi na ako nakapasok…” halos walang ganang sabi niya sa akin. “There’s something you want to say, right? May gusto rin kasi akong sabihin sa’yo…” hinawakan ni Ian ang kamay ko at pinisil.

“Sige, sa labas na lang tayo…” aya ko sa kanya. Sumunod naman siya sa akin. In his state right now, hindi ko masasabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Sa nakikita ko, something’s bothering Ian. He needs a friend.

Naupo kami sa mga upuan na naroon. Nagpahatid na lang din ako ng merienda namin.

Muling inabot ni Ian ang kamay ko.

“What’s wrong? What happened?” tanong kong muli sa kanya.

“No. Sabihin mo na muna ‘yung sasabihin mo sa akin…” pilit siyang ngumiti sa akin. This is not the Ian I used to know. ‘Yung Ian na nakikita ko ngayon, iyon ‘yung Ian na nakita ko sa town house noon. Hindi ako sanay na hindi siya nakangiti sa akin.

Umiling ako. “It’s not that important. Ikaw, sabihin mo na ‘yung sasabihin mo sa akin…” 
Ngumiti ng malungkot si Ian.

“I really love you, Cherinna…” pagsisimula niya. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Napakunot ang noo ko. “But we need to stop…”

Natigilan ako.

Hawak-hawak pa rin ni Ian ang kamay ko.

“I need to break up with you…” muling sabi ni Ian sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko.

“Ian…”

“I need to let you go…”

What’s happening? And I actually thought I’d be the one to say those words, pero hindi…

Tumingin lang ako kay Ian. Hawak niya ang kamay ko na para bang iyon na ang huling pagkakataon na mahahawakan niya ako.

What really happened?

Continue Reading

You'll Also Like

116K 7.6K 31
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
42.3K 1K 57
Ciudad de Escalante Series 1/8 Being an illegitimate daughter didn't hamper Klevoreign Carvajal's chance to experience a well-lived life until everyt...
7.7K 359 34
Because practice makes perfect... Or at least close to it.