Endings and Beginnings

By CelineIsabellaPHR

465K 10.9K 516

Ayon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero... More

Chapter 1a
Chapter 1b
Chapter 2a
Chapter 2b
Chapter 3b
Chapter 3c
Chapter 3d
Chapter 4a
Chapter 4b
Chapter 4c
Chapter 4d
Chapter 5a
Chapter 5b
Chapter 6a
Chapter 6b
Chapter 7a
Chapter 7b
Chapter 7c
Chapter 7d
Chapter 8a
Chapter 8b
Chapter 8c
Chapter 8d
Chapter 8e
Chapter 8f
Chapter 9a
Chapter 9b
Chapter 9c
Chapter 9d
Chapter 10a
Chapter 10b
Chapter 10c
Chapter 10d
note
Chapter 11a
Chapter 11b
Chapter 11c
Chapter 12a
Chapter 12b
Chapter 13a
Chapter 13b
Chapter 14a
Chapter 14b
Chapter 14c
Chapter 14d
Chapter 15a
Chapter 15b
Chapter 15c
Chapter 15d
Chapter 16a
Chapter 16b
Chapter 16c (SPG)
Chapter 16d (SPG)
Chapter 16e
Chapter 17a
Chapter 17b
Chapter 17c
Chapter 18a
Chapter 18b
Chapter 18c
Chapter 19a
Chapter 19b
Chapter 19c
Chapter 20
Epilogue (Last Part na talaga)

Chapter 3a

7.6K 206 8
By CelineIsabellaPHR


"IKAW, Lizzie, ayaw mo?" tanong sa kanya ni Kleggy. Magi-smoke daw ito at ang dalawa pa nilang groupmate na sina John at Gelo.

Umiling siya. "I don't smoke, eh," aniya. "You, guys, go ahead, tapusin ko lang ang scene na 'to."

Nang makalabas ang tatlo, itinuloy na niya ang ang ginagawa. Humikab siya ngunit naputol iyon nang marinig niya ang paglangitngit ng pintuan at awtomatikong napatingin sa gawing iyon. It was the door to Ibarra's room.

Nang makita niya itong lumabas doon ay napangiti siya. Kanina, ibinalik ni SirRicci ang mga bluebook nila. Perfect ang score nito na ikinasimangot ng karamihan sa mga kaklase nila kasama na si Gelai. Hindi na daw kasi nito malalaman kung kaya daw bang panindigan ng boses nito ang mala-rockstar na tindig nito. Of course, Neve also had an opinion. Baka daw talagang alam na ni SirRicci na mapi-perfect talaga iyon ni Ibarra dahil ibinigay na nito ang sagot. Malamang daw ay gusto nitong ito lang ang kantahan ni Ibarra.

Pero pagkatapos ng nalaman niya kay Kleggy, hindi na niya magawang magtaka. At sa kakakulong nito sa kuwarto nito, hindi na siya magtataka kung malaman niya na perfect ang score nito sa lahat ng ini-exam nito.

"Hi!" aniya.

Sumulyap ito sa gawi niya. Kung nagulat man ito, hindi niya masabi. "Hi," maikling pakli nito bago dumiretso na sa kusina.

Maang na napatingin siya sa likod nito. Napakunot siya ng noo. Noong isang gabi lang, nagkausap na sila nito kaya nakapagtataka na tila ayaw na siya nitong kausapin ngayon.

Posible bang masyado na itong naiingayan sa kanila kaya ito nagkakaganoon ngayon? Kung sabagay, ayon mismo kay Kleggy, nahirapan daw ito noon na kumbinsihin si Ibarra na payagan silang dito mag-brainstorming. Ayaw daw kasi nito ng maingay.

That must be it! At dahil doon, kailangan niyang humingi ng dispensa.

Ibinaba niya sa lamesita ang notes niya. Tumayo siya. Magaan ang mga hakbang na sinundan niya ito sa kusina. Napangiti siya nang makita itong nakaharap sa lababo. Nagtitimpla ito ng kape.

Tumikhim siya.

Tumigil ang kamay nito sa paghalo sa kape. Lumingon.

"Mga two weeks lang siguro, tapos na kami," aniya. Siguro naman ay maiintindihan na nito na ang ibig niyang sabihin ay mga two weeks na lang na magugulo ang mundo nito.

"Okay," wika nito bago muling ibinalik ang atensyon sa hinahalong kape.

"Pasensya ka na, ha? Minsan kasi hindi talaga maiwasan na magkagulo kami," muling hirit niya. "Ang kukulit kasi ng mga 'yon. Makukulit kaming lahat, actually."

Tumango ito nang hindi lumilingon sa kanya. "Okay lang," anito.

Sa hinaha-haba ng mga sinasabi niya, isa-dalawang words lang ang isinasagot nito. Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Nagsisi tuloy siya na nagpadala siya sa pambu-bully ni Neve at hindi itinuloy ang pagbili ng cake. May io-offer sana siya ngayon. "Sa lab n'yo ba, tahimik?" tanong niya.

Bahagya itong lumingon pero ulo lang nito ang gumalaw. "Medyo."

"Talaga? Walang music? Walang kuwentuhan?"

"Wala."

"Parang hindi ko ma-imagine ang ganoon katahimik."

Humarap ito sa kanya. "'Pag may nahulog na karayom, maririnig mo," tila napipilitang wika nito.

Ipinilig niya ang ulo niya. "Bakit kayo may karayom sa lab?"

Kumunot ang noo nito. "Come again?"

"I was just asking kung bakit may karayom kayo sa lab."

Umawang ang mga labi nito na tila ba may sasabihin ngunit muli nitong isinara ang mga iyon. Maang na nakatingin ito sa kanya.

She had to admit, she felt a little uneasy. Bakit ba kasi itinanong pa niya iyon? Ayon din kasi kay Kleggy, madalas mambara si Ibarra. Paano kung barahin din siya nito? Baka matunaw siya sa hiya. At bakit ba ganoon na lang kung makatitig ito? Para siyang natutunaw kahit hindi pa naman siya nito binabara.

"I-I better go back to my notes," aniya na itinuro ang sala. "Pasensya ka na. Mukhang busy ka, pero iniistorbo kita. Bakit nga naman magkakaroon ng karayom sa lab n'yo?" She was fully aware she was blabbing but she could not do anything about it. Sa mga sandali kasing iyon, sa harapan ni Ibarra, nawawala siya sa huwisyo. "I-It was nice talking to you," aniya bago tumalikod na pabalik ng sala.

Nakailang hakbang na siya nang marinig niyang tawagin siya nito. "Lizzie..."

Tumigil siya. "Y-yes," aniya lumingon siya at muntik na niyang mahigit ang hininga.

Nakangiti ito. Bahagyang-bahagya lang iyon. It was just enough for her to catch a glimpse of the lone dimple on his right cheek. Alam na niya noong isang gabi pa ang tungkol doon. Hindi iyon ganoon kalalim kaya lumalabas lang iyon kapag ngumingiti ito. The dimple somehow softened his features.

"Coffee?" alok nito ngunit bago pa siya nakasagot ay inaabot na nito mula sa dish rack ang isa pang mug.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
42.4K 2.8K 9
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
132K 2.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...