Chapter 3b

7.3K 202 14
                                    

SA HINDI malamang dahilan ni Lizzie, muntik na namang ma-late si Ibarra nang araw na iyon. May nauna na tuloy na umupo sa usual seat nito sa likod. Dahil absent ang dalawang kaibigan niya, may hang-over si Gelai at hindi pa bumabalik mula sa probinsya si Neve, bakante ang mga upuan sa tabi niya. Doon naupo si Ibarra.

Nang tumalikod si Sir Ricci para may isulat sa whiteboard ay bumaling siya sa kaliwa niya. "Hey, Ibarra," pabulong na wika niya.

Dahil sa pagtawag niya dito, bumaling ito sa kanya. Inaasahan naman niyang lilingon ito pero nagulat pa rin siya. Hindi niya maipaliwanag ang tila pagbalot ng kung ano sa buong katauhan niya nang magtama ang mga mata nila.

She suddenly lost her train of thought. Hindi na niya maalala kung ano dapat ang sasabihin niya. Hindi ito nagsalita pero nabasa niya sa mga mata nito na nagtatanong ito.

"W-wala lang," aniya. "Na-realize ko lang na medyo makulit yata ako lately. Kinulit kita."

Ipinilig nito ang ulo. Tila nag-isip bago tila balewala na uling tumingin kay Sir Ricci.

Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Ginaya niya ang ginawa nito.

"Parang hindi naman."

Natigilan siya nang marinig ang mahinang boses ni Ibarra. Bumaling siya dito. Bahagya itong nakaharap sa kanya. Imahinasyon ba niya iyon o talagang kinausap siya nito?

"May sinasabi ka?" bulong niya.

"Sabi ko parang hindi mo naman ako kinukulit?"

Napangiti siya sa sinabi nitong iyon. "I'm glad you feel that way."

"Hey, Maria Clara, care to answer my question?"

Napatingin siya sa instructor sa narinig na sinabi nito.

"Finally, I caught your attention, Miss Elizabeth Yuzon," nakataas ang kilay na wika nito.

Kumunot ang noo niya. Itinuro ang sarili. "Ako, sir? Ako 'yong Maria Clara?"

Ngumisi si Sir Ricci. Nakakaloko. "Ang sarap kasi ng ngitian n'yo ni Ibarra. Kulang na lang sa 'yo abaniko at nasa pahina na tayo ng Noli Me Tangere."

Kasabay ng pag-init ng pisngi niya ay ang panunukso ng mga kaklase nila. Nagpapa-cute ba siya? Hindi naman sa tingin niya. Sinulyapan niya si Ibarra pero tila hindi naman ito apektadong nagsusulat sa notebook nito.

Hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kilay niya sa inasal nito. Kung hindi ito apektado, siya rin hindi. "What was the question again, sir?"

"When you guys were in high school, you studied Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Give me one difference between the two novels."

Reading assignment nila iyon pero dahil masyado siyang busy sa short film, hindi niya napag-aralan. Narinig niyang tumikhim si Ibarra at kasabay niyon ay ang mahinang pag-tap ng ballpen sa papel. Napatingin tuloy siya doon.

Noli - romance novel, Fili - political novel. Nakasulat ang mga iyon in big bold letters. Mahirap ma-miss.

Really? Hindi niya alam iyon. Pero wala na siyang pagkakataong mag-isip. "Noli Me Tangere is a romance novel while El Filibusterismo is a political novel," aniya. Ang totoo, hindi siya kumbinsidong romance ang Noli Me Tangere. Paanong magiging romance? Base sa natatandaan niya, totoong nagpapa-cute nga si Maria Clara at si Crisostomo Ibarra sa isa't-isa pero hindi naman nagkatuluyan ang mga iyon. O mali ba siya? Or maybe it had something to do about how the novel was written. Ibang romance lang marahil ang nasa utak niya. It made sense, though. It was light, it had humor and it was witty. Sa El Filibusterismo, well, hindi niya natatandaan. Pero baka nga political novel iyon. Maligalig, may labanan.

"What else?" Tumingin ito kay Ibarra.

Ibarra was obviously ready. Pero dahil sa napakabilis pa rin na pintig ng puso niya hindi niya naintindihan kung ano ang isinagot nito. Basta, mahaba.

"Good," wika uli ng guro na itinuro ang isang kaklase nila.

Sinulyapan niya si Ibarra. "Mukhang napag-initan tayo ah," bulong niya habang nagre-recite ang isang kaklase niya.

"Mukha," anito, bahagyang ngumiti.

"Thanks," aniya.

Kumunot ang noo nito. "Saan?"

Tiningnan niya ito nang pailalim. Imposible namang hindi nito alam na isinalba siya nito sa tiyak na kahihiyan? Sasagot sana siya nang pigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Nakatingin si Padre Damaso," anito.

Narinig niya ang sinabi nito. Pero gustuhin man niyang kumpirmahin kung totoo nga ang sinabi nito, hindi niya magawa. Hindi na kasi niya mailayo ang mga mata niya sa kamay ni Ibarra na nakapatong sa braso niya.

1p'

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon