My Hero is a Gangster *comple...

By momo_nirah

215K 5.4K 155

Love will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibiliti... More

My Hero is a Gangster
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter
Special Chap 2

Chapter 21

4K 120 7
By momo_nirah

Chapter 21

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hindi ko magawang iwanan si Ryu. Sinundan ko sya

at hindi nilulubayan nung araw na yon. Gusto ko talaga malaman kung ano  ang dahilan niya kung bakit nya sinabi sa lahat na girlfriend nya ako. Hindi ko sya maintindihan. 

"Even if I tell  you, you wouldn't understand a thing" yun lang ang sinabi nya sakin.

At dahil makulit ang lahi ko, hindi ko pa rin sya tinigilan.

"Sabihin mo na sakin, promise kung ano man ang dahilan mo, iintindihin ko" sabi ko na lang kahit

sa totoo naman hindi ko sya maintindihan.

Sa huli, sinabi na rin nya sakin ang dahilan... Siguro nga nag-aassume lang ako na may kinalaman sakin ang lahat. Hindi ko matanggap na isa syang makasariling tao.

"I did that because of Ching."

Matagal bago nagsink in sakin ang sinabi nya. Dahil kay Ching? Dahil sa girlfiend ni Brix? 

Don't tell me...

"May gusto ka rin sa girlfriend ni Birx?"

Naging matalim ang titig nya sakin. I bit my lower lip and looked down.

" Do you want to listen or make up your own story?" sabi nya sakin.

Nanahimik na lang ako at pinakinggan ang sasabihin nya..

"Ching's Dad is a very influential politician. I'm just using her for the sake of my group."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Totoo alam ko na isang politician ang daddy ni Ching sa lugar namin kaya pala parang kilala ko na sya..

"I used Brix to make Ching fall for him..kaya alam ni Ching ang tungkol sa grupo namin. I'm using her family's influence for our own protection."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.,.Madami akong gustong itanong pero natatakot ako. Natatakot ako sa pwede kong malaman at natatakot ako sa magiging reaction nya.

Isa lang ang malinaw sakin ngayon, ginamit nya ako para hindi isipin ni Ching na may relasyon kami ni Brix, ginamit nya si Brix para paibigin si Ching, at ginagamit nya si Ching para sa sarili nilang kapakanan...

Malinaw na lumalabas na isa syang makasarili., ganun ba talagang klaseng tao sya. Wala syang pakialam sa nararamdaman ng iba. Ang mahalaga ay ang kapakinabangan nya. 

Pinaglalaruan nya ang mga tao sa paligid nya. Gusto kong magalit sakanya pero wala akong karapatan. Wala naman ako sa lugar para magalit sakanya. 

Isa pa, parang iniligtas na rin nya ako sa mga mata ng iba, kung hindi dumating si Brix at sya, siguro kung ano-ano na ang iniisip ng mga tao tungkol sakin.

May girlfriend si Alric pero lalabas na nilalandi ko sya. Pero ngayon paano ko ipapaliwanag sa lahat na wala naman talaga kaming relasyon ni Ryu. 

Bigla ko tuloy naalala ng bigla nya akong hinalikan kanina. >///<

Nakakailan na sya pero hindi ko man lang sya pinigilan. Ano bang nangyayari sakin. Akala ko

talaga may nararamdaman pa ko para kay Alric pero mukhang naguguluhan lang ako..

"Umuwi ka na! Dumidilim na, and you're a walking disaster" sabi nya habang naglalakad palayo.

Muli akong natauhan. Hindi ko napansin na dumidilim na pala. Ganun na ba katagal kaming magkausap?

"Ah..oo nga, sa-salamat ulit kanina.." sagot ko.

"Bingi ka ba? Di ba sinabi ko na na hindi ko yun ginawa para iligtas ka? Tsk"

"Kahit na, salamat pa rin." yumuko na ako at nagpaalam sakanya.

Hindi ko na sya nilingon at dire-diretsong tinahak ang daan pauwi. Wala pa sigurong 10 minuto

akong nakakalayo ng tinamaan na naman ako ng malas.

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin., Ngunit maling hakbang ang pagtigil ko. Nilapitan ako ng isang lalaki at tinutukan ng kutsilyo sa tagiliran.

"Holdap to! Ilabas mo ang cellphone at wallet mo" 

Nanigas ako sa pwesto ko, at kinabahan, pero hindi na siguro gaya ng dati na sobra kung

magpanic ako.

"K..Kuya, w-wala naman akong pera eh..tsaka yun cellphone ko pantapon naman. Y-yung iba na lang kuhanan mo"

"Manahimik ka! Ilabas mo na sabi eh!" mas lalo pa nya itinutok yun kutsilyo sa tagiliran ko.

While I chant my silent prayer I was also thinking of the self defense I learned when I was in highschool..

Habang dinudukot ko yung wallet at cellphone ko sa bulsa, at nang magkaron ng distansya ang hawak na kutsilyo ni kuyang holdaper mabilis at malakas ko syang sinipa sa kanyang alaga.

Napaluhod sya sa sakit..

"Sorry.." sabay takbo ko ng mabilis.. dire-diretso akong tumakbo sa pinanggalingan ko.

"Hoy! Tumigil ka babae!!" paglingon ko nagulat ako ng hinahabol na rin ako ni Kuyang holdaper.

San ka naman nakakita na holdaper ang nanghahabol sa biktima. Mas binilsan ko pa ang takbo ko.. Nakita ko si Ryu na nandun pa rin sa lugar kung san kami magkausap kanina at naninigarilyo pa sya.

"RYU!! TULUNGAN MO KO!!" Sigaw ko, agad din naman akong nakarating sa pwesto nya.

Mabilis akong tumakbo sa likuran nya at kumapit sa manggas ng polo nya. Hingal na hingal ako at pawisang pawisan. Agad nyang pinatay ang sindi ng yosi nya at nakakunot ang noong tumingin sakin.

"Ano na namang problema mo?" tanong nya.

"Maay ha..humaha..ha bol sa. ha kin" hinihingal kong sabi.

Naabutan na rin ako ng holdaper at mas hinigpitan ko pa ang kapit ko kay Ryu.

Napansin na rin ni Ryu ang  lalaking nasa harapan namin. 

"Tulungan mo ko please.." bulong ko sakanya.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Ryu sa lalaki.

"Sumama ka na sakin Babe." sabi bigla nung lalaki..

Kinilabutan ako bigla.

"BABE!!??" malakas na pagkakasabi ko. 

"Hindi kita kilala! Holdaper ka umalis ka na dito" sigaw ko sakanya.

"Wag ka ganyan babe, sorry na promise di na kita tatakutin"

Nagpabalik balik ang tingin ni Ryu samin na akala mo ay nalilito.

"Kilala mo ba ang babaeng ito?" tanong ni Ryu.

"Oo girlfriend ko sya, pasensya na kung inabala ka pa nya." sagot ni kuyang makapal ang mukha.

Hindi pa rin ako bumibitaw kay Ryu. 

Nagulat ako ng bigla na lang nyang bitawan ang kamay ko, at sinabing:

"Mukhang nagsisisi na naman yung boyfriend mo sa ginawa nya, patawarin mo na sya at sumama sa kanya." dahan-dahan nya akong itinulak kay kuyang holdaper.

Nagulat ako sa ginawa nya,. sabay tumalikod sya sakin. Narinig ko pa ang demonyong ngiti ng holdaper . Mabilis pa nyang nahawakan ang kamay ko.

"Ryu, tulungan mo ko! Wag mo ko iwan" sigaw ko.

Nakakailang hakbang pa lang sya palayo ng muli syang bumalik at hinarap si Kuyang holdaper.

"Girlfriend mo ba talaga sya?" muling tanong nito.

Nababaliw na ba si Ryu? Bakit sya naniniwala sa lalaking to. Mukha ba akong papatol sakanya.?

Mas ikinagulat ko ang sunod nyang ginawa at sinabi.

"Mukhang nagkamali ka ng babaeng ipapakilalang girlfriend! Dahil sakin ang babaeng yan!" sabay suntok nya sa mukha ng holdaper.

Mabilis na bumulagta ang lalaki sa kalsada ng walang malay. Si Ryu ba naman ang sumuntok sakanya.

Parang lutang ako. Parang nag-eecho sa pandinig ko yung huling sinabi nya. 

"Dahil sakin ang babaeng yan!"

"Dahil sakin ang babaeng yan!"

"Dahil sakin ang babaeng yan!"

"Dahil sakin ang babaeng yan!"

Nang mapatingin ako kay kuyang holdaper , natakot ako. Baka namatay na yun.

"ANong ginawa mo sakanya?" nagpapanic na tanong ko.

"Nag-aalala ka ba sakanya? Sana sinabi mo agad sakin na gusto mo sumama sakanya, para hindi na ko nag-aksaya ng oras" sagot nya.

"Hindi. Hindi ko sya kilala bakit ako sasama saknya. Bakit mo naman sya pinatulog"

"Ayoko na humaba pa ang usapan. Halika na umuwi ka na. Kung ano-ano pang kamalasan ang nangyayari sayo" sabi nya sabay higit sakin.

Isinakay nya ako sa motor nya, at inihatid sa bahay, ngayon napapaisip tuloy ako. Paano kung wala si Ryu sa mga panahong napapahamak ako, ano na lang akaya ako ngayon.?

Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa bahay...bumaba ako ng motor at malalim ang iniisip. sobra-sobrang utang na loob na ang pagkakautang ko sakanya, paano kung hindi ko sya nakilala buhay pa kaya ako ngayon.

Bago sya tuluyang umalis, mayroon pa syang sinabi...

"Hindi ko alam kung anong malas meron ka at lagi ka na lang napapahamak. Mas mabuti  kung meron nag-aalaga sayo" sabi nya sabay paharurot palayo ng motor nya.

Hindi ko akalain na iniisip rin pala nya ang kapakanan ko. Selfish ba talaga sya? Parang mas gusto ko pang makilala ang tunay na Ryu. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 291 42
Isang kakaibang babae na magpapamalas ng galing sa lahat ng larangan. Magaling makipaglaban at walang inaatrasan. Siya ay matalino kaya nagagawan niy...
465 109 49
In the university where Yana studies there is a famous student named Jax Pineda because of his good looks and intelligence. All the girls turned aro...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
1.1M 48K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.