Hugot Queen | BOOK 1 | Comple...

بواسطة iamMerzi

3.8K 128 18

Alamin kung paano lumaban ang pusong nasaktan. Sundan ang kwento ni Heather Gilmore. المزيد

Foreword
PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
EPILOGUE

Kabanata 16

105 3 0
بواسطة iamMerzi

"I want to break the deal. Itigil na natin to. Itigil na natin ang pagpapanggap." Sabi ko kay Blake at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"WHAT?!"

"Tama na, Blake! Ayoko na." Mahinang sabi ko.

"Heather, baka naman nabibigla ka lang? Tsaka ano bang nangyari? Bakit bigla bigla ka nalang nagdidesisyon ng ganyan?"

"Anong bakit?! Hindi ka ba naiistress sa sitwasyon natin? For goodness' sake! Kaklase natin ang mga ex natin! Its so awkward!" I groaned.

Bahagya siyang tumawa at saka lumapit sa akin. "Ano naman ngayon kung kaklase natin sila? I dont fucking care." Sabi niya na ikinagulat ko.

Hinawakan ni Blake ang magkabila kong braso at saka nagpatuloy. "Heather, we only have one week left bago matapos ang deal tapos ngayon ka pa susuko? Can't you see that your plan is actually working? Nakakaganti ka na kay Scott."

"Alam ko naman yun its just that... things are really awkward now. Lalo na at nandito si.."

"Lily?" Sabi niya at tumango ako bilang sagot. "She's someone from my past. Kung ano man tayo ngayon, wala na siyang kinalaman don." He assured me at tila ba nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"C'mon! One week nalang oh. Wag ka na mag-inarte dyan." Sabi niya at tumawa ng bahagya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magloko sa mga panahong ganito.

"Tse! Ewan ko sayo!" Asik ko at saka kami nagkayayaan na umuwi na.

- - -

Kinabukasan...

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero ang ganda talaga ng gising ko ngayon.

"Besh, nababaliw ka na ata. Nakangiti ka mag-isa." Sabi ni Mia nang makarating kami sa classroom.

"Baliw agad? Hindi ba pwedeng good mood muna?" Sabi ko naman.

"At bakit ka naman good mood aber?"

"Wala lang! Maganda lang ang gising ko." Sabi ko at bahagyang natawa. Tinawanan lang din ako ng bruha at nilabas ang baon niyang brownies niya sa bag.

"Uy! Penge ako!" Sabi ko at agad na lumapit kay Mia. Tamang tama kasi hindi pa ko nagbebreakfast!

Dahil inilabas niya ang isang tupperware ng brownies, agad nagsilapitan ang mga kaklase ko para manghingi rin. Hahaha! Patay gutom lang ang peg naming magkaka-kaklase eh.

"Morning!" Bati ni Blake at saka umupo sa tabi ko. Aba! Mukhang maganda rin ang gising niya ah?

"Ano yan?" Tanong niya nang mapansin ang kinakain ko.

"Brownies, baon ni Mia." Sabat ni Tamara na nasa harapang upuan namin ni Blake.

"Ahhh." Saglit siyang tumigil habang nakatingin sa akin at biglang sumigaw ng... "Penge!" sabay mabilis na kumagat sa kabilang dulo ng brownies habang kagat kagat ko ang kabilang dulo nito.

Naramdaman kong naglapat ang upper lip naming dalawa at mabilis na uminit ang mukha ko, kumabog ng mabilis ang dibdib ko at halos tumigil ang oras sa nangyari.

Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Ni hindi ko mainguya yung kinain kong brownies...

DID WE JUST... INDIRECTLY KISSED?!?!?!

Everyone was silently looking at us and I know na halos lahat sila ay nakita ang nangyari. On the other hand, Blake was just munching his 'stolen' brownies while sheepishly smiling at me.

"Whuurt?" Tanong nito habang ngumuguya.

Hindi na ako nakasagot. Naririnig ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko... Damn it! Bakit niya ba yun ginawa?! Argh! This guy!!

Tahimik ko nalang na nginuya ang brownies na kinain ko at napaharap sa mga kaklase ko. Sa itsura pa lang nila, halatang halata na kilig na kilig sila sa nangyari pero mas napansin ko ang dalawang taong nasa bukana ng pinto. Masama silang nakatingin sa gawi namin ni Blake...

Sina Lily at Scott...

"Nga pala, diba mamayang hapon na ang swimming try outs mo?" Tanong ni Blake kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Ha? Oo, bakit?"

"Wala lang. Goodluck!" Sabi nito at saka ngumiti. Ugh, stop being so cute, Blake!!!

- - -

Hindi man halata sa itsura ko pero mahilig talaga ako magswimming. Sayang nga dahil this school year lang nagkaroon ng swimming team ang Frazer High. Matagal ko nang pangarap na mapasama sa mga club or organization na ganito kaya naman naisip kong mag-try out sa swimming team.

"Nako, sure ako besh na makakapasok ka sa swimming team! Ikaw pa ba?! Eh para kang balyena kung lumangoy!" Sabi ni Mia.

"Balyena talaga?! Hindi sirena?!" Sarcastic kong sabi. Natawa naman tong bruha kong bespren sa naging reaksyon ko.

"Osige na, pagbibigyan kita ngayon! Fine, para kang sirena lumangoy!"

"Ewan ko sayo! Sige na, ingat ka pauwi." Sabi ko at nagbeso sa kanya.

Agad akong pumunta sa swimming area at agad na nagpalit ng one piece swimsuit sa shower room. Ang usapan kasi namin ni coach ay dito ko na siya kikitain after class para makahabol ako sa try-outs kaya heto, nakaupo lang ako habang palinga linga sa paligid.

Ilang saglit lang ay may narinig akong nagbukas ng pintuan. Andyan na ata si coach!

"Heather?" Narinig kong may tumawag sa akin. Boses lalaki na ikinagulat ko.... dahil babae ang coach ng swimming team.

Napalunok ako dahil sa kaba na bigla kong naramdaman. I can feel that something isn't right...

Ilang saglit lang ay nakita ko ang sampung tao na pumasok sa swimming room at mabilis na pumalibot sa akin. Lalo akong kinabahan... Sino ba ang mga 'to?! Anong trip nila sa buhay?!

"S-Sino kayo?!?" Matapang na sigaw ko. By the looks of it, mukhang puro sila lalaki na nakasuot ng puting maskara.

Walang sumagot sa akin bagkus ay bigla nila akong tinapunan ng kung anong puting pulbo. Dahil sa ginawa nila ay halos hindi ko na makita ang nangyayari at nahihirapan na akong huminga. Naririnig ko ang mga tawanan nila pero hindi ko sila makita. Tuloy tuloy ang pagbuhos nila sa akin ng harina.

"A-Ano ba!!!!" Sigaw ko. "A-Ano bang ginagawa niyo?! Sino kayo???"

Maya maya lang ay saglit na tumigil ang pagtapon nila ng harina sa akin. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at bigla ko nalang naramdaman na may tumama sa noo ko. Paghawak ko, malagkit ito at saka lang nag-sink in sa akin na itlog iyon.

Matapos akong tapunan ng harina ay sunod sunod naman nila akong binato ng itlog. May tumama sa mata ko, sa ilong, sa tenga. Sa sakit ng impact ng mga iyon ay hindi ko na napigilang maiyak.

"T-Tama na... Please..." Pagsusumamo ko. "Tama na..." Halos bulong na lang ang lumalabas sa bibig ko pati na ang mga hikbi ko.

Nagulat na lang ako nung biglang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Marahas nilang hinawakan ang magkabila kong braso. Pinilit kong magpumiglas pero wala akong nagawa dahil nanghihina ako.

Naramdaman ko nalang na itinulak nila ako sa pinakamalalim na parte ng swimming pool. Everything happened so fast. Pinilit kong lumangoy pero biglang namulikat ang paa ko. I was trying my best to stay afloat para makahinga pero tuluyan na akong nanghina...

- - -

I felt a sharp pain in my head... Pinilit kong dumilat pero blurry ang paningin ko. Maingay sa paligid, ang daming nagsasalita pero wala akong maintindihan.

May kung sino ang humawak sa magkabila kong pisngi...

"Heather, can you hear me?!?!" Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Hindi ko siya makita... Blurry ang paningin ko, nahihilo ako, masakit ang ulo ko..

"WHO THE FUCK DID THIS?!?!" Sigaw ng isang lalaki. Saglit na tumahimik ang background... "SINONG MAY GAWA NITO?!?!?! SINASABI KO SA INYONG LAHAT KAPAG NALAMAN KO KUNG SINO ANG MAY GAWA NITO... I'LL MAKE HIS OR HER LIFE MISERABLE!!! NO ONE TOUCHES MY HEATHER!!!!" Nagwawalang sabi ng lalaki at sa kabila ng physical pain na nararamadaman ko ngayon... Isang lalaki lang ang pumasok sa utak ko...

Blake.

Alam kong si Blake iyon.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4.8M 303K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1.6M 139K 47
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...