TIME BETWEEN US

By xristianbryan25

58.3K 1.9K 1.3K

Magkatagpo kaya tayo sa kabila ng magkaiba ang ating oras at panahon....... More

TEASER
Time Between Us - 1
Time Between Us - 2
Time Between Us - 3
Time Between Us - 5
Time Between Us - 6
Time Between Us - 7
Time Between Us - 8
Time Between Us - 9
Time Between Us - 10
Time Between Us - 11
Time Between Us - 12
Time Between Us - 13
Time Between Us - 14
Time Between Us - 15 (Finale)

Time Between Us - 4

3.2K 115 12
By xristianbryan25

Moniques POV

Matapos naming magusap ni nasser ng mga bagay tungkol sa kanya ay nagpaalam akong matutulog muna ulit. Hanggang sa nagising akong muli at tinawagan siya dahil mabilis ang oras sa panahon niya at naisip ko marami ng nangyari ulit.

" Hello Nasser?!"

" Monique buti napatawag ka ulit! Anong oras na ba diyan sa inyo at araw?"

" Dec. 20, 2005, 6pm na. Kagigising ko lang ulit. Nakatulog kasi ulit ako sa usapan natin kanina. Mauubos na nga regular load ng cp na ito at mamaya loadan ko ito reregister ako sa unlicall kasi call lang tayo pede."

" Halos tatlong oras kang natulog, Advance Happy Valentines sayo. 2003 na po dito."

" Pinaglalaruan yata tayo ng ewan nasser! Pero oras na malaman ko na pinagtitripan mo ako, hahantengin kita!"

" Pano mo ako hahantingin eh iba ang panahon ko nga. Nauuna ka at di pa ako existing sa time mo. Baka ikaw pa makita ko kasi nasa past nyo ang time ko. Sa nakaraang buwan daming nangyari at patuloy akong naghintay sa tawag mo. Madali  kitang hanapin sa panahon ko. Kaedad kita di ba sa panahon ko?"

" Oo. Sa makati ako nagtatrabaho noong 2003 at hanggang ngayon. Lumipat naman ako ng tirahan sa Apartment sa Sta Ana mga Nov of 2003."

" Tama nga. Kasi binalikan ko noong last wk yung lugar mo. Nagsisimula ng maghukay sa lugar may construction na. Yung ex ko wala na sa apt nya dedbol na noong new yr mismo. Balita sinugod nung asawa nun sugar daddy niya, naaktuhan pinagbabaril silang dalawa."

" Oh my God! Totoo nga kasi nasagap ko din yang balitang yan noong bago ako dito sa mga kapitbahay ko!"

" See! Ang nalalaman mo ay totoong nangyayari dito sa panahon ko!"

" Nasaan ka ba ngayon nasser? "

" Nasa bahay kararating ko lang galing wrk."

" Maari ka bang magkuwento mga naganap beyond ng time mo ngayon, about politics, entertainment at iba pa."

At nagkuwento nga si Nasser na totoo naman dahil nangyari lahat iyon. Hindi ako nakaimik dahil still nahihiwagaan pa rin ako kahit kanina pa kami naguusap.

" Monique.....ako puwede mo bang kuwentuhan sa mga mangyayari sa future?" Tanong ni Nasser na ikinawindang ko.

" No! Hindi puwede! Hindi kita maaring kuwentuhan ng mga pangyayari sa past ko na future mo!"

" Ha?! Bakit?"

" Magkakagulo ang lahat kapag isa lang malaman mo....hindi ako nakakasiguro na wala kang pagsasabihan. Kapag nangyari kasi yun na nasabi ko sayo past ko na darating pa lang sa time nyo at nabago ito sa naganap talaga maraming maapektuhan lalo na mga taong involve o kung anumang pangyayari. At yun magiging dahilan ng maaring pagkagulo dito sa panahon ko."

" Sabagay may punto ka...if malaman ko halimbawa winning # sa lotto today at tinayaan ko....malamang magugulo record ng lotto lalo kung sa time mo wala talagang winner ang nasa record. Mahirap nga...yung mga tragedy at disasters na mangyayari if malaman ko at naligtas sa peligro ang lahat. Kaguluhan sa panahon mo mangyayari kung biglang buhay sila na makikita pero dead sa record. Ang hirap ng kalagayan natin."

" Bakit kaya nagkaganito, diko talaga maunawaan. Hirap paniwalaan. Pero humahabol talaga time mo sa time ko. Ang bilis ng oras mo. Baka nga pag gising ko bukas, Dec 2003 na sayo."

" Baka nga Monique."

" Wait! If dumating yun time na nagawa na yun apt....pumunta ka ha! Kasi 2003 ako lumipat yata. Pero tignan mo lang ako sa malayo. Huwag kang pakita o magpakilala sa akin."

" Bakit di ako papakilala sayo?"

" Syempre noh! Magugulo ang kasalukuyan ko!"

" Oo nga pala! "

" Hayyyyyy sino kayang may gawa nito sa atin at sa cp na ito, mukhan napaglaruan. Alam mo bang wala ng masyadong gumagamit nito kasi may mga camera na cp ngayon dito."

" Yan kasi sikat at bagong model na phone last yr ng mabili ko. Now madami na din magaganda ang mamahal din."

" Huwag mong kakalimutan magkikita tayo ng Dec.23, 2005 sa mall na sinabi ko."

" Halos dalawang taon hihintayin ko, samantalang sayo 3 days na lang. Pero ngayong February balita na ang construction ng mall."

" See! Totoo sinasabi ko."

" Ang tagal pa at baka marami pang mangyari sa buhay ko sa loob ng dalawang taon. Pero napansin ko....pag naguusap tayo ok lang naman ang takbo ng oras natin....once na ibinaba natin ang phone doon biglang ang bilis ng panahon dito na hindi naman namin nahahalata. Parang ordinaryo lang." Para ngang pinapahabol ang panahon ko sa panahon mo."

" So.....wala ka ng interes na makuha ang cp na ito na halos 3yrs mo pang hihintayin para mapasakamay mo?"

" Wala na....eh sinabi mo nga di na sikat yan sa panahon mo."

" Ok....so anong gagawin ko dito?"

" Diyan mo lang sayo....tatawagan mo ako maski na mga ilang buwan ang pagitan ng tawag mo dito ay ok lang. Tutal 3 days lang sayo diyan ay magkikita na tayo at di ka maiinip. Ang interes ko na lang ay.....makilala ka sa 2005 kaya maghihintay ako."

" Ayyyy ang sweet mo naman! Tseeee umayos ka! Kagagaling ko lang sa break-up!"

Tumawa ng malakas si Nasser.

" Sinabi ko lang naman na interesado akong makilala ka."

Natigilan ako...oo nga naman assumera lang ako.

" Hoy! Ibaba ko muna ito at lalabas ako paloadan ko ito at pagkatapos magluluto pa ako at kakain. Kaya wait ka lang diyan ng ilang buwan." Sabay tawa ko at tawa ni Nasser. Maayos naming pinutol ang usapan at napapangiti akong nag ayos ng sarili at lumabas muna.

------------------------------------------------------
" Upi! Anong ginawa mo! Nagkamali ka sa misyon mo!" Si Bossing Kupido na pinagsasabihan si Upi na ngayoy anyong batang kupido.

" Patawad bossing....hindi ko po sinasadya na madala ang bagay na yun sa pagpunta sa ibang panahon. Dapat po pala hindi ako umalis sa panahon ng binatang iyon dahil yung dalagang nasa panahong pinuntahan ko ay naroon din sa panahon ng binatang iyon."

" Tama! Ang dapat mong ginawa sinundan mo ang lalaking yun dahil halos nagkalapit sila ng dalagang iyon sa panahon nila. Umiba ka ng panahon kung saan hinaharap na ng dalawa. Ang di pa maganda ay baka may nakatakdang mangyari sa isa sa kanila sa hinaharap kung saan magkikita sila. Hindi natin hawak ang itinakda ng panginoon Upi. Kay dapat maingat tayo sa mga misyon ibinibigay sa atin."

" Patawad po....nakahanda po ako sa anumang parusa na igagawad sa akin."

" Sa ngayon ay aalisin ka muna sa iyong posisyon bilang isang kupidong may kakayahang maglakbay ng panahon. Magiging isa ka munang ordinaryong kupido at maari ka lamang makabalik sa dati mong  posisyon kapag matagumpay ka sa sampung misyon mo na magka-ibigan ang dalawang nilalang ng panginoon."

" Pero paano po yung nagawa kong mali?"

" Hayaan mo na....nangyari na at di na maaring galawin iyon. Ang panginoon na ang nagtakda ng tadhana nila at nagaganap na sa ngayon.  Dapat sa panahon ng binatang iyon sila magkakakilala ng dalaga. Ngunit hindi iyon nangyari.....kaya sa hinaharap ay may nabago sa buhay nilang dalawa at yun ang hindi natin alam. Tanging ang panginoon na lang ang makakapagsabi kung sila ba talaga sa hinaharap. Matalino ang mga tao....ang hiwagang nangyayari sa kanila ay kaya nilang intindihin at sila mismo ang may kakayahang magisip ng maaring solusyon nito. Ngunit isang bagay lang ang di nila kayang salungatin.....ang itinakda ng ating panginoon."

" Alam ko po yun bossing....pero bossing sila pa rin po ba sa hinaharap ang magkakatuluyan?"

" Hindi ako ang makakasagot niyan. Tanging mga misyon lang nating mga kupido ang alam ko......Sa ngayon sa panahong 2005 ang Sampung misyon mo....magpapasko at hanggang bagong taon ay kailangang magawa mong mapaibig sa isat isa ang sampung pareha. Huwag kang magkakamali dahil maaring sila ang mga itinakda sa isat-isa pagkatapos ng mga pinagdaanan nila sa buhay...Ito munang parehang ito at pagkatapos na magtagumpay ka ay babalik ka rito para sa panibago....maliwanag ba sayo?"

" Opo bossing!"

Agad nagliwanag at naglaho si Upi para isagawa ang kanyang misyon.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

80.4K 879 15
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Three The Beginning (Everything will End) Paano kung may isang nilalang na kayang tumupad ng kahilingan, at b...
1M 35.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
318K 13K 35
Do you feel weird? Because Creep does. Always. [W A R N I N G: Unedited.] •Wattys2018's Official Longlist and Shortlist.• •Wattys2019's Winner in Sci...