Substitute Bride (Editing)

By ohrenren

1.7M 12.7K 625

{Substitute Series # 1} Troy Mcintyre and Samantha dela Vega He lost the will to live for he has lost the... More

Substitute Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33

Chapter 32

4.5K 75 7
By ohrenren

CHAPTER 32

Hours ago, I was so determined on talking to Troy. Halos hindi ko na nga mapagkasya sa utak ko ang gusto kong sabihin sa'kanya. Thoughts of our relationship flooded my mind and I can't seem to stop thinking about him.

But right now, the only thing that is on my mind is worry.

Mag-aalas dose na ng gabi pero ni anino niya ay hindi ko pa nakikita. Normal naman na ang gabihin siya lalo kung manggagaling siya sa trabaho. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ako mapakali. Lalo pa at sabi ni Manong na inihatid niya sa isang bar si Troy.

I know Manong insisted on waiting for him, pero mapilit daw si Troy na magpaiwan. Agad din daw silang aalis dun dala ang sasakyan ng taong kikitain niya doon. Kaya napapayag niya si Manong.

"Hindi mo pa rin ba matawagan, Iha?"

Tumigil ako sa pag-iisip sa tanong ni Manang. I tried several times to call him but it's futile. Puro ring lang ang telepono niya. Kahit ang ilang texts ko ay hindi niya sinasagot.

"Hindi pa rin po." Sagot ko, bago bumuntong hininga.

Nakatipon kami sa sala. Si Manang ang nakaupo sa sofa habang si Maria at Mang Domeng ay nasa magkabilang gilid niya at nakahilig sa arm rest ng sofa. Nagsisiksikan sila dun kahit pa may bakante naming upuan. Ako lang ang nakatayo dahil hindi ako mapakali.

Kahit na hindi naman niya naging ugali ang pagpapaalam sa'kin sa tuwing may lakad siya, gusto ko pa rin makasigurado na hindi siya mapapahamak.

It was past 12 when I received a call.

Buong akala ko ay si Troy ang tumatawag, pero nagulat ako ng Makita ang pangalan ni Ivan sa aking telepono. Kunot noo kong sinagot ang tawag niya.

"Ivan?"

It's very unusual for him to call me at this holy hour. Not unless it's something really important.

"Samantha.."his voice sounded so agitated and....tipsy at the same time.

"May problema ba?"

I heard him sigh from the other line. Medyo natagalan siya sa pagsagot kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

"Malaki.Troy's with us and he's fucking.....wasted." his voice drifted at his last word.

Napasinghap ako. Iba't-ibang tanong ang gusto kong ibato sa'kanya pero isa lang ang lumabas sa aking bibig. "Is he alright?" nanginginig pa ang mga labi ko sa tanong kong 'yun.

"I think so." He hummed.

"Bakit magkasama kayo?" tanong ko habang sinesenyasan ni Manong na ihanda ang sasakyan.

"Hindi ako. I was sleeping peacefully when Chrome called me."

"He's with Chrome?" manghang tanong ko.

"You heard me right, Sammy. What do you want me to do? Should I leave him here or you'll pick him up? I can't pick them both."

"Idiot. Of course I'll pick him up. Saan ba 'yan?" narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

After giving me the address, kumuha lang ako ng jacket para ipatong sa manipis na sandong suot ko. Kahit ang pagpapalit ng shorts ay hindi ko na nagawa.

The next thing I knew Manong and I are parking at an open space beside a bistro bar.

"Ang layo naman ng narating ng batang 'yan." Komento ni Manong ng makita ang hinintuan namin.

Mabilis kong tinawid ang distansya ng pinagparadahan namin at ang loob ng nasabing gusali. Hindi ko na pinansin ang naging pahayag ni Manong. All I care about is to see Troy and make sure he's okay.

Marami akong nakasalubong na halos hilahin ng mga kasamahan sa sobrang kalasingan. My mind started imagining Troy at that kind of state being. Unti unting umusbong ang inis sa utak ko, pero pilit ko ring iwinawala sa kagustuhang maging maayos ang pakitungo ko sa'kanya.

Nakakabingi ang ingay sa loob. Idagdag pa ang matinding usok na nagkalat sa paligid.

Okay, what should I expect in a place like this? Of course, vices are everywhere.

Iniikot ko ang paningin ko. It took me a while before I spotted them. Natagpuan ko sila sa isang sofa sa sulok ng bar. Chrome's sitting at the edge of the curve sofa. Hinihilot niya ang kaniyang sentido ng makalapit ako.

He looks drunk as well.

"Where is he?" tanong ko agad.

He snickered. "Try to be subtle at the least." and then pointed a man dead-panned on the sofa. Ngumuso lang ako at iwinala sa'kanya ang atensyon ko. Lumapit ako sa kinahihigaan ni Troy. Kahit hindi ko Makita ang mukha niya dahil sa padapang pagkakahiga nito ay sigurado akong siya ito. Kitang-kita ko na kung gaano kalala ang tama ng alak sa sistema niya. Nakahiga na siya at kahit siguro buhatin siya at dalhin kung saan ay hindi na nito mamamalayan.

Mukhang mahimbing ang tulog ni Troy sa sobrang kalasingan. Huminga akong malalim at nilingon ulit ang lasing na mga mata ni Chrome.

He's blankly staring at my direction. Hindi ko makilala ang emosyong naglalaro sa kaniyang mga mata. Gusto kong itanong sa'kanya kung anong nangyare pero natatakot ako. Parang hindi ko magugustuhan ang anumang isasagot niya sa'kin.

He looks... dangerous and cold right now.

"Oh you're here, Sammy!"

Laking pasalamat ko na lang sa biglaang pagsulpot ni Ivan. He looks very homey. Nakasimpleng board shorts, putting t-shirt at tsinelas lang siya. Hindi mo aakalain na matatagpuan mo siya sa loob ng bar na ito.

"I know I look like I just got out of bed. But technically, kagigising ko lang talaga." He explained after noticing my stares.

Kumunot ang noo ko. "Para saan 'yan?" tukoy ko sa bitbit niyang ice pack.

He handed it to Chrome who immediately placed it near his mouth. Noon ko lang napansin ang unti-unting nangingitim na gilid ng labi niya. Hindi lang 'yun. Ilang gasgas rin ang namataan ko sa kaniyang pisngi.

"Anong nangyari?"

Ilang beses ko nab a gusting itanong ang dalawang salita na 'yan? This night is probably the most confusing and clueless night of my life.

Akmang lalapitan ko siya pero agad na humarang sa daraanan ko si Ivan. "If I were you, I'll check on him first." He pointed at Troy.

Gustuhin ko man lapitan si Chrome pero tama si Ivan. I came here for Troy. Tiningnan ko si Chrome na nakatitig lang sa'kin. I saw something in his eyes. Pero umiling lang siya at nag-iwas na.

Agad ko na lang nilapitan si Troy na nakadapa pa rin sa sobrang kalasingan. "Troy.." tinapik ko ang likod niya para sana gisingin.

"Try throwing him a chair, Sammy. Hindi magigising 'yan sa haplos mo."

I glared at Ivan. He raised his hand and laughed ridiculously. "Okay, I'll stop." Pero nagawa pa rin niyang tumawa.

"Tss."

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Troy at buong lakas ko siyang iniangat mula sa pagkakadapa. Isinandal ko siya sa sofa habang pilit kong inalalayan ang ulo niya para hindi muling bumagsak.

Umungot siya pero hindi naman nagising. Ipinaling lamang niya ang ulo sa aking gawi. At halos mapasinghap ako ng makita ang nangyari sa kaniyang mukha.

"Oh my God!"

Kung ang mukha ni Chrome ay nangingitim pa lamang, ang kay Troy ay namamaga at bahagyang duguan pa. Kitang-kita ko rin kung gaano kalaki ang pinsala niya ng minsang mailawan kami ng ilaw sa loob ng bar.

"Ivan?!" natataranta kong sigaw sa pangalan niya. Lumapit ako sa mukha ni Troy. I touched his bruised lips and he winced unconsciously.

Nilingon ko ang kinauupuan nilang dalawa. Si Chrome ay bagsak na rin sa sobrang kalasingan. Inabutan ko pang sinisiko-siko ni Ivan tagiliran ni Chrome. "What the hell are you doing?"

Parang bata na nahuli si Ivan na gumagawa ng kalokohan. "Tinitingnan ko lang kung tulog na talaga."

"He's asleep for god sake! What happen to their faces?"

Nagkibit-balikat siya."I really don't know. Chrome never mentioned being with Troy when he called me. If you want to know the truth, ask them when they're sober." Sabi niya sabay sundot ulit sa braso ni Chrome.

"Stop that! Tulungan mo na lang akong isakay si Troy."

I need to get him out of this place.

"Iiwan natin si Chrome dito?"

Napasapo na lamang ako sa noo ko. Of course, we can't do that. I just called Manong to help us. Akay naming dalawa ni Manong si Troy habang si Ivan naman ang nakaalalay kay Chrome.

Isinakay namin si Troy sa likod ng sasakyan. May bakas pa ng dugo ang puting v-neck shirt niya. "Ano ba kasing nangyari?" bulong ko habang inaayos ang pagkakahiga niya. Halos hindi siya magkasya sa loob ng sasakyan.

I ordered Ivan to drive carefully before we part ways.

One of these days, I'll know what really happened. Mahirap makipag-usap sa taong lasing, lalo na kung parehong tulog at bugbog.

Makailang beses na nagsalita si Troy sa buong byahe pauwi. He kept on mumbling unrecognizable words. Kahit si Manong ay napapailing na lamang sa sobrang kalasingan niya.

Ilang kanto na lang ang layo namin mula sa bahay. Napabuntong hininga ako nang mapagtanto kong mag-aalas tres na ng madaling araw.

"Huwag niyo na po ako ihatid bukas, Manong. Magpahinga na lang po kayo ngayong gabi." Bilin ko sa matanda. Masyado na akong aabuso kung pati bukas ng umaga ay aabalahin ko siya.

Alam kong parte ng trabaho niya 'yun, pero hindi naman makatao kung pipilitin kong iskaripisyo ni Manong ang sarili niyang kalusugan dahil lamang sa simpleng paghahatid sa'kin.

And besides, hindi ako sigurado kung kakayanin kong gumising ng maaga bukas.

"Salamat, Manong."

"Sige, Mam. Magpahinga na rin po kayo." Paalam niya nang maihatid niya kami ni Troy sa loob ng silid.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Now, where should I begin?" I asked myself while looking at Troy.

Maging ako'y nalalabuan sa nagdaang oras. Hindi ko lubos maisip na ang simpleng paghihintay ko sa'kanya ay mauuwi sa ganitong tagpo.

Sinimulan ko na lamang punasan ang mukha niya. I tried to be gentle as much as possible. Makailang beses siyang umungol ng matamaan ko ang mga sugat niya.

I can't seem to stop myself from wondering what really happen.

Hindi ko lubos maisip kung silang dalawa ang nagsuntukan at naging dahilan ng pagkabasag ng mukha ng bawat isa.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Troy. Kahit napuruhan siya ay hindi maitatanggi ang kagwapuhan niyang taglay.

I'm pathetically in love with this man and he got no clue about it.

Hinaplos ko ang namamaga niyang pisngi at bumulong, "I love you....."

Ngumuso ako at nanatiling nakatitig sa'kanya. His eyes were closed. Pero parang sasabog pa din ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I just confessed to a sleeping man and I never thought it would feel this good.

Dinampian ko nang marahang halik ang noo niya bago tuluyan siyang balutin ng kumot. I can't waste time. Bukas na bukas ay magtatapat ako sa'kanya. Forget the tradition. Hindi lang naman lalaki ang kayang magtapat ng nararamdaman.

I'm a grown woman.

I can confess my feelings when I want to.

Nakatulog ako sa kakaisip kung paano ko sasabihin ang katotohanan kay Troy. Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kwarto.

Sinubukan kong tumunghay pero napaungol ako sa sakit ng leeg na inabot ko. Nakatulog ako habang nakaunan lang sa gilid ng kama. Troy covered almost the entire bed last night which left me with no choice but to sleep beside him.

Pero laking gulat ko ng hindi ko siya Makita sa gitna ng kama.

Nawala ang antok ko. Agad akong bumaba para tingnan kung nauna na siya sa'kin. Tanging si Manang lang ang inabutan ko. Naghahain siya ng mga oras na 'yun.

"Manang si Troy?"

"May aasikasuhin daw, Anak. Nagbilin naman na sabihin sayo na huwag kang mag-alala dahil uuwi siya sa loob ng dalawang araw. Mukhang emergency dahil nagmamadali siyang umalis.At ipinaaabot sayo 'to."

Kinuha ko ang kulay cream na papel na naglalaman ng sulat-kamay ni Troy.

I'm sorry for all the trouble last night.

I'll make it up to you when I get back.

Please.... take care for me.

--Troy.

Napasapo na lamang ako sa aking noo at napaupo sa panghihinayang....at kilig.Sa tuwing magplaplano ako na makausap siya ay laging nauuwi sa ganito.

"Ingles nang ingles ang asawa mo kaya hindi ko naintindihan ang sulat niya. Pero mukhang nagustuhan mo ang sinabi niya." Panunukso ng matanda.

Ngumiti ako at umiling."Sinabi po ba kung saan siya pupunta?"

Nagkibit balikat ang matanda. "Binigyan ko naman ng gamot para sa mga sugat niya. Huwag kang mag-isip ng kung ano. Nagpaalam naman. Tulog mantika ka lang talaga." Pambibiro pa ng matanda.

"Manang naman..."

"Pinatatawa lang kita, Anak. Kumain ka na at ikaw na lang ang hindi kumakain."

Iniwan ako ni Manang sa hapag. I stared at the piece of paper he left for me.

Okay, kaunting hintay pa.



X X X X X

Sorry for the long wait. 

Update will probably be next week. :)

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 326 22
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...