Hayaan Natin Sila

freespiritdamsel द्वारा

24.2K 828 232

Huwag mo nalang pansinin. अधिक

1
2
3
4
5
7
8
9
Last Chapter

6

2K 73 16
freespiritdamsel द्वारा




**


Ayos ka lang ba?

Nakauwi ka na ba?

Anong sabi ng Daddy mo?

Text ka kung pwede na ko tumawag, Kath, ah?

Miss na agad kita. Sayang di natin nakain yung inorder ko.

Magtext ka agad ah? Di kasi ako mapakali.

Uy magtext ka.

Kaaaaath

Kathryyyynnnnnn asan ka na ba?

Okay ka lang ba Kath?

Kath, nakauwi na rin ako. I miss you.

I love you so much. Text me asap.

I love you.

I LOVE YOU!

Uy.

Reply naman.

Bakit pinauwi ka agad?

Uyyyyyyyy

Tawag ako.

Bakit di mo sinasagot?


Natatawang binuksan ko ang pinto ng kwarto. Nang tuluyan na akong makapasok, inilagay ko ang bag ko sa chair at humiga sa kama. Pagkauwi ko kasi, pinapunta agad ako ni Daddy sa office niya rito sa bahay. Ayun, may binigay siyang paper bag. Bagong shoes pala. Tapos he told me na he was so happy kasi wala raw akong dos. Yup! Pinaka mataas ko last sem ay 1 then pinaka mababa is 1.5. Math yun. Yung pinakamataas ko is yung major ko. Siyempre, I'm a communication student, kailangan ko'ng galingan because ayaw ni Dad yung course na kinuha ko. He wanted kasi na magtake ako ng same field sakanya but I still fought for this and he gave it a shot. Yung sa math ko naman, tuwang-tuwa siya kasi sobrang laki raw ng inimprove ko.

Ikaw ba naman makapagboyfriend ng sobrang talino sa math, di ka ba magwo-work hard? Oo na, minsan nakakakopya ako kila Arisse. Sila rin naman sakin. Teamwork ba. Pero hindi naman tinataasan ni DJ yun because I'm his girlfriend. Talagang nag-aaral na talaga ako. Yung may kasama ng understanding. Hihi. Sayang naman kasi yung kakadaldal niya sa harap kung di ako makikinig. Isa pa, tinatanong niya rin ako from time to time kung naiintindihan ko ba yung ganito, ganyan. Siyempre ako naman si oo minsan, minsan naman pag hindi ako tinatamad, sasabihin kong hindi, para maturuan niya ko. Ganon lang. Hindi naman ako nagtetake advantage dahil sa boyfriend ko siya, e.


So ayun nga, back to Dad. Aalis rin siya bukas. With Mom. Magva-vacation lang sila sa Europe for a month. Siyempre, may iniwan saking allowance. Nalagay na raw nila sa bank account ko and if ever I need more, or anything sabihan ko lang sila. Saya, diba.


So ayun, I searched for his name and tapped the call button. Sinagot naman niya ito kaagad. Wala pang pangalawang ring. Talagang nag-aabang ah.

"Hi,"

"Bakit di ka nagreply?"

"Ganito kasi..." So ayun, kinuwento ko sakanya at nakahinga naman siya nang maluwag.

"Kala ko ano na nangyare. Di ka kasi sumasagot."

"Sorry po."

"So kumain ka na?"

"Yup, may food kasi sa office ni Dad. Pinaakyat niya kina Yaya." I said and rolled over. Medyo nakakapagod rin pala ang day na 'to.

"Ah, good. Ako rin tapos na." He said.

"Hmmm, nga pala. My parents will be leaving tomorrow morning."

"Saan?"

"Europe. Magva-vacation sila for a month there."

"Oh I see. So ikaw lang magisa diyan?"

"I'm with my Yayas and si Kuya Driver."

Kinuha ko ang unan at niyakap ito. "Hmm, so pwede ka magsleep over sakin?"

Napamulat ako ng mata. "Ha?"

"Sabi ko kung pwede ka magsleep over sakin..."

"Eh baka isumbong ako nila Yaya kay Daddy."

"Hmmm.." Hindi na ko sumagot at nakinig nalang sa tunog sa background. Ano kaya ginagawa niya? May naririnig kasi akong pagf-flip ng papers.... or baka yun nga. Hihi.


"Ako nalang punta diyan?"

"Ha? Eh baka mahuli tayo.."

"Ninja ako, 'wag kang mag-alala."

"Ehhhhh.." Mahirap na kasi.

"Manonood lang naman tayo ng movies eh."

"Kahit na nga. You're still a guy."

"Basta bukas. 7 ako pupunta diyan."

"Wag nga!"

"Nakanaman oh. Ninja nga ako, makicooperate ka lang.." Narinig ko pa siyang mahinang tumawa. Mukha neto! Akala niya madali!

"Kaseeeee."

"Trust me?"

"Ugh, foin."

"Yes!"


"Heh!" Umirap ako kahit di niya kita. "I miss you, baby."

"I'm missing you. Miss ko na yakap mo. Tsaka kiss mo. Thank you kanina."

"Thank you for what?"

"From everything that's keeping you from moving on."

"WEH!"

"Nakakahawa ka kasi, e. Puro ka Kathniel." Natatawa niyang sabi. Ang hilig ko kasi sa KathNiel eh. Ayan, nahawa pa siya.


"Sorry naman, nakakakilig kasi sila, e."

"Mas nakakakilig tayo."

"Lol,"

"Grabe ka ah. Dapat di ka na kinikilig sakanila kasi sakin ka na kinikilig."

"Eh ibang level kasi yung sa'yo. Basta."

"Mas pogi naman ako kay Daniel Padilla, baby." Medyo nagtatampo pa niyang sabi. Nakakainis, nakakakilig.


"Oo na, oo na.."


--


LUNES


"SIR DANIEL!!!!" Napapikit ako sa lakas ng tawag ni Trina kay Sir DJ. Grabe, FC talaga 'to!

"Yes, Ms. Guytingco?" Kaswal niyang tanong paglingon niya.

"Sir, pupunta po kayo tomorrow night? Sa The Night 2016?" Wow, kumpleto talaga?

"Ah," Napatingin-tingin pa siya. Hindi niya ba alam yun? "I'll think...about it."

"Ahh, punta po kayo Sir! It's fun po!" Nakangiti niyang imbita tapos ay siniko niya ako ng pasimple. Buset!

"May date nga yun, e!" Sabat naman ni Alexa. "Sir, magdala ka ng date!"

Ngumiti lang siya tapos nag-ayos ng mga papers niya.


"Uy, sino date niyo?" Rinig kong bulungan naman ng mga kaklase ko. Napapikit nalang ako at sumandal kay Arisse. Busy kasi siya sa pagka-calligraphy. Kala mo talaga artsy! Don't us, Arisse.


Napaangat yung tingin ko nang igalaw-galaw ni Arisse yung balikat niya. "Ano ba?" Pagtingin ko sakanya, nginuso niya yung nasa harap. Si....Kristoffer? Bakit andito na naman 'tong kumag na 'to?


"Hi, guys." As usual, dala niya pa rin yung pagiging good boy niya kahit sa pagbati lang 'yan.


"Hi, Papi!" Samantha. Nagtawanan naman yung iba, kahit si Sir Daniel. Kahit si Kristoffer.

"So, tomorrow na yung The Night. Hindi ba?"

"Yupzzz."

"The reason why I am here is because...yung gusto kong kadate bukas, andito."


"WOAH!"

"ALAM NA!"

Nagtinginan naman yung iba sakin. Namula tuloy ako nang pagtingin ko kay Kristoffer, nakangiti siya sakin tapos para pang nahihiya!

Pero mas namula ako nang pagtingin ko kay Sir DJ masama na ang timpla ng mukha niya. Oh Lord God.


"Uhm," Pumunta siya sa pinto at binuksan 'yon. May kinuha siya, or more like, inabot sakanya. Tapos bumalik ulit siya. Napataas ang kilay ko. White roses.


Pero mas napalunok ako nang maglakad si Kristoffer palapit sakin. Sh-t. Hindi ko naman matignan si Sir Daniel kasi.... siyempre, lahat ng atensyon nasa akin, nasa amin. Baka may makahalata.


Huminto siya sa harap ko. Inusog pa nga ng mga kaklase namin yung ibang upuan para makapasok siya.


Sh-t talaga.


Nalaglag naman yung panga ko nang lumuhod siya.

"'Wag kang mag-alala, nagpaalam ako kay Sir na may gagawin lang ako. Saglit lang 'to, Princess."


Nagiritan naman yung mga kaklase ko! Sila Arisse at Trina? Ayun, shut up lang kasi alam nilang magagalit si DJ.... Hay. Ano ba 'to!


"Will you be my date tomorrow?"


--


"BAKIT KA KASI PUMAYAG!"

Napaflinch ako sa lakas ng pagkasarado niya ng pinto ng condo niya. "Eh kasi..."


"Eh kasi ano?! Pwede mo naman siyang ireject ah! Gusto mo rin kasi!" Tapos tinalikuran na naman niya ako at naglakad papunta sa ref. Nakasunod lang ako sakanya, nag-iingat. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.


"Hindi ko naman gusto eh. Pero kasi nakakahiya. Kung ikaw kaya yung nasa posisyon ko--"


"Bullshit!" Kinuha niya yung beer in can at tinungga yun.


"Sorry na...isang gabi lang naman yun."

"Yeah?" Nilagpasan na naman niya ko at ako, nakasunod lang ulit. "Sorry na, Sir--I mean, DJ.."


"Sir? Oo nga pala, Sir mo ko. Hindi ako pwedeng mangealam sa'yo diba? Hindi."

"Sorry..." Maglalakad na naman sana siya nang niyakap ko siya mula sa likod. "Sorry, sorry na..."


Huminga siya ng malalim at hinigpitan ko yung pagkakayakap. Ayaw ko nang nag-aaway kami..


"Wag ka lang gumawa ng hindi ko magugustuhan bukas."


"Oo, I swear."


--


THE NIGHT 2016

"Pupunta ba raw boyfriend mo?" Bulong sakin ni Arisse habang nakaupo kami sa table namin. "Hindi ko alam, e. Ang sabi niya sakin kanina hindi raw, may gagawin siya."


"Ano naman yun?"

"Magpeprepare ng lessons, magche-check ng ibang quizzes."

Napatango siya. "Oh, so free ka lumandi ngayon."

"Baliw. Binalaan niya nga ako kanina, e. Wala pa nga yung date ko. Asan na ba 'yon?"

"Hahaha, papunta na siya, diba? He told you."

"Oo, gusto ko kasing kasabay kayo kaya di ako pumayag na sunduin niya."

"Weh," She flipped her hair. "Ang sabihin mo, takot ka lang sa jowa mo."


"Ssh ka nga." Sabi ko at inirapan siya.


Maya-maya pa, tumabi na sakin si Kristoffer at nagsorry siya kasi raw may emergency. Grabe, president be like. "Okay lang naman." Sabi ko at ngumiti.


So nagstart na yung program. Medyo busy pa rin si Kristoffer kasi gusto niya maging perfect yung event na 'to. Pero kahit ganon, hindi niya pa rin ako pinapabayaan. Hawak-hawak ko lang din ang cellphone ko. At minsan, tinetext ko si DJ. Pero di naman kasi siya nagrereply. Baka busy nga. Hay.


"Gusto mo sumayaw?" Sabi niya nang matapos na ang program at ayun, sayawan na.

"Ayaw ko." Bulong ko, ang ingay na kasi. Tsaka di ako marunong sumayaw ng mga ganyan.


"Mamaya sayaw tayo kapag slow dance na." Sabi niya. Yun naman ang siyang paglingon ko, eh ang lapit pala ng mukha niya.

"Sh-t, sorry.." Sabi ko agad kasi...kasi nagkadikit yung labi namin.


"Sorry din.." Tapos di na kami nagkaimikan. Uminom nalang ako ng juice kasi feeling ko namumula ako. Nakakahiya! Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala naman yatang nakakita. Busy lahat. Okay, kumalma ka.


Hanggang sa slow dance na. Tumayo na agad si kristoffer at hinawakan ang kamay ko. Hinila na niya ko sa dance floor at di na rin ako nakapalag.


Hindi naman kami sobrang dikit. Ina-avoid ko 'yon. Baka kasi may magpicture at makita ni DJ, edi nagselos na naman siya.


"May boyfriend ka na ba?" Bumalik ang tingin ko sakanya. "Ha?"

"Weh, nabingi ka na?" Sabi niya at marahang tumawa. "Tanong ko kung may boyfriend ka na?"


"Ah...meron." Pwede ko naman sabihing meron pero di ko sasabihin kung sino.


"Sino?"


"Secret muna." Sabi ko at ngumiti. Namula pa nga yata ako nang maalala siya. Hay, miss ko na siya!


"Ang swerte naman niya." Ngumiti siya, malungkot.


"Yeah, swerte din naman ako sakanya." I said and smiled. Napangiti nalang din ako kasi ikukwento ko kay DJ mamaya na may nasabihan akong may boyfriend ako. Matutuwa kaya siya? Haha.


PAGKABALIK namin sa table, hinanap ko agad ang phone ko. At ayun nga, may text na.


Parking lot. Ngayon na.


Sh-t?? Nandito siya? Nakita niya ba? O sinusundo niya lang ako?! Jusko naman! Nagpanic agad ako at lumingalinga. "Uhm,"


"Anong nangyare?"


"Ano, una na ko ah. Bye." Tumayo na agad ako at madaling lumabas. Medyo nalito pa nga ako saan yung parking lot kasi medyo madilim na.

Nang marating ko na yung parking lot. Nakita kong nakasandal siya sa kotse niya. Nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa at masama na naman ang tingin sakin.


Okay, so nakita niya.


Yung alin? Yung sayaw o...yung...Huhuhu. Sana hindi naman.


"Hi," Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi kahit na nakatingin pa rin siya sakin na parang kakainin niya ko.


"Pasok," Walang ka emo-emosyong sabi niya sakin.


"Ba-kit?"


Pero hindi niya ko pinansin.


Bago pa ako makapasok, pareho kaming napalingon sa nagsalita.


"Kath? Sir DJ?"


"Oh, Kristoffer." Parang walang pake niyang sagot dito pero ako? Ako? Ewan ko....


"Una na kami." Pumasok na siya kaya pumasok na rin ako. Bago ako pumasok tinignan ko si Kristoffer. At hindi siya makapaniwala sa nakita.


**

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...