Marrying Mr. Arrogant (PUBLIS...

Oleh FrozenFire26

68.3M 895K 107K

[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a... Lebih Banyak

Chap. 1 - PART ONE
Chapter 2
Chapter 3
★Video Trailers★
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Special Chapter
Author's Note
Chap. 47 - PART TWO
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
EPILOGUE

Chapter 45

791K 9.7K 1.6K
Oleh FrozenFire26

Chapter 45


[3rd Person POV]


Kakalapag pa lang sa airport ng eroplanong sinakyan ni Mitsui galing Korea ay dumiretso agad siya ng Southern Yale para hanapin si Vianca.


Doon na lang siya pupunta at magbabaka-sakali kung naroon pa ang asawa. Hindi niya kasi alam kung saan matatagpuan ang condo na tinutuluyan nito. Basta ang alam lang niya ay nakikitira muna ito kay Ashley.


Ang totoo niyan, bukas pa talaga ang flight niya pauwi ng bansa. Kaya nga lang, tinawagan siya ni Ma'am Angela. Ipinaalam nito sa kanya na nagkaroon ng malaking problema nang may kumalat na eskandalo sa university sa pagitan nila ni Vianca. Dahil dito ay napauwi siya nang mas maaga.


Naglagi siya ng dalawang linggo sa Seoul para sana magpalamig muna. Tulad na rin ng sinabi ni Vian, para hanapin niya ang sarili niya. Masyadong maraming distractions sa Pilipinas, kaya pinili niyang manatili ng ilang araw sa malayong lugar upang doon siya makapag-isip nang mabuti.



***

Pagka-park ng kotse ay agad siyang bumaba upang puntahan ang asawa sa faculty room. He knows that by this time ay naroon pa ito at naghahanda pa lang pauwi.


Kakaunti na lang ang mga tao sa paligid, dahil nagsiuwian na ang karamihan sa mga estudyante.


Naglalakad pa lang si Mitsui sa school quadrangle ay nakuha na kaagad ang pansin niya ng tatlong babaeng nasa ground floor ng Tourism Department. Halatang balisa ang mga ito at may kung anong 'di pinagkakaintindihan.


Habang papalapit siya ay unti-unti niyang naririnig ang pinag-aawayan ng tatlo.


"Stupid! Bakit n'yo kasi binitawan? Hindi sana siya natumba, kung 'di ninyo 'yon ginawa!" mataray na bulyaw ng isang babae sa mga kasamahan nito.


"Jillian, just shut up! Don't blame us! In the first place, it won't happen if you didn't push her too hard," depensa naman ng kausap nito. Hindi nila namalayang nasa malapit lang si Mitsui, kaya patuloy lang sila sa pagsisisihan.


Samantala, didiretso lang sana siya at papabayaan ang mga estudyante. Wala siyang interes na pag-aksayahan pa sila ng panahon. Subalit, bigla siyang napahinto nang mapakinggan ang sumunod na sinabi ng isang babae.


"Hala.. paano na 'to? Nakakaawa talaga si Ms. Vianca. We didn't even know that she was pregnant. Paano na 'yong baby? Nakokonsensiya na ako."


Si Vianca?


Oo, ang asawa niya ang pinag-uusapan ng tatlo. At ano raw ang tungkol sa baby?


Mabilis na nilapitan ni Mitsui ang mga babae. Nang makita naman ng mga ito na naroon pala siya ay natulala sa takot ang tatlo.


"M-mitsui..." Hindi makakilos sa sobrang pagkabigla 'yong babaeng nagngangalang Jillian. Maging ang dalawang mistulang alalay lang nito ay tila napako sa kanilang kinatatayuan.


Marahas niya itong dinaklit sa braso. "Tell me, why the hell are you talking about Vianca?" Halos mabingi ito sa lakas ng boses niya.


"Answer me!" Nag-aapoy ang titig niya, kaya lalong nangatal sa takot ang babae.


Ang dalawang kasamahan naman nito ay nagawa nang makatakbo papalayo.


"S-sorry... hindi ko naman sinasadya... H-hindi ko naman kasi alam na buntis pala siya," nauutal nitong sagot.


Hinablot niya ang babae sa buhok nito at kinaladkad papasok sa building kung saan ito nanggaling kani-kanina lang. May mga nakasalubong sila sa hallway, pero kaagad na tumabi ang mga ito nang makitang nag-aapoy siya sa galit.


"Araaay! Oo na! Sasabihin ko na kung saan... B-bitawan mo na ako... It hurts... Araaay!"


Hindi pinakinggan ni Mitsui ang pagmamakaawa ni Jillian at sa halip ay mas hinigpitan niya ang pagkakaladkad sa buhok nito. "Kapag may nangyaring masama kay Vianca, I swear I'm gonna kill you!"


Itinuro nito sa kanya ang kinaroroonan ni Vianca. Nang makarating sila sa tinutukoy nitong classroom ay mabilis silang pumasok sa loob.


Nagitla si Mitsui nang madatnan niyang nasa kalunos-lunos na kalagayan ang asawa. Nakahandusay ito sa sahig, halos wala nang malay at maraming dugo ang umaagos pababa sa mga hita nito.


Dahil dito ay mas sinilaban siya ng galit. Hinatak niya ang babaeng kanina pa niya hawak-hawak sa buhok nito at malakas na itinulak sa sahig. Halos mangudngod ang mukha nito sa lakas ng pagkakasubsob sa semento.



Hindi na talaga niya makontrol ang sarili sa sobrang galit, halos magwala na siya sa loob ng silid. Mabuti na lang at kahit papaano ay natawag ang atensyon niya ng mahinang pag-iyak ng asawa.


"P-parang awa n'yo na... t-tulungan ninyo ako..." Nagsasalita ito sa pagitan ng impit na pag-ungol, dahil sa labis na sakit na nararamdaman nito.


Natauhan siya na nasa panganib si Vianca kaya ito ang una niyang dapat na asikasuhin.


Tinigilan na niya ang panggugulpi kay Jillian at kaagad niyang nilapitan ang asawa. Yung babae naman ay halos gumapang na makalabas lang ng classroom.


"Vianca!" Niyakap niya ang nanghihina at nanginginig na katawan ng asawa. Luhaan ang mukha nito at partially unconscious na.


Dali-dali niyang hinubad ang suot na grey jacket at tinakpan ang duguang binti nito. Pagkatapos ay binuhat niya ito at mabilis na nagpunta sa parking lot.


Habang lakad-takbo siyang papunta roon ay napapatingin ang mga estudyante at gurong nadadaanan nila. Pero hindi na niya alintana kung ano ang iniisip ng mga ito. Ang mahalaga para sa kanya ay ang kaligtasan ng mag-ina niya.


Patungo na si Mitsui sa nakaparada niyang sasakyan nang bigla siyang sinabayan ni Zeke sa paglalakad.


"What happened to her?" nag-aalalang tanong nito.


Hindi siya sumagot. Hindi ngayon ang tamang oras para makipag-usap at magpaliwanag sa kung sinu-sino.


"Doon na lang kayo sa kotse ko. Ako nang maghahatid sa inyo," alok ni Zeke sa kanya.


Hindi na siya nagprotesta pa at nagmamadali na nilang tinungo ang sasakyan.


Binuksan ng kaibigan niya ang pinto at agad siyang sumakay sa loob habang buhat-buhat pa rin si Vianca. Ilang saglit pa ay mabilis nang pinaandar ni Zeke ang kotse.


"Hold on! We're almost there." Niyakap niya nang mahigpit si Vianca. Nangingilid ang luhang hinagkan niya ang likod ng ulo nito makaraan itong tuluyang mawalan ng malay habang yakap niya.



***

Pagdating sa hospital, alalang-alalang naghintay sina Mitsui at Zeke sa labas ng Emergency Room.



Kanina pa siya hindi mapakaling pabalik-balik na naglalakad sa pasilyo habang si Zeke naman ay nakaupo lang sa hilera ng mga upuang naroon. 'Di nagtagal ay nanghihinang napaupo na rin siya sa tabi nito.


"This is all your fault. This is your karma. Unfortunately, nadamay pati ang mag-ina mo," seryosong saad ni Zeke. Hindi na nito napigilang ilabas ang saloobin sa lahat ng mga nangyari.


Mitsui clenched his fists upon hearing those words. Awtomatikong napatayo siya at hinigit sa kwelyo si Zeke.


"Ulitin mong sinabi mo!" nagbabaga ang mga titig na utos niya.


"I said it's your entire fault. Vianca is too good to be lied to, played, and cheated on by you!" ganting sagot nito. Sinalubong nito ang nagliliyab niyang mga mata.


"You don't have any idea what's really happening between us. So stop acting as if you know everything, Madrigal!" Mitsui yelled between gritted teeth.


"Bakit? Ang akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa pictures n'yo ni Vianca? Kaibigan kita, pero tinatalo mo ako!" galit na dagdag niya. Kahit siya walang anumang ideya na magkakilala pala ang dalawa, to the point na sumasakay ang asawa niya sa kotse ni Zeke.


Sa kabilang banda naman, nagulat si Zeke sa mga binitawang pahayag ni Mitsui. Hindi nito inaasahang tila pagseselosan ito ng kaibigan.


Wala itong pagtingin kay Vianca, dahil si Mikhaela naman talaga ang mahal nito. Pero gusto nitong subukan ang totoong damdamin ni Mitsui.


"Why are you mad? What's in it for you?" He smiled sarcastically. "Don't get mad when someone else starts to appreciate the person you took for granted. Don't abuse Vianca's love, because someone out there will be glad to have it."


Bigla namang natauhan si Mitsui sa mga sinabi ni Zeke. Binitawan na niya ito at napaatras siya ng isang hakbang mula rito.


"Just a piece of advice. Don't take your wife for granted. One day, you might turn around and she won't be there—"


"I never took her for granted. She was the one who left me!" pagtatama niya kay Zeke.


Nasa kainitan ng diskusyon ang dalawa nang biglang dumating si Ashley.


"Wag mong sisihin si Vian kung mas pinili niyang iwanan ka, kung mas ginusto niyang makipaghiwalay na lang sa 'yo. Blame yourself for not doing the right thing to keep her," malamig na turan nito. Pagkatapos ay dumiretso na ito sa pinakadulong upuan at tahimik na hinintay ang doktor.


Ayaw na nitong makisawsaw pa sa pangongonsensiyang ginagawa ni Zeke, dahil sa tingin nito kahit kailan mukhang hindi naman tinatalaban ng guilt si Mitsui.


Tiyempong ilang segundo lang pag-upo ni Ashley ay ang siyang paglabas din ng babaeng doktor at isang nurse mula sa emergency room.


"Who are the patient's relatives here?" Kaagad na tinawag nito ang kanilang pansin.


"I'm her husband." Mabilis na lumapit dito si Mitsui.


Tumaas ang kilay ni Ashley.


"Talagang hindi ka man lang pumiyok sa pagsabi ng salitang 'husband.' Nagawa mo pang i-claim na asawa ka nga ni Vianca,"  bulong nito sa sarili.


"Doc, how's my wife? My child?" sunud-sunod na tanong ni Mitsui.


Ngunit umiling lang ito. "I'm sorry, but we did our best. Masyado pang mahina ang kapit ng bata. The baby's gone," malungkot na sabi ng doktor. "I'm sorry again. I need to go, because I have other patients to attend to." Nauna nang naglakad paalis ang doktor habang nakasunod dito ang alalay na nurse.



Mitsui was left stoned on his feet. Hindi lubusang rumehistro sa utak niya ang mga sinabi nito.


"Damn it! That's not true! That's bullshit!" Pinagsisipa niya ang mga upuang nasa gilid ng daanan.


Si Zeke naman ay naaawang pinagmasdan na lang si Mitsui. Habang si Ashley ay napasubsob na lang sa sariling mga palad at tuluyan nang napaiyak sa sinapit ng kaibigang si Vianca.



***

[Vianca's POV]


Nagising ako sa isang kulay puting kwarto. Nabatid ko agad na nasa ospital ako, dahil sa amoy ng gamot at sa mga aparatong narito. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nakita kong natutulog si Ashley sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.



Pumikit ako upang alalahanin kung anong nangyari. Nang unti-unting bumalik sa memorya ko ang lahat ay nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko.


Napahawak ako sa aking tiyan at pinakiramdaman ko itong maigi.



"Ang baby ko..." Mahina akong nagsalita, kaya napansin kong pupungas-pungas na nagising si Ashley.


"Vian!" Nagulat siya nang makitang gising na pala ako. "Thank God, you're safe."


Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. Ang importante sa akin ay ang kalagayan ng anak ko. "Anong nangyari sa baby ko?"


Nakita kong napayuko lang siya sa tanong ko. Hindi siya kaagad makasagot, kaya kinabahan ako sa kilos niya.


"Ano ba? Sagutin mo ako! May masama bang nangyari sa batang nasa sinapupunan ko, ha?" Nag-uumpisa na akong mag-hysterical.


"Bes... wala na siya... nalaglag 'yong baby." Halos hindi siya makapagsalita sa harap ko.


Mariin akong napapikit. Bakit kailangan pang madamay ng anak ko sa kamalasang pinagdadaanan ko sa buhay?


"Si Mitsui? Alam na ba niya?" tanong ko habang nakapikit pa rin.


"Oo, siya ang nagdala sa 'yo dito. Pero nang nalaman niya kagabi mula sa doktor na nagka-miscarriage ka, bigla siyang umalis ng hospital at hindi na ulit nagpakita rito."


"Iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa," pakiusap ko sa kanya.


"Will you be okay alone?" Noong una ay nagdalawang-isip pa siya kung susundin niya ang hiling ko. Pero sa huli ay lumabas din siya ng kwarto at hinayaan akong mag-isa.


Pagkalabas niya ay saka lang bumuhos ang lahat ng emosyon at luhang pinipigilan ko.



***

"Be careful." Inalalayan ako ni Ashley papasok sa condo unit niya.


Kakalabas ko lang ng ospital matapos akong ma-confine ng apat na araw at tumuloy agad kami rito para makapagpahinga ako.


"Dito ka muna. Maghahanda lang ako ng lunch natin." Tinulungan niya ako papunta sa kwarto ko.


Tumango ako at tahimik na umupo na lang sa dulo ng kama.


Masakit para sa akin na tanggapin ang nangyari sa baby ko, pero kailangan kong magpakatatag. Sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob pero ngayong wala na siya, hindi maaaring panghinaan din ako.


Kailangan kong sikaping ipagpatuloy ang takbo ng buhay ko. Wala na akong ibang makakapitan ngayon kundi ang sarili ko, kahit si Mitsui hindi ko maaasahan. Sa katunayan ay hindi niya man lang ako nagawang bisitahin noong nasa ospital ako.


Ayon kay Mama Angela, hindi rin kasi matanggap ni Mitsui na nawala ang anak namin.


Kaya raw hindi siya nagtungo sa hospital, dahil ayaw niya akong makitang nasa ganitong kalagayan. Pero kung nahihirapan siya, mas nahihirapan ako, kasi ako ang ina. May mga plano na akong binuo noon kung anong gusto kong gawin kapag ipinanganak ko na ang bata.


Nag-uumpisa na namang uminit ang sulok ng mga mata ko nang marinig kong may kumatok sa pintuan.


Bumukas ito at bumungad ulit sa akin si Ashley.


"Nandito ang asawa mo," nakasimangot niyang sabi. Kasunod noon ay lumitaw si Mitsui sa likuran niya.



***

Umalis na si Ashley at naiwan kaming dalawa ni Mitsui sa loob ng kwarto.


Hindi ako makapaniwalang pinuntahan niya ako. Siguro, nandito siya para damayan ako. Inaamin kong bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.


Ilang segundo na ang lumipas, pero hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko. Kaya marahil siya na ang kusang lumapit sa akin.


Nang nasa tapat ko na siya ay pinilit ko nang tumayo. Gusto ko sana siyang yakapin, dahil naghahanap ako ng comfort mula sa kanya. Gustong maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko.


Akmang iaangat ko pa lang ang mga braso ko nang may bigla siyang inilabas na papel mula sa kanyang likuran. Kaya pala kanina pa nasa likod ang kaliwang kamay niya dahil sa hawak niyang papel.


Kumunot ang noo ko nang iabot niya ito sa akin.


"Ano 'to?" tanong ko kay Mitsui.


"Divorce papers," tipid na sagot niya.


Blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha. Walang emosyon, walang kahit na ano.


"We have to settle things between the two of us. I think we already need to divorce our marriage."


Divorce? Ang katagang iyon ang pinakahuli kong gustong marinig mula sa kanya—ang salitang tuluyan nang ikaguguho ng mundo ko.


Bakit ngayon pa? Kung kailan nagdadalamhati pa ako sa pagkawala ng anak namin.


Naikuyom ko nang mahigpit ang palad ko at inihagis ko ang naturang papeles sa ibabaw ng kama.


"Hayop ka!" Mabilis akong lumapit kay Mitsui at sinampal ko siya.


Inipon ko na ang lahat ng lakas ko sa sampal na iyon. Kitang-kita kong bumakat ang palad ko sa namula niyang pisngi. Ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at nanatili lang siyang nakatitig sa akin.


"Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo man lang ba mahintay na makapagluksa ako sa pagkawala ng anak natin? Gano'n ka na ba kaatat na hiwalayan ako? Ni wala ka nang piniling tamang oras!" sigaw ko sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit.


"I'm sorry. It was for all of us." Bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.


Nagsimula na namang pumatak ang luha sa mga mata ko. Nanghihina na rin ang tuhod ko, kaya muli akong napaupo sa gilid ng kama.


"M-mitsui, hindi ko lubos maisip... How could you be so heartless samantalang matagal nang na sa 'yo ang puso ko... Napakasama mo!" nahihirapang sabi ko habang umiiyak.


"Nagagalit ako sa 'yo dahil sinasaktan mo ako nang higit pa sa dapat kong maramdaman... Pero mas galit ako sa sarili ko, kasi ang tanga ko. Dahil sa kabila ng lahat, minahal pa rin kita more than what you deserve!"


Muli kong dinampot ang divorce papers na ibinigay niya. Kinuha ko ang ballpen sa bedside drawer at nanginginig ang mga kamay na pinirmahan ito. Pagkatapos ay marahas ko itong ibinalik sa kanya.


"Ano masaya ka na? Dahil nakuha mo na ang gusto mo? Now, get out!" Ipinagtulakan ko siya palabas ng kwarto. Nagpatuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko, pero wala na akong pakialam.


Nang makalabas na siya ay kaagad kong isinara ang pintuan. Napaupo na lang ako sa sahig at umiiyak na isinubsob ang mukha sa aking mga palad.



**********


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED
8.1M 501 1
Nang dahil sa isang maling akala ay nawala sa akin ang lahat, ang batang nasa aking sinapupunan, ang mga pangarap na magkasama naming binuo, ang pagt...
463 210 29
Ang sabi nila ang pag-ibig daw ay sadyang masakit at may halong saya. Posibleng ang dalawang ito ay maramdaman natin. Sinadya man o hindi. Kung sa pa...
To Last Oleh Priori Shin

Fiksi Penggemar

966K 14.3K 52
FANFICTION CLAUDETTE MONTEFALCO PIERRE TY