Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]

185K 4.5K 332
By simplychummy

CHAPTER 12 [Meet The Family]

 [LIAM]

10a.m ang usapan namin ni Lira, pero dahil alam kong palagi syang LATE kaya 10am ako umalis ng bahay para sunduin sya. Sya naman ang paghihintayin ko! Siguro naman kapag dumating ako dun ay naka-ayos na sya at aalis na kaagad kami. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pa syang sunduin at kung bakit ako pumayag. Hayy. Ibang klase talaga sya.

*ding dong ding dong*

 Lumabas sa may pintuan ang isang matandang babae na nakangiti. 

"Good morning po, is Lira there?" nakangiting bati ko sa kanya.

"Liam?" tanong nya

"Opo" sagot ko. 

"Halika pasok ka, pinagbilin ka sa akin ni Agatha. Mas gwapo ka pa pala kesa dun sa picture na ibinigay sa akin ng alaga ko." masayang kwento nya

"Picture po?" pagtataka ko.

"Ibinigay sa akin ni Agatha kahapon, para daw alam ko kung papapasukin kita oh hindi. Loko talaga yung batang yun." sabi nya

Dumiretso na kami sa sala nila.

"Upo ka muna, kukuha lang ako ng maiinum at tatawagin ko lang si Agatha, baka nagbibihis na yun." sabi nya

"Nagbibihis pa lang po?" tanong ko

"Oo. Umaga na kasi umuwi kanina kaya ayun tinanghali ng gising. Sandali lang ha." at tuluyan na syang umalis

Grabe talaga yung babaeng yun. 10:45am na tapos nagbibihis pa lang? Buti na lang pala hindi ako maagang pumunta dito. Tsk, tsk.

Pinagmasdan ko yung sala nila. Ang tahimik naman dito sa bahay nila. Sila lang atang dalawa nung maid nila yung nakatira dito. Close talaga sila ni Chef Gee. Ang dami nilang picture na magkasama, bakit wala syang picture ng mommy nya? 

"Done looking around?"

Napalingon ako sa nagsalita and there she is smiling at me. 

"Yeah. Hmm let's go?" sabi ko sa kanya

"5 minutes pa." sabi nya

"Huh? Di ka pa rin ayos?" ako

 "Wait lang. Palabas na si Yaya Rosie, hinahanda lang yung pagkain ko." paliwanag nya

 "Sa bahay tayo maglulunch diba?"

"Oo nga. Eh hindi pa ako nagbre-breakfast e."

"11a.m na. Saktong 12nn nasa bahay na tayo, tapos kakain na tayo ng lunch."

"Problema ba yun? Edi kakain ulit."

Bago pa ulit ako makapagsalita, lumabas galing ng kitchen si Yaya Rosie daw, na may dalang lunch box?

"Oh eto na. Pasensya na medyo natagalan. Ito yung coffee mo, tapos may sandwich na din dito saka slice fresh fruit. Ay teka kukunin ko lang yung tubig mo." sabi ni Yaya Rosie at saka bumalik ulit sa kusina.

Hindi ko mapigilang matawa sa nakikita ko. Wow. Ganito ba sya palagi? Parang bata. 

"Hey. Anong tinatawa tawa mo dyan?" inis na tanong nya

"Haha seriously Lira? Hindi tayo magfi-field trip. Sa bahay tayo pupunta bakit may baon ka pa? Ganyan ka ba palagi?" curiuos kong tanong.

"Ano bang masama sa pagkain? Sus, oo ganito ako lagi. Hindi ako pwedeng magutom."

Lumabas na ulit si Yaya Rosie mula sa kitchen, pagkabigay nya ng tubig kay Lira napansin nya na natatawa ako sa nakikita ko. 

"Ay ako Liam, pagpasensyahan mo na tong alaga ko. Ganyan talaga yan e. Hindi yan pwedeng magutom. O sya lumakad na kayo, ingat kayo." sabi ni Yaya Rosie

--

Busing busy si Lira sa pagkain sa loob ng sasakyan ko at hindi nya ko pinapansin magmula nung nag-umpisa syang kumain. Parang naging driver nya lang talaga ako.

“Akala ko lahat ng model hindi malakas kumain dahil petite sila. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko maisip kung san mo nilalagay lahat ng kinakain mo. 5 pairs of tasty bread with chocolate spread, a plate of slice fresh fruits, and a coffee." sabi ko

"Shut up! Magdrive ka na nga lang. In fairness ha, hindi ka naka office attire ngayon."

"Kasi wala ako sa office." sarkastikong sabi ko

"HA-HA."

"Close kayo ng Daddy mo no? Nakita ko kasi ang dami nyong pictures together."

"Yeah, super close."

"How about you Mom? Wala akong nakitang picture nya dun e." curious na tanong ko

"Nowhere to be found. Anong hinanda ng Mommy mo for lunch?" she said and smiled sadly.

"Di ko pa alam, hindi naman ako dun galing e. May sarili akong bahay." 

Bigla nya kaagad iniba yung topic. Kaya sinakyan ko na lang, baka kasi hindi nya talaga gustong pag-usapan. Oh well, hindi ko na dapat pang alamin hihintayin ko na lang na sya ang magkwento kapag gusto nya. 

 

*Villas residence*

 [AGA]

"We're here." Liam said

Bumaba na ako ng kotse nya at pinagmasdan yung bahay nila. Hindi ko mapigilang humanga dahil sa labas pa lang ng bahay nila pansin mo kaagad yung garden na puno ng bulaklak. Ang ganda lang, tanim siguro ng Mommy nya.

Napansin ni Liam na naktingin ako sa garden nila.

"My Mom loves flowers. Kaya mas malaki pa nga ata yung garden kesa sa bahay namin may extension pa ‘tong garden sa likod." Liam said

"Talaga? Wow! May green thumb pala Mommy mo." sabi ko sa kanya

"Yup. Come, let's go inside." sabi nya at nag-umpisa na syang maglakad papasok ng bahay nila.

Woah. Kinakabahan ako! Never pa akong pinakilala ng isang lalaki sa family nya. Well, syempre hindi naman kasi ako nagkakaron ng seryosong relasyon. Hindi ko alam kung magugustuhan ako ng parents nya. Hindi lang ako ipapakilala basta ni Liam. Ipapakilala nya ako bilang FIANCE nya.

Napansin ni Liam na hindi ako nakasunod sa kanya kaya nilngon nya ako.

"Hindi ka ba papasok?" tanong nya.

Lumapit sya sa akin.

"Is there something wrong?" tanong ulit nya

"Wala naman. Hmm do I look presentable? How about my hair? Is it ok? Hindi ba magulo? Make-up ko? Ok lang naman ba? Hindi ba masyadong makapal o hindi ba ako mukang pale? What abo--"

 "Hey, ano ka ba. Don't be nervous." sabi nya

"Oh my. I dont know, hmm what if they will not like me?" tanong ko

"Don’t worry they will like you…trust me. And about your looks? You look wonderful." he said and smiled at me.

Somehow natanggal yung kaba ko.

"Tara?" sabi nya ng nakangiti and held his hand. I absentmindedly took his hand and hold it tightly.

"Relax" he said and gently squeezed my hand.

Pumasok na kami sa bahay nila.

 "Mom!" Liam yelled

 Napansin naman kami kaagad ng Mommy nya at nilapitan kami ng nakangiti.

 "Liam anak, how are you? Akala ko nakalimutan mo na kami ng Daddy mo." sabi ng Mom nya at niyakap sya.

"Sorry Mom…been busy lately, si Dad?"

"Upstairs, oh…hi there gorgeous young lady, so…sya na ba yung future daughter-in-law ko?" sabi noong Mommy nya na nakatingin sa akin. 

Ngumiti na lang ako sa sinabi ng Mom nya. Naiilang pa kasi ako, hindi ako sanay sa tawag nya sa akin ‘daughter in law’? Wew.

"Yes Mom. This is Lira, my fiance and Lira this is of course my Mom, Aly" Liam said

"Good afternoon po Mrs. Villas, nice to finally meet you" I said

"Oh please call me Mom…tutal ikakasal na din kayo ni Liam and I might say…you look gorgeous in person, I've seen you on a fashion magazine. Magaling talagang pumili ang anak ko" sabi ni Tita Aly

"Thank you po for the compliment." I said

"Mukang nagkakasundo na kayo ahh."

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.

"Dad." bati ni Liam.

"Sya na ba yung future daughter-in-law ko?" sabi ng Dad nya na nakangiti.

 “Yup. This is Lira, and Lira this is my Dad, Leo." Pagpapakilala samin ni Liam.

"Welcome to the family Lira, feel free to call me Dad" Tito Leo said

"Come on…lunch is ready." sabi ni Tita Aly.

Nagpunta na kami sa dining room nila. Hay, buti naman at welcome ako sa kanila. Kamuka ni Liam yung Daddy nya, pareho din silang matangkad. Nagtataka lang ako kung kanino nagmana si Liam ng pagiging boring at seryoso. Samantalang yung parents naman nya masayahin at makwento.

I wonder kung ampon lang sya.

 "You two are really in love huh." komento ni Tito Leo

 Pareho kaming nagkunot ng nuo ni Liam dahil hindi namin alam yung sinasabi ng Daddy nya.

Itinuro ni Tito Leo yung tinutukoy nya ng nakangiti at si Tita Aly naman ay katabi nya at nagpipigil ng tawa. Sabay kaming napatingin ni Liam sa tinuro ni Tito Leo.

Hindi namin namalayan na magkahawak pa rin pala kami ng kamay magmula pa kanina. Bigla kaming nagbitaw ng kamay at umiwas ng tingin.

Nakakahiya! Nasan na yung maximum of 1 minute na holding hands? Lagpas 1 minute yun eh!

**********

Continue Reading

You'll Also Like

51.3K 440 33
In my leaving springtime of life, with all the youthful odds to get by, will my feelings reach the quirkily epicene guy I've been telling the papers...
1.1M 15.4K 53
Sa pangarap na binubuo ni Niya, lagi niyang sinasama si Jacob sa lahat ng plano niya. Pero hindi niya alam na hindi pala siya kasama sa pangarap na b...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo