Coiling Dragon Book 1

By xiantana

60.3K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Author's Note
B1C1
B1C2
B1C3
B1c4
B1C5
B1C6
B1C7
B1C8
B1C9
B1C11
B1C10
B1C12
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1C11

1.8K 127 0
By xiantana

Book 1, Chapter 11 – Dance of the Fire Serpents (part 2)

Ang pitong serpyente ng apoy ay nagsiliparan ng mabilis at kahit saan pa man mapadaan ang mga ito ay agaran na nagugumon ng apoy ang mga batong bahay sa malapit. Ang nagliliyab na ningas ay halos umabot na sa alapaap, isang tunay na kalunos-lunos na tagpo. Matapos namang makita ng mga lumikas na mamamayan ang kanilang mga natupok na kabahayan mula sa malayo, ang kanilang puso ay natigib ng labis na pighati.

Subalit sa harapan ng pitong dambuhalang fire serpents, ang kanilang mga bahay na yari sa bato ay para lamang mga laruan nito. Mabilis nitong winasak ang mga iyon. Ang mga alab pa nga na mula sa mga nadelubyong tahanan ay papataas ng papataas sa kalangitan.

"Takbo!" Ang babaeng archer ay wala ng pakialam pa sa iba. Mabillis nitong pinalipad ang griffin nito ng mas mataas.

May limitasyon ang control ng isang fire-element magus sa distansiya na makakayang abutin ng kaniyang pitong fire serpents. Magiging ligtas ang babaeng archer kung sakaling mapapalipad niya sa hangganan ng nasabing distansya ang kaniyang mount.

"Whooooosh." Dalawa sa nag-aapoy na serpyente ang bigla na lamang lumulon sa dalawang babaeng magus at maging sa Vampiric Iron Bull. Halos kasabayan niyon, ang tunog ng nasusunog at nalalapnos na laman ay narinig ng mga nakasaksi. Naisip pa nga ni Linley na mukhang naamoy din nila ang amoy ng nasusunog na buhok.

"Kuya Kerry! Saklolohan mo kami!" Dumagundong ang palahaw ng babaeng Magus. Tigib ng hirap at sakit ang boses nito na nanggaling sa loob ng mismong fire serpent.

Umigik din ang Vampiric Iron Bull. Nakakatakot ang pagkapula ng mga mata nito. Ang lahat ng kalamnan din nito ay patuloy na nanginginig. Hindi ito tumitigil sa pagalit na pag-atungal. Marahil ay nais ng Vampiric Iron Bull na lagpasan ang mga nakapalibot na fire serpents subalit sa kasamaang-palad ay higit na mas malakas ang mga serpyente ng apoy kaysa dito.

"Louisa!" Ang warrior na may pulang buhok ay malakas na napasigaw, ang kaniyang boses ay puno ng pag-aalala.

Hindi nagtagal ay naging abo na lamang ang parehas na babaeng Magus at ang Vampiric Iron Bull. Gayunpaman, ang lalaking warrior na may pulang buhok ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na makapagdalamhati. Siya at ang dalawa pang warriors ay kinailangang kalabanin ang mga nagtatayugang fire serpents sa kanilang harapan. Ngunit sa harap naman ng mga nag-aalab na katawan ng mga serpyente, sila ay nagmistula lamang na mga paslit na walang kakayahang pumalag man lamang.

May kakayahan silang pagbiyakin ang isang malaking bato sa pamamagitan ng isang suntok, pero ano ngayon? Ano ang silbi niyon habang sila ay nililingkis ng mga dambuhalang fire serpents?

"Ahhh!" Habang pinapalibutan ng mga nag-aapoy na serpyente ay hindi mapigilan ng tatlong warriors ang mapahiyaw dahil sa nararanasang pagdurusa.

Kapanabay ng kanilang pagsisigaw ang pagkawala ng kanilang mga battle-qi. Ang tunog ng nasusunog na laman ay muli na naming umalingawngaw. Ang mga kalamnan sa mukha ng tatlong warriors ay nanginginig, ang kanilang mga mata ay nagsisipaglakihan. Sa isang kurap lamang ay nasunog lahat ang mga buhok sa kanilang katawan at kasunod niyon ay ang pagsunog ng kanilang balat, laman at mga buto. Walang kahit anong makaligtas sa bagsik ng apoy ng mga fire serpents.

Matapos lamang ang ilang sandali, ang tatlong mahuhusay na warriors ay na nauwi na lamang sa alikabok.

"Huff... huff..."

Naghahabol ngayon ng hininga ang babaeng archer pero nagpapasalamat siya na nalampasan na niya ang hangganan ng distansiyang kayang abutin ng 'Dance of the Fire Serpents'.

"Luke... Louisa... Kuya Kerry... Ipinapangako kong ipaghihiganti ko kayo. Ipinapangako ko." Napaiyak sa paghihinagpis ang babaeng archer habang pinagpapatuloy niya ang pagpapalipad sa kaniyang griffin sa mas mataas na lugar.

"ZZZT!"

Mula naman sa maaliwalas at walang ulap na kalangitan, isang mabilis at makapal na bolta ng kidlat ang bigla na lamang gumuhit at tumama sa nasorpresang archer. Ang buong katawan nito ay direktahang naging alikabok na lamang matapos lamang ang isang tira na iyon. Maging ang griffin ay hindi nakaligtas at natusta rin. Ang dalawa ay bumulusok pababa mula sa alapaap at marahas na bumagsak sa batuhan ng bayan matapos lumagapak sa mga kahoy na bubungan at sa sahigan ng naturang bahay.

"Gusto mong tumakas? Hmph." Ang misteryosong magus ay umismid lamang.

Sa layo naman na isandaang metro, si Hillman ay napalunok ng malakas, ang kaniyang puso ay napuno ng takot. "Hindi lamang siya isang eight rank magus.... Isa rin siyang Dual Element Magus!"

***

"Ang spell na iyon ay tinatawag na 'Dance of the Fire Serpents'?" Si Linley ay tigagal pa rin na nakatayo sa kinalulugaran.

Ang naglalakihang fire serpents at ang delubyong nagawa ng mga ito ay lubhang nakapagpatulala kay Linley na para bang ito ang unang beses na nakaengkwentro siya ng ganoon. Ang bawat isa sa mga fire serpents ay kasing lakas ng isang Velocidragon. Tapos may pitong ganoon? Ang mga ito ay parang simbolo ng apocalypse. Kahit nga ang mga bahay na yari sa bato ay nagawang tupukin ng mga apoy ng mga iyon.

Sa isang kisapmata lamang, ang apat na naglalakasang warriors, ang dalawang magi at ang archer, kasama na ang kanilang dalawang kasamahang magical beasts ay lubusang napuksa. Kahit ang griffin ay hindi rin nakaligtas.

Ang pitong fire serpents ay nawala na pero dama pa rin ni Linley ang nakakapanindig-balahibong presensiya at kapangyarihang ipinamalas ng mga ito sa lugar. Ang buong battlefield ay natupok din at ang tanging natira ay mga wasak-wasak na batuhan. Ang mga debris na ito ay nagbibigay pa rin ng maiinit na singaw na siyang nagpapatunay sa lakas ng labanang nainda ng mga iyon.

"Kagila-gilalas!"

Dahan-dahang pumayapa ang paghinga ni Linley. Naglalangoy sa kaniyang isipan ang imahe ng pitong nag-aapoy na serpyente at kung paano sila bumaba sa battlefield na animo'y sugo ng delubyo.

Kumpara sa imaheng iyon, kahit ang Velocidragon ay hindi ganoon kamangha-mangha.

Ang tingin ni Linley ay nabaling sa misteryosong magus na nasa likuran ng Velocidragon. Kung pagbabasihan nga naman ang hitsura ay mistulang mahina at maliit ang isang magus.

"Kanina... siya ba ang nagpakawala ng 'Dance of the Fire Serpents'?" Hindi mapaniwalaan iyon ni Linley. Ang isang taong mas malinggit pa sa kaniyang Uncle Hillman ay nagawang mag-cast ng ganoong klase ng apocalyptic spell.

Ang puso ni Linley ay bigla na lang nabalot ng takot habang pinagmamasdan niya ang pigura nito sa malayo.

"Ito ba... ito ba ang isang magus?" Sa unang pagkakataon, ang konsepto ng isang magus ay natanim ng mabuti sa isipan ni Linley.

At kapanabayan niyon...

Si Linley ay nagkaroon ng malakas na pagnanais na maging isang makapangyarihang magus din.

"Kung isang araw, ako ay magkaroon din ng kakayang magpakawala ng kasinglakas na atake..." Matapos magpantasya ni Linley tungkol doon ay naramdaman niya ang pagkulo ng dugo sa kaniyang mga ugat. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na papanabik.

Ng mga oras na iyon?

Natanto na ni Linley ang daang tatahakin niya sa hinaharap.

Para marating ang tugatog, ang tuktok ng kapangyarihan.

"Ama!" Nakita bigla ni Linley ang kaniyang sariling ama na si Hogg. Nang makita nito ang sinapit na kalunos-lunos na trahedya ng Wushan Township, bilang panginoon ng teritoryong ito, ang puso ni Hogg ay napuno ng kawalang-pag-asa.

"Huwag kang mag-ingay." Tiningnan ni Hogg is Linley, ang mga mata niya ay ipinahiwatig ang mensaheng iyon.

Minasdan ni Hogg ang magus, sa puso ay naroon ang pagkatakot. "Isa pala siyang magus ng eight rank. At isa pang dual-element magus! Malamang sa hindi na sa buong kaharian ng Fenlai ay mabibilang sa isang kamay ang dami ng taong mas makapangyarihan sa kaniya. Hindi kapani-paniwala na ang tulad niya ay naligaw sa aming munting bayan..."

Sa puntong iyon, ang tanging hiling na lamang ni Hogg ay ang mabilisang pag-alis ng misteryosong magus para maibalik na niya ang kapayapaan sa Wushan town.

Ang misteryosong magus ay bigla na lamang tumalon pababa mula sa likuran ng Velocidragon. Ang magical beast ay mas mataas pa sa isang bahay na may dalawang palapag pero walang kahirap-hirap na tinalon iyon ng magus.

Pinuntahan ng misteryosong magus ang kinalulugaran ng mga abo ng warrior na may pulang buhok saka nito kinumpas ang mga kamay para paliparin sa malayo ang mga abo. Lumitaw mula sa mga abong labi ng warrior ang isang mala-kristal na diyamante. Sa isang kampay lang ng kamay nito ay kinuha nito ang d'Bero Shadow Diamond.

"Haha, ang d'Bero Shadow Diamond. Sampung taon din kitang hinanap. Sinong mag-aakala na dahil lamang sa nagdesisyonan akong dumaan sa bayang ito ay hindi sinasadyang nahanap kita? Haha... Heymans, ngayong nasa akin na ang shadow diamond na ito, kapag nailagay ko na ito sa aking staff, tingnan ko lang kung makakaya mo pa akong kalabanin sa susunod nating pagkikita. Haha..." Nagsimulang tumawa ng tumawa ang misteryosong magus.

Si Hogg at ang iba pang mga residente ng Wushan township ay nanood lamang ng tahimik sa malayo, hindi lumilikha ng anumang ingay sa takot na magalit ang malakas at misteryosong magus.

"Wushan town, eh... sino ang namumuno sa Wushan town?" bigla na lamang naitanong ng magus.

"Ama..." si Linley ay nataranta.

Sa puntong iyon, si Hogg ay walang ibang pagpipilian kundi ang patatagin ang mga buto sa likuran at umabante. Magalang niyang sinabi, "Makapangyarihang Lord Magus, ako ang namumuno sa Wushan Town."

"Oh." Ang mukha ng misteryosong magus ay natatakluban pa rin ng lilang roba na siyang pumipigil sa mga tao para makita ang mukha nito. Marahan nitong sinabi, "Ang iyong bayan ay dumanas ng ilang seryosong pinsala kanina. Napuksa ko na ang maliit na adventuring party na ito. Sa kanilang mga katawan ay siguradong maraming gold coins. Walang duda na ang mga gold coins ay nalusaw at na-deform na ng aking 'Dance of the Fire Serpents' pero may katumbas pa rin ang mga iyon na halaga. Isipin niyo na lang na sa inyo na ang mga iyon, kumbaga ay compensation ko sa pinsalang natamo ng Wushan town."

Matapos marinig iyon ni Hogg ay nakahinga na rin siya sa wakas ng maluwag.

Mukhang hindi naman na papatay pa ng inosente ang misteryosong magus na ito.

"Ako si Hogg at bilang representante ng Wushan township, ako ay nagpapasalamat sa iyong kabaitan, lord magus." Magalang na yumukod si Hogg ditto.

Marahang tumango ang misteryosong magus. Pagkatapos niyon ay tumalikod na ito saka naglakad papunta sa Velocidragon. Agad namang lumuhod ang Velocidragon saka pinadausdos ang isa nitong binti. Tumapak sa paa ng Velocidragon ang magus saka humakbang ng dalawa bago tinalon ang likuran ng magical beast.

"Hmph." Nagkawala ng atungal ang tinatamad na Velocidragon kasabay ng pagbuga ng putting usok mula sa ilong nito.

Pagkatapos niyon, nagsimula ng umalis ang Velocidragon, ang mga yabag nito ay yumayanig sa kalupaan. Habang pinapanood nila ang dambuhalang nilalang at ang misteryosong magus sa kanilang pag-alis, ang mga tao ng Wushan townhip sa wakas ay napakalma na ng paunti-unti ang kanilang mga puso.

Translations: whosays25


Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
2.5M 186K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
63.2K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.