One Hand, One Heart [Escaner...

By eye_you

15.6K 519 36

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Pagtatapos

Page 30

374 14 1
By eye_you

Page 30

Kept

*****

I looked behind at napaawang ako ng labi nang makilala kung sino yung dumating. 

He was....

"President!!!"    Tumayo ang isa sa bisita ni Henry na lalake at lumapit kaagad sa bagong dating. They friendly hugged.

"Kamusta?"     Nakatawang bati naman ng bagong dating.

Si Aaqil?

Hindi ko alam na friends sila ni Henry.  Haist! Anubayan?!

Naging abala si Aaqil sa pagbati sa mga naroon. Pinagkaguluhan kasi siya agad kaya hindi niya ako napansing halos nasa gilid niya lang. Parang gusto ko namang magtago. Pumailalim kaya ako sa mesa? O umalis na kaya ako? Oo nga! Mag aalibi na lang ako na masakit ang ang tyan ko para makauwi na ko!

"Aaqil!"     Marahang tumayo si Henry para bumati ako naman napayuko.

Tsk! Henry! Pahamak ka talaga!!

"Henry. Salamat sa pag-imbita."     Narinig kong wika ni Aaqil. Parang naging mas malalim yung boses niya. Siguro dahil nagmature pa siya.

Gustong gusto ko na siyang lingunin pero... Grabe! Grabe ang kaba ko. Hindi ko mapakalma ang pintig ng puso ko.

Its been years... Tsk! Years! With -s.

"Mabuti nga at nakarating ka. Akala ko hindi dahil sabi nila Jason nasa ibang bansa ka."     Masigla ang tono  ni Henry habang nagsasalita.

"Kababalik ko lang actually."   Si Aaqil.

"Thats good to hear. Anyway... I want you to meet my wife."

Mariin akong napapikit.   Oh, no, please! Pahamak ka talaga Henry!!

"Asawa mo? Hindi ko alam na nag asawa ka na?"     Ani Aaqil. Na may kasamang tawa.

"I did."  Naramdaman ko ang pagpatong ng dalawang kamay ni Henry sa magkabila kong balikat. Napapitlag ako sa ginawa niya.    "Babes." 

Mabigat akong napabuga ng hangin. Wala na kong choice. Marahan akong lumingon at agad kaming nagkatinginan ni Aaqil.

Nakita ko ang gulat na gumuhit sa kanyang mukha. Alanganin akong ngumiti saka tumayo.    "Ha-hi." 

"Michaella?"      Aniya. Sa wakas ay nakatagpo siya ng boses para magsalita.  

"Ako nga, President. Kamusta?"  I extended my hands to him for a greeting.

I was quite habang naroon. Panay ang usap nila tungkol sa college days. Hindi ko naman sila kabatch but somehow nakakarelate naman ako. Paminsan minsan ay umaalis sa tabi ko si Henry para asikasuhin ang mga inihahain sa amin na pagkain but most of the time ay nasa tabi ko siya. Mabuti na lang talaga. Hindi ko kasi alam kung paano kikilos lalo pa't sa katapat ko lang na upuan nakaupo si Aaqil.

Madalas ang buntung hininga ko.

"Are you okay, babes?'     Masuyong tanong sa akin ni Henry.

Pilit akong ngumiti.   "I think i should go home. Baka naghihintay si Cedes?"

"Nakausap ko na si Cedes. Okay lang daw na late na tayong makauwi."    Nakangiting wika niya.

Halah! Kelan niya siya nakausap?!

"Henry?"    Sabay pa kaming napatingin  ni Henry sa tumawag sa kanya. It was Aaqil.     "Hindi ko alam na kayo pala ni Michaella. Matagal na ba kayo?" 

Napalunok ako at kinabahan.

"Oo nga. We are really curious."    Wika nung girl na nasa tabi ni Henry.     "Paanong nagawa mong itali sa commitment ang isang Henry Santillan?"

"Takot sa commitment si Henry! Hahah..."   Sabi pa ng isang lalake na medyo malayo ang upuan sa amin pero dinig pa rin ang lakas ng boses.

"Mind tell us your story?"      Tinitigan ako nung girl na nasa tabi ni Henry. Kahit pa nasa pagitan lang namin ang asawa ko.

Bumuntung hininga ako at pilit ngumiti sa lahat. Tinignan ko si Henry. Serious face lang siya then....

"Paano nga ba?"     Tinignan ako ni Henry then our eyes met.

Kumalabog ang puso ko sa kaba. Magkukwento ba talaga siya?!

"I've known Milca since college days. Remember, i've become part of the theater club at our last year? Nagperform ako sa music concourse noon."     Iniikot ni Henry ang kanyang tingin sa lahat, naka smile din siya.    "Thats when i first met Milca."

"Dun kayo unang nagkita?"       React nung isang girl.

"Kinda. I sort of see her around before that pero poemal kaming nagkakiola noon sa club na. She seemed aloof kasi sa lahat that time kaya hindi ako makaporma."

Aloof? I'm not that aloof atsaka.... Hindi naman siya nagka interest sa akin noon ah?!

"Wow! May perks din pala ang pagiging Santillan."    Pang aasar ng isa sa kaibigan niya then nagtawanan sila.

"After graduation natin ay hindi na kami nagkita. I thought, ganun na lang yun. But then, unexpectedly, we met in a bar ome night and you know...."     Henry looked at me again and wink.

Nag init bigla ang magkabila kong pisngi. Umiwas ako ng tingin.

I remember that night. So much remembered!  Bwisit !! Bakit kailangan niyang sabihin yun ah!!!

"Got drunk and hooked up?"    React nung girl na katabi ni Henry.

"Uuhhh..."     Halos iisa ang naging reaction nila.

"Hindi na naman nakakagulat ang bagay na yun."     React nung Jason na sinang ayunan naman ng halos lahat.

Sinamaan ko na talaga ng tingin si Henry pero mukhang wala siyang balak na tumigil!

"Yeah. Pero hindi na kami nagkita after that night."     Dugtong ni Henry.

"Did you looked for her?"    Tanonh ng isang girl.

"Yeah. I did. I just didn't have the luck."    Nakatawang sagot ni Henry.

"Must have been tough times, Milca."       Anang girl sa tabi ni Henry na hindi ko sure kung nakikisimpatiya ba o nang aasar lang,

Pilit akong ngumiti.

"Akala ko talaga hindi na kami magkikita pero.... Years din ang lumipas and nang magkita kami uli at sa kasalan na."      He looked at me and smiled.

Halah!!!

"Kaninong kasal?"    

"My cousin's wedding."

"Tapos niligawan mo na siya at .... Pinakasalan?"     Dugtong ng isa sa bisita niya.

"Yeah. That's what happened."    Nakangiting tumango si Henry.

Parang ang bilis ng mga nangyari. Ngayon ko lang din na realize....

Napabuntung hininga ako ng malalim.

"Chances don't come easily, you see. And i don't wanna miss another chance for us. Hindi kaya madaling pasagutin ng Oo si Milca."       Natatawang wika niya.

"Hahahaha.... Tama lang yan sa yo! Nakahanap ka ng katapat mo kay Michaella!"     Tumatawang react ng isa sa naroon. Nagkatawanan sila.

"Oo nga. Kilala pa naman yang si Henry na noturious sa mga babae. Lalo na sa mga magagandang chics. Tsk. I remember our ball times. Lahat ng girls naka sunod ang tingin kay Henry. At kahit sinong babae ang ligawan niya. Napapasagot niya."       Nagtawanan uli sila. 

"So... Tell us Michaella."     Napatingin ako sa girl na nagsalita. Nasa tabi siya ni Aaqil sa kabilang side ng mesa.      "Paano mo naman napa-commit ang isang Henry Santillan?" 

Natigilan ako. 

Ano nga bang isasagot ko  Napapilig ako  ng ulo at sandaling natahimik. Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay ang isasagot ko. Pero..... Hindi ko alam ang isasagot. Tinignan ko si Henry at nasalubong ang tingin niya. Ngumiti siya.

"Actually, "     i smiled back at him. Pilit na ngiti.      "It's his choice. Sabi nga nila. Kahit ikaw pa ang pinakamabait at loyal na girlfriend o kaya ay mahal na mahal niyo ang isa't isa. You can't keep a man unless that man want to be kept by you."

Walang nagsalita after kong sabihin yun. Katahimikan lang hanggang sa isa sa kanila ang sumang ayon sa akin at nagtawanan sila.

I know they get me somehow.

Mukhang naniwala naman sila sa sinabi ko. So i guess it was okay.

Nasa labas ako ng coffee shop at doon na nagpasya na maghintay kay Henry. Nasa tapat lang din naman ako. Isa isa nang nagpaalam ang mga bisita niya at any moment ay makakauwi na kami. Madilim na. Almost nine na ng gabi. Naiisip ko na kung kamusta na sina Cedes at Thea. Hindi naman kasi ito naiplano.

Isang tikhim ang nakaagaw ng atensyon ko. Lumingon ako at nakita si Aaqil na nakatayo na sa malapit sa akin. My heart beats faster. Sa kaba. I guess.

Ngumiti siya at humakbang ng isa pang beses. Nakapamulsa sa kanyang mga bulsa ang dalawang kamay.

"Uuwi ka na?"    Pilit akong ngumiti. Ewan ko ba. Sa kaba ko, hindi ako makakilos ng ayon sa tama.

Kasi naman.... This is my ultimate crush looking at me. Bakit hindi ako kakabahan?

"Yeah. It's nice to see you again."    Aniya. Huminga siya ng malalim.     "You... Look great."  

"Thanks."     Lihim akong napasinghap.    "Ikaw din naman."  

"Thanks."     Tumango siya ng mahina.    "How.... About Emery? Magkasama pa rin ba kayo?" 

Pilit akong ngumiti.     "Ang totoo. Hindi na. Sa America na kasi siya naka-base kaya hindi na kami nagkakausap."

"Ohw, i see."     

Sandaling katahimikan.

Sabay kaming natigilan at napatingin sa may pinto ng coffee shop nang bumukas iyon. Magkasunod na lumabas ang isa sa babaeng bisita ni Henry at si Henry mismo. Yung girl ay siya ring katabi niya kanina.

Agad kaming nagkatinginan ni Henry pero blanko lang ang face expression niya.

Tumayo naman ng deretso si Aaqil at humarap sa dalawa.  

"Aaqil, akala ko nakaalis ka na."     Si Henry.

"Paalis na talaga ako. May tinanong lang ako sa wife mo. Anyways... I'll go ahead."     Lumapit siya kay Henry at nagshake hands sila. Bumaling siya pagkaraan sa babaeng nasa tabi ni Henry.    "Gusto mong sumabay Lia?"  

"No thanks. I have my car."     Sagot kaagad nang girl.

Ahh... Lia. Oo nga pala. Si number sixteen.

Nagkatinginan kami ni Henry pero agad siyang nagbawi ng tingin.

"Ingat kayo kung ganun."     Nakangiting bumaling siya kay Lia.

"Oo. Thanks for today Henry."     Hinawakan ni Lia ang kanang kamay ni Henry.

Lihim akong napasinghap.

"Tawagan  na lang kita, okay?"       Ani Lia habang matamis ang ngiti kay Henry.

Napaiwas ako ng tingin saka napabuntung hininga.  Antagal nilang magpaalamanan ah. Nakakainip.

"Okay. I'll wait for your call."   Narinig ko pang sagot ni Henry.

"Milca?!"   Tawag sa akin nung girl. Agad naman akong lumingon.     "We'll go ahead."     Kumaway pa siya sa akin.

Geh lang.    "Ingat."    Pilit ang aking ngiti.

"Bye, Milca."    Paalam sa akin ni Aaqil.

Tumango lang ako at ngumiti.

Sinundan pa namin sila ng tingin habang papasakay ng kanilang kotse. I mean, halos magkatabi lang pinark nila na sasakyan at halos magkasunod na silang umalis.

Mabigat akong napabuga ng hangin.

"Milca~~"

"Umuwi na tayo."    Walang ganang sabi ko. Tinalikuran ko na siya at humakbang papalapit sa kotse niyang naroon lang din naman.

Nawalan na talaga ako ng gana. Parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong kinausap masyado sa mga naroon sa party. Kaya nga habang nasa biyahe kami pauwi ay nakahilig na lang ako ng ulo sa headrest ng seat ko. Nakapikit ang mga mata. Hindi naman ako nakatulog. Basta nakapikit lang ang mga mata ko. Ayaw ko na rin kasing magsalita pa.

Tulog na si Thea nang makarating kami sa bahay. Si Cedes na lang ang naabutan namin. Pagkarating namin ay nagpaalam na rin ito agad at nagmagandang loob na si Henry na ihatid ito.

Habang wala si Henry ay inayos ko na ang aking sarili para makapagpahinga. Nag-shower ako ng sandali at nagpalit ng komportableng pajamas. Kaya lang.....paghiga ko sa kama namin ni Thea....hindi naman ako inaantok. Parang nawala yung antok ko.

Haist.

Lumabas na lang muna ako ng room at nagpunta sa kusina. Iinom na lang ako ng gatas. Yung mainit para makatulog na ako.

Habang umiinom ako ng natimpla kong gatas ay narinig ko ang pagdating ni Henry. Humakbang akong papalabas ng kusina at naabutan siya na nakaupo sa sofa. Nakasandal siya roon at nakapikit ang mga mata.

He looked tired. Sabagay. Nakakapagod din ang ganap ngayon.

Tumikhim ako dahilan para mapamulat siya at mapatingin sa akin.

"Gising ka pa?"     He asked in low voice.     "Si Thea?"

"Tulog. Gusto mo ng tubig?"  

Mahina siyang tumango at agad akong kumilos pabalik sa kusina. Kumuha ako ng mataas na baso at nagsalin doon ng tubig na malamig mula pa sa ref. Hindi ko naman namalayan na nakasunod pala siya sa akin. Pagpihit ko pabalik sa salas ay nasalubong ko siya at nagulat ako.

"Oh?!"   Muntik ko nang mabitiwan yung baso pero mabilis niya akong nahawakan sa isang braso. 

"Opps! Sorry."    Aniya.

Agad na nag-connect ang mga mata namin. Hindi ko malaman kung anong gagawin in instance kasi naman... Ang lapit niya sa akin. As in... Sobrang lapit.

Nahagip ko ang sarili kong paghinga dahil sa kaba.

"Ahm...e-eto."    Inilahad ko sa kanya ang baso na hawak ko. Nanginginig na nga ako.

"Thanks."    Marahan niyang kinuha yung baso sa kamay ko. Nagkadikit pa nga ang mga balat namin at agad agad dumaloy sa ugat ko ang kakaibang kilabot.

I gulped.

"Si-sige na. Matutulog na ko."      Akmang lalayo na sana ako sa kanya nang muli niya akong hawakan sa braso at hilahin ng marahan pahinto. Nagkatinginan kami ng mata sa mata.

"Can we talk?"    Malumanay niyang tanong.

Kinabahan ako. Sa totoo lang nawi-wirduhan ako sa kilos niya.

Lumunok akong muli at mahinang tumango.

Humakbang siya paabante. Umatras naman ako. Hindi ko maintindihan kung anong balak niya pero hindi niya binibitiwan yung braso ko. Ilang hakbang pa ang ginawa niya hanggang sa maramdaman kong mapasandal ako sa may sink. Napasinghap ako ng marahas.

A-ano bang binabalak niya?

Inilapag niya sa sink yung baso tapos ay humawak sa edge nun. Para akong tuod na nakatayo roon. Para niya akong ikinulong sa mga braso niya,hindi ako makakilos.

"Ahf!"     Umiwas ako ng tingin at bumuntung hininga.     "A-ano ba yun?"

"I just wanna thank you about earlier."       Mahinang aniya, sapat lang para marinig ko.

"Aahh, yun ba? Walang anuman."       Itinaas ko yung mga kamay ko para manulak kaya lang hindi ko rin magawa. Mabigat akong napabuga ng hangin.     "Ba-bakit ba ang lapit mo naman? Pwede bang umatras ka?" 

"Masyado bang malapit?"     Pero imbis na lumayo ay lalo pa niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

"Henry?" 

"Do you like Aaqil?"     

Natigilan ako bigla sa tanong niya. Napatingin ako ng deretso sa mukha niya at nakitang seryoso na siyang nakatitig sa akin.

"Wa-what?"      Hindi ako makapaniwala sa tanong na yan.

"You like him. I saw it in your eyes. Nagulat ka ng makita mo siya." 

"Of course nagulat ako. Nagulat din ako na makita ang mga kabatchmate mo!"      Mariin kong sabi. 

Anong pinupunto nitong ugok na toh?

"Pero alam ko na mas nagulat kang makita si Aaqil. Why?"

"Pwede ba Henry! Wag mong gawan ng issue ang kanina! Natural lang ang naging reaksyon ko kanina! Ano bang gusto mong palabasin?"

Hindi naman siya nakaimik. Nanatili siyang nakatitig sa akin at malalim ang bawat hinga. Naiinis naman ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Tsk. Okay. Fine! "      Napapiksi ako.     "Nagulat talaga ako na makita siya. Syempre! Totoo. I like him before. Crush ko siya noon alam yun ni Emery at nang buong club namin pero hindi niya ako gusto. Si Emy yung gusto niya. Si Emy yung tinitignan niya at kahit kanina.... Si Emy pa rin yung tinanong niya sa akin."

Parang kinurot ng paulit ulit at pinong pino ang puso ko. Dumaloy sa ugat ko ang kilabot at sakit. Ewan ko ba kung bakit pati mga mata ko ay unti unting nag init. Parang anumang moment ay iiyak na ako.

Sandaling namayani sa amin ang katahimikan.

"Do you still like him?"      Mahinang tanong niya.

"Of course not!"      Muli kaming nagkatinginan ng mata sa mata.

"Okay. Thats good."      Aniya.  Napasinghap ako ng ilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. Lalo akong hindi nakakilos.     "Thats enough to know dahil ayokong magka-kompetensya ng galing pa sa past. Past is past Milca. Mahalaga iyon pero nagdaan na. So we must move on to the future, right?"

Anong pinagsasabi nito?

"Whatever past you and him have. I don't want that to interfere to our now. Kaya gusto kong linawin kung may nararamdaman ka pa sa kanya. Ayokong maging conflict pa natin yun."

Napaawang ako ng labi.

Conflict hah? What does he mean by that?!

"And i want to clear a thing rigth now, Michaella."     Ipinilig niya ang kanyang mukha at inilapit ang sariling labi sa tapat ng tenga ko.

Yung kilabot ay lalong kumalat sa sistema ko.

"I only plan to be kept by you ever since that night. I am so damn yours."     

Natulala ako.

Muli niya akong tinignan sa mukha pero masyado akong tulala para makapag isip ng sasabihin. Hindi ko na rin naisip na umiwas nang magaan niyang dampian ng halik ang aking labi.

Napakurap kurap ako ng mga mata.

Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nagaganap but....

Nablanko na lang na lang nang tuluyan ang isip ko ng muli niya akong halikan sa labi. Mas matagal at mainit. Hindi ko na namalayan na ipinikit ko na ang mata ko at humahalik na rin ako pabalik.

Kapwa kami naghahabol ng hangin pagkaraan. Nakaawang pa rin ang labi ko habang nakatitig kami sa mata ng bawat isa.

"Your kiss taste sweet, babes. Sweet milk."       Mahinang wika niya na nagpainit ng sobra sa magkabila kong pisngi. He smirked a little.      "Matulog ka na babes. Baka hindi ako makapagpigil at kung saan pa kita madala."  

Napakagat labi na lang ako.

*****

Updated: December 1, 2016

*Please vote / comment / share. Salamat. Godbless.

Merry Christmas!!!!!! 😘😘😘😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

475K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

79K 2.2K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...