Coiling Dragon Book 1

xiantana tarafından

60.3K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... Daha Fazla

Author's Note
B1C1
B1C2
B1C3
B1c4
B1C5
B1C6
B1C7
B1C8
B1C11
B1C10
B1C11
B1C12
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1C9

1.9K 127 0
xiantana tarafından

Book 1, Chapter 9 – Magical Beast – Velocidragon! (part 2)

"Kapitan, anong nang nangyari?" Pabulong na tanong ni Lorry kay Hillman.

May munting ngiti sa mga labi ni Hillman. "Yong mahiwagang magus ay mukhang may di napagkasunduan sa isa pang grupo. Dito lang tayo at manood. Wag na tayong makialam." Si Hillman ay isang mandirigmang nasa ika-anim na ranggo lang, ang totoo ay ayaw ding makialam ni Hillman.

Ang Velocidragon ay isang bagay na hindi niya kayang labanan, paano pa kaya ang mahiwagang magus.

Ang lakas ng grupo na binubuo ng pitong ka tao ay hindi rin mahina. Lima sa mga ito ay mandirigma, habang ang dalawa ay magus. Ang leader ng grupo ay malaking lalaki na magulo ang pulang buhok, nakasakay ito sa likod ng kasing itim ng gabi na toro. Kumikinang ang dalawang sungay na bakal sa ilalim ng ilaw, kulay itim at nakakapangilabot.

Ang pulang mata ay nagpapakita lamang sa totoong natural na kakayahan ng toro----'Vampiric Iron Bull', isang magical beast na nasa 5th-rank.

Suminga ito, may usok na nagsimulang lumabas sa ilong ng toro.

Sa pitong katao sa grupo, ang apat ay lalaki at tatlo ang babae. Parehong magi ang dalawang babae, habang ang pangatlo ay isang archer. Maliban sa Vampiric Iron Bull, ay may isang pang malaking ibon na lumilipad sa himpapawid.

'Griffin' – isang magical beast na nasa 4th-rank!

Ang ulo nito ay leon, pero may dalawang malalaki at malakas na pakpak. Para sa isang grupo na may dalawang magical beast at dalawang magi, klaro na ang grupo na nangahas ay hindi ordinaryo.

"Mga kaba, mas mabuti pa sigurong ibigay ninyo sa akin ang diamanteng 'd'Bero shadow'." Ulit na sabi ng mahiwagang lalaki na nakaupo sa Velocidragon.

"Lord magus, hindi namin nais na maging kaaway mo, pero para makuha namin itong diamanteng 'd'Bero shadow' ginugol namin ang hindi mabilang na oras at pagsisikap. Ang halaga niyon ay sobra pa sa isang daang libong ginto, pero ikaw, Lord Magus, gusto mong bilhin ito sa halagang pitong daang ginto. Napa...napakaimposible nito." Seryosong sabi ng pinuno ng grupong may kulay pulang buhok.

Habang nakinig sa di kalayuan si Linley, sa tabi ni Hillman, ay noon lang naintindihan nito ang lahat.

Ito palang mahiwagang magus ay gustong bilhin ng pitong daang ginto ang diamanteng 'd'Bero na nagkakahalaga ng isang daang libo.

"Wow, ang presyo ng diamante..." nagulat si Linley. "Para maging ganun kamahal ang diamante, halata na itong diamanteng 'd'Bero ay may nakakabit na kahulugan. Dahil kung hindi, hindi mangyayaring ang magus na ito ay baba sa kanyang antas at puwersahang bilhin ito."

Ang alok na pitong daang ginto, para sa bagay na may halagang isang daang libo. Hindi nakapagtataka na ang maliit na grupong ito ay ayaw iyong tanggapin.

"Hmph!" Malamig na tikhim ng mahiwagang magus.

"Meron lang akong pitong daang ginto. Ngayon, handa pa rin akong gumamit ng pera para bilhin ko ito sa inyo. Kung kayo ay hindi marunong umatras at gawin ang nakakabuti sa inyo...pwes, hindi lang sa wala kayong matatanggap na kahit isang pirasong ginto, mawawala din ang buhay ninyo." Ang sabi ng magus sa nagyeyelong boses.

"Grrrrrrrr."

Ang Velocidragon na mas mataas pa sa karamihang mga bahay sa bayan ay umaangil na naging dahilan kaya umuuga ang mga kalapit na mga bahay.

"Kapitan, ibinuwis natin ang ating buhay para makuha ang diamanteng 'd'Bero shadow. Paanong basta nalang tayong yuyuko sa harapan ng lalaking ito at ibigay ito?" malamig na sabi ng babaeng nakaitim. Bilang may karanasan na adbenturerong grupo, ang pitong taong ito ay naranasan na ang maraming pakikipaglaban at hindi madaling sumusuko.

Ang pulang buhok na kapitan ay seryosong nagsalita, "Marangal na Lord Magus, ako ay membro ng 'Cayley Clan sa kaharian ng Fenlai..."

Ang kapitan na ito ay gustong gamitin ang impluwensiya ng angkan nito para mapilitang kalimutan na nito ang lahat.

Pero malas nito, dahil ang mga makapangyarihan na magi ay kakaiba at walang pakialam tungkol sa mga maharlikang pamilya.

"Pinili ninyong lahat ang kamatayan." Nanunuyang sabi mahiwagang magus.

"Mag-ingat." Sa isang iglap, ang pito ay agad na humanda. Ang apat na mandirigma ay sumugod sa harapan, ang babaeng archer sa likod at hinila ang string ng pana nito at ang dalawang babaeng magi ay nagsimulang maghanda ng kanilang salamangka.

(ME: original text 'careful', meaning mag-ingat. Karaniwan na sa mga Chinese light novel ang salitang ito. Ibig sabihin nito ay 'pay attention' o di kaya'y be careful)

"Rwaaawr!"

The huge Velocidragon opened its mouth, and an enormous plume of fire erupted from its fangs, headed directly for the party.

Ibinuka ng dambuhalang Velocidragon ang bunganga nito, isang malaking apoy ang lumabas mula sa bunganga na deretsong patungo sa grupo.

(the original text was fangs, the heck!)

Kung saan mapadako ang apoy, ang daang bato sa ilalim ng nagliliyab na apoy ay nagsimulang nauka, nabiyak at nadurog sa sobrang init habang ang buong daan ay naging uling.

"Mag-ingat." Ang sabi ng pulang buhok na pinuno sa buong tinig, habang ang buong katawan nito ay nababalot ng battle qi. Ang iba pang tatlong mandirigma ay binuhay din ang battle qi.

(By the way battle qi is energy)

Ang pulang buhok na pinuno ay may hawak na malaking espada (Claymore/great-sword) sa dalawang kamay nito. Sunod-sunod na inihataw nito iyon sa malapit na haliging bato, malakas ang tunog na parang kulog, ang haliging bato ay bumagsak, daan-daang mga bato ang gumulong sa lupa at bumuga palabas ang alikabok.

Sa mga sandaling ito, ang apoy na galing sa Velocidragon ay binalot ang apat na lalaki, na ginamit naman ng kanilang battle qi para labanan ang apoy.

"Hah!"

Ang kulay pulang buhok na lalaki ay sinipa ang isang malaking bato na halos kalahating metro ang haba patungo magus.

Ang tatlong mandirigma ay ganun din ang ginawa, pinagsisipa ang malalaking bato ng may bilis at lakas na tirador. Ang apat na bato ay hinihiwa ang hangin, sumisipol habang tumatagos patungo sa naka upong magus sa malaking Velocidragon.

(Me: whew! Dumudugo ang ilong ko)

"Swish! Swish! Swish!"

Sunod-sunod ang batong umatake sa magus. Sa isang kisapmata, ang mga bato sa bumagsak na pader ay naubos.

Habang pinapanood ang labanan mula sa malayo, naikuyom ni Linley ng mahigpit ang mga kamay.

"Sobrang galing. Talagang ginamit pa ng mga ito ang mga paa para lang sipain ang malalaking bato." Habang nanunood sa apat na lalaking walang tigil sa pagsipa ng malalaking bata, pakaramdam ng paghanga si Linley sa mga mandirigma. "Kahit na, ang Velocidragon ay mas makakapangilabot!"

Habang nakatitig sa Velocidragon, pinanuod ni Linley ang parang latigong buntot nito habang humahampas-hampas nito sa harapan.

"Krak! Krak! Krack! Krak!"

Isa-isang nadudurog at naging alikabok ang mga malalaking bato. Ang mga bato ay hindi man lang nakalapit para masaktan ang magus na nasalikod ng Velocidragon.

"Swooosh! Ang buntot ng Velocidragon ay mukhang walang makakasangga. Sinasakop nito ang malakin glugar, pag ito ay dumaan sa mga bahay na bato, hinihiwa nito iyon na para bang ang bahay ay gawa sa putik. Ang mga bato ay mababasak ng walang konting pagtutol. Isa-isang bumagsag an gmgabahay, gumugulong ang mga bato kahit saan at ang buong bayan ng naligo sa alikabok.

"Roaaar! Kahit sa gitna ng malabagyong alikabog, ang atungal ng Velocidragon ay maririnig, habang patuloy na naglabas ng apoy sa bibig.

Sa buong panahon ang dalawang babaeng magi na nasa likod ng grupo ay nagpatuloy sa pagbulong ng mga orasyon. Ang salita ng mahika ay lubos na kakaiba sa ordinaryong lenguwahe na ginagamit sa kontinente ng Yulan. Mahirap iyong intindihin at kakaiba ang tuno. Hindi nagtagal, natapos din ang dalawa sa kanilang orasyon.

"Protective Icy Carapace!"

Ang dalawang babaeng magi ay umaawit sa mahinang boses. Sumabog ang nakakasilaw na liwanag sa kanilang katawan, ang apat na sinag ay bumabalot sa apat na mandirigma na naparang Kristal na armor.

Ang may pulang buhok na pinuno ay nagagalak. Sa pamamagitan ng parang Kristal na talukab na sumusuporta sa kanyang battle qi, ngayon ay mas malakas ang loob niya sa labanan.

"Atake!" utos ng pulang buhok na pinuno.

Ang apat na mandirigma ay halos magkasabay na muling tumira ng apat na mga bato, sunod-sunod na inatake ng mga ito ang magus. Pagkatapos ay sumunod ang apat na mandirigma at kasing bilis ng mga panang pinakawalan patungo sa Velocidragon.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

393K 28.5K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
2.9M 226K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...