Coiling Dragon Book 1

By xiantana

60.3K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Author's Note
B1C1
B1C2
B1C3
B1c4
B1C5
B1C7
B1C8
B1C9
B1C11
B1C10
B1C11
B1C12
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1C6

1.9K 131 3
By xiantana

Book 1, Chapter 6 – Coiling Dragon Ring (part 1)

Sa ilalim ng init ng araw, ang mamula-mulang ulap ay halos tabunan ang buong kalangitan, nagbibigay ng pulang kulay sa buong mundo.

"Sobrang dali ng paglilinis dito sa ancestral hall."

Pag-alis galing sa ancestral hall, inaamin ni Linley na nasobrahan siya sa paghahanda. Naglaan siya ng isang oras sa trabahong ito, pero pagkatapos ng labinlimang minuto ay natapos na siya sa paglilinis.

Sa kontinenti ng Yulan, ang bawat taon ay nahahati sa labindalawang buwan, bawat buwan ay may tatlumpung araw, at bawat araw ay may dalawampu't apat na oras, bawat oras ay may animnapung minuto. Karamihan sa mga maharlikang pamilya ay may pag-aaring pendulum at makapagsabi ng wastong oras. May mga sobrang mayaman o sobrang taas na katayuan na mga indibidual ang maaring may matikulusong gawa na mga orasan para sa kamay. (Wristwatch)

"Ang ancestral hall ay nililinis kada buwan. Sa prangkang pagkasabi, sa darating na buwan, ang ancestral hall ay hindi masyadong madudumihan. Ang tanging gagawin ko ay punasan ito. Mayroon pa akong halos isang oras bago magsisimula ang aking pagsasanay. Ano ang gagawin ko?" Nababatong nagpalinga-linga si Linley.

Ang lumang mansion ng mga Baruch ay may limang libong taong kasaysayan.

Ang mga bahay sa harapan ay nililinisan araw-araw, pero sa silid ng mas malaking bahay sa likuran, maliban sa ancestral hall ay natatabunan ito ng alikabok, at may mga litak pa ang dingding. Mga ligaw na dumi at berdeng lumot at tumatabon sa sahig at umakyat pa sa dingding.

(psyche: to help you have an inkling about courtyard, please see image below.)

"Heeeeey..." Nang makita ang napakalumang kalagayan ng bahay ay kumislap ang mga mata ni Linley. "Maraming lugar sa likuran na hindi na nabibisita sa loob ng halos isang siglo. Meron kayang natitirang lumang gamit dito?"

Sa naiisip, nagsimulang kumalabog ang dibdib ni Linley.

"Kung makakita ako ng importanteng gamit ay ibibigay ko ito kay papa, walang duda na matutuwa ito." Huminga ng malalim si Linley, pagkatapos ay pumasok sa giba-gibang silid malapit sa ng ancestral hall. Maingat ang bawat hakbang na naglakad si Linley, hawak-hawak ang isang matibay na kahoy sa kamay na ginawang pangtanggal ng agiw, hinayaan nito ang sariling maghanap ng maigi.

Pagkapasok palang sa silid ay pumasok na ang nabubulok na amoy sa ilong ni Linley. Makikita ang makakapal na agiw sa bawat sulok at mga naggagalawang gagamba.

Maraming agiw na tumatabon sa mga kurtina at dekorasyon. Kung tingnan sa malapitan, ang mga kurtinang ito ay halatang sa sinaunang panahon pa. Malas nga lang at gutay-gutay na ito at hindi na halos makilalang kurtina.

"Kung ang mga kurtinang ito ay hindi sana nasira, walang duda na malaki ang halaga nito." napailing si Linley. Nagpatuloy na tiningnan nito ang silid, gamit ang kapirasong kahoy, inalis nito ang patong-patong na agiw habang masusing naghanap.

Tiningnan nito ang sahig, ang mga kabinet at tiningnan din nito kung may nakatagong lagusan ba sa dingding.

"Ayon sa mga librong nabasa ko, karamihan ay may mga nakatagong pihitan o daanan." Maingat na kinatok ni Linley ang mga dingding at pinapakinggan ang tunog niyon.

Sobrang nagustuhan ni Linley ang pakiramdam na naghahanap ng nakatagong yaman sa silid. Pero may nakalimutan ito. Kung nagawang maisip ito ni Linley, hindi ba't ang kanyang ama, lolo at ang mga nakakatanda sa kanilan angkan ay maaring naisip din ng mga ito?

Ang lumang mga silid ay matagal nang nilimas ng mga patay nang ninuno ng Baruch clan.

Isang walong taong gulang lang si Linley. Kahit na ang istriktong pagtuturo sa angkan nito ay nakatulong maagang mahinog ang isip nito, may malaking agwat sa pagitan nito at sa mga matatanda na. Natural na hindi nito maisip ang ganito ka kompletong pananaw.

"Wala sa silid na ito. Ang kasunod naman..." lumabas si Linley sa unang silid at pumasok sa pangalawang silid.

Sa katunayan, may maroong maraming silid sa likurang bahagi ng courtyard. Kung tutuusin, ang harapang bahagi ng coutyard kung saan nakatira sina Linley ay kabuang sakop nito ay pangatlong bahagi lang ng buong manor. Ang likurang bahagi ng courtyard ay mas malaki. Mauubos siguro ni Linley ang buong araw bago matapos na masuyod nito ang buong courtyard.

"Ang mga dekorasyong ito ay nasira. Walang kahit isa ang may halaga." Muli ay lumabas si Linley sa walang lamanna silid.

Napatingin si Linley sa kalangitan.

"Eh, mukhang malapit na ang oras para sa aking pagsasanay. Mayroon nalang akong mga labinlimang minuto o higit pa." lumingon si Linley at napatingin sa napakalaking silid. "Titingnan ko nalang ang huling ito, yong malaki. Uubusin ko ang sampung minuto sa paghahanap. Kung wala akong makita, aalis na ako para magsanay."

Nang makabuo ng desisyon, tumakbo si Linley patungo sa malaking silid.

This ancient room was much larger than even the main hall in the front courtyard. Stepping inside, Linley carefully scrutinized the place. "I bet hundreds of years ago, this was the dinner hall for our Baruch clan." From the ornaments and furniture, Linley could tell that this was a living hall.

Itong lumang silid ay mas malaki kumpara sa main hall ng harapang courtyard. Pag-apak sa loob, masusing tingingnan ni Linley ang buong lugar. "Pupusta ako ilang daang taon na ang nakaraan, ito ang kainan ng aming Baruch clan."

Mula sa mga palamuti hanggang sa mga kagamitan, masasabi ni Linley na ito ay ang sala.

Isang engrandeng bulwagan.

"Halughugin ko muna ang buong sahig."

Gaya ng dati, nakayuko ang ulo at idinilat ni Linley ang mga mata, at isa-isang sinimulan ang maingat na paghahanap sa bawat silid. Pag may nakita itong interesante, tutuktukin nito iyon ng dalawang beses sa dalang kahoy. Kung ito ay gawa sa bato, ignorahin nito iyon. Yamang wala itong oras bago magsimula ang pagsasanay, bumilis din ang paghahanap nito.

"Oras na para siyasatin ang dingding at kurtina. Oi. Ito na ang huling pag-asa ko." napangiwi si Linley habang sinuyod ang kapaligiran. "Mga ninuno, umaasa akong may iniiwan kayo sa akin na isa o dalawang bagay makita. Kahit na ito ay maliit na bagay lang."

Maingat na siniyasat ni Linley ang dingding, pati na ang pagsilip sa likod ng mga gutay-gutay na kurtina.

Sa lumang dingding ay may mga nabubulok na mga kabinet bawat isa ay may maliliit na mga lalagyan. Hinila pabukas ni Linley ang bawat isa na mga lalagyan, pero lahat ng mga ito ay walang laman, sobrang linis niyon. Ang tanging nasa loob ng mga iyon? Mga alikabok.

"Hay!"

Pagkatapos buksan ang huling lalagyan, naramdaman ni Linley ang mapait na pagkabigo sa kanyang puso.

"Pagkatapos kong maghanap, kahit isa ay wala akong nakitang mahalagang bagay. Ang tanging nagawa ko ay tabunan ang buo kong katawan ng pawis at alikabok." Napatingin si Linley sa kanyang damit. Marumi na iyon ngayon. Hindi napigilan ni Linely ang sarili ng makaramdam ng pagkayamot.

Isang beses pang napasulyap si Linley sa silid.

"Hmp! Makaalis na nga." Galit na ginamit nito ang kahoy na nasa kamay para malakas na ihataw sa malapit na kabinet, na para bang doon nito gustong ilabas ang lahat na namumuong galit sa halos isang oras na walang silbing paghahanap.

"Tsug!" Matigas na tumama ang kahoy sa kabinet.

Ang kabinet ay sobrang luma na. Pagkatapos ngatngatin ng maraming anay sa loob ng ilang daang taon, hindi nito nakayanan ang bigat. Pagkatapos tamaan ng malakas, nagsimulang tumunog ito at lumangitngit.

Nang marinig ito, hindi napigilan ni Linley maalarma at mapalingon sa likuran. "Patay! mukhang babagsak!" Habang naghahanap sa ibang silid, marami na ring nasirang mga kagamitan si Linley, kaya sanay na ito.

Mabilis na umiwas ito sa kabilang gilid.

Sa huli, ang kabinet na mas mataas pa ng doble kay Linley ay bumagsak. Malakas ang pagbagsak nito sa sahig, nagkabali-bali iyon sa pito o walong piraso, na mas lalo pang naging sanhi na matabunan ang buong silid ng alikabok. Pero hindi nakita ni Linley na nakatago sa gitna ng alikabok ay...

Sa pagkawasak ng kabinet, isang itim na singsing na nakatago sa loob ng haligi ang nagpagulong-gulong palabas at bumagsak sa sahig.

"Ew, ew!" nandidiring sabi ni Linley at mabilis na umiwas sa papalapit na alikabok.

"Napakamalas! Ang buo kong katawan ay napuno na ngayon ng alikabok, pupusta akong malapit ng magsimula ang pagsasanay. Mas mabuti pang umalis na ako para maligo at magbihis ng malinis na damit." Itinulak ni Linley para buksan ang pinto at lumabas sa lumang silid.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 477K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
409K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
2.9M 226K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...