Coiling Dragon Book 1

By xiantana

60.3K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Author's Note
B1C1
B1C2
B1C3
B1C5
B1C6
B1C7
B1C8
B1C9
B1C11
B1C10
B1C11
B1C12
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1c4

2.2K 156 3
By xiantana

Book 1, Chapter 4 – Growth (part 1)

Dumating ang panahon ng tagsibol, unti-unting naging kulay berde ang mga dahon ng Poplar malapit sa bakanteng lupain sa labas ng bayan ng Wushan. Sa bakanteng lupain, may grupo ng mga kabataang nagsusumikap na nagsasanay. Halos isang taon na ang lumipas mula ng mangyari ang pagsusuri sa dugo ni Linley, ngayon ay walong taon na si Linley. Sa loob ng nakalipas na panahon, nakita ni Hillman kung paanong mas lalong nagsumikap si Linley!
(Me: alam ko-alam ko! Paanong pagkalipas ng isang taon naging 8 yrs old si Linley gayong klaro kanina na anim na taon lang siya? Aba malay ko? 'Yaan n'yo na maganda naman ang story! Enjoy nalang natin! Malay nyo mali ko pala? Hahaha!)

"Magaling Linley! Panatilihin mo yan! Panatilihin mo yan!" Pagpalakas loob ni Hillman mula sa isang tabi.

Sa oras na iyon, ang tanging suot ni Linley ay pantalon. Ang itaas ng katawan nito ay tagaktak sa pawis, ang katawan nito ay banat na banat, para iyong gumang binibinat hanggang sa kahit anong hila mo ay hindi na mabibinat pa, nasa sukdulan na kumbaga, nakahiga ito sa lupa. Ang mga kamay ay nakatukod sa lupa, kasing tuwid ng kahoy, habang ang ibang parte ng katawan nito ay walang kagalaw-galaw. Sinusuportahan nito ang sarili sa pamamagitan ng 'push-up position', ng mga kamay at dulo ng kanyang mga daliri sa paa. Banat na banat ang buong katawan nito!

Ito ay isang ehersisyong pagsasanay na tinatawag na 'Static Tension'.

Isang simple pero mabisang paraan sa pag ehersisyo. Kung ang isang tao ay aabot sa antas kung saan makakaya nitong panatilihin ang ganitong posisyon sa loob ng isang oras, ang katawan nito ay hindi na matatakot sa mga ordinaryong espada at tabak.

Drip, drip!

Tumutulo ang pawis ni Linley mula sa noo. Ang pawis ay pumapasok sa kaliwang mata ni Linley, hindi nito mapigilang mapangiwi sa sakit.

"Galing talaga ni Ley. Walong taong gulang palang, pero nakaya nitong tapatan ang mga labing-tatlong taong gulang na sumasagawa ng 'Static Tension exercise'." Kuwentuhan ng ibang mga batang nakahiga sa lupa habang pinapanood si Linley.

""Ley, pag-igihan mo! Pag-igihan mo para sa aming lahat! Talunin mo ang mga labing tatlong taong gulang!" Sigaw ng batang kulay mais ang buhok na si Hadley.

"Oo nga, pag-ipagpatuloy mo yan Ley!" Nakikisali na rin ang ibang mga bata.

Maganda ang relasyon ni Linley sa ibang mga bata. Kahit na galing sa isang maharlikang angkan si Linley, mabait ito sa mga anak ng ordinaryong mamamayan at lagi din nitong tinutulungan sa pag-eensayo.

"Kailangang panatilihin ko ito. Kailangang panatilihin ko ito." Pabalikbalik na sabi ni Linley sa sarili.

Sa isip ni Linley, ang salitang sinasabi ng ama nito isang taon na ang nakalipas ay palaging umaalingawngaw. "Linley, tayo ay pamilyang Dragonblood Warrior clan. Bilang isang membro ng Dragonblood Warrior Clan may lamang ka pero may kahinaan din! Ang lamang mo ay, kahit na hindi sapat ang lapot ang dugong Dragonblood na nanalaytay sa ugat mo, ang iyong katawan ay mas malakas kumpara sa mga ordinaryong tao. Maaring mahirap para sa iba na maging isang 'sixth rank warrior' sa pamamagitan ng pagsasanay lang, pero ikaw, medyo madali para sa iyo."

"Pero, ang kahinaan mo ay ito. Ang mga anak ng Dragonblood clan ay hindi maaring magsanay ng battle qi sa pamamagitan ng normal na mga manuals. Iyon ay dahil ang dugo sa ating katawan ay pwede lang magsanay gamit ang 'Secret Dragonblood Manual'. Magkakaproblema ito sa lahat ng ibang klaseng paraan ng pagpapalakas ng battle qi. Ang malas lang dahil tanging ang may malapot na dugong Dragonblood ang maaring pagsanay sa ganitong paraan gamit ang 'Secret Dragonblood Manula'. Kaya naman hindi ka maaring magpapalakas ng iyong battle qi."

"Isa pa, kahit na ang tiyorya ay kahit sinong nagsasanay sa katawan ay maaring marating ang sixth rank, tiyorya lang ito. Sa mga nagsasanay na ganito, ang bilang ng mga taong nagtagumpay ay mabibilang lang sa aking dalawang kamay. Pero para sa mga kagaya natin ay iba. Kahit na gaano pa ka labnaw ang dugong Dragonblood na nanalaytay sa ating katawan, mataas ang antas ng umpisa natin. Sa pagsasanay palang, maari na nating maabot ang sixth rank. Ang iyong Lolo sa tuhod, sa pamamagitan ng pagsasanay lang, naabot nito ang seventh rank!"

Malinaw na tinandaan sa utak ni Linley ang sinasabi ng ama.

Napaungol si Linley, "Mas malakas ako kaysa ibang taong kilala ko, iyon ay dahil sa dugong Dragonblood sa aking katawan. Pero dahil hindi ako maaring pagsanay ng battle qi, ang tanging pagpipilian ko ay ang magsikap, at magsikap pa ng tudo! Kung nagawa ng aking Lolo sa tuhod na maging isang 'seventh ranks warrior', ako rin...ako rin ay maabot ang '8th rank warrior! O kahit na ang '9th rank'! Walang imposible para sa akin!"

Isang '8th rank warrior'!

Ang mandirigmang nasa ika siyam na ranggo ay masasabing pinakamalakas na eksperto sa buong bansa ng Fenlai. Ang mandirigmang nasa ika walong ranggo, kahit na hindi nito maibalik ang dating katanyagan ng pamilyang Baruch, maari naman itong mabago ang kinasasadlakang sitwasyon ngayon ng kanilang angkan!

"Kailangang tiisin ko ito!" Napatiimbagang si Linley

Sa puntong ito, pakiramdam ni Lnley ay parang pinagkakagat na ng maraming langgam ang mga kalamnan. Ang kanyang buong katawan ay nangangatal, at ang bawat kalamnan sa kanyang katawan ay panginginig.

Bawat isang kalamnan ay makikitang nanginginig.

Pagkaraan ng mahabang oras, sa huli...

Thud!

Pagod na bumagsag si Linley sa lupa.

"Ang sarap sa pakiramdam." habang nakahiga sa lupa ay nagrelax ang katawan ni Linley, ramdam na ramdam nito ang pamamanhid ng buong katawan. Lahat ng kalamnan sa buong katawan nito na dumadaan sa pagsasanay ay unti-unting lumalaki. Kahit na hindi pa halata ang paglaki nito sa isa o dalawang beses na pag-ehersisyo, pagkaraan ng matagalang pag-eehersisyo, makikita din ang epekto nito.

Sa isang tabi ay kontentong tumango si Hillman.

Pagkaraay naging malamig ang mukha nito at nilingon ang mga kabataang may edad na labing-apat at labing-lima. "Lahat kayo siguraduhin ninyong magtiis! Walong taong gulang lang si Linley, gayong kayo ay halos binata na. Wag ninyong hayaan na mangyaring malampasan kayo ng isang walong taong gulang!"

................

Pagkatapos ng pang-umagang ehersisyo, nagpaalam si Linley sa kanyang mga kaibigan at umuwi sa kanilang manor. Kung may estrangherong makakita kay Linley ay akalain nitong nasa labing isa o labing dalawang taon na ito, at hindi walong taong gulang.

Ang mga inaapo ng mga Baruch ay totoong kakaiba sa ibang lalaki.

"Kuya!" pagkakita kay Linley, ang malusog na si Wharton ay nagmamadaling lumapit.

"Tama na yan Wharton. Pawisan ang buong katawan ko. Hayaan mong maligo muna ako." natatawang tapik ni Linley sa mukha ni Wharton.

Napaingos si wharton. "Alam ko naman na pagkatapos mong maligo, tuturuan ka na naman ni papa."

Bilang membro ng maharlikang angkan, bata palang ay nagsisimula na ang pag-aaral ni LInley. Ang limang libong taon na Baruch clan ay mas estrikto tungkol sa mahalagang edukasyon kaysa sa mga dugong bughaw.

"Tama na yan Wharton, makikipaglaro ako sayo mamayang tanghali." nakatawang sabi ni Linley.

Si Wharton ay isang bata, habang si Linley naman ay mas matandang mag-isip.

Pagkatapos maligo at magpalit ng malinis na damit, pumasok si Linley sa study ng ama. Sa oras na iyon, ang ama nitong si Hogg Baruch ay nakaupo sa likod ng lamesa, tuwid na tuwid ang likod nito. Sa harapan ni Hogg ay ang tatlong makakapal na libro.

"Papa!" Magalang na yumuko si Linley.

Malamig na tumango si Hogg, mabilis na naglakad palapit si Linley dito.

"Kahapon ay ipinaliwanag ko sa iyo ang kasaysayan ng kontinente ng Yulan. Ulitin mo uli iyon sa akin." malamig na sabi ni Hogg.

Ito ang totoong Hogg.

Ang mga pagkakataong niyayakap nito ang umiiyak na Linley ay sobrang dalang namangyayari. Karaniwan, ang pakikisama ni Hogg kay Linley ay mabubuod sa isang salita: Estrikto. Si Hogg ay nagsisikap sa walang maging mali sa lahat ng bagay. Hindi nito pinapalampas ang mga mali ni Linley.

"Opo papa." kalmadong sabi ni Linley.

"Sa kontinente ng Yulan ay may tatlong mapanganib na mga lugar. Ang pinakanumero-unong kabundukan, ang 'Mountain Range of Magical Beast'. Ang pangalawang kabundukan, ang 'Mountain Range of the Setting Sun'. At ang pangatlo ay ang 'Forest of Darkness'. Ang laki ng lugar na inuukpa ng tatlong mapanganib na mga lugar na ito ay sobrang laki. Ang 'Mountain Range of Magical Beast ay halos sakupin ang buong kontinente, mula hilaga hanggang timog, sinasakop nito ang libo-libong kilometro. Sa loob nito ay ang hindi mabilang na mga magical beast, kasama na dito ang mga Saint-level na mga magical beast na may kapangyarihang sirain ang kalangitan at wasakin ang mundo. Dahil sa 'Mountain Range of Magical Beast, ang kontinente ng Yulan ay nahahati sa maraming rehiyon."

"Sa kanlurang bahagi ng kabundukan ng Mountain Range of Magical Beast, ay may labing isang kaharian at tatlumpu't dalawang 'Duchies'. Sa loob ng mga kaharian at dukedom na ito ay may dalawang mahalagang bahagi. Ang una ay ang Holy Union, na ang kaharian ng Fenlai ay siyang pangunahing kaharian. Ang pangalawa ay ang Dark Alliance, na ang pangunahing kaharian ay ang kaharian ng Heishi. Ang dalawang alyansa ay palaging sinasalungat ang isa't-isa at palaging nag-aaway dahil ang isa ay kontrolado ng Radiant Church, samantalang ang isa ay kontroladong "Cult of Shadows'.

(Me: ang pinuno ng duchies ay duke. Paran Brun lang sa EM.)

"Sa silangang bahagi ng 'Mountain Range of Magical Beast', ay may apat na Imperyo, anim na malalaking kaharian at hindi mabilang na duchies! Ang apat na mga imperyong ito ay sobrang laki at hindi ito naimpluensiyahan sa kahit alin sa dalawa, ang Holy Union o ang Dark Alliance. Sa apat na imperyong ito, ang pamumuno ng emperador ay walang makakabali. Kahit alin sa apat ay maikukumpara sa Holy Union."

"Ang apat na imperyo ay ang central Yulan Empire, ang southeastern Rhine Empire, eastern Rohault Empire at ang northern O'Brien Empire." pagkatapos masabi lahat ni Linley ng deretsahan ay bahagya itong nakahinga.

"Ito lang?" kunot noo ni Hogg.

Magpapatuloy na sana si Linley ng bigyalng putulin ito ni Hogg. "Matanong kita, sa loob ng Holy Union, ilang kaharian at duchies meron?"

"Sa loob ng ating Holy Union, mayroong anim na kaharian at labing-li...labing-pit..." panakunot noo si Linley.

Ilang ba ang duchies na meron ang Holy Union? Medyo malabo ang memorya ni Linley. Hindi siya sigurado kung labing lima ba o labing pito. Hindi niya masigurado.

"Hmph!"

Malamig at malupit ang mukha ni Hogg, may kinuhang itong kaperasong kahoy, masunuring inilabas ni Linley ang mga kamay.

'Whap!'

Nanliliit ang mga matang hinataw ni Hogg ang kamay ni Linley gamit ang kapirasong kahoy. Isang pulang linya agad ang makikita sa kamay ni Linley, walang magawa si Linley kundi magtiim-bagang, ni hindi ito gumawa ng ano mang ingay.

"Linley, tandaan mo, nakatira tayo ngayon sa Holy Union. Dapat alam mo ang lahat tungkol sa Holy Union!" malamig na tumingin si Hogg sa anak. "Sa buong kontinente ng Yulan, ang pinakaimportanteng entidad ay ang apat na imperyo at ang dalawang alyansa."

Tumango si Linley.

Kahit na simple ang pagkasabi ng ama, alam at naintindihan ni Linley ang mas malalim na ibig sabihin nito.

"Sa pinakadulo ng hilaga, ang Holy Union at ang O'Brian Empire ay naghahati ng hangganan. Habang ang Dark alliance at Yulan Empire ay nagpang-abot. Sa ilalim ng pamamahala ng Radiant church, ang pagkakaisa ng ating Holy Union ay hindi papahuli sa ibang imperyo.
Habang nakikinig sa ama ay sumang-ayon si Linley sa mga sinasabi ng ama nito.

Kahapon ay marami siyang binabasang libro. Halata na ang Holy Union ay makonsedirang 'cultural center' sa buong kontinente ng Yulan. Gayundin kung ang pag-uusapan ay tungkol sa lakas ng ekonomiya, kapantay nito ang Yulan Empire, kaya ang dalawa ay ang pinakamalakas na ekonomiya sa buong mundo.

Idagdag pa ang suporta dito ng Radiant Church.

Ang Holy Union ay totoong napakamakapangyarihan.

"Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang sining," malamig na sabi ni Hogg. "Bilang tagasunod ng ating maharlikang lahi, kailangang malalim ang pagkakaintindi at pagpahalaga mo sa sining. Ang sining ang siyang nagbibigay ng isang maharlika nang bigat ng pagkatao!" May hinugot si Hogg na isang kasing kapal ng kamao na libro at agad na binuksan.

"Sa taong 3578 ng Yulan calendar, si grandmaster stone-sculptor na si Proulx, ay ipinanganak...."

Sa isang gilid ay seryosong nagtutro si Hogg habang si Linley ay pilit na tinandaan sa utak nito. Gusto nitong maabot ang pamantayan ng ama.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
18.2K 875 31
| ON-GOING | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenly stabbed by...