Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~2~ And They Meet Again
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~33~ Floral Scent

169K 4.5K 571
By marielicious

~33~ FLORAL SCENT

 

CHLOE’S POV

Inaamin ko, medyo hindi ako mapakali simula nung araw na sinundo ako ni Dustin sa mall. Malakas ang kutob ko na nagsinungaling siya sa akin nung araw na yun. Ewan ko ba, malakas lang yung instinct ko na may maling nangyayari lately. Pero dahil ayokong magkaroon kaming dalawa ni Dustin ng issue, mas pinili ko nalang na mag-obserba.

Friday na. Ngayong araw na ang closing ng second semester. Ako? Eto, sitting pretty dito sa library. Wala naman na akong gagawin eh. Settled na ang clearance ko. Gusto ko mang makipagchikahan at makipagkulitan sa mga sissies ko like usual, hindi ko pwedeng gawin. Si Gail? Ayun, nangibang-bansa na kasama si Nathan. Grabe, wala akong ka-ide-ideya na nagqualified sila sa student’s exchange program ng E.H.U. Ni hindi ko nga alan na meron pa lang ganun na kachorvahan dito. #MedyoUnfair. >.<

Anyway, si Kaye Anne naman, busy sa kanyang buhay. Ugh, never mind her. Naiinis ako sa kanya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit umalis si sissy Gail :(

Haaaayyyy… Bakit ganito ang buhay?

“Hey… Ayos ka lang, mhine?” =___=

Si Dustin pala. Hindi ko namalayan na nandito na siya sa harapan ko. Kanina ko pa siya hinihintay dito. Ang tagal niya. Hindi ko nalang siya kinibo. Pinagpatuloy ko lang ang pakikipagtitigan ko sa mesa.

“May problema ba, mhine?”

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago ko siya tinignan. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito.”

“Uhh,” umayos muna siya ng upo. “Umuwi muna ako saglit. May kinuha lang ako. Gutom ka na ba?”

“Hindi…”

“Tara, iuuwi na kita,” yaya niya sa akin. Tumayo na siya, samantalang ako, ni hindi man lang gumalaw, kaya bumalik na lang ulit siya sa pagkakaupo. Ugh, hindi ko alam kung bakit ako nanlulumo ngayon. “Iniisip mo ba ang pag-alis ni Princess?”

 Princess. He’s pertaining to Gail.

 “Wala lang ako sa mood.” At halata naman yun sa boses ko.

Napakurap nalang ako ng mga mata nang haplusin niya ang pisngi ko. Automatikong napatitig na ako sa mga mata niya. Napansin ko na hindi na ito masyado katulad noon na malamig kung tumitig. Tumaas ang isang sulok ng labi niya… He’s smiling to me.

“Hindi ako sanay na tahimik ka. Nagtatampo ka ba sa akin?”

Tinitigan ko siya sa mga mata niya. “May dapat ba akong ikatampo, Dustin?”

I don’t know if it’s just me or did I really see him stop for a split-second? “… Nagpapalambing ka lang ba sa akin, mhine?” Nginitian niya ako ng pilyo. “—Sabihin mo lang, para maging aware ako, at nang malambing kita.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngiti. ANAK NG PITONG PUTING TUPA… Alam niya na talaga kung anong magpapangiti sa akin, at dahil dun, napangiti na tuloy ako.

“Ikaw---” inabot ko ang noo niya at binigyan ito ng mahinang pitik. “Magaling ka talaga sa pangfiflirt ano? Siguraduhin mo lang na ako lang ang ginaganyan mo, Jimenez, kundi makakatikim ka sa akin ng flying kick… sa ilong.”

“Gusto mo naman eh,” sabi pa niya at tuluyan na niya akong hinila patayo. Nagpatangay nalang ako sa kanya palabas ng library. “Iuuwi na kita. Traffic ngayon.”

“Hmm? Gala muna tayo, mhine…”

“Hindi ako pwede ngayon. May pupuntahan pa ako.”

Yan. Yan ang isa sa mga ikinalulumo ko. Tuwing yayayain ko siyang mamasyal nitong mga nakaraang araw, lagi niyang sinasabi ang linyang yan; may pupuntahan pa ako. What makes you busy nowadays, Dustin?

 

***

Wala naman masyadong nangyari kahapon. After E.H.U, diretso na ako sa bahay dahil dun ako hinatid ni Dustin. Nag-facebook lang ako kagabi tapos pagkakain ko ng dinner, natulog na rin ako. Summer na. Walang magawa. Missing in action ang mga sissies ko. Ano bang pwedeng gawin?

And out of boredom, napagdesisyunan kong ngayon ko ibibigay ang regalo ko para kay Dustin. Nakalimutan ko nga pala si Doraemon pillow at ang necktie. Hindi ko na dapat ito patagalin pa dahil err… super duper late na nga naman ang pagbibigay ko ng gift para kay Dustin. First time ko pa namang magbigay ng regalo sa boyfriend ko. >.>

So, ayun nga, bago ako dumiretso sa pad ni Dustin, naisipan kong dumaan muna sa grocery shop para bumili ng ingredients. Dahil sa wala naman akong magawa ngayong araw, why not spend my time on cooking for Dustin? Oha! Edi ako na ang maeffort na girlfriend sa balat ng lupa. LOL XD

2PM na nang makarating ako sa condo ni Dustin. Kahit na haggard na haggard ako sa pagbitbit ng mga paper bags na ito sa mga bisig ko, ginawan ko pa rin ng paraan na makapagretouch akey~ Aba, hindi naman pwedeng mukha akong dugyot sa harapan ng isang neat na si Dustin… and oh well, alaskador na Dustin na rin. =.=

Pagkatapos kong magretouch sa harapan ng pinto ng pad ni Dustin ay pinindot ko na yung buzzer.

Buzz… buzz… buzz..

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto, at napataas ang isang kilay ko sa bumungad sa akin mula sa loob.

“Oh! Hi, Chloe,” bati sa akin ng hindi ko kilalang lalaki na kilala ako. Teka, bakit niya ako kilala?

I smiled awkwardly. “Hi? Sino po kayo? Si… Si Dustin po, nasaan?”

Nagpout naman siya sa akin tapos ay napakamot siya sa batok niya. “Ganyanan na, Chloe ah. Ako ‘to, si Wayne,” tinuro niya ang nakataling buhok niya na parang pineapple, “Nakatali lang ang bangs ko, hindi mo na ako nakilala?”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Si Wayne? Woah. Hindi ko siya nakilala.

“Bakit naman kasi nakatali ‘yang bangs mo?”

“Mainit eh. Nililinis ko pa naman ang pad ni Dustin,” kinuha niya mula sa bisig ko ang mga hawak kong paper bags. “Tulungan na kita dyan. Pasok ka…”

Pagkapasok ko sa loob ng pad ni Dustin, medyo napakamot ako sa ilong ko. Alam niyo yung alikabok? Parang naghehello sa ilong ko!

“Acchoo~”

Ayan na. Nabahing tuloy ako. Bakit ba ang kalat ng pad ni Dustin ngayon? Dati naman, well-organized ang mga gamit niya ah. Ngayon naman, nakakalat ang DVDs, papers, books, pinagkainan na junkfoods, at kung ano-ano pa sa sahig.

“Anyare?” Yan nalang ang nasabi ko.

“Hindi ko nga alam eh. Naabutan ko nalang na ganito na ang unit ni Dustpan,” sagot ni Dustin na nagsisimula nang pulutin ang mga kalat sa sahig. “Bakit ka nga pala nandito, Chloe? Wala si Dustin dito.”

Nakitulong na rin ako sa pagpulot ng mga damit. “Saan siya nagpunta?”

“Hindi mo ba tinext?”

“Hindi. I-susurprise ko nga siya dapat eh…”

Narinig ko yung familiar na ingay sa pwesto ni Wayne. Pagtingin ko, binuksan niya na pala yung vacuum cleaner. “Dapat makikikain lang ako ng lunch kanina dito. Wrong timing naman ako kasi paalis na si Dustin. Sabi niya, kumain nalang daw ako dito tapos isarado ko nalang ang pad niya pagkatapos ko,” sinundan ko lang siya ng tingin habang nagvavacuum siya. “Hindi ko naman maiwanan na ganito ang pad niya. Ano ba yan, titirahan na yata ito ng ahas sa dumi eh!”

Ewan ko ba, pero napatawa niya ako sa sinabi niya. Infairness, ang cute ni Wayne. Kalalaking tao, metikuloso sa paglilinis.

“Hindi naman ganyan yan si Dustpan eh. Allergic yun sa dumi. Unless, may problema yung weirdong yun,” dagdag pa niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Problema? Anong problema naman nun? Wala naman siyang inoopen sa akin. Oh, I mean, hindi nga pala siya open sa akin. Secretive yun eh… Pamysterious. Tsk.

“Wayne…”

Nilingon niya ako. “Oh?”

“Tingin mo… May problema ba talaga si Dustin ngayon? He’s been acting weird lately.”

SILENCE…

“Hahahahahahahaha!”

Okaaaay… Anong nangyayari kay Wayne? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Ikaw talaga! Parang ngayon mo lang nalaman na weirdo yang binoyfriend mo,” sabay sapo niya sa tiyan niya, “Rinig mo yun?”

“Ang alin?” Mana siya sa best bud niya. Weirdo. -_-

Tinuro niya ang tiyan niya. “Miryenda na yata? Nagugutom na ako,” sabay pout ulit niya.

I chuckled in his cutesy, “Marunong ka bang magluto?”

“Oo naman. Huwag mo lang akong pagsaingin ng kanin!”

“Oh, sige. Tulungan mo akong magluto, tapos pagkakain natin, tutulungan din kitang maglinis ng buong unit. Game?”

Mukhang masunuring bata naman itong si Wayne. Bata? Yeah, isip-bata ang kasama ko, kaya hindi ako makaramdam ng pagkailang kahit na kaming dalawa lang ang tao sa pad na ito.

 

***

Tick… tock… tick… tock…

 

Nakakain at nakapaglinis nalang kami sa kitchen at sa living room, pero hindi pa rin dumadating ang may-ari ng bahay. Gusto ko sanang itext si Dustin kaso mawawala naman yung sense of surprise kapag ginawa ko yun. Aba, minsan lang ako bumisita ng kusa dito sa pad ni Dustin. Usually, ako ang dinadala niya dito eh.

4:30PM na ayon sa clock na nakapatong sa bedside table. Itong bedroom naman ni Dustin ang nililinis namin ngayon. Grabe!! Pwede nang tirahan ng gagamba ang kwarto niya sa tindi ng cobwebs. >.<

“Hindi ko alam kung bakit ako naglilinis dito,” narinig kong sabi ni Wayne na kasalukuyang nagtatanggal ng alikabok sa book shelf gamit ang duster. “Hindi ko lang talaga siguro matiis na madumi ang pad ng kahit sino. Minsan, may pagkasira-ulo ako eh. Linis ng linis kahit hindi naman sa akin… Hayaan na nga lang, kaibigan ko naman yung taong yun eh.”

Ilang oras na kaming magkasama ni Wayne pero wala akong ginawa kundi ang tumawa. Alam niyo yung problemado? Siya yun eh. Parang siya yung tatay ni Dustin dahil sa pagkakunsumisyon niya.

“Hinawaan mo ako, Wayne. Wala naman akong balak maglinis eh. Nandito ako para magluto,” tumungo naman ako sa kama at inayos ang bed sheet nito. Pagpag dito. Pagpag doon. “Teka, palitan na kaya natin ang bed sheet?”

“Mabaho na ba?”

Dahil sa tanong niya ay inamoy ko nga yung bedsheet na Doraemon ang design. Sa hindi malamang dahilan, lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko sa naamoy ko. Pamilyar… Napakapamilyar ng amoy na ito.

“Uy, sininghot mo na yan, Chloe. Tara, palitan na natin?”

Pabango ng babae. Hindi naman ganito ang pabango ni Dustin. Bakit ganito ang amoy ng bedsheet?

“Uy, ayos ka lang, Chloe? Amin na nga yan---” Inagaw na sa akin ni Wayne yung bedsheet at siya na ang umamoy dito. “Mabango pa naman. Huwag na nating palitan. Baka kakapalit lang eh.”

“B…Bakit amoy-babae?” Wala sa sariling tanong ko.

“Naku, hindi mo ba alam na puro floral scent ang fabric conditioner sa laundry shop?”

Kung sabagay… May punto siya. Ano ba, Chloe. Bakit ba ang paranoid mo?

Hindi na namin namalayan na 7PM na pala. Sa paghihintay kay Dustin, hindi namin namalayan ang oras dahil nakatapos na kami ng dalawang movie ni Wayne. Sabi kasi niya, sasamahan daw niya muna ako habang hinihintay si Dustin. Pero bakit ganun? Bakit hindi rin alam ni Wayne kung saan ang whereabouts niya? Saan ba nagpunta yung lalaking yun?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Haaaayyy… Nakakapagod ang araw na ito.

“Uuwi na ako, Wayne.”

“Hindi mo na hihintayin si Dustin?”

“Hindi na…”

“Sige, hatid na kita sa lobby…”

Nag-insist pa si Wayne na ihatid ako sa lobby kahit na ayaw ko. Sino nga ba ang mananalo sa makulit na nilalang? Napakapersistent eh. So, ayun nga, hinatid niya ako hanggang sa lobby. Syempre, iniwan ko na yung gift ko para kay Dustin sa pad niya. Nakakadismaya. Nakakatampo. Nakakadisappoint itong araw na ito.

“Ouch!”

Dahil sa pagkatulala ko, hindi ko na namalayan na may nakabangga na pala ako. Chloe naman, bakit absent-minded? Tutulungan ko na sana siya sa mga nalaglag niyang gamit pero naunahan na ako ni Wayne.

“Sorry, Miss,” paulit-ulit na sabi ko.

“It’s okay--- Wow, Wayne?!”

“Jenine?? Woah. Kailan ka pa nakabalik?”

“Nung Monday lang.”

Obviously, magkakilala sila. Okay, napakaliit ng mundo. Si Jenine? Yung Ate ni Kelly na nakilala ko last year ay kakilala ni Wayne? Okay. Medyo nawindang ako, pero hindi ko na pinahalata. Mas nangibabaw pa rin ang pagkadismaya ko kay Dustin.

“How are you, Wayne?”

“A…ayos lang ako,” sagot ni Wayne at hindi ko alam kung bakit pinatong niya pa ang kanang kamay niya sa braso ko. Napaigtad tuloy ako. At dun lang ako napansin ni Jenine.

“Oh!” Mukhang nasurprise din siya. “Diba ikaw si… Uhm, ikaw yung tumulong sa kapatid ko last year? What’s your name again?”

 Magsasalita pa lang sana ako nang sumingit si Wayne.

“Kaibigan ko… Si Chloe.”

“Small world it is!” Medyo hindi ako nakapaghanda sa pagbeso niya sa akin. Natigilan tuloy ako. Parang napako ang mga paa ko sa ginawa niyang yun. “Nice to meet you again, Chloe. I’m Jenine, remember?”

“Y-yeah…”

“Uhm… J-Jenine, una na kami ha? Kailangan na kasing umuwi ni Chloe. Gabi na…” Sabat ni Wayne at diniinan niya pa ang hawak sa balikat ko. “Nice to meet you again.” At dun na ako tinangay ni Wayne palabas ng lobby.

Dug. Dug. Dug. Dug.

 

Yung pabango sa handkerchief. Yung pabango ng bedsheet. Yung pabango ni Jenine. Floral… Perfume… Pare-parehas…

No, napaparanoid lang ako. Pagod lang ito. Nagkataon lang siguro yun. Hindi ko na dapat itong problemahin pa.

--

A/N: Sabi ko, next year pa ang update pero hindi ko natiis. Huwag niyo lang akong ipressure para magkasundo tayo guys ha? Kailangan ko nang tapusin ito sa January. Bukas ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
592K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
16.3M 25.2K 6
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral, para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Pero dahil di sapat ang ipin...
103K 1.9K 81
Part 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #27...