The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FORTY-FOUR

3.5K 79 21
By Itst4sha

[ERICK'S POV]

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Kathy ng ihinto ko ang kotse sa tapat ng isang pizza parlor. Tinted naman ang kotse kaya walang makakakita sa amin mula sa labas.

"Akala ko ba gusto mo silang makita?"

Nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata pagkasabi ko noon.

"N-nandito sila?" pagkasabi ni Kathy noon ay sinubukan niyang buksan ang pinto. Buti na lang at maagap ako. Alam ko kasing gagawin niya iyon.

"E-erick?" Lumingon siya sa akin. Her eyes were pleading.

Hindi ako dapat magpadala sa mga iyon.

"Ang usapan natin, pagmamasdan mo lang sila." matigas kong sabi. "Hindi ka lalapit. Hindi mo sila kakausapin."

"Kakausapin ko lang sila sandali!" Pilit pa rin niyang binubuksan ang pinto.

"No." Pagmamatigas ko pa rin.

Mula sa loob ng kotse ay kitang-kita niyang nakatayo sina Damon at Sthep sa ilalim ng isang malaking puno sa labas ng establisyimentong iyon. Damon was giving some sorts of flyers. Sa hula ko, laman niyon ang anumang impormasyon ni Kathy.

Poor Damon.

"Erick please ... I need to talk to them." Pakiusap pa rin ni Kathy sakin.

"Sige." Sabi ko habang nakangisi. "Pero hindi ka bababa sa kotseng 'to."

Pinaandar ko ang sasakyan.

Mula sa lugar kung saan kami nakaparada ay dahan-dahan kong pinaandar iyon hanggang sa mapadaan kami sa tapat nila Damon. Gusto kong matawa sa itsura niya. Mukha siyang basahan. Nanlilimahid sa pawis.

I will make this a little hard for you my friend.

Nang matapatan namin sila Damon ay binuksan ko ng bhagya ang bintana sa tapat ko. This will do.

"Damon!" Sigaw ni Kathy, dahilan para lumingon si Damon.

His eyes were wide open. Para siyang nakakita ng multo. Alam kong masakit iyon para sa kanya. But that was nothing compared to what I've felt when Kathy chose him over me. Hindi niya alam kung paano nadurog ang puso ko noon. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang nawala sakin. Hindi lang ang una kong pag-ibig ang kinuha niya sakin. Kinuha din niya ang nag-iisang babaeng minahal ko at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. And I'm so glad because fate has it's own way of bringing Kathy back to me.

"Kathy!"

Pagkarinig ko noon ay pinaharurot ko ang sasakyan. And you have no idea how mad Kathy is.

Sinipa niya ako.

Sinampal.

Tinadyakan.

"Bakit mo ginawa iyon!" Galit na galit niyang sabi sakin.

Tumingin ako sa side mirror. Kitang-kita ko kung paano sinubukan ni Damon na habulin kami.

Nang tuluyan na kaming makalayo ay saka ko inihinto muli ang sasakyan.

"Sinunod ko ang gusto mo. Hindi ba?" Sabi ko kay Kathy.

"I hate you!" Sigaw niya habang umiiyak.

Sa totoo lang, ayoko sanang nakikita siyang umiiyak. Pero tuwing iisipin ko na yung mga pag-iyak niyang iyon ay para kay Damon - naiirita ako. Parang lalo ko siyang gustong paiyakin. I wanted them to feel sorry for themselves. At gusto kong ipaunawa sa kanila na hindi para sa lahat ang pag-ibig - lalung-lalo na sa kanilang dalawa.

"Then hate me more when were down there!" saka ko muling pinaharurot ang sasakyan. "You really don't have any idea of what will happen to you in hell, don't you?"

"The hell I care!"

"So, gusto mo lang sayangin ang mga panahon na tiniis mo si Damon? Gusto mo lang sayangin yung mga panahon na pinili mong mag-isa kaysa sa makasama siya? For goddamn what? For love? Haha! You're just wasting every bit of your time because of that fucking love that you have for him!" Saglit akong tumigil. "At alam mo kung anong nakakatawa dun? You won't get anything from love that you have. Kasi alam mo kung bakit? Kasi mag-isa ka lang na mapupunta sa impyerno! Hindi mo makakasama ang lalaking pinaglalaban mo!"

"You don't know anything about love -"

"Really?" Bahagya akong tumawa. "Anong tawag mo sa ginagawa ko? Anong tawag mo sa kabaliwang ginagawa ko Kathy? I used to be an angel - your angel."

"Pinili mo yan. Wag mong isisi sakin."

"Then don't blame me as well! Dahil pinili mo rin ito. Pinili mong lumayo, kaya panindigan mo!"

Katahimikin.

Hindi na siya nagsalita. Ganun din ako. Alam kong maiintindihan niya din ang ibig kong sabihin - in time. When she's already there. In fact, I'm just doing her a favor. Ayokong mas mahirapan siya once na mawala na ang buhay na mayroon siya.


[DANIEL'S POV]

For the first time in my life - I felt helpless. And at the same time, useless. Nakaramdam ako ng pagsisisi bilang isang tao. If I were still a devil - I could have save Kathy from Erick. I could have done anything - everything! Gusto ko tuloy sisihin si Kathy sa ginawa niya.

I'd rather die than to see Kathy dying.

Hindi ko yon kaya.

Yung simpleng mawala nga lamang siya sa paningin ko - hindi ko na kaya. Iyon pa kayang malayo siya sakin habangbuhay.

And if you need me, you kiss me

Then tell me how you feel.

And if you want me, you show me

That your love is for real.

And if you love me, come hold me in your arms where I belong

So while I'm feeling strong - I'll sing you one last song

"Patayin mo nga yang sounds mo!" Utos ko kay Sthep.

I hate love songs!

Ah hindi pala. Gusto ko pala ng mga love songs. Lalung-lalo na nung buhay pa ang mga parents ko. My Mom used to sing me their Dad's love song. Pakiramdam ko noon, ako na ang pinakamahalagang tao sa buong mundo.

At mas lalo ko pang nagustuhan ang love song ng makilala ko si Kathy. Gusto ko siyang kantahan habang yakap-yakap ko siya - habang nandito siya sa tabi ko. Crazy isn't it? Kasi gusto ring maramdaman niya na siya ang pinakamahalagang tao sa buong mundo ... para sakin.

But not that stupid love song. Baduy.

"Sorry." Pinatay niya ang tugtog.

"Kung naabutan ko lang ang kotse na yon kanina. Eh di sana kasama na natin si Kathy ngayon."

"Wala kang laban do'n. Kotse yon, Damon."

Tumingin ako sa kanya. "Sinasabi mong tao lang ako? Kaya wala na akong ibang magagawa pa?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Huminga muna ng malalim si Sthep bago siya nagsalita. "I hate to say this pero - siguro, paraan na rin ni Kathy yon para sabihin sa atin na tumigil na tayo." Halata sa mukha nito ang lungkot.

I know, Sthep doesn't want to give up. But in some ways, I got her point. Siguro'y napapagod na rin siya sa ginagawa namin. "Hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap Damon."

"We can't just stop now Sthep. Lalo na ngayon! Alam na natin na kasama niya si Erick."

"That is actually my point!" Mariin niyang sabi. "Hindi mo pa ba ma-gets? Ginusto niyang sumama doon sa Erick na yon! Walang notice. Walang warning. Wala lahat! Nagpapakahirap tayo sa wala Damon!"

"Paano kung pinilit lang siya ni Erick?"

"Okay. Fine! Sabihin na nating pinilit siya ni Erick. But my point here is, what is she doing inside that car? Siguro naman nakita niya tayong nakatayo sa ilalim ng punong iyon at namimigay ng walang kwentang flyers na to!" Iniangat ni Sthep ang mga flyers saka niya iyon itinapon sa hangin. Bumagsak iyon at kumalat sa sahig. "Sana, nagpumilit man lamang siya na makatakas sa Erick na yon. O kaya naman humingi siya ng saklolo noong nakita ka niya!"

Napayuko ako. Hinayaan kong magsalita si Sthep.

"Hindi habangbuhay matutulungan natin siya Damon! Hindi habangbuhay nandito tayo! Minsan, kailangan din niyang gumawa ng paraan!" Nasapo ni Sthep ang kanyang noo. "Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi to. Siguro ... siguro kasi, naaawa na ako sa'yo. At naiinis na rin ako sa kanya."

Tumayo ako at lumapit kay Sthep.

Niyakap ko siya.

"Sorry." Hinimas ko ang kanyang buhok. I know she was tired of this crap. At ang pagiging totoo niyang tao ang gumising sa akin. She was right. Maybe Kathy wanted this to happen. Siguro naisip niyang mas mabuti yung mas maaga. At siguro, sa halip na hanapin siya'y tulungan ko na lang siyang makalimot.

Tama.

Iyon nga siguro ang gusto niyang mangyari.

Saglit kong binitawan si Sthep. "Halika, isang pabor na lang ang hihingin ko sa'yo."

"Ano yun?" Tanong naman ni Sthep habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Tulungan mo akong sunugin ang mga to." Kinuha ko ang mga flyers na nakakalat sa sahig. "Dito natin sisimulan ang paglimot sa kaibigan mo."

"Hindi ko naman sinabing kalimutan natin siya. Ang sakin lang -"

"Maybe she want it this way. Maybe, we should - ah - we should forget her." halos ayaw lumabas ng salitang iyon sa bibig ko. "She want us to forget her."

"Pero -"

"Ikaw na ang nagsabi di ba? Ayaw niyang magpahanap? Besides, hindi na rin naman natin siya mahahanap at makikita pa kapag nandon na siya sa -"

"Don't even dare saying it."

Alam ko, katulad ko - hindi rin tanggap ni Sthep ang mga mangyayari. Sino bang gustong lumimot sa taong mahal mo? Yung patay nga na hindi natin alam kung sa langit o sa impyerno ang tungo, iniiyakan, ayaw kalimutan. Iyon pa kayang tao na alam mong sa impyerno ang bagsak.

Lalo na sa sitwasyon ko.

That was supposed to be me.

Ako yun eh.

Ako dapat yon!

Muli na namang umiyak si Sthep. Kung pwede ko lang siyang iwan ay ginawa ko na. Ang hirap kayang pigilan ng luha. Napakahirap! She had no idea kung ilang beses ko ng ginustong umiyak. Pero hindi pwede. Ang pag-iyak ay para sa mga mahihinang tao lang.

I am Kathy's strength.

Kailangan kong panindigan iyon.

"Halika na, tulungan mo na ako dito."

Walang nagawa si Sthep kundi ang tulungan ako. Pinulot niya isa-isa ang mga flyers saka namin inipon sa isang balde.

Nang matapos kami ay saka namin ito sinunog.

Pakiramdam ko, si Kathy yon. Si Kathy ang sinusunog namin.

"B-bye Chum. W-we ... we love you. I - I love you." Sthep mumbled. Hinawakan ko ang kanyang balikat. Niyakap ko siya.

You know that I love you, right? I will always will. I will never stop loving you. You know that we don't want this. Mahirap para samin 'to pero dahil ito ang gusto mo - sige, para sa'yo. But don't worry, I would find a way to have you back Kath. I would find a way to be with you again.

Alam ko, sarado na ang impyerno para sakin.

Pero hindi ibig sabihin non, sarado na rin ako diyan sa puso mo di ba?

I'll always be with you Kath.

And you'll always be with me.

I love you so much.

I love you.

I love you.

I love you.

Kasabay non ay ang pagsiklab ng mga papel sa balde.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.



[KATHY'S POV]

"I'm sorry."

Hindi ko alam kung dapat kong tanggapin ang mga salitang iyon mula kay Erick. Wala na akong pakialam pa roon.Because those words were useless anymore! Hindi sorry ang kailangan ko.

"Look, I just did that for you."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Okay, if you don't want to talk - fine. Pero sana tanggapin mo man lang yung sorry ko. I'll let you think about what happened earlier. Sana bukas, okay na ulit tayo." Pagkasabi noon ni Erick ay lumabas na siya mula sa aking silid.

Kusang pumatak ang luha mula sa aking mga mata ng muling rumehistro sa isip ko si Damon. He looked miserable. He was in agony. He was in pain. Yung expression ng mukha niya. Yung mga kilos niya. Lahat.

Nakaramdam ako ng guilt sa nakita ko.

Kasalanan ko lahat ng 'to eh!

Kasalanan ko!

"Siguro, siguro kailangan ko na talagang panindigan ang paglayo ko sa kanila." I've been selfish anyway. Sarili ko lang ang iniisip ko.

Maybe, I'm pushing it way too hard.

Impossible things happen sometimes but not in my case - it was a destiny. Isa itong kapalaran na ako ang pumili. For the sake of love.

Sabi nila, love is give and take.

Well, I guess not.

Lahat kasi ibinigay ko para sa love - para kay Damon. Hindi naman ako humihingi ng kapalit kasi - kasi yung minahal lang niya ako, that was actually enough for me.

Hindi ko na siguro kailangan ng forever.

Kasi alam ko, habangbuhay akong mamahalin ni Damon. Not because I spare his soul from the devil but because he promised me that.

Forever is a lie.

At sabi nga niya, devils do believe in lies and so I did. I trust him and I believe in him.

Because I will be a devil.

Sooner.

Later.

I don't know!

Siguro, dapat ko nang ihanda ang sarili ko.

Kung mawawalan man ako ng paniniwala sa pag-ibig. O kung makalimutan ko mang minahal ko si Damon. Handa ako.

Kakayanin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...