Once Mine, Always Mine

By Shettered

4.5M 40K 1.7K

[Editing...] You've hurt me once and I promised myself I won't let you do it again. -- Rebecca April Fuentes ... More

Once Mine, Always Mine
Once Mine, Always Mine -- Chapter 1
Once Mine, Always Mine -- Chapter 2
Once Mine, Always Mine -- Chapter 3
Once Mine, Always Mine -- Chapter 4
Once Mine, Always Mine -- Chapter 5
Once Mine, Always Mine -- Chapter 6
Once Mine, Always Mine -- Chapter 7
Once Mine, Always Mine -- Chapter 8
Once Mine, Always Mine -- Chapter 9
Once Mine, Always Mine -- Chapter 10
Once Mine, Always Mine -- Chapter 11
Once Mine, Always Mine -- Chapter 12
Once Mine, Always Mine -- Chapter 13
Once Mine, Always Mine -- Chapter 14
Once Mine, Always Mine -- Chapter 15
Once Mine, Always Mine -- Chapter 16
Once Mine, Always Mine -- Chapter 17
Once Mine, Always Mine -- Chapter 18
Once Mine, Always Mine -- Chapter 19
Once Mine, Always Mine -- Chapter 20
Once Mine, Always Mine -- Chapter 21
Once Mine, Always Mine -- Chapter 22
Once Mine, Always Mine -- Chapter 23
Once Mine, Always Mine -- Chapter 24
Once Mine, Always Mine -- Chapter 25
Once Mine, Always Mine -- Chapter 26
Once Mine, Always Mine -- Chapter 27
Once Mine, Always Mine -- Chapter 28
Once Mine, Always Mine -- Chapter 29
Once Mine, Always Mine -- Chapter 30
Once Mine, Always Mine -- Chapter 31
Once Mine, Always Mine -- Chapter 32
Once Mine, Always Mine -- Chapter 34
Once Mine, Always Mine -- Chapter 35
Once Mine, Always Mine -- Chapter 36
Once Mine, Always Mine -- Chapter 37
Once Mine, Always Mine -- Chapter 38
Once Mine, Always Mine -- Chapter 39
Once Mine, Always mine -- Finale
S H A N A .....
UNTITLED..

Once Mine, Always Mine -- Chapter 33

67.4K 642 16
By Shettered

Chapter 33

"Momi danda danda."

"Momi! Momi!"

Nasa kwarto kasi kami ngayon at nag-aayos ako. Ang dalawang bata ay heto sa tabi ko at binobola na naman ang Mommy nila.

"Totoo ba 'yun?" Tanong ko.

Di ba nga ang sabi hindi nagsisinungaling ang mga bata. Napa-iling na lang ako. Sino ba naman kasi ang anak na hindi magsasabi ng magagandang bagay sa Nanay nila?

"Yup. Yup." Tumango naman sila parehas.

Konting retouch na lang ang gagawin ko sa mukha ko at pwede na kaming umalis. Naka-ayos na din ang buhok ko at ang susuotin ko.

"Ang babaet talaga ng mga anak ko, may pasalabong kayo samin ng Daddy niyo."

Kinuha ko na ang pouch ko at kinuha ang maliliit na kamay ng dalawa.

"Yey! Yey!" Sabi nila habang natalon.

Narinig siguro kami ni Denzel na nasa labas na papaapit sa pintuan kaya bago ko pa buksan 'yun ay pinagbuksan niya na kami.

Para naman nakakita ng multo 'tong isa na 'to. Umirap lang ako at napangiti ng makita ko na ang gwapo niya sa suot niya. Bakit habang tumatagal din guma-gwapo siya sa paningin ko.

Haist na ko. Dapat hindi na ako kumakain ng mga pinapadala o niluluto niya dito sa bahaya, baka may gayuma ang pinapakain niya sa akin. Pero nga lang pagkain ko pagkain din ng mga tao na nandito sa bahay kaya ang laking pagka-imposible na may gayuma.

Ang hinayupak, oo. Mas lalo akong nahuhulog sa lalaking 'to eh.

"Ehem."

Masyado na kasi siyang makatitig kaya naiilang ako. Kaya ako na ang bumawi ng pagkatulala niya.

"Ang ganda mo talaga." Sabi niya habang hindi pa din mawala ang mga mata niya sa buong katawan ko.

Kahit kelan din 'to. May pagka-manyak!

"Sus"

"Aw. Hindi ka man lang ba magpapasalamat."

"Bakit pa, eh lagi ko naman naririnig yan sa iyo."

"Lumalaki naman ulo mo."

Ayan na naman ang mga ngiti niyang nagpapatibok ng puso ko. Leche talaga 'to.

Lumapit siya sa akin at pababa ng pababa ng kanyang mukha. Masyado akong na-aamaze sa mga mata niya. Napatingin naman ako sa kanyang labi at nakita kong kinagat niya 'to. Oh my!! Yummy. Kaya napapikit ako.

Ang tagal kaya napadilat ako. Ayun naman pala kinuha si Sean sa kamay ko. Argh! Napahiya ako 'dun.

Narinig ko naman siya tumawa ng mahina.

"Wapo Dadilablab." Sabi ni Sean.

"Syempre kailangan 'yun paano na lang kung hindi gwapo si Daddy, hindi ka na din magiging gwapo."

Sus. Pati bata tuturuan ng pagkahangin ng ugali.

"Eeehhh." Reklamo ni Sean.

Tumawa lang siya at kinuha na din si Shana. Ang gaan gaan talaga para sa kanya na buhatin ang dalawang 'to.

Paano na lang kaya kung ako na ang binuhat niya. Urgh! Ano ba yang pinagsasabi ko. Ayan na naman ang isa ko pang side na pagkamanyak. Grrr!

"Hali ka na nga. Baka ma-late pa tayo. Kung ano-ano pa ang tinuturo mo sa anak mo."

"Sungit."

Nauna na akong maglakad. Dahan-dahan lang ang pagbaba ko dahil baka malalag ako dito sa hagdan. Hindi naman ako maaalalayan ni Denzel dahil buhat niya ang mga bata.

Naabutan ko na nasa sala si Jasper. Hindi pa pala nagkakamabutihan sina Denzel at ang isang 'to.

"Ganda natin ngayon ah." Sabi niya ng nakita akong papalapit sa kanya.

Nanonood lang siya ng tv. Umirap lang ako. Isa pa 'tong lalaki na 'to.

"Swerte ko di ba?" Singit naman ng nasa likod ko.

Ayan na naman ang pang-aasar niya. Akala niya naman maasar niya si Jasper. Mas malaki pa nga ata ng epekto niya kesa sa pangangasar kay Jasper.

Ilang ulit ko ng sinasabi sa kanya yan tuwing sunusundo niya ao dito sa bahay para pumasok sa Shop.

"Akalain mo nga naman nandito ka pala. Akala ko naman isang unggoy na umaaligid lang dito sa pamamahay ni Becca." Nakita ko din ang ngiting ayaw kong makita kay Jasper. Pinatulan pa oh.

"Ah. Kaya pala hindi mo napansin kasi mismong sarili mo ang tinutukoy mo?" Sabi naman ni Denzel.

Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya, eto naming si Jasper nakangisi lang.

"Rebecca sa susunod nga mag-pa-pesticide tayo dito para mawala ang mga singit sayo huh?" Dagdag pa ni Denzel.

"Oo nga naman Becca magandang suwesyon 'yun ng unggoy para hindi na siya makapunta dito."

Iniwan ko na silang dalawa sa sala at pumunta na sa kusina na kung saan nandoon si Mila, nagluluto.

"Mila." Tawag ko.

Bigla naman siyang nagulat. Napapansin ko lately nagiging magugulatin na si Mila, naku Jasper ka ikaw ang may kasalanan nito eh.

Sinabi naman sa akin ni Mila na wala naman talagang nangyari, ng araw na daw kasi na 'yun ay dadalhan niya na ng pagkain si Jasper. Pero pagpasok niya ay nakita niyang naka-topless lang si Jasper kaya nataranta siya.

Pag may ginawa talaga 'yun sa tauhan ko. Ewan ko na lang.

"Ate kayo pala. Ang ganda niyo ngayon." Komento niya.

Tumawa lang ako. "Salamat. Nga pala baka gabihin kami ni Denzel sa wedding ni Ellie, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. At ngayon nga may malaki ka pang alagain ay tawagan mo ako kung may ginawa na naman sayong masama ang Jasper na iyon."

Ayaw ko naman talagang iwan ang mga bata ngayon ang kaso baka mapagod lang 'yun sa kasal. Ngayon na kasi ang pinakahihintay ni Ellie.

"Ako na pong bahala Ate." Nakangiti niyang sabi.

"Salamat."

Tumango lang siya at tumungo na ako sa sala na hindi pa din tapos ang dalawa sa pagpaparinigan. Huminga lang ako ng malalim.

Buti na lang at nakababa na ang dalawang bata sa pagkakabuhat ni Denzel.

Alam ko naman na hanggang ganyan lang ang gagawin nila, pag-aasaran. Takot lang nila sa akin kung magsuntukan ang dalawang 'to.

"Tara na Denzel." Awat ko sa kanya.

"Pero hindi pa kami tapos ng lalaking 'yan." Duro niya kay Jasper.

"Sige ganito na lang. Gagamitin ko ang sasakyan ko at ikaw maiiwan dito." Mahinahon kong sabi.

Kailan kong magtimpi sa isang 'to. Sayang ang ilang oras kong pag-reretouch sa aking sarili kung masisisra lang 'to dahil sa stress.

Pumunta agad siya sa pwesto ko at hinawakan ang beywang ko patungong labas.

"Hoy. Hoy. Hindi pa tayo nakakapag-paalam sa kanila." Awat ko sa kanya.

Kay Mila pa lang ako nagpaalam. Paano na lang kung bigla kaming hanapin ng dalawang bata di ba.

"Nagpaalam na ako sa kanila. Pero sa isang lalaking 'yun hinding hindi."

Hindi na ako nagpaawat at ma-le-late na din kami sa kasal. Kung bakit ba naman naglaro pa ako samga bata sa kwarto bago ko simulan ang pag-aayos sa aking sarili eh. Hindi ko naman sinisisi 'yun ang kaso nga lang nalibang lang ako sa kanila.

Kahit na panay katok ni Denzel sa labas. Tuwing susubukan niya naming buksan ay binabato ko na siya ng unan.

"Ang ganda naman ng simbahan na 'to." Utas ko.

Nasa parking lot na kasi kami at pinagbuksan ako ng pintuan ni Denzel.

"Sa susunod mas magandang simbahan ang pagkakasalan natin." Sagot niya naman.

Napakurap ako sa kanya. Wag kang ngumiti loko mas lalo tuloy akong nahuhulog sa bitag mo eh.

Imiwas na lang ako ng tingin. Nakita ko naman na hindi maayos ang pagkaka-tali niya sa kanyang necktie kaya inayos ko na 'yun para sa kanya.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng hawakan niya ang kamay ko na naka-hawak pa din sa kanyang tie.

"H-huh?" sabi ko.

Nagiging space out ako sa pagkakahawak niya kaya hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin.

Tumingin naman ako sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga matang 'yun. Maayos na naman din kami nitong nakaraang araw.

"Nagyon mo lang uli ako inasikaso ng ganto." Seryoso niyang sabi.

"Anong ngayon uli, hoy ang kapal naman neto. Inaasikaso naman kita pag nasa bahay tayo ah."

"Hindi 'yun. Yung ganito. Ako lang inaasikaso mo. Yung sa akin lang ang atensyon mo."

My gawd! Nangingig na ang mga kamay ko. Alam kong ramdam niya yun kaya mas lalo niya pang kinakapitan.

Ano na Rebecca magsalita ka sa harp ni Denzel. Sabihin mo sa kanya na mahal mo na siya. No! No! No! Wag na muna, alam mo muna kung nagsasabi ng totoo yang Denzel na yan.

Pero sabi ng mga kaibigan ko na nakasama niya ng nawala ako ay wala ng ibang bukang bibig si Denzel kundi ako. Pero paano kung wala sila sa harap ni Denzel, baka hindi nila alam na may iba pa lang ginagawa 'to.

Kaya nga lang napakalaking imposible kung magagawa ni Denzel sa akin 'yun. Alam ko. Nararamdaman ko.

Magsasalita na sana ako ng bigla naman sumingit ang organizer ng weding ni Ellie kaya pumunta na kami sa simbahan para makapaghanda.

Nang araw pala ng tinawagan ako ni Ellie ay 'yun din ang araw ng kanyang bridal shower. Ang dami ko na din nakilala sa lugar na 'yun. Buti na lang at hindi ako pinuntahan ni Denzel dahil may sarili din silang party'ng lalaki.

Ngayon nga ay naglalakad na kami sa aisle. Feeling ko ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko, kaso hindi pa talaga 'to ang time para sa akin. May mas malaki pa sigurong naghihintay sa akin.

Tinignan ko ngayon ang partner ko, si Denzel. Nakatingin lang pala siya sa akin. Ano kaya ang nasa isip niya. Hindi ko siya mabasa ngayon. Ang lalim kasi niyang makatingin.

"Balang araw hindi ka na isang bridesmaid at hindi na ako ang groomsmen, dahil darating ang araw na magiging bride kita at magiging groom mo ko." Seryoso niyang sabi.

Ako na ang unang kumalas sa pagtitig niya hanggang makarating kami sa naka-assign na upuan sa amin. Hindi na ako sumagot sa kanya pero sapat na siguro na nginitian ko siya bago humiwalay ng tuluyan.

Nakikita ko na sa kinaroroonan ko ngayon ang masayang mukha ni Ellie. Ganoon din ang nasa mukha ni Maverick ngayon. Para silang nasa movie kung magtitigan, para bang ang slow motion lahat ng pangyayari sa kanilang paligid.

Ano nga kayang pakiramdam na makasal. Iniisip ko pa lang na maglalakad ako sa pag-kahaba-habang aisle na lalakbayin ko marating ko lang si Denzel --este ang future dream ko ay napapaihi na ako sa kaba at excitement.

Sinundan ko ang bawat lakad ni Ellie patungo kay Maverick hanggang makarating na sila sa altar. Ang saya din ng Mama at Papa ni Ellie ngayon na naghatid sa kanya sa altar.

Kumurap ako at sinilip ng bahagya si Denzel sa kinauupuan niya ngayon sa kabilang dako ng simbahan. Nakakatitig lang siya sa akin. Hindi ko naman maiwas ang tingin ko sa kanya dahil nadadala ako.

At nakita kong gumalaw ang bibig niya at sinabing 'I love you, always' ng walang bakas na tinig.

 ---

(Sa susunod na po ang dedication, bawat chapter na nakaligtaan ko ay lalagyan ko. 8 chapters to go.)

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 17.1K 49
ALL RIGHTS RESERVED. Ashton Jimenez is a famous young bachelor with an almost perfect life; Having a loving girlfriend, cool parents, and a wealthy l...
737K 7.4K 37
PROLOGUE Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya napapansin sa loob ng school pero parang sa ganoon na rin iyon. Hindi naman sa sinasabi ko na laos a...
84.1K 1.7K 59
The most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her...