The Runaway Virgin (Campbell...

Av CengCrdva

7.2M 148K 3.7K

WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] Mer

The Runaway Virgin
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
NOTES

CHAPTER 19

124K 2.9K 53
Av CengCrdva

Chapter Nineteen

He's Gay



"I will pick you up at seven pm sharp." Sabi nito ng matapos na ang klase.

Mabilis ang pagtayo niya at paglabas ng silid. Gustohin ko mang sundan siya pero para akong naestatwa sa nangyari.

Is he even serious?

Wait, hindi niya naman alam kung saan ako nakatira eh.

"Bea oh si Clarence!" Hindi ko namalayang nakarating na pala sa kinauupuan ko ang grupo nila Diola kasama ang classmate naming si Clarence.

"Uy, are you okay?" Tanong ni Judith.

"Bessy sorry na. Hindi ko naman alam na wala ka pa palang date. Tsaka nakapangako na kasi ako kay Qhielle before pa magsimula ang school year." I just listened to them pero wala akong masabi na kahit ano sa kanila.

I'm still in shock!

"Uy sorry na! andito naman si Clarence. Sige na Clarence sabihin mo na." Nahihiya itong pumunta sa harapan ko.

"Beatrice, will you be my date?" He asked timidly.

Lumapit pa sa'kin si Gab at bahagyang niyugyog ang balikat ko. Sa ginawa niya ang parang bumalik ako sa aking huwisyo. Gab glares at me.

"Sorry Clarence, but I think I already have a date." They all looked at me with surprise.

Pagharap ko kay Gab ay nakaawang pa ang labi nito.

"What? who? when and how?" Di makapaniwalang sabi pa niya.

"Don't tell us..."

"Yes, He's my date." Walang emosyong sabi ko.

"What the fuck? Seriously? Sebastien? The Sebastien?!"

"Weh?"

"Are you on drugs?"

Sari-saring reaksiyon nila but the next thing i know ay ikino-congratulate na nila ako.

I don't know what to say to them sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang ganito. I just can't believe that guy.

He asked me to the ball. Pero bakit ako?

Siguro nga ay naawa lang ito sa'kin dahil wala akong ka date. Binalewala ko na lang ang lahat ng kung anong bagay na nasa isip ko.

Sabay na kaming lumabas ni Gabriel at pumunta sa aming tambayan. Hindi mawala sa labi niya ang malawak na ngiti dahil sa nangyari.

"How did it happened?!" Mapang-asar na sabi ni Gab ng makaupo na kami.

Kinuha ko ang libro ko para hindi masyadong mahalata ni Gab na natetense ako sa pang-iintriga niya.

"He just asked me to be his date." Sabi ko habang patuloy sa kunwari'y pagbabasa.

"That's all?" Curious na tanong nito na ngayon ay nabibigla parin.

Nakaharap lang ito sa'kin.

"Yeah?" Kibit balikat kong sagot.

"Alam mo ba na kahit minsan ay hindi nagkaroon ng date si Seve sa kahit na anong ball o okasyon?" He utter.

"What?!" Napatigil ako sa pagbabasa. Hinarap ko si Gabriel at tumango lang ito.

"But why? paano yung mga girlfriends niya?" Umiling lang ito.

"I don't know about that pero hindi ko rin narinig na nagkaroon ito ng seryosohang karelasyon. I know he was followed and admired by most of the girls here and everywhere, pero ni minsan ay wala akong nalaman o nakilalang naging girlfriend nito." Mahabang kwento niya.

"How about Vivian?" Oo yung babaeng nanakit sa'kin sa may wishing well.

"As I have told you, he was admired by most of the girls Bea and Vivian is just one of those." May pa galit galit pa siyang nalalaman eh wala naman pala silang relasyon ni Sebastien!

"Uhm, He's gay?!" I blurted.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Gabriel na ikinainis ko.

"Why are you laughing!" Hinampas ko ang kaliwang braso niya dahil sa mapang-asar nitong tawa.

"Your face looks funny Beatrice! Para kang nakakita ng kakaibang nilalang. Why? What if he's gay huh?" Panunukso pa niya habang patuloy parin sa pagtawa.

"I don't know. Ewan ko sa'yo!" Ibinalik ko nalang ang mga mata sa librong hawak ko.

I ignored Gab's tease. Napairap ako ng humalakhak siya.

"But seriously, He's not gay. Tutal siya naman ang date mo bukas, bakit hindi mo nalang sakan'ya itanong?"

Oo nga pala. Ilang oras nalang simula ngayon ay grand ball na. Gaganapin 'yon sa malaking event building na nasa dulo ng Campbell.

They call it the palace. That is where they held every important occasions throughout the school year and it is indeed a palace!

Pagkatapos ng walang katapusang mga makakahulugang titig at pang-iinis ni Gabriel sa'kin ay umuwi narin kami.

Hinatid ako nito sa bahay at pagkatapos ay umalis narin ito dahil sasamahan palang nito sa pamimili ng gown ang date niyang si Qhielle.

They were childhood friends na kumukuha rin ng ibang kurso sa Campbell.

"Oh anak maayos na ba ang mga gamit mo? Do you like to go to the salon para sa hair and make-up?" Excited na tanong ni Mama pagpasok na pagpasok ko palang ng bahay namin.

"Ma, I can do it myself. Ako nalang po." Nakangiting sabi ko rito.

Niyakap ko ito at humalik narin sa kanyang pisngi. She looks tired. Parating narin kasi ang final exams nila kaya alam kong busy rin ito sa trabaho.

"Are you sure?" Paniniguro niya.

"Opo Ma. Besides, if I don't look good meron naman pong maskara." Pagbibiro ko rito.

"Sira ka talagang bata ka. Oh siya sige na, Ihahatid ka ba ni France bukas?" Her question makes me bit my lower lip.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay namin ni France. Kahit naman na masama ang ginawa sa'kin nito ay gusto kong sa'kin nalang 'yon. I know he's the worst but I want his image to stay good to Mama.

"Hindi po." Nag-iwas ako ng tingin kay Mama.

"Ma, they broke up already!" Singit ni Camila.

Nanunuod lang ito ng movie sa sala kaya naman naririnig niya rin ang usapan namin. Sinabi ko narin kay Camila ang lahat ng nangyari at ang hindi niya dapat sabihin kay Mama.

Oo masakit para sa'kin, pero alam kong wala ng masasakit pa kapag nalaman ng isang magulang na nasasaktan ang kanilang mga anak. I don't want them to worry about me.

Napahinto si Mama sa ginagawa at ang nag-aalalang mukha niya ang sumalubong sa'kin.

"Ma, don't worry. I'm fine." Pag-aasure ko rito.

Malaki ang tiwala sa'kin ni Mama at alam nitong matapang ako. Kagaya rin ng pagkakakilala sa'kin ng mga taong malalapit sa puso ko.

"Okay but who will accompany you to the ball? Ang sabi ni Pierre ay may exams siya bukas."

"Meron po, Ma." Kumunot ang noo ni Mama dahil sa sinabi ko.

Bago pa man ako makasagot ay lumapit na sa pwesto namin si Camila.

"The one and only Sebastien Fraser Escarcega Mama! Siya lang naman ang date ng napakaganda kong ate at panganay na anak mo." Excited at with feelings na sabi pa nito habang kunwari'y hinahawakan ang invisible long hair ko.

"Tumigil ka nga!" I rolled my eyes at Camila.

"Totoo ba anak?" Pagko-confirm ni Mama.

Pati siya ay halata rin ang pagkagulat.

"O-opo." Maikling sagot ko.

Humagikhik ang kapatid ko.

"Ganda mo dun Te!" Dagdag pang-asar pa nito.

"Ma, oh!" Parang batang pagsusumbong ko kay Mama.

"Oh siya magpahinga kana. Ikaw naman Camila, mag-aral ka na do'n ng hindi puro pang-aasar ang nasa isip mo!" I smirked at my sister.

Parang gusto ko pa siyang dilaan at asarin ng pagalitan siya ni Mama. Natawa nalang ako ng makita ang pagsimangot niya at pagkamot sa ulo.

Pumanhik na ako sa kwarto at ginawa ang sinabi ni Mama. Sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa ball bukas ay parang gustong kumawala ng puso ko sa katawang lupa ko. Should I practice how to be timid and proper? Parang sasabog na ang utak ko sa dami ng nasa isip ko.

Beauty rest! Yeah right. Maybe that's what I need.

"My baby!" Proud na proud at emosyonal na sabi ni Mama ng makita ako nitong pababa ng hagdan suot ang damit na ibinigay ni Gabriel at nakaayos.

Natural make up lang ang inilagay ko sa mukha ko habang ang buhok ko naman ay naka-kulot at naka messy hair bun.

Nakita ko ang bahagyang pag ngilid ng luha sa mga mata niya.

"Ma naman?" Puna ko sa kan'ya. Pakiramdam ko kasi ay maluluha din ako dahil sa tinuran nito.

"Don't mind me. Masaya lang ako anak! Ang ganda ganda mo." Lumapit pa ito at inayos ng bahagya ang buhok ko.

"Syempre naman Ma. Nagmana po yata ako sainyo." I smiled at her.

Mag aalas siyete na pero wala paring Sebastien. Paano kung hindi naman pala totoo ang sinabi niya? He doesn't even know where I live. Naiistress akong umupo sa couch. This is scary, paano kung pinagti-tripan lang ako ng lalaking 'yon?!

"Wala pa ba ang date mo?" Tanong ni Mama.

"Wala pa po eh."

"Why don't you call him?" Napasimangot ako sa sinabi niya.

My goodness. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba ang sinabi niya kahapon na maging date ko siya eh, ang phone number pa kaya niya?

"I don't know his number Ma." Maikling sagot ko. I look at the clock at ang pag ikot nito.

This is the longest time of my life. I hate waiting. Wala akong mahabang pasensiya para maghintay pero parang mas nawawalan ako ng pag-asang pupunta pa si Escarcega dito.

What if he's just making me look stupid? Kabayaran sa lahat ng pang-iistorbo ko sa kanya noon? What if he's just...

"Mama! They are here!" Patakbong sigaw ni Camila na parang may kung anong nangyayari sa labas ng bahay namin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. The clock also pointed at seven pm.

Dahil sa reaksiyon ni Camila ay lalong kumabog ang puso ko. Pumunta si Mama sa labas para salubungin ito. Pagpasok nito ay kasama na niya si Sebastien. I gasp when I finally saw him.

His hair was style to its perfect place. He looks like a bad-ass, handsome prince right now! He's also wearing a maroon silky suit na match sa dress ko. I smile awkwardly. Pakiramdam ko ay nakatadhana talaga ang araw na ito para sa aming dalawa.

Echusera! Kontra ng utak ko.

Pagkatapos kaming kunan ng ilang pictures ni Mama ay nagpaalam na ito.

"Mauna na po kami Mrs. Cazares." Pormal nitong paalam kay Mama.

"Mag-ingat kayo Hijo. Ipapasundo nalang kita kay Pierre mamaya Beatrice." Baling naman nito sa'kin.

"That's not necessary Mrs. Cazares. I'll bring your daughter home safe after the party." Nakangiting singit nito.

Kahit na naguguluhan si Mama at hindi makapagdesisyon ay tumango nalang ito.

"Salamat Hijo. You two just enjoy the party okay?"

"Mauna na po kami Ma." Tipid na sabi ko bago ko siya niyakap.

Bigla akong nainis sa mala demonyong ngisi ng kapatid ko sa likod ni Mama. Tinatapik niya ang baba niya pagkatapos ay titingin naman kay Sebastien. Kung wala lang talagang ibang tao dito sa bahay ay malamang nasabunutan ko na siya.

Hinalikan ako ni Mama at bumitiw na ito.

"Ingat ka Kuya Sebastien. I mean ingat kayo." Makahulugang sabi nito.

Pinanlakihan ko ito ng mata at ipinakita pa ang closed fist ko. Natatawa nalang si Escarcega. Mukhang good mood ang mokong na 'to ah.

"Let's go?" He asked.

He offered his right hand kaya naman isinukbit ko doon ang kaliwang kamay ko.

I instantly feel tingles. This is the first time na mahawakan ko siya.

It just feels... Right.

Napahinto ako sa nakita kong sasakyang nakaparada sa labas ng bahay namin.

What the fuck! Is that even real?

That car is like a transformer! A black Lamborghini Aventador stretch limo was waiting for us to hop in! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng sasakyan. Naghihintay din sa labas no'n ang isang lalaking nakaitim na suit.

Kahit na may pagaalinlangan ay sumakay ako rito ng binuksan 'yon ng kanyang driver. Sumunod naman si Sebastian.

"You look beautiful, Beatrice." Sabi nito ng makasakay na kami at nagsimula ng umandar ang limousine.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

Tama ba ang narinig ko?

Tama bang si Sebastien ang katabi ko?

Siya nga ba talaga 'to?

Fortsett å les

You'll Also Like

73.7K 991 21
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries8
9.3M 183K 54
Maganda, mabait, mayaman, perfect. Yan ang mga katangian na palaging bukam-bibig ng mga taong kilala si Jasmine. Nasa kanya na nga siguro ang lahat m...
616K 35.9K 102
Good morning to you as well. An epistolary.
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...