Coiling Dragon Book 1

By xiantana

60.4K 3.2K 104

Bumabagsak at bumabangon ang maraming Imperyo sa Kontinente ng Yulan. Ang mga makapangyarihang nilalang ay... More

Author's Note
B1C2
B1C3
B1c4
B1C5
B1C6
B1C7
B1C8
B1C9
B1C11
B1C10
B1C11
B1C12
B1C13
B1C14
B1C15
B1C16
B1C17
B1C18
B1C19
B1C20
B1C21
B1C22
B1C23

B1C1

7.7K 230 20
By xiantana

ME: bago ang lahat, gusto kung ipaalam sa inyo na ang Coiling Dragon ay isinulat ni I Eat Tomatoes sa chinese.  And was later translated by RWX sa salitang english.  At ngayon nga ay ginawan ko ng tagalog version.  Pero dahil hindi ko naman first language ang tagalog kaya baka hindi accurate ang pagkakatranslate ko.  Pero makakaasa kayo na may tagalog dictionary akong katabi. haha!  I did not transliterate their names.  Para hindi ako mahirapan, ang mga terms na ginamit ni RWX ay hindi ko na binago para hindi na ako malito dahil mahaba ang librong ito.  Ex. Mages, warrior ranks, names of places etc..  Naisip ko kasi na ang importante naman ay maintindihan ninyo ang takbo ng story.  Sana po maintindihan ninyo ang translation ko.  Happy reading!!!

Book 1, Chapter 1: Wushan

Ang Wushan ay isang maliit at ordinaryong bayan na sakop sa kaharian ng Fenlai, kanlurang bahagi ng 'Mountain Range of Magical Beast', ang pinakamalaking kabundukan sa kontinente ng Yulan.

Habang papasikat ang araw ay may dalang lamig pa rin ang pang-umagang ihip ng hangin sa bayan ng Wushan. Pero ganun pa man, ang mga mamayan sa maliit na bayan ay maagang nagising at nagsimula sa kani-kanilang trabaho. Kahit ang mga anim o pitong taong gulang na mga bata ay gising na rin at naghahanda na para magsimula sa kanilang tradisyon nang ehersisyo tuwing umaga.

Sa isang bakanteng lugar, sa silangang bahagi ng Wushan, ang init sa sinag ng pang-umagang araw ay dumadaan sa mga siwang ng dahon sa nakapalibot na mga punong kahoy at tumatagos ito at nagkalat patungo sa lupa.

Makikita roon ang malaking grupo ng mga bata na umaabot sa bilang na isa hanggang dalawang daan. Ang mga batang ito ay magkakahiwalay sa tatlong grupo, bawat grupo ay nahahati sa iilang hanay. Ang lahat ng mga bata ay tahimik na nakatayo roon, seryoso ang mga mukha. Sa punong hilagang grupo ng mga bata ay may edad na anim na taon. Ang sa gitna ay may siyam na taon. At ang nasa timog ay nasa trese hanggang desisais anyos.

Sa harapan ng malaking grupo ng mga bata ay may tatlong may edad na mga lalaki at malalaki ang katawan. Parehong walang manggas ang t-shirt na suot ng tatlo at parehong nakapantalon.

"Kung gusto ninyong maging isang malakas at makapangyarihang mandirigma, kailangan ninyong magsikap habang bata pa kayo." Malamig na sabi ng pinakapinuno ng may edad na mga lalaki, taas noo itong nakatayo habang ipinagsalikop sa likuran ang dalawang kamay. Sinuyod nito ng malamig at mabalasik na tingin ang hilagang bahagi na grupo ng mga kabataan. Tikom ang bibig ng may anim at pitong taong gulang na mga bata. Ang malalaki at mabibilog na mga mata ay walang kakurap-kurap na pinagmasdan ang lalaki, walang sino man sa mga ito ang may lakas ng loob na gumawa ng kahit kaonting ingay.

Ang pangalan ng pinuno na ito ay si Hillman. Isang kapitan ng mga guwardiya sa angkan ng mga Baruch, ang maharlikang angkan na nagmumuno ng Wushan.

(Me: Noble-Maharlika; Rich- Mayaman.  Kaya may pagkakaiba sila.)

"Lahat kayo ay ordinaryong mamamayan. Hindi kagaya sa mga maharlikang angkan, wala kayong paraan para matuto sa mga mahahalagang libro kung paano palakasin ang inyong battle qi. Kung gusto ninyong maging isang taong may halaga, at kung hangarin ninyong kayo ay respetuhin...kung ganun, lahat kayo ay kailangang gamitin ang pinakaluma, pinakasimple at pangunahing paraan para paghusayin ang inyong mga sarili- sa pamamagitan nang pag-eensayo ng inyong katawan at pagtibayin ang inyong lakas! Maliwanag ba!?" Hinagod ng tinging ni Hillman ang grupo ng mga bata.

"Maliwanag!" Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"Mabuti." Kontintong tumango si Hillman sa narinig. Naroon sa mata ng may anim na taong gulang na mga bata ang pagkalito, samantalang ang mga mata kabinataan ay naroon ang determinasyon. Naintindihan nang mga ito ang ibig ipahiwatig ni Hillman.

Musmos palang ay nakasanayan na ng lahat ng mga kalalakihan sa Kontinente ng Yulan ang puspusang pag-ehersisyo. Kung tatamad-tamad, sa hinaharap ay mamaliitin ito ng karamihan. Kayamanan at kapangyarihan- ito ang sukatan ng pagkatao! Ang taong walang kapangyarihan ay mamaliitin ng iba, kahit ng mga kababaihan.

Kung ang isang tao ay gustong ipagmalaki ng mga magulang, gustong sambahin nang mga kababaihan, gustuhing mamuhay ng maluwalhati?

Kailangang maging isang makapangyarihang mandirigma!

Lahat ng mga naroroon ay mga ordinaryong mamamayan. Silang lahat ay walang paraan para hawakan man lang ang mga librong magtuturo sa mahalagang paraan kung paano papalakasin ang kanilang battle qi.  Ang tanging daan nila patungo katanyagan ay ang pag-eehersisyo habang musmos palang at mag-iipon ng lakas!  Matinding pagsusumikap!  Mas magsisikap pa nang mas matindi kaysa mga maharlika, ibuhos ang buong lakas at dugo para palakasin ang katawan!

"Sa pagsikat ng araw sa umaga,lahat ng bagay ay nagsisimulang tumubo. Ito ang tamang oras na higupin ng katawan ang mga natural na enerhiya sa inyong paligid at pagtibayin ang kondisyon ng inyong katawan.  Sa parehong paraan -ihiwalay ang dalawang paa, kasing lapad ng inyong balikat!  Ang dalawang tuhod ay bahagyang nakabaluktot, ang dalawang kamay ay nakahawak sa baywang.  Gawin ang 'Qi Building Stance'. Habang nakatayo ng ganito ay tandaan-kailangang nakatuon ang inyon konsentrasyon, panatilihing kalmado ang isip, at natural ang paghinga." turo ni Hillman.

Ang 'Qi Building Stance' ay ang pinakasimple, pero epektibong paraan sa pag-ehersisyo ng katawan. Ito ay base sa mga karanasan sa henerasyon ng mga ninuno.

Agad na ginawa ng halos dalawang daang mga bata ang sinasabi ni Hillman na 'Qi Building Stance'. "Tandaan, ituon ang inyong konsentrasyon, panatilihing kalmado ang isip, at huminga nang natural!" malamig na sabi ni Hillman habang naglalakad sa pagitan ng mga bata.

Sa isang sulyap ay masasabing ang mga binata sa timog na bahagi ng grupo ay napanatili ang posisyon habang kalmado at natural din ang paghinga. Nakayang din ng mga ito ang hangaring panatilihing matatag ang posisyon. Halatang nakamit na ng mga ito ang antas kung saan sanay na ito sa 'Qi Building Stance'

Pero isang sulyap sa hilagang bahagi ng grupo ng mga bata, ang mga baywang at tuhod ay wala sa tamang posisyon, nahahalata ni Hillman na mabuway ang tayo at walang lakas ito.

Kinausap ni Hillman ang dalawang may edad ng kasama, "Kayong dalawa, kayo ang bahala sa timog na grupo at gitnang grupo. Ako na ang bahala sa mga maliliit na bata."

"Opo Kapitan." Ang dalawang may edad ay agad na sumunod, at itinuon ang atensiyon sa dalawang grupo. Paminsan-minsan ay naroong sipain ang binti ng mga binata, tinitingnan kung sino ang nasa tamang posisyon at kung sinong mali.

Lumapit si Hillman sa grupo ng mga bata. Agad na kinabahan ang mga ito.

"Patay! Papalapit na ang pinuno ng mga halimaw!" pabulong na sabi ni Hadley, ang batang may kulay mais na buhok.

Naglakad si Hillaman sa pagitan ng nakahilirang mga bata. Malamig na pinagmasdan ang mga ito, pero sa loob-loob ay napabuntonghininga ito. "Masyadong mga bata pa ang mga ito. Sobrang kulang sa dunong at lakas. Hindi pwedeng masyadong mataas ang hingin ko sa mga bata. Ganun pa man, mas nakakabuti kung maaga palang ay nag-eensayo na. Kung nagsisikap ang mga ito habang bata palang, sa kalaunan, pagnasa digmaan mas mataas ang tiyansang mabuhay ang mga ito."

At sa pagtututo ng mga bata...pagkuha ng interes ay ang pinakamabisang paraan! Kung puwersahin niya ay kabaliktaran ang magiging resulta.

"Lahat kayo, tumayo ng maayos!" masungit na utos ni Hillman.

Mabilis na umayos ng tayo ang mga bata. 'Chest out, stomach in' at deretso ang tingin.

Sumilay ang munting ngiti sa mga labi ni Hillman. Nagpunta ito sa harapan at hinubad ang suot na pang-itaas. Namilog at halos lumuwa ang mata ng mga bata nang tumambad ang bawat linya at kurba ng kalamnan sa katawan ni Hillman. Kahit ang mga kabinataan ay hindi napigilan ang admirasyon sa pangangatawan nito.

Maliban pa sa perpektong pangangatawan, makikita sa itaas na bahagi ng hubad na katawan ni Hillman ay ang di mabilang na piklat sa  sugat ng balisong, espada at iba pang hindi mabilang na lumang sugat. Ang lahat ng bata ay nakatitig sa napakaraming piklat sa katawan ni Hillman, nagniningning ang mga mata.

Ang mga piklat na iyon ay mga medalya ng pagiging isang lalaki!

Sa puso ng mga bata ay napuno ng benerasyon kay Hillman. Si Hillman ay isang magiting na mandirigma na nasa ika-anim na ranggo, mandirigmang ipinanganak sa mundo at nakikibaka! Kahit sa malalaking siyudad, masasabing pambihirang indibidwal ito. Sa maliit na bayan ng Wushan, si Hillman ay isang taong iginagalang.

Sa nakitang maalab na tingin ng mga kabataan, hindi napigilan ni Hillman na mapangiti. Plano nito na buhayin ang damdamin, ang pagsamba, ang pagnanais na maging kagaya niya. Sa ganoong paraan ay maging udyok iyon na mas lalo pang magsikap.

"Dagdagan pa natin ng panggatong ang apoy!" lihim na napangisi si Hillman. Naglakad ito palapit sa malaking bato na ang bigat ay nasa tatlo o apat na daang libra. (pounds)

Gamit ang isang kamay, dinakma ni Hillman ang malaking bato. Walang kahirap-hirap na iwinasiwas ito. Ang nasa tatlong daang libra na bato, sa mga kamay ni Hillman ay nagmistulang kasing gaan kahoy. Nganga ang mga bata, nanlaki ang mga matang halos lumuwa na.

"Sobrang gaan! Lorry, kung may bakanteng oras ka pagkatapos ng training, kumuha ka ng mas malaki pang bato para sa akin." Saka balewalang basta nalang itinapon ni Hillman ang bato na lumipad ilang dosenang metro.

Tsuuugg! Tumilapon iyon sa tabi ng isang malaking punong kahoy, ang buong lupain ay nayanig. Kaswal na naglakad si Hillman sa harapan ng isang bato.

"Hah!"

Huminga ng malalim si Hillman. Lahat ng ugat nito sa namumutok na kalamnan ay naglabasan, sabay deretsong pinatamaan ang nalalapit na kulay bughaw na malaking bato. Ang kamao nito ay bumasag sa hangin, lumikha iyon ng tunog na mas lalo pang ikinalaki ng mata ng mga batang nanunood. Ang makapangyarihang kamao ni Hillman ay deretsong bumasag sa malaking bato.

Tsug! Ang tunog ng kamaong tumama sa bato ay nagpanginig sa puso ng mga bata.

Isa iyong sobrang tigas na malaking batong 'bluestone'!

Ang malaking batong 'bluestone' ay nayanig. Pagkaraay bigla nalang may lumitaw na anim o pitong malalaking litak, kasabay ang 'peng' na tunog, nabiyak ito sa limang piraso. Pero ang kamay ni Hillman ay walang kahit konting sugat na makikita.

"Nakakakilabot pa rin si Kapitan."  ani ni Lorry, isa sa dalawang may edad na lalaki, tumawa ito habang naglakad pabalik si Hillman.

Ang isa pang lalaki, si Roger ay lumapit din. Kadalasan habang nagsasanay ang mga bata sa 'Qi Building Stance', ay oras iyon ng tatlo na makapagrelax at magkuwentuhan habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kahit sinong batang tatamad-tamad.

Natawa si Hillman sa narinig at umiling. "Hindi yan totoo. Noon, habang nasa army ako, araw-araw ay nagsasanay na parang ulol, habang nasa digmaan ay madugong nakikipagbuno ako. Ngayon, ang tanging ginagawa ko ay nagrerelax at nag ehersisyo, nag-uunat ng aking kalamnan tuwing umaga. Hindi na ako puno ng enerhiya, di gaya noon."

Lahat ng mga bata ay nakatitig na may kasamang pagsamba kay Hillman. Yong malaking bato na 'bluestone' ay nadurog sa isang suntok lang ng kamao nito. Anong klaseng lakas iyon? At ang malaking bato na ang bigat ay nasa tatlo o apat na daang libra ay basta nalang itinapon nito ng walang kahirap-hirap. Anong klaseng lakas ito?

Lumingon si Hillman. Nakatingin sa mga bata, nakontento ito sa ipinakitang reaksyon mga bata.

"Tandaan ninyo, kahit hindi kayo makakapagpalakas ng 'battle qi', sa larangan ng pagpapalakas,( i'm not really sure about this, it's supposedly "in principle") pag maabot ninyo ang buong potensiyal ng inyong katawan, maari pa rin kayong maging isang mandirigmang nasa 6th-rank!  Ang nasa 6th-rank, pagpumapasok sa army ay madaling maging 'mid-level officer'. At madali nalang para sa inyong makakuha ng mga librong magtuturo kung paano magpapalakas ng 'battle qi'! Kahit hindi ninyo maabot ang 6th-rank, at kahit ordinaryong mandirigma lang kayo, maari pa rin kayong sumali sa army. Tandaan ninyo!  Pag ang isang tao ay hindi kayang abutin kahit ang pagiging isang ordinaryong mandirigma lang, ang taong iyan ay hindi maiikonsederang lalaki!"

"Kung lalaki ka, dapat matibay ang iyong dibdib, haharapin lahat ng mga pagsubok at walang kinatatakutan!"

Nang marinig ito ng mga batang may anim at pitong taong gulang ay gustong mapapangiti. Pero lahat ay nagpipilit na walang lalabas na ekspresyon sa mukha. Ang mga salitang ito ay ang mantrang walang katapusang paulit-ulit na sinasabi ni Hillman sa mga bata.

Lahat kayo, tumayo ng matuwid! Tingnan ninyo ang mga nakakatanda sa inyong nasa timog, tingnan ninyo kung paano sila nakatayo!" Saway ni Hillman.

Agad namang inayos ng mga bata ang porma para maging matatag ang posisyon.

Hindi nagtagal, ang nasa anim at pitong taong gulang ay nagsimula nang gumiwang. Namamahid na ang binti ng mga ito pero tiimbagang na nagtiis ang mga bata. Pero pagkatapos magtiis ng konti ay hindi na nakayanan ng mga bata, isa-isang bumagsak ang mga ito at umupo sa lupa.

Malamig at malupit ang ekspresyon sa mukha ni Hillman pero sa loob-loob ay napatango ito. Sobrang nakontento na ito sa ipinakita ng mga bata. Pagkaraan ng ilang sandali, may mga sampung taong gulang na nasa gitnang grupo ang hindi nakayanang magtiis at isa-isang bumagsag din.

Tiisin ninyo hangga't kaya n'yo. Hindi ko kayo pipilitin. Pero kung sa kalaunan, kung kayo'y mas mahina kaysa mga kasama ninyo, wala kayong ibang masisisi kundi ang mga sarili din ninyo!" Malamig na sabi ni Hillman.

"Hmm?" Biglang nagulat si Lorry, namangha sa grupong nasa hilaga.

Sa mga oras na iyon, maraming mga kabataang nasa gitnang grupo ang bumagsak na, pero sa hilangang bahagi na grupo ay may isang anim na taong gulang na nanatiling matatag.

"Ito siguro ang unang araw ng pagsasanay ni Linley. Sinong mag-aakalang ganito ito galing?" Sabi ni Lorry sa sarili, namamangha.

Napansin din iyon ni Roger at Hillman. Habang nakatingin sa parehong direksyon, nakita ng mga ito ang nag-iisang batang kulay brown ang buhok, nagtitiis. Namumuti ang kamao nito sa sobrang pagkakakuyom.

Nakikitaan ng pagkasorpresa ang mga mata ni Hillman.

"Magaling bata!" Lihim na puri ni Hillman. Kahit na anim na taon lang ito nakakaya na nitong panatilihin ang 'Qi Building Stance' na kasing tagal ng mga sampung taong gulang.

Linley, buong pangalan ay Linley Baruch, panganay na anak at tagapagmana ng Baruch Clan, na siyang namumuno sa buong bayan ng Wushan. Ang Baruch Clan ay isang napatandang angkan. Noon, minsan itong naging pinakamayaman at maunlad na angkan, pero pagkalipas ng isang libong taon ay tatlong membro nalang ang natitira. Ang pinuno ng angkan na si Hogg Baruch at ang dalawa nitong anak na lalaki. Ang panganay na anak ay si Linley Baruch, anim na taong gulang. Ang bunsong anak na si Wharton Baruch ay dalawang taong gulang palang. At tungkol sa asawa nito, namatay ito nang ipinanganak ang bunso. Ang lolo din ni Linley ay patay na, namatay ito sa digmaan.

Nanginging ang mga binti ni Linley. Kahit na malakas ang loob nito, ang mga kalamnan nito sa binti ay parang gomang nasobrahan sa unat at hindi na makontrol ang panginginig. Hanggang sa bumagsak ito at umupo sa lupa.

"Linley, kumusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting lumapit si Hillman dito.

Ngumiti si Linley, lumabas ang maliliit na pangil nito.

"Okey lang ako Uncle Hillman." Bilang kapitan ng guwardiya ng mga Baruch, nasundan ni Hillman ang paglaki ni Linley. Kaya natural lang na malapit ang dalawa sa isa't-isa.

"Magaling. Umakto kang totoong lalaki." Ani ni Hillman sabay haplos sa ulo ni Linley na nagpagulo sa buhok nito na parang damong dinaanan ng hangin.

"Haha." Napangisi si Linley. Ang puso nito ay sobrang tuwa ng mapuri ni Hillman.

Pagkatapos magpahinga ng konti ay nagpatuloy ang mga bata sa pag-pagsasanay. Ang pagsasanay sa mga anim at pitong taong gulang ay mas madali. Pero sa mga binata na, sobrang strikto ang pagsasanay ng mga ito. Ang malaking grupo ng mga bata, pati na ang anim at pitong taong gulang ay nakahiga gamit ang ulo at ang bawat paa ay nasa ibabaw ng malapad na bato. Ang tanging pinagkukunan ng lakas ng mga ito ay ang baywang para mapanatiling deretso ang katawan.

"Ang baywang at pigi ay bumubo sa pormang 'triangular region." Itinuro nito sa kamay para ipakita kung saang lugar. "Ito ang 'nucleus' natin. Ang bilis at lakas ay galing sa 'triangular nucleus' na ito, kaya napakaimporte ng rehiyon na ito." Habang nagsasalita ay naglalakad si Hillman at iniinspeksyon ang mga bata kung tama ba ang posisyon at galaw ng mga ito.

"Pag-igihan n'yo pa yan!  Ang baywang kailangang matuwid!" Malakas na sabi ni Hillman.

Agad namang umayos ang baywang ng mga bata.

Ito ang unang araw ni Linley sa pagsasanay.  Ang maliit na ulo nito ay nakalapat sa bato, pero sa mga oras na iyon ay naramdaman na ni Linley ang pag-iinit at paninikip ng baywang.

"Titiisin ko to, kakayanin ko ito! Pinakamagaling ako!" Pilit na pinapalakas ni Linley ang loob.  Ang katawan ni Linley ay likas na malakas.  Ni hindi ito kailanman nagkasakit.  Isa pa, sobrang sipag nito, kaya kung magtagumpay man ito ay hindi na kataka-taka.

"Tsug!" Bumagsak ang unang bata.

Pero dahil ang ginawang unan at patungan ng paa ay  may taas lang na dalawampung sentimetro, kahit bumagsak man ang mga bata ay hindi ito gaanong masasaktan.  ( sa kontinente ng Yulan, ang pamantayan ng mga 'goldsmith' (panday?) 1 meter = 10 decimeters = 100 centimeters = 1000 millimeters.)

(Me: hindi ko na tinagalog para di maguluhan.  Malay ko ba kung ano sa tagalog ang decimeters?)

Thud! Thud!  Habang tumatakbo ang oras ay dumami ng dumami ang mga batang hindi nakatiis.

Nagtatagis ang bagang ni Linley.  Ramdam na ramdam niya ang pamamanhid ng baywang na umabot na sa sukdulan ng kanyang pagtitiis.  "Sobrang bigat na ng katawan ko.  Parang hindi ko na makontrol.  Konting tiis pa."  Sa mga oras na ito, tanging si Linley nalang ang natitira sa grupo ng nasa anim hanggang walong taong gulang na mga bata.

Habang nakatingin kay Linley, hindi mapigilan ni Hillman na mamangha at matuwa.

"Lorry!" Biglang sigaw ni Hillman.

"Kapitan!" Mabilis na tumuwid ito ng tayo at naghintay ng utos.

"Bukas, maghanda ka ng espesyal na pangkulay (dyes, whatever!) Habang nag-ehersisyo sa kanilang baywang, maglagay ka ng kahoy sa ilalim ng kanilang baywang, lagyan mo ng kulay.   Kung may tatamad-tamad at hinahayaang dumaiti ang sanga sa kanilang baywang, makukulayan ito.  Doblehin mo ang hirap sa kanilang pagsasanay kinabukasan."

"Masusunod Kapitan."  Agarang sagot ni Lorry.  Hindi nito napigilan ang mapangiti.  Lihim na natatawa, "daming malokong ideya talaga itong si Kapitan.  Patay kang bata ka!"

Parang binagsakan ng langit at lupa ang mga bata sa narinig.  Karaniwan nang niluluwagan ng mga ito ng konti ang pagsasanay.  Pero sa ideya ni Hillman, wala ng pagkakataong gawin nila iyon.

Nagpatuloy si Hillman, "Sasabihin ko sa inyong lahat, pag ang isang mandirigma ay nagsasanay ng kanyang battle qi, ang battle qi ay nakalagay sa kasing laki ng kamao na lugar, na nasa direktang ibaba ng pusod.  Dapat ninyong maintindihan na kasama ito sa 'triangular region' na sinasabi ko.  Inaasahan ko na kayong lahat ngayon ay naintindihan kung gaano ka importante ang pagpapalakas sa 'triangular region'.  Ito ang inyong pinakasentro. (core)  Kung babagsak ito, babagsak din ang inyong katawan, kahit gaano pa kalakas ang ibang parte."

Ang isang magaling na magtuturo ay ang pinakaimportante para mga bata.

At si Hillman ay isang magiting na mandirigma.  Alam nito ang mga importanteng parte ng pagsasanay, at alam din nito kung paano dahan-dahang dagdagan ang hirap.  Alam nito kung ano ang mabisang gamitin sa kung anong edad.  Kung masobrahan sa hirap, maaring babagsak ang katawan ng bata.

"Battle qi?"

Nang marinig ang salitang ito, lahat ng mga kabataan, pati na ang mga maliliit na nagpapahinga sa gilid ay nakatuon ang atensiyon kay Hillman.

Lahat ng mga ordinaryong mamamayan ay sabik na matuto ng battle qi.  Kahit na si Linley na isang maharlika ay sabik din.

"Thud!"

Sa huli ay hindi na nakatiis si Linley, pero ginamit nito ang mga braso para buhatin ang sarili habang dahan-dahang gumulong.

"Sarap ng pakiramdam!"  Ramdam ni Linley ang pamamanhid ng kanyang baywang na naunuot hanggang buto.

"Gaano katagal akong nakatiis?" Sabay tingin sa paligid.

Lahat ng anim na taon ay bumagsak na.  Kalahati ng sampung taon ay bumagsak na din.  Pero ang may edad katorse ay nakatiis.  Nanatiling malamig ang mukha ni Hillman.

"Kailangan tandaan ninyong lahat.  Ang inyong katawan ay parang sisidlan, parang baso ng alak.  Ang battle qi ay ang alak.  Kung gaano ka daming alak na mailagay ay depende sa laki ng baso.  Ganun din ang katawan, ang abilidad ng isang tao na mag-sanay ng battle qi ay nakadepende sa kabuuan ng kanyang pagsasanay.  Kung ang kanyang katawan ay mahina, kahit na gumamit pa siya ng makapangyarihang qi manuals, hindi kayang panghawakan ng kanyang katawan ang battle qi, kaya hindi rin siya maging malakas na mandirigma." importanteng bilin ni Hillman sa mga bata.

Maraming mandirigmang dahil sa hindi ito naturuan ng tamang paraan noong mga bata pa ay naintindihan lang ang koneksiyon ng battle qi at lakas ng katawan noong tumanda na.  Pero sa mga edad na iyon, walang progreso kahit magsanay pa ang mga ito.

'Maraming mga ninuno na tinahak ang maling daan at nakakuha ng maraming karanasan." Patuloy  ni Hillman sa pagkuwento sa mga karanasan, gaya ng isang hanging tagsibol, kung paano ang ulan ay nagkaloob ng buhay, pinapaintindi nito ang importansiya ng karanasan sa isip ng mga bata.  Ayaw ni Hillman na tahakin ng mga ito ang maling daan.

Pagkatapos magsanay sa 'Qi Building Stance', ang baywang, likod, hita, balikat at iba pang parte ng katawan ay magkaisa na.  Ngayon, halos lahat ng mga bata ay nakaupo, at nagpapahinga  sa damuhan.  Ang palatuntunan ni Hillman sa pag-sasanay ay halos perpekto sa pagtantiya sa antas ng kung gaano kahirap sa bawat edad ng mga bata.

"Dito magtatapos ang pagsasanay sa araw na ito." anunsiyo ni Hillman.

May oras ang pagsasanay sa bayan ng Wushan.  Araw-araw ay nangyayari ito isang beses sa madaling-araw at isang beses sa hapon.

"Uncle Hillman, kwentuhan mo naman kami!" sigaw ng mga bata ng matapos ang pagsasanay.  Araw-araw, pagkatapos ng pagsasanay sa madaling araw, ay nagkukwento si Hillman tungkol sa buhay-sundalo nito, o mga nangyayari sa kontinente.  Dahil buong buhay ng mga bata ay nakatira lang sa bayan, kaya uhaw na uhaw ang mga ito sa mga kuwento tungkol sa mga sundalo.

Napangiti si Hillman.  Gustong-gusto niyang magkuwento sa mga bata.  Paraan din ito para mas lalong ganahan ang mga bata na mag-ensayo.  Pakiramdam kasi ni Hillman, kung boluntaryo ang pagsasanay ng mga bata ay maganda ang magiging resulta.

"Ngayon araw na ito, ikukwento ko sa inyo ang tungkol sa maalamat na angkan, ang 'Four Supreme Warrior Bloodlines' na alam ng lahat na naninirahan sa kontinente."  may paghangang lumitaw sa mukha ni Hillman.

Agad na kuha ang ang buong atensiyon ng mga bata at nangniningning ang mga mata, pati na si Linley.  Habang nakaupo sa lupa si Linley, naramdaman nito ang malakas na pagpitik ng dibdib.  "Ang maalamat na "Four Supreme Warriors'?" walang ka kurap-kurap na titig nito kay Hillman.

Makikita sa mga mata ni Hillman ang excitement.  Pero ang boses nito ay nananatiling kalmado.  "Noong unang panahon, ilang libong taon na ang nakaraan sa kontinente ng Yulan ay may dumating na malalakas na 'Supreme Warriors'.  Ang apat na 'Supreme Warriors' ay may kapangyarihan na maikukumpara sa isang dambuhalang dragon.  Malayang nakapaglalakad ang mga ito sa gitna ng milyon-milyong mga sundalo at madaling napupugutan ang ulo ng kahit na sinong heneral!  Ang mga 'Supreme Warriors' na ito ay kilala sa pangalang Dragonblood Warrior, Violetflame Warrior, Tigerstriped Warrior at Undying Warrior!"

(Me:  ang hirap magtranslate, so guys instead na mandirigma lets use warrior nalang.  Don't worry hindi ko lalahatin.  anyways, ang importante naintindihan ninyo ang storya diba?  let's break the rules of writing!  ayaw ko rin  kasing magsulat ng malalim na tagalog. okey lang ba?)

"Ang mga 'Warriors' ay nahahati sa siyam na ranggo.  Ako, bilang isang piptsuging mandirigma na nasa ika-anim na ranggo ay madaling makabasag ng malalaking bato at mapatumba ang malalaking punong kahoy!  Pero ang mga '9th rank warrior', kahit sa loob ng ating bansang Fenlai, ay masasabing isang eksperto.  Pero ang mas mataas pa sa 9th rank warriors ay ang 'Four Supreme Warriors.  Nalagpasan ng mga ito ang  9th rank warriors at maiikonsiderang nasa pinakatuktok na ang mga mandirigma ito. Nahahanay ang mga ito sa maalamat na mandirigmang 'Saint-level'." puno ng siglang ang mga matang kuwento ni Hillman.  "Ang mga maalamat na 'Saint-level warrior' ay nakakatunaw ng malahiganteng yelo (iceberg), nagagawang galitin ang dagat at palakihin ang alon, durugin ang mga bundok, sirain ang maraming bayan na may milyon-milyong mga tao at pabagsakin ang bulalakaw sa langit!  Walang makakatalo sa kanila, sila ang may pinakamalakas na kapangyarihan."

Katahimikan.  Natulala ang mga bata.

Itinuro ni Hillman ang bundok sa hilaga.

"Tingnan ninyo.  Diba ang tayog ng bundok na iyan?" ngumiti si Hillman.

Pagkatapos marinig ang sinasabi ni Hillman ay maraming bata ang natakot.  Mabilis na tumango ang mga ito.  Ang Wushan ay may ilang libong metro ang taas, at ilang libo ang kabuuan.  Sa mata ng tao, masasabing malaking bundok iyon.

"Pero ang mga 'Saint-level' na naglalaban ay kayang wasakin iyan sa isang kisapmata." siguradong sabi ni Hillman.  Ang '6th-rank warrior' ay kayang basagin ang malaking bato.  Pero ang 'Saint-level warrior' ay kayang wasakin ang buong bundok!"

Napanganga ang mga bata at nanlaki ang mga mata.  Lahat ay nagulat, at ang kanilang mga puso ay napuno ng sindak sa mga 'Saint-level warriors'.  Pero sa bawat puso ay napuno ng pag-asam.

"Nakakawasak ng bundok?" ang sinasabi ni Hillman ay nag-iwan ng malaking tama sa puso ni Linley.

Pagkaraan ng ilang saglit, ang mga natulalang mga bata ay nagsiuwian na sa kani-kanilang bahay.  Sina Hillman, Roger at Lorry ay ang pinakahuling umalis.  Habang pinapanood ang papaalis na mga batang naggrupo-grupo ay napangiti si Hillman.

"Ang mga batang ito ay ang pag-asa at kinabukasan ng Wushan," nakangiting sabi ni Hillman.

Sina Roger at Lorry ay pinapanood din ang grupo ng mga bata.  Sa kontinente ng Yulan, lahat ng mga ordinaryong mamayan na mga bata ay kailangang magsikap na magsanay sa batang edad.  Habang pinapanood ang mga bata, sina Roger at Lorry ay hindi maiwasang magbalik-tanaw sa kanilang kabataan.

"Kapitan Hillman, siguradong mas magaling kayo kaysa kay  tandang Potter noong unang panahon.  Sa ilalim ng inyong pamamahala, naniniwala ako na ang bayan ng Wushan ay magiging pinakamalakas na bayan sa ating rehiyon, na malampasan pa ang sampu o higit pang mga bayan." nakangiting sabi ni Lorry.

Ang lakas ng isang magtuturo ay ang makagpapasya sa kinabukasan ng isang lugar.

"Oh, Kapitan, paano n'yo nga po pala nalaman ang tungkol sa lakas ng mga 'Saint-level warriors' o ng 'Four Supreme Warriors'?" biglang naalalang itanong ni Lorry.

Nakangising bahagyang napahiya si Hillman, "ang totoo niyan, hindi talaga malinaw sa akin kung gaano kalakas ang 'Four Supreme Warriors'.  Dahil ang mga ito ay isang alamat lang.  Maraming taon na ang nakaraan nang may makakita sa mga ito."

Parehong namangha sina Lorry at Roger.  "Wala kang ideya, pero nagsisinungaling ka sa mga bata?"

Bahagyang ngumiti si Hillman.  "Kahit na hindi ako sigurado sa eksaktong lakas ng 'Four Supreme Warriors', alam ko ito - ang Saint-level mage maestro', na siyang masasabi nating naabot ang 'Saint-level rank, ay kayang magsagawa ng 'forbidden magic techniques' at kayang lipuin ang libo-libong sundalo o ang buong siyudad.  Yamang ganun kalakas ang isang 'Saint-level mages', inaasahan kong hindi rin nalalayo ang lakas ng mga 'Saint-level warriors'.

"Higit sa lahat, ang rason kung bakit ko iyon ikinuwento sa mga bata ay upang mas lalo pang pagsikap ang mga ito.  Hindi n'yo ba masasabi kung gaano ka sindak ang mga bata pagkatapos marinig ang kuwento  ko?" masayang sabi ni Hillman.

Parehong walang masabi sina Roger at Lorry.

.....
"Ingat, 'Ley!"

"Ingat, Hadley!"

Paalam ni Linley kay sa kaibigang si Hadley.  Umuwing mag-isa si Linley sa bahay nito.  Pagkatapos maglakad ng konti nakita nito ang balwarte ng mga Baruch.

Ang lupaing kinatatayuan ng Baruch manor ay may kalakihan.  Ang mga lumot ay kumakapit sa dingding, may mga baging din na kumakapit sa dingding.  Makikita sa dingding ang marka ng mga panahong lumipas.  Ang Baruch manor na nasa bayan ng Wushan ay ang ancestral house ng Baruch clan.  Ang ancestral house na ito na nakatayo may limang libong taon na ang nakaraan ay dumaan na sa hindi mabilang na pagpapaayos at nanatiling nakatayo.

Pero sa pagbagsak ng yaman ng angkan, ang pananalapi ng mga Baruch ay mas lalong lumala.  Sa huli, nakaya lang nitong gastusin ang nakaraang kita.  Sa loob ng isang daang taon, ang noo'y pinuno ng Baruch clan ay determinadong ang lahat ng mga membro ng angkan ay mananatili sa loob ng bakuran.  Nagamit ng mga ito ang pangatlong bahagi ng manor.   Ang natira ay hindi na kayang panatilihin.  Sa ganitong paraan ay malaki ang naiipong pera.  Pero kahit na naagapan, sa mga panahong ito, ang ama ni Linley na si Hogg Baruch ay kailangan paring ibinta ang ibang pag-aari ng pamilya para mabuhay.

Ang malaking pinto ng manor ay bukas.

Saint-level warriors'? habang naglalakad ay nasa isip pa rin ni Linley ang tungkol doon.  "Sa darating na panahon, magiging isang 'Saint-level warrior' din ako!"

"Linley." boses ni Hillman sa likuran niya.  Nabutan din si Linley nina Hillman, Roger at Lorry.

Lumingon si Linley at masayang sabi,"Uncle Hillman!"

Pigil ang hiningang tiningnan ni Linley si Hillman, sabik na nagsasalita, "Uncle Hillman, ganun ba talaga ka lakas ang mga 'Saint-level warriors'?  Kung ganun, paano ako?  Maari ba na maging isang 'Saint-level warrior' ako?" sa puso ni Linley ay puno ng pagnanais, kagaya rin ng lahat ng bata.

Natigilan si Hillman.  Sina Roger at Lorry ay hindi rin nakapagsalita.

Isang 'Saint-level warrior'?

Ang batang ito talaga ay nangahas  na mapangarap ng malaki.  Ang bansang Fenlai ay may milyon-milyong mamamayan, pero ganun pa man, sa loob ng hindi mabilang na mga siglo, walang naging kahit isang 'Saint-level warrior'.  Para pangaraping maging isang 'Saint-level warrior'... sa isip ni Hillman ay naintindihan nito kung gaano kahirap na maging isang 'Saint-level warrior'.

Kailangan ang doble-dobleng pagsisikap mula pagkabata, suporta ng mayamang angkan at mataas na natural na talento.  Kailangan din ng swerte.  Paanong naging madali ang magiging isang 'Saint-level warrior'?

Batid ni Hillman kung anong klaseng paghihirap ang dinaanan niya marating lang ang 'sixth-rank warrior',  kung gaano kadaming buwis buhay na mga labanan ang kailangan niyang maranasan.  Kahit ang 6th-warrior rank' ay mahirap abutin.  Ang '7th, 8th, at 9th rank warrior' ay mas lalong mahirap.  Ang pagiging isang 'Saint-level warrior?  Ni sa panaginip ay hindi nangahas na pangarapin iyon ni Hillman.

Matamang tinitigan ni Hillman si Linley.

"Linley, may tiwala si Uncle Hillman mo sayo.  Sigurado akong maging isang 'Saint-level warrior' ka."  may kasiguraduhang sabi ni Hillman kay Linley.  Nagningning ang mga mata ni Liley sa narinig na pampalakas loob.  May tumubong pag-asam din sa puso ni Linley.

Isang maalab na pangarap!

"Uncle Hillman, simula bukas, maari po bang sumali ako sa pagsasanay ng mga sampung taong gulang?" biglang tanong ni Linley.

Sina Hillman. Roger at Lorry ay napatitig kay Linley, nasorpresa.

"Ang ama ko ay laging sinasabi, kung gusto mong maging isang mandirigmang walang katumbas, kailangan magsikap ka ng higit pa sa ibang lalaki." wala sa loob na ginaya ni Linley ang tuno ng boses ng ama nito.

Biglang napangiti si Hillman.  Nakita niya ang resulta sa pagsasanay ni Linley sa araw na ito.  Kahit na anim na taong gulang palang, ang katawan nito ay maikukumpara na sa siyam na taong gulang.  Agad na nakangiting tumango si Hillman.  "Okey.  Pero, kailangan wag tatamad-tamad.  Kailangang isipin mo na hindi lang ito sa loob ng isang araw o dalawa.  Pangmatagalan ito.

Taas noo at puno ng tiwala sa sariling ngumiti si Linley.  "Uncle Hillman, maghintay ka at makikita mo."

Ito ay ordinaryong umaga lang sa bayan ng Wushan.  Araw-araw ay ganito.  Ang grupo  ng mga bata ay sumusunod kay Hillman na isang '6th-rank warrior' at nagsasanay sa patnubay nito.  Ang tanging kaibahan lang ay ang anim na taong gulang na si Linley ay inilagay sa gitnang grupo, ang grupo ng mga sampung taong gulang.

Continue Reading

You'll Also Like

80.4K 4.2K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
135K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
38.6K 1.5K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...