Marry You

pinkyjhewelii

21M 304K 51K

│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano Еще

MARRY YOU
Chapter 1 ♥ Meet Yumiko
Chapter 2 ♥ Meet Mr. Cold
Chapter 3 ♥ First Meeting
Chapter 4 ♥ Kiss Stealer
Chapter 5 ♥ Ipis
Chapter 6 ♥ Bar
Chapter 7 ♥ Meet Enrique
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 ♥ My Fault
Chapter 44 ♥ Cry
Chapter 45 ♥ End
MUST READ

Chapter 37

348K 5.8K 1.4K
pinkyjhewelii

Yumiko POV

Ang bilis ng araw. Monday na agad. Kahapon, wala naman nangyari. Tinawagan lang ako ni Lance. Halos maghapon kaming magkausap.

Miss na miss ko na sya. Kahapon para akong timang na napapatulala kasi mag-isa lang ako sa kwarto ko.

On the way nga pala ako papuntang SWU. As usual, yung bodyguard ko yung driver ko. Kainis.

Buti nalang dito lang sya sa parking maghihintay. Hello, alangan naman samahan pa nya ako hanggang room. Psh.

Pagkadating dito sa SWU, bumaba na agad ako ng kotse. Gusto ko na makita si Lance.

"Miss Yumi wag nyo pong tatangkain tumakas dahil mag-aabang ako sa gate ng SWU. Yun ang bilin ng Papa nyo."

I rolled my eyes. "Whatever." Sabi ko saka naglakad na.

Diretso lang ako. Andito nako sa may hallway ng room namin nang matanaw ko si Lance. He's standing outside the room.

I automatically smiled. Binilisan ko na din lakad ko. "Babe!" Tawag ko.

Pagtingin nya sakin, nakita ko na naman yung killer smile ng Lance ko. He ran towards me and hugged me tight. "Babe..."

Miss na miss ko na talaga ang lalaking 'to kahit isang araw lang kami di nagkita. Mas sanay ako na araw-araw ko syang kasama.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin then he kissed me torridly. Grabe si Lance. Ramdam na ramdam ko na miss na miss na nya ko sa way ng paghalik nya sakin. I respond to him. Wala akong pakialam sa mga taong nanunuod samin. Why? I really missed this guy.

He stopped kissing me. Napatingin ako sa paligid. May mga nanunuod nga. Psh mga tsismosa.

"Babe wag na tayo pumasok sa klase." Sabi ni Lance.

"Di pwede babe saka hindi din naman ako makakatakas. Nasa gate ng SWU ang bodyguard ko, nakaabang don."

"Sinabi ko bang aalis tayo ng SWU? Sa tambayan lang tayo. Gusto kitang masolo babe. Please..."

Hala. With matching puppy eyes pa si Lance. Nagpapaawa. Napangiti tuloy ako.

"Kasi b---"

"Lance, anong ginagawa nyo? Baka may makakita pa na iba. Kahihiyan yan sa pamilya natin. Marami na rin sigurong may alam na ako na ang fiance mo."

Fiance?

Si Nicole?

Tumingin ako kay Lance. Nag-iba din ekspresiyon ng mukha nya. Ako, eto kabado. Gusto kong sabihin sakin ni Lance na hindi yun totoo. Basta nalang sumisingit dito yang Nicole na yan.

Ayoko. Hindi. Hindi ko matatanggap na si Nicole ang new fiance ni Lance. Ayoko.

"Totoo ba yung sinasabi nya?" Tanong ko kay Lance. Tinatagan ko ang sarili ko sa magiging sagot ni Lance.

"Oo."

Shit! Bigla akong nanlumo. Naggigilid na luha ko. Parang diko matanggap na si Nicole? Si Nicole ang new fiance? Desperada na nga yan!

"See? Kaya Yumiko, if you'll excuse, wag ka ng lalapit sa fiance ko." Mataray na sabi sakin ni Nicole.

Ako pa tatarayan nya? Di ba nya kilala ang tunay na Yumiko Hayashi? Mataray pako sa pinakamataray.

Si Lance tahimik. Bat di nya ako ipagtanggol? Wag mo sabihing okay sa kanya na si Nicole fiance nya? Damn!

"Will you please shut your mouth? So ikaw ang new fiance? Kawawa ka naman. Second choice kalang. Ako pa din ang original choice kaya wag kang magmalaki sakin. At anong sabi mo? Wag akong lalapit sa fiance mo? Wow. So feeling mo sayo na si Lance? Dimo ba napanood yung hinalikan nya ako kani-kanina lang? Nakita mo ba kung gaano nya ako na-miss? O gusto mong ipamukha ko sayo na mahal na mahal ako ni Lance? Baka mapahiya ka." Hamon ko.

Wag na wag nya talaga ako masusubukan.

"Nicole tigilan mo si Yumiko. Wag na wag mo syang pagsasalitaan ng ganyan. Baka anong magawa ko sayo."

Napangiti naman ako bigla kay Lance. Wow. Pinagtanggol nya ako against Nicole.

Kanina lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero ngayon, ewan. Basta natuwa ako sa inaakto ni Lance.

"Lance! Sa mansyon nyo ako titira! Nagpaalam nako kay Papa and alam na ng Papa mo! Mamaya dun nako lilipat." Sabi ni Nicole.

Kapal talaga ng mukha nya. Lumalabas yung tunay nyang ugali. Nung una pa-sweet pa mukhang tuta. Bwisit!

"Stop it Nicole." Suway ni Lance.

"I have the rights Lance. Ako na ang fiance mo." Sagot ni Nicole.

Humarap ako kay Nicole. "Edi dun ka tumira. Sino ba pumipigil sayo? Dun ka matulog sa maid's quarter area. Mas bagay ka don." Pang-aasar ko.

Ayoko malungkot. Ayoko muna damdamin yung fact na sya na ang fiance ni Lance. I will make her life miserable. Akala nya mananahimik lang ako?

"Haha. Nakakatawa ka Yumiko. Sa kwarto ni Lance ako m---"

"Stop it. Kung titira ka sa mansyon, hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko. Madaming guest room don. Si Yumiko lang ang may karapatang pumasok sa kwarto ko. Wala ng iba."

Okay. Napangiti na naman ako ni Lance. Sa halip na mainis, natutuwa ako kasi hindi kinakampihan ni Lance si Nicole.

Okay. As always. Ayan na naman ang best actress. Naiiyak yung itsura ni Nicole. "B-Bakit ganyan ka sakin Lance..."

Hinawakan ako ni Lance sa kamay. "Let's go."

Hindi nako umalma. Nagpahila nalang ako kay Lance. Ayun si Nicole naiwan don. Mukha syang tanga. Paiyak-iyak pang nalalaman.

Mabilis ang ginawang paglakad ni Lance kaya ako nahila nya lang.

Hanggang sa makarating kami dito sa tambayan. Pagpasok palang, niyakap nako agad ni Lance. "Babe sorry..."

Ayan na. Naisip ko na ulit yung katotohanan na si Nicole na fiance nya. Nangigilid na naman luha ko. Di ako makapagsalita.

"Sorry diko sinabi sayo kahapon kahit magkausap tayo.. Babe ayoko lang masaktan ka, pero don't worry. Against naman ako. Gagawa pa din ako ng paraan."

Wala na. Naiyak nako.

"Ssshh... Babe wag ka ng iiyak please." Sabi ni Lance tapos kumalas sya ng yakap sakin. He wiped my tears. "Pag-alis ni Papa, babalik ka sa mansyon."

"Hindi pwede babe. May bodyguard ako."

He kissed me. "Gagawin ko lahat ng paraan. Kaya wag ka ng malulungkot at iiyak. Okay?"

Tumango lang ako. "W-Wag kang masyadong lalapit kay Nicole."

He smiled. "Are you jealous?"

Anong klaseng tanong yon? Eto na oh, nagda-drama nako tapos bigla akong aasarin? Oo. Yung ngiti kasi ni Lance nang-aasar.

"Yes I'm jealous. Lalo na yung malalaman ko na titira sya sa mansyon. Babe baka..."

"Ssh. Wala. Wala kang iisipin okay? Nakalimutan mo nabang nasa mansyon din si Fancy? Kilala mo yon."

Oo nga. Si Fancy. Sana hindi sya boto kay Nicole. Sana gawan nya yun ng trippings nya. Aish. Diko na alam iisipin ko.

Nakakainis si Nicole. Pero akala ba nya papaapekto ako? Hinding-hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako. Katarayan ko ang makikita nya.

Psh.

Nicole POV

Nakakainis na yung haponesang yun. Pasalamat sya hindi ako masyadong makapagtaray dahil andon si Lance at may mga tsismosang nanunuod. Psh. Gusto ko, ako ang kaawaan nila para ako ang kampihan nila at hindi yung ubod ng taray na haponesang yun. Psh.

Pinahid ko yung luha ko. Sayang effort kong umiyak. Psh. Di na naman ako pinagtanggol ni Lance ko. Siguro dahil naaawa sya kay Yumiko. Syempre siguradong nasasaktan yun lalo na nung malaman nyang ako na ang bagong fiance ni Lance. Kawawang haponesa.

Naglalakad nako papasok ng room ng bigla akong hilahin ni Ethan. Mahigpit pagkakahawak nya sa braso ko. “Ethan..”

Hindi nya ako pinapansin. Patuloy lang sya sa paghila sakin hanggang sa makarating kami dito sa may hagdan, medyo konti lang tao dito.

“Bakit mo ba ako hinila?” Tanong ko.

“Anong ibig sabihin non? Totoo ba yung narinig ko? Fiance ka na ni Lance?”

Halata sa mga mata ni Ethan na galit sya. Since dati, malaki na ang naging pagtutol nya na magustuhan ko si Lance. Mahal ko eh. May magagawa ba ako?

“Oo! Totoo yun!” sigaw ko.

“May kinalaman ka ba don? May ginawa kabang kalokohan para maging fiance ka ni Lance?”

Damn! Alam na alam na talaga ni Ethan kung ano ang ugali ko. Malakas ang pakiramdam nya pagdating sa mga ginagawa kong kalokohan. Ano pabang gagawin ko? Tatanggi paba ako?

“Oo! May ginawa akong kalokohan! Bakit Ethan? Ano bang masama don? Gusto ko lang naman na makuha si Lance. Mahal ko siya. Ako ang bagay sa kanya!”

“Hindi yan pagmamahal Nicole! Nagawa mo ang bagay na yun? Hindi kaba nako-konsensya? Pangitang-pangita naman natin na walang nararadaman sayo si Lance! Bakit ba kelangan mo pa ding ipilit ang sarili mo sa kanya!” sigaw ni Ethan. Galit na galit ang mga mata nyang nakatingin sakin.

“Hindi mo ako naiintindihan Ethan! Nagmamahal lang ako! Hindi mo yun maiintindihan dahil hindi kapa nagmamahal! Kaya wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan! At si Lance? Matututunan naman nya akong mahalin eh. Handa akong maghintay!”

“Damn Nicole! Ako pa ang sinabihan mo nyan? Nagmamahal na ako kaya alam ko ang pakiramdam na hindi ka mahal ng taong mahal mo! Fuck, Nicole matuto kang isipin ang mararamdaman ng mga tao sa paligid mo! Itigil mo na yang kahibangan mo!”

“Hindi ito kahibangan! Pagmamahal ‘to! Alam kong ako lang ang magpapasaya kay Lance! Ako lang!”

“Stop it Nicole! Kitang-kita naman natin kung gaano kamahal nina Yumiko at Lance ang isa’t isa. Ginulo mo ang maayos nilang relasyon! Kung ikaw kaya nasa katayuan ni Yumiko, anong mararamdaman mo ha?”

Umiling-iling ako. “Wala akong pakialam sa nararamdaman ni Yumiko. Mas mahalaga dito yung nararamdaman ko Ethan! Intindihin mo nalang. Bestfriend kita kaya dapat sakin ka pumapanig!”

“Sayo ako papanig kung nasa tama ka. Pero hindi eh, nasa mali ka Nicole! Hindi magandang manira ng relasyon. Napakarami pang lalaki sa paligid mo na hindi mo alam na mahal na mahal ka! Wag mong i-focus sa isang lalaki ang atensyon mo! Maging aware ka sa nararamdaman ng iba!”

Umiiyak nako. Totoo nato at hindi lang arte. Oo tinatamaan ako sa mga sinasabi ni Ethan pero hindi, hindi ko kayang basta lang mawala si Lance. Akin sya. “Wala akong pakialam sa kanila! All I care about is Lance! Si Lance lang ang gusto ko! Wala ng iba!”

“Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin sayo Nicole! Makinig ka naman kahit ngayon lang! Ginagawa ko ‘to para di ka masaktan! Masasaktan kalang! Ang pagmamahal hindi yan nakukuha basta basta lang! Hindi porket ikaw na ang fiance ni Lance ay mamahalin kana nya. Hindi! Mas lalo mo lang pinatitibay ang relasyon nila ni Yumiko dahil pinaglalaban nila ang isa’t isa! Sumuko kana Nicole. Hindi mo kailangan ang isang Lance Abellano sa buhay mo!”

“Anong sabi mo? Hindi kailangan? Nyeta Ethan! Siya nga lang ang kaialngan ko eh! Siya lang!”

“Fine. Nakakapagod na Nicole. Pagod na pagod nakong isiksik dyan sa utak mo kung alin ang tama at mali! Kung ayaw mong makinig askin, sige ikaw ang bahala! Mula ngayon, hindi mo na ako bestfriend. Siguro sa alaala nalang. Hindi na kita kilala eh. Hindi ganyan ka-desperada ang Nicole na nakilala ko. Tandaan mo, wag na wag ka ng lalapit sakin. Lalo na pag nasaktan ka ng dahil kay Lance. Bahala ka na sa buhay mo. Sobra mo ipagtabuyan ang mag taong pinapahalagahan ka.”

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Ethan. Hindi na kami bestfriend?

Masakit pero mas pipiliin ko pa din si Lance.

Hindi na ako sumagot. Siya nakatayo pa din sa harap ko. “May gusto lang akong sabihin sayo bago ako umalis sa buhay mo Nicole. Buong buhay mo na pagsunod at pagpilit ng sarili mo kay Lance, hindi mo man lang napansin na andito ako, ako na nagmamahal na sayo hindi bilang bestfriend kundi bilang lalaki. Mahal na kita Nicole. Pero sa tingin ko, mababalewala lang ito kaya sige, kahit alam kong mahirap, kakalimutan ko ‘tong nararamdaman ko. Bye Nicole.”

Napaupo ako sa pag-iyak. Na-shocked ako sa sinabi ni Ethan. He loves me? He really loves me at kakalimutan na nya yun?

B-Bakit..

Bakit ang sakit dito sa puso ko nung huling sinabi ni Ethan?



Yumiko POV

“Grabe Lance maawa ka naman kay Yumi. Kanina mo pa yan niyayakap at hinahalikan. Diko alam kung gusto mo talaga yang ginagawa mo o talagang nang-iinggit kalang.”

Gusto ko nalang matawa sa sinabi ni Oliver.

“Pareho.” Sagot ni Lance.

Hindi na kasi kami um-attend ng klase. Lunch break na ngayon kaya andito ang tigers sa tambayan. Si Lance kasi ang PDA masyado.

Oha nakakatawa nako, ang sweet kasi ni Lance saka ilang beses na nyang sinabi kung gaano nya ako kamahal. Ramdam ko naman yun kaya magtitiwala nalang ako sa kaniya. Hindi ako papaapekto kung si Nicole man ang bagong fiance.

Aasarin ko nalang si Nicole. Akala nya diko sya papatulan? Kahit pa magpaawa sya wala akong pakialam. Kahit pa ako ang lumabas na masama sa paningin ng iba, I don’t care.

“Kain nalang tayo Oliver. Maiinggit lang tayo dyan.” Nakasimangot na sabi ni Luke. May crush nga pala sakin ang mga ‘to.

Tumingin ako kay Lance na nasa tabi ko.

Tsup!

Hindi ko na mabilang kng nakakailang halik na yang si Lance sakin. Ang saya lang kasi kahit may problema kami ngayon, nagkakasama pa din kami. Yung ganitong naglalambingan kami na parang wala kaming malaking problema.

“Oh, bakit ganyan ang mukha mo babe? Poker face?”

“Nakakailang halik ka na kasi. Diko na mabilang.” Kunwari masungit ako. Namiss ko yung ganito kami ni Lance eh.

“Masama?”

“O---"

Wala na. Hinalikan na naman ako. Psh. Ako na nahihiya sa ibang tigers na andito eh. Si Lance walang pakundangan talaga.

After how many seconds, he stopped kissing me. “Babe tara sa hotel mo.”

Yang ganyang boses ni Lance, alam ko na yan. Waaaa. Inaakit ako!

“Hindi nga ako makakalabas dito babe. Nasa gate lang ang bodyguard ko.”

“Tingin mo hindi ko yun kayang lagpasan? Ako pa ba babe?” tanong ni Lance.

“Eh pano?”

“Nasa akin na susi ng room mo diba? Mauuna nakong pumunta dun. Then after a minute, tawagan mo body guard mo na uuwi ka na kasi masama pakiramdam mo.”

Ang talino talaga ni Lance. Diko yun naisip. Haha oo nga naman. Pag nauna siya dun, at least pagdating ko andun na siya sa room. Di sya makikita nung bodyguard ko kasi di naman pwedeng pumasok sa loob ang BG ko. Dun lang sya sa labas.

“Sige babe!” nakangiting sagot ko.

“Mag-take-out nalang ako ng foods sa drive thru ng fastfood ha?”

Tumango ako. “Yes babe.”

Ang saya, dun kami sa hotel ni Lance. Kami lang dalawa dun at mas ma-spend namin yung time together.

“Ano, aalis nako babe. After mga 10 minutes bago ka umalis dito sa SWU ha?”

“Opo babe.”

“Good.”

Tumayo na si Lance. “B-Babe..”

Tumingin sya sakin. “Oh?”

“S-Sa hotel kaba tutulog mamaya?” Nag-aalangan pako itanong. Kasi naman gsuto ko siyang makatabing matulog. Kinasanayan ko na yun eh.

Nakaupo ap din ako kaya tumungo sya sakin at hinalikan ako. “Gusto mo ba babe?”

Husky voice. Mygod!

“E-Eh gusto ko babe...” sagot ko.

He smiled. “Okay dun ako tutulog.”

Yes! “Paano si Nicole? Diba dun sya titira sa mansyon?” tanong ko. Syempre siguradong hahanapin yan ng Nicole-LIE-bacteria na yun

“Wala akong pakialam sa kanya babe. Okay? Aalis nako.”

I like his answer. Walang pakialam. Buti nga sayo Nicole. Dimo kami matitibag ng babe ko.

Tumango nalang ako kay Lance. Ayun umalis na.

“Oh, bat iniwan ka ni Lance?” tanong sakin ni Luke tapos tumabi sakin. May hawak siyang barbecue.

“Aalis din ako. Alam nyo na...” sabi ko. Alam naman na nila ang sitwasyon namin ni Lance.

“GAGAWA NA KAYO NG BABY NI LANCE? WAG YUMIKO!”

Ang advance ng isip nitong si Luke. “Kain kana lang Luke.” Sabi ko.

“Yumi naman.”

“Hoy Luke tigilan mo nga si Yumiko!” sigaw ni Oliver saka tumabi sakin dito sa upuan din. Bale pinaggigitnaan nila ako.

“Hoy kayong dalawa. Nawala lang si Lance pumoporma na kayo. Isumbong ko kayo.” Sabi ni Drei.

“Shaaattttaaap!” sigaw ni Luke na parang ewan.

Natatawa nalang ako sa kanila. Napatingin ako sa relo ko. “Guys aalis nako.” Sabi ko.

“Wag muna Yumi. Dito kalang sa tabi ko.” Sabi ni Luke.

“Hoy ikaw singkit ka manahimik ka dyan!” sigaw ni Oliver.

Nag-away pa. tumayo nako. “Aalis na talaga ako. Bye sa inyo.” Sabi ko habang nakangiti. Nag-wave naman ako sa kanila then umalis na.

Nae-excite nakong umuwi ng hotel dahil makakasama ko si Lance at mas excited ako na magkatabi kaming matutulog mamaya.

Well, ganyan sa LOVE. Humadlang man ang buong mundo, basta wag kayong bibitaw sa isa’t isa, makakamit nyo din yung happy ending nyo. Kaya kami ni Lance? Hinding-hindi kami bibitaw sa isa’t isa. Challeges lang yan. Sisiw lang yan sa mga taong totoong nagmamahalan. Parang akmi ni Lance. We really love each other.

Ako na ang super inlove kay Lance Abellano.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Garnet Academy: The Game Cai

Подростковая литература

32.7K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
Garnet Academy: School of Elites Cai

Подростковая литература

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
A Runaway Royalty (Completed) Michelle

Подростковая литература

661K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
Sweet Revenge Pinky

Любовные романы

1.2M 20.5K 12
One shot story. Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014