Might of Alibata (Published)

By risingservant

2.5M 92.5K 17.3K

AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking... More

Might of Alibata
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90 (part 1)
Chapter 90 (part 2)
Epilogue
Special Chapter
Announcement
Special Chapter II
Special Chapter III
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 12

33.5K 1.2K 55
By risingservant

Morixette's POV


Hindi ko alam kung baba pa ba ako ng sasakyan o hindi na. Bakit ba ako nag-aalinlangan? Bakit ganito ang aking nararamdaman?


Oo, nasasaktan ako at hindi ko kayang makita silang nakahiga sa isang puting kahon habang pinapalibutan ng mga bulaklak at nagniningningan mga ilaw.


"Momo, bababa ako. Gusto kong makita ang labi ng mga magulang natin," bungad ni Ate Roxette nang huminto ang aming sinasakyan ilang metro lang malapit sa may gate namin.


Kita ko sa mata ni Ate ang kalungkutan na namumutawi rito. At, pagkasabik na mahagkan sila at maikulong sa kaniyang bisig ngunit hindi maaari ang nais niya.


"Ate, hindi ka pwedeng makita ng kahit sinuman doon sa loob. Alam nilang patay ka na, maging ang iba pang nandirito ay hindi nila maaaring makita. Kaya please ate, para sa ika-papayapa ng lahat..." pahayag ko.


"Anak ako, Momo! Hindi mo ako maaaring diktahan diyan sa naisin mo! Kung ikaw, kaya mong tiisin sila, ako, hindi!" anas niya.


Nagulat ako sa inasal ni Ate. Hindi ko inakalang ganoon ang kaniyang itutugon. Kung sabagay, tama naman siya. Hindi naman ako tunay na anak kaya hindi ko nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya.


"Guys, patawarin ninyo ako sa magiging desisyon ko," turan ni Ate.


Dali-daling binuksan ni Ate ang pinto ng sasakyan doon sa likod at saka tumalon palabas.


"Roxette!" sigaw ng mga kaklase niya.


"Ate!"


Nikka's POV


Hindi ko rin masisisi si Roxette sa desisyong ginawa niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi rin ako magpapapigil sa kanila. Na-miss ko tuloy ang nanay ko.


Kagaya ni Rox, wala na rin si Nanay. Ang hirap gumising tuwing umaga tapos walang babati sa iyo ng 'magandang umaga, kain ka na anak' at wala ring nakahaing pagkain sa lamesa.


Nakakalungkot. Naalala ko tuloy noon...


Sa paglayo mo, kapakanan namin ang iniisip mo. Ako ma'y naghuhuramentado, pilit na pinipigilan ang paglisan mo.


Munting luha, dumaloy sa aking mukha. Baka hindi ka na namin makita, kapag kami'y iniwan mo na.


Naisin ko man na nandito ka lagi sa aming tabi, ayaw mo naman kaming mamulubi. Alam namin na masakit na iwanan mo kami, kaya kinikimkim mo na lang ito sa iyong sarili.


Niyakap kita nang mahigpit, na tila ba ako'y nag-aalumpihit. Sa mukha mo'y gumuguhit, kalungkutan na unti-unting sumasapit.


"Anak, ang nanay ay sasabak. Sa ibang landas ako'y tatahak, upang makaahon tayo sa pagkalagapak," pahayag mo habang kaharap mo ako.


Si Ama'y sumakabilang-buhay na. Ikaw, si Nena at ako na lang ang natitira. Kay lolo't lola mo kami'y ipagkakatiwala, maisakatuparan lang ang pangarap na nais mo sa ating pamilya.


"Nanay, hindi mo kailangang maglakbay, sa ibang lugar ay kakayod para guminhawa ang ating buhay. Kami'y tiyak na malulumbay, lalo pa't sa ami'y wala nang sasalabay," sambit ko.


Si Nena ay bata pa, isang taong gulang pa lang siya. Halos isa pa siyang tabularasa, kaya walang pasakit na tinatamasa.


Hindi tulad ko, ang edad ko'y walo. Masasabi kong matigas ang aking ulo, pero ayokong mawalay sa tabi mo.


"Maiintindihan mo rin ako, kapag takdang panaho'y narating mo. Ngayon palang ay pinagsisisihan ko, ang pag-iwan sa inyo. Ito lang ang paraang naisip ko, para guminhawa ang buhay ninyo," paliwanag mo habang dumadaloy ang mga luha mo mula sa iyong mata patungo sa iyong mukha.


Alam kong ako'y bata pa, hindi naiintindihan ang lahat ng sinasabi mo. Nauunawaan naman kita, pero hindi ko talaga kayang mawala ka.


"Ako'y lilisan na, magpakabait ka. Huwag bigyan ng konsumisyon ang lolo't lola, maging mabuting kapatid kay Nena," turan mo. Kasabay nito ang pagyakap mo nang mahigpit sa amin ni Nena.


"Nanay ko!" Sigaw ko nang kami'y talikdan mo. Pinilit ko mang ika'y habulin, pero hinigpitan ni Lolo ang paghawak sa akin.


Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magsumamo, halos i-untog ko na sa pader ang aking ulo. Ni kumain ay ayaw ko, sapagkat ikaw lang ang nais ko.


"Nikka, kumain ka apo. Pagkai'y kailangan ng katawan mo, upang lumusog ang iyong mga buto," bungad ni Lola habang ako'y nagmumukmok sa may sopa.


"Hihintayin ko ang pagbabalik mo, sisiguraduhin kong ipagmamalaki mo ako. Hindi ko sasayangin ang ipupundar mo, maitaguyod lang ang pamilyang ito," bulong ko.


Simula no'ng umalis ka, pinilit kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nagpakatatag para hindi kutyain ng iba, walang inuurungang problema.


Makalipas ang limang taon, hindi ka pa rin nabibigyan ng pagkakataon. Pag-ibig namin sayo'y hindi maglalaon, sa puso't isip namin ito'y nakabaon.


Heto, pasapit na naman ang Pasko. Hindi ko naman hinangad na makatanggap ng regalo, makapiling ka lang namin daig pa namin ang nanalo sa lotto.


Malamig ang simoy ng hangin, ikaw lang ang nais kong yakapin. Hiling ko sana'y dinggin, ngayong Pasko ika'y makapiling namin.


Mga batang nagsisiawitan, hindi mo mapigilan. Sa mga bahay-bahay nagbibigay kasiyahan, kalungkuta'y tinatalikdan.


Mga parol sa bawat bahay ay nakasabit, bumbilyang makukulay ay pumipilandit. Mga tao sa isa't isa'y may malasakit, kaya tuluyang nataboy ang inggit.


Makapiling ka, kahilinga'y matupad sana. Ngunit, gumimbal sa ami'y iba, ikaw raw ay sumalangit na.


Tsismis lang na ika'y inabuso't ginahasa, pinagsasaksak habang nagmamakaawa. Hindi ako naniniwala, hangga't hindi nasisilayan ang iyong mukha.


Walang tigil sa pag-iyak ang aking kapatid. Ako man ay halos maumid. Nakatingin lamang ako sa himpapawid, hanggang sa aking mapagtanto ang aming nabatid.


Ang sakit, sa kalungkutan ako'y umaawit. Ang aking dila'y halos lumawit, sa sinapit mong kay pait.


Mas lalong gumuho ang aking mundo, nang bangkay mo'y tumambad sa harapan ko. Halos mamulagat ang mga mata ko, sigaw ng puso ko'y pagsusumamo.


Nais kitang yakapin, pagmamahal mo sa ami'y damhin. Ikaw lang ang nais kong kabigin, oras na narito ka'y susulitin.


Sa kabaong ika'y nakaratay, mga bulaklak sa paligid sa iyo'y nakahimaymay. Maraming tao sa paligid ang nakasubaybay, pagdadalamhati ko'y kanilang hinihintay.


Sa pagsapit ng Pasko, kahilingan ko'y tinupad mo. Ngunit kalakip nito'y pagsusumamo, sapagkat wala ka ng buhay ngayon sa harapan ko.


Sa paglapit ko sa kinalulugdan mo, halos lahat ng tao'y nakikisimpatiya't tinitingnan ako. Pinipigilan kong huwag maluha, dahil ayaw kong maging kahiya-hiya.


Hindi ko pa rin talaga matanggap, ikaw pa rin ang aking hinahanap-hanap. Ngayon, para akong matutuklap, hanggang pakiramdam ko'y ako'y nasa alapaap.


Nawalan pala ako kanina ng ulirat, marami na rin ngayong nagsipagsibat. Pakikiramay sa ami'y hindi sapat, pero ang tangi ko lang na nasasabi ay salamat.


Akala ko, sa pagbabalik mo, magiging masaya na ulit tayo. Ipapadama ang wagas na pagmamahal mo, pero mali pala ako.


Kaligayahan ay nais kong kalugdan, kahit na matindi ang aming pinagdaraanan. Poot at kapighatian ay tatalikdan, at matatag na haharapin ang katotohanan.


Kabiguan at pasakit ang idinulot sa akin ngayon ng Pasko. Makasama ka'y hindi namin natamo. Nawa'y masaya ka na sa kabilang mundo, kapiling ang Ama at si Hesu-Kristo.


Nagpakatatag ako, ipinako ko kay nanay na magiging inhinyero ako.


"Morx! Sundan mo ang ate mo!" giit ni Agatha.


"Hindi ko na siya mapipigilan pa, mukhang gusto talagang makita ni Ate ang labi ng mga magulang namin kahit sa huling pagkakataon..." aniya.


"E bakit ikaw? Hindi mo ba gustong makita ang labi nila?" tanong ni Ginny.


Hindi nakasagot si Morixette. Bagkus, napatigagal lamang siya sa kaniyang kinauupuan.


"Arianne, samahan mo ako sa loob. Mukhang mayroong mangyayaring hindi kaaya-aya..." turan ni Agatha.


"Sige," tugon naman ni Arianne.


Kaagad naman silang bumaba ng sasakyan para sundan sa loob si Roxette.


"Morx, sumama ka na rin," dugtong pa niya. Lutang itong bumaba sa sasakyan.


"Aaron, i-mani-obra mo na ang sasakyan. Maging alerto ka sa pagbabalik namin," segunda pa nito.


"Noted!" tugon naman ni Aaron.


Ano kaya ang mangyayari sa loob?


Lola Alette's POV


Hanggang ngayon, hindi pa rin umuuwi si Morixette. Nag-aalala na ako sa batang iyon. Baka kasi dinibdib niya na hindi siya tunay na anak kaya nagpakalayo-layo na siya.


Nakakalungkot, tatlong bangkay ang pinaglalamayan namin ngayon. Sa dingding, makikita ang tarpaulin na imahe ng magulang ni Morx at ng apo kong si Jaycee. Ano ba ang nangyari at nagkasabay-sabay pa sila?


Nandito ako ngayon nakaupo at nagbabantay sa labi ng aking minamahal sa buhay. Bukas pa ang dating ng asawa ko rito maging ang pamilya ni Jaycee. Ngayon ko lang napagtanto na marami palang nagmamahal sa amin dahil marami ang nakikiramay.


Kasabay nito, nakasabit din sa dingding ang tarpaulin na naglalaman ng imahe ng aking apo na si Roxette kasama ang kaniyang mga kaklase na namayapa na rin.


Nagulat akong bigla nang makarinig ako ng pagtangis kaya lumingon ako sa may likuran, sa entrada ng bahay.


Isang dalagang nakasalampak sa sahig at nakatakip sa kaniyang mukha ang dalawa niyang kamay. Iyak siya nang iyak at tila ba nagsusumamo. Sino kaya siya?


Dahan-dahan siyang tumayo at nagtatakbo papalapit sa kabaong ng aking anak na si Marilette at saka iyon niyakap habang patuloy sa pagtangis.


"Mama!" rinig kong sambit niya.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila ba kinakabahan. Napatayo ako sa aking kinauupuan at nilapitan ang dalaga.


"Roxette? Apo?" turan ko nang maaninaw ang kaniyang mukha.


"Lola!" aniya habang patuloy pa rin sa pagtangi.


Niyakap niya akong bigla kaya hindi ako nakapagsalita.

Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
305K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?