My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 46

145K 2.8K 41
By Aljane_Rose

Bawi na ako sa matagal na hindi pag-update. Nagreply ako sa isa sa inyo kung kailan ulit ang update ko. Ang sabi ko monday pero naging saturday. Sinusulit ko ang load ko at gusto ko rin na maging masaya kayo. Shout your comments, readers! Tinapos ko ito ngayon para sa inyo. Sana suportahan niyo rin ang ibang stories ko.😘

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Sinundan namin si Ren kung saan siya nagpark ng sasakyan niya. Hindi naman kalayuan ito at natanaw ko na ang sinasabi niya. Nakita ko na minsan ang van na sinasabi niya ng minsan dinala niya ako sa restaurant.

"Sa passenger seat ka na lang, Cassandra."

"Bakit mo pauupuin ang girlfriend ko sa tabi mo, Ren?"

"Hindi ko alam kung saan ang pupuntahan natin. Si Cassandra ang nakakaalam kung saan ang bahay ng kaibigan niya."

Nagulat si Laurel ng hawakan ni Clyde ang braso niya at dinala sa harapan ni Ren.

"Alam niya rin kung saan ang lugar kaya sa akin tatabi si Sandra."

Binuksan nito ang pinto at pinauna na akong pumasok sa loob at sumunod siya. Nagsipasukan na rin ang mga kasama ko at ang dalawa ay nasa likod at kami ni Clyde ang nasa gitnang mga upuan.

Umalis na kami at itinuro ni Laurel kung saan ang bahay nila Kim. Sumandal ako sa balikat ni Clyde para maiwasan ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Alas dos pa lang ng hapon at masakit sa balat kapag natatamaan ako.

"Nasisinagan ka ba, baby?"

"Oo, ang sakit kapag tumatama sa balat ko, baby."

Hinawakan nito ang beywang ko at binuhat ako papunta sa katabing upuan. Hindi naiwasan na napaupo ako sa lap niya sa ginawa niya.

"Eyes on the road, Ren."

Sinandal ko ulit ang ulo ko sa balikat niya habang tumitingin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Mabuti na lang at si Laurel ang magtuturo ng daan. Hindi ko rin matutulungan si Ren dahil hindi ko kabisado ang daan.

"Cassandra, may load ka?"

Tumingin ako sa likod, "Wala na, Brix. Ano ba ang gagawin mo?"

"Tatawagan ko ulit si Kim. Baka sumagot na at malaman na pupunta tayo sa kanila."

Nilabas ni Clyde ang cellphone niya, "Use my phone."

"S-Salamat po sir Clyde."

Sumandal ulit ako sa kanya. Nasaan na ba kami? Tinutulungan ni Laurel si Ren sa mga daan at nagtataka ako, bakit iba na ang dinadaanan namin.

May kumalabit sa balikat ko. Umalis ako sa pagkakasandal at tumingin kay Brix. Napakamot ito sa ulo at ipinakita ang cellphone ni Clyde.

"Hindi ko mabuksan. May password, Cassandra!" mahinang sabi nito.

Kinuha ko at nilagay ang password at ibinalik sa kanya. Nilagay niya sa loudspeaker ito para marinig namin. Lowbat kaya ang cellphone ni Kim at kanina pa kaming tumatawag sa kanya.

Nakailang try pa si Brix pero wala pa rin at ibinalik na sa akin.  Binigay ko kay Clyde ang phone niya kaso hindi niya kinuha.

"Ikaw muna ang magtabi, baby."

"Baka tumawag ang mga kliyente mo o si Sarah."

"Tinawagan ko na si Sarah. I've cleared my schedule for this day to see you and guard you from Renzell."

Nakarating kami sa kanto na pasukan papunta na sa bahay ni Kim. Ito ang palatandaan ko. Inayos ko na ang bag ko at nilagay ang phone nito. Huminto kami sa gate at nakita ang nanay ni Kim na nagwawalis sa tapat ng bahay nila.

Binuksan ko ang pinto at isa isa kaming lumabas. Nauna na ang dalawa sa likod para makita sila ni nanay. Nauna akong bumaba at hinintay na bumaba si Clyde bago lumapit.

"Nay, magandang hapon po. Nandyan po ba si Kim?"

"Hindi pa siya umuuwi mga anak. Akala ko ay kasama niyo at may pinuntahan kayo."

"Hindi pa po namin nakikita si Kim mula pa kahapon at hindi rin po siya pumasok ngayon."

"Pumasok na muna kayo at doon na lang natin pag-usapan kung nasaan na ang anak ko."

Pinapasok kami sa loob ng bahay. Tama lang ang laki ng bahay nila Kim para sa kanilang dalawa. Naupo kami sa sofa. Nagbigay na maiinom si nanay sa amin.

"Wala bang text si Kim sa inyo? Hindi naman nagpaalam ang batang yun na aalis."

"Hindi po siya sumasagot sa tawag namin."

Naubos ko agad ang binigay sa akin at nauuhaw pa ako. Nahihiya akong manghingi ng tubig at nag-uusap sila. Ibinaba ko ang baso ko sa maliit na lamesa sa harap namin. Titiisin ko na lang at mamaya na lang ako ulit iinom.

Kinuha ni Clyde ang sa kanya at binigay sa akin, " You can drink this, baby."

Kinuha ko ito at inubos. Napawi na ang uhaw ko. I kissed him on his cheek and smiled.

"Thank you, baby."

Umalis si nanay at naiwan kami dito. Tumayo ako at nagpaalam na mag-cr. Sumama si Laurel at iniwan namin sila sa sala. Napapatingin ako sa kanya dahil kanina pa ito nakangisi mula pa ng bumaba kami.

"Anong nangyari sayo? Kanina ka pa ganyan."

"Kinikilig ako, Cass!"

"Kanino?" Malayo na kami sa sala at hindi na niya napigilan ang pagtili nito.

"Grabe ang swerte ko ngayon! Hinawakan ako ni Sir Clyde at kinausap naman ako ni Sir Ren! Pwede na akong kuhanin ni Lord."

Pinalo ko siya sa braso. Hindi tama ang sinabi niya. Masyado siyang OA kung makapagreact akala mo katapusan na ng mundo na mahawakan at makausap lang ng lalaki.

"Tumigil ka nga! Tigilan mo na yan na kukunin ka ni Lord. Bahala ka baka magkatotoo yon."

Ako muna ang pumasok sa loob. Sa dami ng ininom ko at kailangan kong ilabas. Lumabas na ako baka naiihi na si Laurel.

"Ikaw na."

"Hindi naman ako mag-ccr. Gusto lang kitang makausap at hindi ko magagawa yon kung nandoon ang dalawang gwardya mo."

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Wala bang sinabi sayo si Sir Ren? Yung parang nagpapahaging?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Napahawak ito sa noo nito na parang naiinis. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at bahagyang inalog.

"Wala ka bang napapansin, Cass?! May gusto sayo yung tao. Hindi mo ba napapansin na may kompetisyon sa pagitan ni Sir Clyde at Sir Ren?!"

"Hindi pwedeng mangyari iyon, Laurel! May hinihintay si Ren na babaeng gusto niya kaya malabo ang sinasabi mo at isa pa boyfriend ko kaya si Clyde at alam niya yun."

"Ang slow mo sa ganitong bagay. Hindi ibig sabihin na may hinihintay siya ay hindi siya pwedeng magkagusto sa ibang tao, sayo! Napakaobvious kaya niya. May lalaki bang pupunta sa office mo at pagdadalhan ka ng pagkain? O kaya sasamahan ka?"

"Si Ren. Magkaibigan kami at ganoon rin naman sila Brix at Hanz?"

"Bahala ka nga. Basta sinabi ko sayo ang kanina ko pang napapansin. Ayoko lang na dumating araw na mahirapan ka."

~¤💞¤~

Umuwi rin kami at babalitaan na lang daw kami ni nanay kung dumating na si Kim. Saan naman kasi ito nagpupunta at pati si nanay ay hindi alam. Kailangan niya talagang magpaliwanag sa amin kapag pumasok na siya. Hindi namin mapapalagpas ito.

"Baby, tapos ka na?"

Narinig ko ang pagkatok ni Clyde. Nasa banyo ako at naliligo. Nagbibihis ako at siya na ang susunod.

"Sandali lang matatapos na ako. Nagbibihis na lang."

Lumabas ako at nakitang nakaupo ito sa kama habang nanonood ng tv. Tumayo ito at lumapit.

"Sabi ko naman sayo na sabay na lang tayong maligo para makatipid sa tubig."

"Alam ko naman na hindi tubig ang iniintindi mo, Clyde. Mayaman ka kaya hindi kaso sayo kung pabayaan kong nakabukas ang lahat ng gripo dito. Maligo ka na."

"Ayaw mo talaga? Pwede ka pang maligo ulit. I don't mind sharing with you my body. You can wash it and I'll do the same with you."

Nag-init ang pisngi ko at binato sa kanya ang towel na ipinamunas ko sa ulo ko.

"Pumasok ka na at maligo, Clyde!"

Naririnig ko pa ang tawa nito habang papasara ang pinto. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig niya. Lagi niyang pinagmamalaki ang katawan niya. May ipagmamalaki naman kasi.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Hindi pa kami kumakain ng dinner. Kakauwi lang namin.

Adobo na lang ang iluluto ko para mabilis. Nagugutom na rin ako at lalo na ang lalaking nasa banyo. Baka magpadeliver pa siya kapag inabutan pa niya akong hindi pa nagsisimulang magluto.

Hinihintay ko na lang na kumulo. Nakapagsaing na ako at kakain na kami. May pumasok sa kusina at alam kong si Clyde na iyon.

"Clyde, kuma- Ano yang suot mo!"

Naibagsak ko ng ang hawak kong sandok sa table ng makita si Clyde. Talagang nang-iinis talaga siya.

"Magbihis ka! Bumalik ka sa room natin!"

"Ayoko nga gusto ko itong suot ko."

"Clyde, wala kang suot na damit at towel lang ang nakapulupot sayo."

"Bakit gusto mo akong magdamit, Sandra? Ang lakas ba ng epekto ng katawan ko sayo?"

Nakangisi ito habang papalapit sa akin. Lumayo ako at tiningnan siya ng masama. Inaalala ko lang na baka magkasakit siya. Kahit maganda ang nakikita ko- I mean hindi pala ay dapat nagsusuot siya ng damit.

"Isa, Clyde! Huwag kang lalapit sa akin nang hindi ka pa nagbibihis. Talagang lalayuan kita ng buong gabi. Matutulog ako sa office mo."

Napakamot ito sa ulo at naglakad na palayo sa akin pero bago umalis ito, "Baby, ako na lang kaya ang kainin mo? Parang mas masarap ako kaysa sa adobo mo di ba?"

"CLYDE!"

Umalis na ito at nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa mga simpleng banat ni Clyde na ganoon ay lagi itong bumibilis. Kinakabahan ba ako sa mga sinasabi niya? Minsan talaga ay may ganitong side siya na bigla na lang magiging pilyo.

Bumalik na ulit ito na suot ay sando at boxer short. Umupo ito at nagsandok na ng ulam at kanin.

"Ang sarap talaga ng luto ng girlfriend ko parang siya, masarap din."

"Clyde!"

"Masarap ka naman talagang mahalin. Ano ba ang iniisip mo, baby?"

"Wala! Kumain ka na dyan at huwag ka na munang magsalita, baby, please? Baka hindi ako matunawan nito."

Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa kwarto at manonood muna bago matulog. Narinig ko may tumutunog at kinuha ang bag ko. May tumatawag sa cellphone ni Clyde. Sasagutin ko ba o hihintayin na bumalik siya?

Hindi ko sinagot pero nagriring ulit. Anong gagawin ko? Tingnan ko ang caller at nakitang si Thalia ang nakalagay. Sinagot ko na para malaman ko kung ano ang kailangan niya.

"Hello, Clyde!"

"Wala si Clyde dito, Thalia. May sasabihin ka ba sa kanya?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo?! Ibigay mo nga kay Clyde at siya ang gusto kong kausap!"

Patayan ko kaya ang babaeng ito para matigil kahit sa tawag ay ang sama ng ugali.

"Lumabas siya at hindi pa bumabalik. Kung ayaw mong sabihin bahala ka."

Pinatay ko na ang tawag niya. Ako na nga nagmamagandang loob na sabihin na lang kay Clyde kung ano ang gusto niyang sabihin tapos ganoon pa siya.

"Sino yon, baby?"

"Si Thalia."

"Ano daw ang sabi?"

"Ayaw niyang sabihin. Ikaw daw ang dapat makaalam kung ano ang gusto niyang sabihin."

Tumunog ulit ang cellphone niya at kinuha. Tinitingnan ko lang siya habang kausap si Thalia.

"Bakit ka tumawag?"

"Kailan ba? Bakit ikaw ang nagsabi at hindi si mommy?"

"Sige pupunta ako. Pasabi na may kasama ako."

"Si Cassandra ang kasama ko. Its a family dinner, Thalia, and I want them to meet my girlfriend. Bye."

Nilagay niya sa side table ang cellphone nito, "Sino ang ang itinutukoy mong dapat kong makilala, Clyde?"

"My parents. We have to attend my family dinner. I want you to meet them, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 67.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.