Blue Brothers

By TheWritePatrick

160K 2.4K 1.2K

The Blue Brothers - Tom, Carlos, David, and Shiro, are four half-brothers studying in an elite all-boys high... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24 and Epilogue
What's Next

Chapter 23

4.3K 69 22
By TheWritePatrick

Blue Brothers

(Chapter 23 –Ground Zero)

 

 

Everybody was speechless sa pagdating ni Natalia. Most of them were freezing in fear. Hindi nila alam kung ano ang pwede niyang gawin. Steady lang ang magkakapatid sa kanilang kinatatayuan.

“Oh, Carlos! You’re here! Kanina pa kitang hinahanap!” nakangiting sabi ni Natalia sabay hawak sa balikat ng kanyang anak.

Carlos suddenly brushed Natalia’s hand. His mother just smiled.

“I was not born yesterday, darling! I know the feeling of mothers being forsaken by their sons!” sarcastic na sabi ni Natalia.

“Kumusta ka na, Natalia?” biglang sabat ni Joseph.

Biglang natawa si Natalia.

“Buhay ka pa pala. And look at you now. You’re as dirty as ever before!” natatawang sabi ni Natalia.

“Napakawalang puso mo. Hindi na ikaw yung Natalia na nakilala ko dati nung high school pa tayo. Mabait ka pa nun at mahiyain. Kasabay ng pagganda mo ang pagbabago ng ugali mo.” sabi ni Joseph. 

“Everybody changes. Pero ikaw, wala kang progress.” sabat ni Natalia.

Naalala ni Joseph ang pagkakaibigan nila ni Natalia. Madali silang nagkasundo dahil sa pareho silang outcasts sa kani-kanilang schools. Matagal nang may gusto si Natalia kay Johnny at si Joseph ang kanyang pinagsasabihan ng mga sikreto.

“Nakakainggit naman si Clara. Maganda siya, kaya ganun na lang ang pagkagusto ni Johnny sa kanya.” nalulungkot na sabi ng batang Natalia.

“Maganda ka rin naman ah.” sagot ng batang Joseph sabay tanggal ng makapal na eyeglasses ni Natalia.

Nagustuhan ni Joseph si Natalia dahil sa pagiging simple nito. Sa paglipas ng panahon, nag-iba na ang lahat. Natalia became very wicked, to the point na kailangan na siyang kalabanin ng dating kaibigan.

“Hindi ka na naawa sa mga anak ni Johnny.” galit na sabi ni Joseph.

“Bakit naman ako maaawa sa kanila? Kung ang sarili ko ngang anak, tinraydor ako!” galit na sagot ni Natalia.

“Ikaw ang traydor!” biglang sabat ni Edward.

Nilingon ni Natalia si Edward. Tumawa ito nang malakas at nilapitan ang binata.

“Oh, my gosh! Kumpleto ang cast!” natatawang sabi ni Natalia sabay tingin kay Edward, at biglang tingin kay Frank na nasa isang tabi.

Natalia suddenly embraced Edward’s neck as she pulled out a gun from her handbag.

“Walang lalapit!” sabi ni Natalia habang nakatutok ang kanyang baril sa lahat.

Takot na takot ang lahat na lumipat sa kabilang side malayo kay Natalia. Si Joseph lang ang medyo lumalapit sa kanya.

“Itigil mo na ‘yan!” galit na sabi ni Joseph.

“Wag kang epal! Gago!” sagot ni Natalia.

Nasasakal na si Edward dahil sa mahigpit na hawak ni Natalia. Pinagpapawisan na ang binata.

“Ang buhay ni Edward, kapalit ng mga alahas na ninakaw niya!” sigaw ni Natalia.

“Walang saysay kung makukuha mo ang mga alahas, dahil wala naman sa ‘yo ang mapa!” sagot ni Joseph.

“Anong mapa?”

“Pakawalan mo muna si Edward, saka ko sasabihin.” sagot ni Joseph.

Nag-iisip na si Natalia. Pakakawalan na sana niya ang binata nang bigla niyang nakita si Frank.

“Oo nga pala. Bago tayo magpatayan dito… I would like to make a shocking announcement!” nakangiting sigaw ni Natalia.

“Frank… meet your son, Edward.” nakangiting sabi ni Natalia habang hostage pa din niya ang binata.

“A-anong sabi mo? Anak ko si Edward?” nagtatakang tanong ni Frank.

“O, para maniwala ka!” sigaw ni Natalia sabay labas ng sulat ni Elizabeth mula sa kanyang handbag. Ito ang sulat na inabot ng 23 years bago maibigay kay Frank.

Agad binuksan ni Frank ang sulat mula kay Elizabeth dated September 3, 1992. Unti-unting tumulo ang kanyang luha habang tinatapos ang handwritten letter ng kanyang dating kasintahan.

Masakit malaman na ang binatang dati na niyang nakakasama ay ang kanyang anak. Mas masakit malamang nasa panganib ito at maaaring hindi na siya makabawi sa anak.

“Natalia, pakawalan mo ang anak ko! Parang awa mo na!” nagmamakaawang sabi ni Frank sabay luhod.

“Na-ah! Akin na muna yung mga alahas!” patuksong sabi ni Natalia.

Namumula na sa takot at pag-iyak si Edward. Awang-awa ang sina Tom, Carlos, David at Shiro sa sitwasyon. Maski sila ay nakakaramdam ng panginginig sa tuhod.

Si Shiro naman ay patagong nagdi-dial sa police headquarters.

“Bago mo ako patayin, Natalia, sasabihin ko na. Tom! Si Natalia ang nagpapatay sa anak niyo ni Mindy! Rinig na rinig ko habang nag-uusap sila ng kakampi niyang doktor!” nagmamadaling sigaw ni Edward.

“Shit!” galit na sabi ni Natalia sabay bitaw sa leeg ni Edward.

She finally pulled the trigger and shot Edward on the chest. Everyone shouted.

“Edward!!!!!” malakas na sigaw ni Frank sabay yakap sa anak na nakahiga. Apaw ang dugo sa kanyang katawan.

“D-dad…” nanghihinang sabi ni Edward kay Frank. Iyak lang nang iyak ang ama.

Walang oras na inaksaya si Tom as he headed straight to Natalia. Walang takot niyang sinakal ang matanda. Nabitawan na din ni Natalia ang kanyang baril.

“Arrrrrggghhh!!!” galit na sigaw ni Tom habang sinasakal na parang stuffed toy ang leeg ni Natalia.

“Stop it… ugh… ugh… Tom… please… I… can’t… breathe!” hinihingal na sabi ni Natalia habang patindi nang patindi ang pagsakal sa kanya ng binata.

“Papatayin kita!” sigaw ni Tom.

“Maawa ka… please…” nagmamakaawang sabi ni Natalia.

Maya-maya ay natunugan ni Tom na parating na ang mga pulis kaya agad niyang binatawan si Natalia. Kanina pa ding nakuha ang baril kaya wala nang panlaban pa si Natalia.

Sumugod na ang mga pulis sa compound. Kasama din nila ang ilang ambulansya para sunduin ang nabaril na si Edward.

“Ma’am, sama na kayo sa ‘min.” mahinahong sabi ng isang pulis sabay posas kay Natalia.

“Get off me!” hysterical na sigaw ni Natalia.

Nagtulong sina Frank at Joseph na samahan si Edward sa ambulansya.

“Bago pa mahuli ang lahat, hanapin niyo na yung kailangan niyong hanapin. Eto ang mapa.” nagmamadaling sabi ni Joseph sa magkakapatid.

“Eh paano po si Edward?” tanong ni David.

“Kami na ang bahala sa kanya. Basta kayo na din ang bahala dyan. Tinuro ko na ang dapat kong ituro. Alam mo na kung paano gamitin ang mapa.” sagot ni Joseph.

Habang nag-uusap si David at Joseph ay nakikinig naman si Natalia habang hindi pa siya ipinapasok sa sasakyan.

“Tara na! Nag-aalisan na ang mga investors ng St. Patrick’s. Bumababa na rin ang number of enrollees taon-taon.” sabi ni Shiro.

“Sasama ako!” biglang sabi ni Mindy.

“Delikado. Wag na.” sagot ni David.

“Ako rin, sasama. We would like to help. St. Catherine’s is also at stake. We wouldn’t let our alma mater shut down its operations.” sabi naman ni Hillary.

Wala nang nagawa ang Blue Brothers. Hinayaan na lang nilang sumama ang dalawa.

“O, wag kang sasama!” sabi ni Shiro kay Kari.

“Sinong may sabing sasama ako? Dito lang ako, no! Babantayan ko si Fonsy.” nakairap na sagot ni Kari kay Shiro.

Si Tom ang naghawak ng jewelry box, at si David naman ang naghawak ng mapa.

“Teka, paano natin hahanapin ang X spot na ‘yan?” tanong ni Shiro sabay turo sa gitna ng mapa. Magulo ang pagkakaguhit sa mapa kaya hindi ito basta basta mababasa nang maayos.

“Hmm… nakapagtataka. Puro coordinates ang nakalagay sa apat na sulok ng mapa.” pansin ni Carlos habang binabasa ito.

“So, paano natin malalaman kung nasaan na tayo based sa mapa?” tanong ni Mindy.

“Based daw yung X spot sa location ng apat na pagmamay-ari ni lolo.” sabat ni David.

“Kung ganun, ang apat na lugar ay ang St. Patrick’s, St. Catherine’s, East Hill Resort, at ang mansyon na ‘to.” sabi ni Carlos.

“Tama! Alam ko na! Kaya pala!” natutuwang sigaw ni Shiro.

“Bakit? May alam ka?” tanong ni Tom.

“Nabasa ko kasi yung isa sa mga diary ni lolo. Itinayo niya yung apat na buildings using the Cartesian plane as a model. Nasa north itong mansyon, nasa south ang resort, habang magkalapit na east and west ang dalawang schools. Tapos may tinatawag siyang Ground 0.” paliwanag ni Shiro.

“Parang alam ko yang Ground 0 na yan. Dinala na ako dati ni Dad dyan nung bata pa ako. Alam ko kung nasaan ‘yun.” natutuwang sabi ni Carlos.

“Tara na!” sabi ni Tom.

**********************

Nasa sasakyan na ang lahat para puntahan ang X spot na sinasabi sa mapa. Si Carlos ang nagd-drive ng kotse, at si Hillary ang nasa harapan.

Binuksan ni Carlos ang kanyang GPS para madali nilang matunton ang lugar. Nakalimutan na din kasi ng binata ang exact location nito.

Sama-sama sina Tom, David, Mindy at Shiro sa likod. Ramdam ni Shiro ang tensyon dahil matagal nang hindi nakakapag-usap ang tatlo.

“Galit ka pa ba sa ‘kin?” tanong ni Tom kay David.

“Hindi na. Sorry din ah. Nag-overact lang ako.” Nakangiting sabi ni David sabay pat sa balikat ng kapatid.

Matapos ang pagbabati ng dalawang magkapatid ay nagkatinginan naman sina Tom at Mindy. They just smiled na parang walang nangyari.

“Kumusta ka na?” tanong ni Tom.

“I’m fine. Ikaw?” mahinahong sagot ng dalaga.

“I’m moving on.” nakangiting sagot ni Tom.

Ilang saglit lang ay nagbitaw ulit ng statement si Tom.

“David… Mindy… kung ano man yung relationship na gusto niyong ituloy… go for it! Magiging masaya ako para sa inyo.” Nakangiting sabi ni Tom.

Nakita kasi ni Tom kanina kung gaano na ka-close sina David at Mindy kanina nung muling nagpakita ang kanyang kapatid.

“Hindi ko alam, kuya.” sabi ni David.

“Sabi mo lang ‘yan. Hindi mo dapat pinipigilan kung anong nararamdaman mo. Boto na ako sa inyo ni Mindy.” nakangiting sabi ni Tom.

Hindi na nakasagot sina David at Mindy but they blushed after hearing Tom’s approval.

“Oy, tama na yang dramahang ‘yan! Nandito na tayo!” sigaw ni Carlos. He pulled on the breaks and they went out of the car.

They found themselves on an abandoned spot. Matataas na ang damo. Hindi mo iisiping makakahanap ka ng ganitong lugar sa Manila.

“Ang laki na din ng pinagbago nito. Dati, pwede pa ‘tong tayuan ng playground, gaya ng sabi ko kay Dad dati, pero ngayon, mukhang wala nang investor ang maga-aksaya pa ng oras sa lugar na ‘to.” sabi ni Carlos.

Kinuha na nina Tom ang panghukay habang dala-dala ni David ang jewelry box. Maya-maya ay may tumawag kay Carlos.

“Hello? What?! No! Hindi pwede!” natatakot na sabi ni Carlos habang kausap si Frank sa phone.

“Anong sabi?” tanong ni Hillary.

“Guys, nakatakas si Natalia. Kailangan na nating bilisan, bago pa niya tayo mahanap.” Natatakot na sabi ni Carlos.

Nagmadali ang magkakapatid as they went to the center of the abandoned land. Nagsimula nang maghuhay si Tom gamit ang malaking pala. Tumulong din sina Carlos, David at Shiro sa paghuhukay. After 5 minutes of digging, they saw a rusty metal door.

“Arrgh! Hindi ko mabuksan!” sabi ni Tom.

“Teka, baka kailangan na nating gamitin ang isa sa mga alahas.” sabi ni David sabay bukas ng jewelry box.

Nag-iisip ang lahat kung alin sa apat na alahas ang unang gagamitin.

“Tingnan niyo yung lock nung pinto, parang circle-shaped.” pansin ni Shiro.

“Dalawa lang ang bilog sa mga alahas, yung singsing pati yung bracelet.” sabi ni Tom.

Sinubukan muna nilang ipasok ang bracelet sa lock pero hindi ito nagkasya. Masyado itong malaki. Sinubukan naman nila ang singsing.

They were amazed at how the ring fits the lock. Madali itong sumuot at bumaon. Parang mechanical magic ang nangyari nang biglang bumukas ang pinto na parang remote-controlled ang movement.

“Galing!” natutuwang sabi ni Shiro.

Pagkabukas ng pinto, nakita nila ang isang mahabang stairway pababa. Isa-isa silang bumaba. Madilim sa loob, pero hindi nila ito naging problema dahil lahat sila ay may dalang malalaking flashlights.

It took them a while bago nila marating ang pinakababa ng kweba. They were all moving their flashlights searching for the next way.

“Teka, ano ‘tong nakikita ko? Puro pader!” nagtatakang sabi ni Tom.

“Hala! Hindi kaya… nasa… nasa isang maze tayo?” sabi ni Carlos.

David stepped forward at pinakiramdaman ang mga dingding. Maya-maya ay bumalik siya ulit sa pwesto ng lahat.

“Maze nga. At mukhang matatagalan tayo bago natin marating yung kayamanan.” sabi ni David.

“Imba!” amazed na sabi ni Shiro.

END OF CHAPTER 23

The FINAL CHAPTER will be released on Friday, February 3, 2012.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 176 16
Magic academy Royalties Mayayabang Bully Mapang asar Kaya mo bang pakisamahan ang mga ganiyan?
3.2K 751 32
Anong sabi niya? Pu-p-pu---Argh! Kalalakeng tao! Turn off! -Hannah
20.6K 1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
16.1K 518 34
Nagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion n...