Untamed Confessions [R-18]

By DyslexicParanoia

2.8M 37.9K 3.6K

Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on re... More

UNTAMED CONFESSIONS
WARNING! PLEASE READ!
001 - Balot ng Pagmamahal
002 - Kontrata
003 - Twenty One Heart Failures
005 - Kapit sa Patalim
006 - Her Name was Leila
007 - Ang Lihim Ni Miss Tapia
008 - Desiree's Desire
009 - Dark Secret
010- Unexpected Love Affair
011 - Unholy Confession
012 - Woman Hater
013 - Elle Ma-L
014 - Serial Effer
015 - Lucas' Bet
016 - Premyo
017 - Nasty Secret
018 - Professional Mistress
019 - Duling na Pabling
020 - Atsay Killer
021- Lucky Ugly Boy
022 - Sex Trip
023 - Master-Bette
024 - Mahaderong Bastos
025 - My KPOP Papa
026 - Unforgettable Sleepover
027 - Loser's Luck
028 - The Hater's Match
029 - Tawag ng Laman
030 - Dark Lover
031 - Pack-Boy
032 - Ang Pansitan ni Mona
033 - When Nasty Bullies Must Die
034 - Bahay Kubo
035 - Accidental Obsession
036 - Imoral
037 - Kidnap for F-some
038 - Do-Me-Now Effect
039 - Ash-wang
040 - Sleeping Effer
041 - Old Macho Man
042 - Alas ni Mr. Balasubas
043 - Maginoong Bastos
044 - A match made in Taiwan
045 - A Naughty Confession
046 - Ang Takot ni Mr. Kalikot
047 - Suicidal
048 - Malupit na Mundo
049 - My Instant Forever
050 - Shattered Soul
051 - Kasal-anan
052 - Pontio Piloto
053 - Preso
054 - Kerengkeng
055 - My Step Lover
056 - Stranded
057 - My Best Friend's GF
058 - Miss Promiscuity

004 - Patay Sindi

66.6K 931 180
By DyslexicParanoia

Confession by Jimmy M.

Ako'y isang lalaking talunan. Talunan sa pagmamahal ng aking mga magulang at talunan sa pag-ibig ng dati kong kinakasama. Wala akong hinangad kundi ang magkaroon ng mas maginhawang kinabukasan, ang makatulong sa aking mga magulang, ang mapag-aral ang aking mga nakababatang kapatid at ang makaipon ng sapat para makapagpakasal na kami ng pinakamamahal kong nobyang naiwan sa Pilipinas.

"Jimmy, buntis ako." 'Yung ang katagang sumalubong sa akin sa mismong araw ng pag-uwi ko sa Pilipinas. Hindi man lang siya nakahintay na makauwi kami ng bahay. Deretsahan niyang sinabi sa akin 'yun sa mismong airport pa lang.

Natulala ako. Hindi malaman kung ano ang mararamdaman. Paano naman kasi na mabubuntis siya na ako ang ama, kung mahigit limang taon din akong wala sa tabi niya.

"Sinong ama?" Mahirap bigkasin, pero nasabi ko rin naman. Mahina at nanginginig sa matinding pagkabigla.

"Si Christian." Walang kagatol-gatol na pag-amin ni Lisa; na siya rin naman paglitaw ni Christian, hindi kalayuan sa aming kinatatayuan.

Nag-umpisa nang manligid ang aking mga luha. Lalo na nang mag-umpisa na itong maglakad papunta sa kinaroroonan namin ng aking pinagkamamahal na nobyang si Lisa.

"B-Bakit?" Umiiyak na tanong ko kay Christian. "P-pa'no mo nagawa sa akin 'to?"

"Mahal ko siya kuya."

Gusto kong itanong ko sa kanya, kung bakit siya pa? Siya na aking nakababatang kapatid. Siya na pinakain ko sa aking palad at pinag-aral hanggang sa makatapos? Siya na paborito ng aking mga magulang, kahit ako ang nag-uuwi at naglalagay ng pagkain sa hapag-kainan?

Pero nanahimik na lang ako. Tiniis ang sakit. Inilihim ang dinaramdam dahil hindi na naman mababago pa ng aking galit ang naging sitwasyon.

"Kailangan ng panggastos para maipakasal natin si Lisa at 'yang kapatid mo." 'Yun naman ang walang kagatol-gatol na wika sa amin ng aming Ina sa harap ng hapag-kainan kinagabihan. "Wala na tayong magagawa, nariyan na 'yan! Napakatapang naman pala ng pamilya niyan." Wala man lang bahid ng kaunting emosyon para sa akin si Inay, na para bang, hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari. Na para bang... ako na nga ang naiputan ng sarili kong kapatid sa ulo, ako pa ang kailangang gumastos para sa kaniyang kasiyahan.

Kung suwerte ang mga panganay na lalaki sa mga pamilyang may kaya, napakamalas naman kapag mula sa naghihikahos. Kailangan ikaw ang titingin at uunawa sa 'yong mga nakababatang kapatid. Kailangan ikaw ang magpaparaya... kailangan, ikaw rin ang magsasakripisyo kahit na, may pangangailangan ka rin naman.

"Ibigay mo na lang sa kapatid mo ang inipon mo para sa inyo ni Lisa." 'Yun naman ang turan ni Itay. Ang isa pa sa aking mga magulang na parang walang pakialam sa aking nararamdaman. "Marami pa namang babae diyan, sa estado mo, makakahanap ka pa ng para sa 'yo."

Gusto kong itanong sa kaniya kung gano'n lang ba kadali 'yun? Ano ba ang tingin nila sa akin? Bato? Walang pakiramdam? Hindi nasasaktan? Hindi nagdaramdam?

***

"Ayos lang 'yan pare, at least mayaman ka na. Kaya mo nang magpamilya kapag nahanap mo na ang babae para sa 'yo." Sabi sa akin ng aking matalik na kaibigan, minsang lumabas kami sa isang night club. "At saka, hindi naman kagandahan ang Lisa na 'yun. Malandi pa at hindi mapagkakatiwalaan. Maraming babae diyan. 'Yan oh." Itinuro niya ang mga babaeng nagsasayaw sa entamblado. "Mamili ka na ng maiuuwi mo sa bagong bahay mo ngayong gabi. Enjoy your life pare. Pabayaan mo na 'yang pamilya mo. Nagawa mo na ang tungkulin mo sa kanila. Tutal, si Christian naman ang sumunod sa 'yo at humalili sa siyota mo, eh di 'yaan mong siya na rin ang magbuhat sa pamilya niyo. Napag-aral mo na siya. Panahon na para isipin mo naman ang sarili mo."

Hindi ako nagsalita. Kilala na naman niya ako na natural na tahimik.

Malalim na ang gabi bago kami lumabas ng club. Pero may kasama siyang babae kaya iniwanan din niya ako matapos nilang makasakay sa isang taxi. Hindi naman marami ang nainom ko kaya pwede pa akong magmaneho. Dala-dala ko naman kasi ang luma kong SUV na naatikha ko noong unang taon ng pagtatrabaho ko sa bansang Norway.

Papasakay na ako sa aking sasakyan nang may narinig akong nagsisigawan sa bandang likuran ng club-kung saan ko ipinarada ang aking sasakyan. Sinipat ko ang pinagmumulan ng ingay at natanaw na may isang babae ang pinagtutulakan ng isang matandang babaeng may makapal na kolorete sa mukha, kasama ang dalawang bouncer.

"Sige na naman po. Kailangan ko lang po talaga ng pera ngayon." Pagmamakaawa ng babae.

"Kailangan mo ng pera? Eh paano naman ang perwisyong dinulot mo sa mga customer ko nitong mga nakakaraang pagkakataon? Nahipuan ka lang ng kaunti, nagawawala ka na? Ano ka, virgin? Eh may anak ka na nga 'di ba?! Hala!" Muli nitong itininulak ang babae at dinuro-duro. "Umalis ka na rito at huwag ka nang babalik!" Bago ito tumalikod at pumasok na sa loob ng gusali, kasama ng kaniyang mga bouncers.

Nasa malayo ako, pero naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng babae. Naka-maikli itong damit, naka-sandalyas na de takong at may mahabang buhok. Naupo ito sa isang madilim na sulok at saka walang humpay na humagulhol.

"Miss, ok ka lang?" Matapos kong lumapit sa kanya.

Tumingala siya sa akin at marahang umiling. Nagkalat na ang kolorete sa kaniyang mukhang nahihilamusan na ng sariling mga luha.

"May maitutulong ba ako sa 'yo?"

Muli itong umiling.

"May dala akong sasakyan." Itinuro ko ang aking SUV, "Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?"

"Wag na, salamat na lang." Tumayo na ito at nag-umpisa nang maglakad papalayo.

Hinawakan ko siya sa braso. Napalingon siya sa ginawa ko.

"Narinig ko ang sinabi mo kanina. Kailangan mo ng pera? Magkano ba ang kailangan mo at para saan?"

Natahimik siya; parang iiyak na naman.

"May sakit kasi ang anak ko. Nasa hospital ito ngayon." Halata sa pagkilos nito ang pagka-aburido. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong ibang maaasahan bukod sa sarili ko."

"Magkano ba ang kailangan mo?"

"Medyo malaki na. Ilang araw na kasi siya sa ospital dahil sa kumplikasyon. Pero nagbabakasakali lang akong umekstra ngayong gabi para man lang sa gamot."

"Gano'n ba? Kung gusto mo, ihahatid na kita sa ospital para-"

"Hindi pwede." Muli na naman siyang umiyak, "Kailangan ko munang magdelihensya ng pera. Susubok muna ako diyan sa kabilang club. Baka sakaling maka-ektra kahit papa'no." Akmang aalis na naman siya, pero muli ko naman siyang nahila.

"Mas kailangan ka ng anak mo. Huwag kang mag-alala, kung pera lang ang problema mo, tutulungan na lang kita."

Natigilan siya. Unti-unting pinahid ang mga luha. Parang hindi makapaniwala.

"Talaga?"

Tumango ako.

"Malaking pera ang kailangan ko, baka hindi kita mabayaran kaagad."

"Huwag mo na munang isipin 'yun. Ang mahalaga, 'yung anak mo."

"Talaga? S-salamat ha? A-ano bang pangalan mo?"

"James. Pero Jimmy ang palayaw ko. Ikaw?"

"Agnes. Agnes din ang palayaw ko." Ngumiti na siya sa akin.

***

Halos hindi ko mapakalma si Agnes sa sumalubong sa aming balita mula sa duktor at nars sa ospital. Namatay na raw ang kaniyang anak. Hindi na raw kinaya ng murang katawan nito ang kumplikasyon at pulmuniya. Hindi ko alam kung pa'no ko maiibsan ang kaniyang pagdadalamhati, kaya naman kahit natatameme at natatahimik ako sa isang tabi'y hindi ko naman siya iniwan. Tinulungan ko siyang makabayad ng hospital bills para mailabas na namin ang kawawang walong buwang sanggol. Sinamahan ko rin siyang mag-asikaso ng bangkay nito, sa pagkuha ng kabaong at sa pagbibigay dito ng disenteng burol sa maliit nilang tinitirahan sa isang squatters area. Gabi-gabi akong naroro'n para damayan siya hanggang lamayan sa ikaapat na araw.

"Maraming salamat Jimmy." Umiiyak na wika sa akin ni Agnes, matapos naming maipalibing ang kaniyang anak. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

Ulila na kasi siya at walang mga kapatid. May mga kamag-anak, pero nasa probinsya nila ito sa Romblon at mga naghihikahos din kaya hindi nakaluwas. Ang yumao niyang anak ay naging anak niya isa isang lalaking sumalbahe sa kaniya. Ni hindi niya raw ito nakilala dahil hinalay raw siya nito sa sa isang madilim na eskinita sa kanilang lugar. Maaari raw adik o lasing, dahil amoy marijuana raw ang lalaking 'yon at mukhang lango rin sa alak. Napilitan siyang sumayaw ng nakahubad sa club para suportahan ang kanyang anak, pero dahil hanggang sayaw lang ang kaya niyang ibigay, nagkakaroon siya ng problema kapag may customer sa club na binabastos siya at hinihingan ng higit pang serbisyo.

"Ayos lang 'yun. At least nairaos na natin."

"Ngayon ang problema ko, paano kaya kita mababayaran? Wala pa akong matinong trabaho. High school lang ang tinapos ko kaya wala rin akong mahanap na tatanggap sa akin?"

"Ilista mo na lang sa tubig. Wala naman akong ibang pagkakagastusan."

"Pwede ba naman 'yun? Mahigit sa isang daang libo ang utang ko sa 'yo."

Nginitian ko siya, "Huwag mo nang intindihin 'yun. Masaya akong makatulong sa 'yo."

Tinitigan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa akin. Napapanganga; umiiling-iling.

****

"Grabe pala naman ang nangyari sa 'yo." Aniya, nang minsang niyaya ko siyang kumain sa labas. "At ikaw naman, sobrang bait mo naman. Kung ako 'yun, bubugbugin ko ang kapatid ko at sasampalin ko talaga 'yung babae. Aba! Masyado silang abusad-" Nabilaukan siya, kaya inabutan ko siya ng softdrink.

"Wala rin namang mangyayari kung sasaktan ko sila. At saka, mabuti na rin 'yun. Para nagkaroon na ako ng dahilan para lumayo muna sa pamilya ko."

"Isa kang Santo Jimmy." Nang ma-klaro na niya ang kaniyang lalamunan, "Dapat sa 'yo ginagawan ng monumento. Pero alam mo, nahihiya pa rin talaga ako sa pagkakautang ko sa 'yo... hindi pwedeng thank you na lang 'yun."

"Kalimutan mo na sabi 'yun. Bayad ka na sa thank you. Buti nga ikaw nag-thank you ka pa. Sa pamilya ko nga, kahit thank you, wala."

"Alam mo, suwerte ang mapapangasawa mo." Busy siya sa pagkain. "Nasa 'yo na lahat ng hihilingin ng isang babae. Gaga lang talaga 'yung ka-live-in mo dati. Mahinang klase. Kaliwete. Walang kunsensya! Tanga pa! Nakakuha na ng ginto, mas pinili pa ang tanso dahil sa kalibugan."

Napangiti ako sa sinasabi niya. Bagama't hindi ko sinasadyang matitigan ang kanyang pagkain, ang mapatingin sa kanyang mapuputing braso at magandang mukha. Napaiwas na lang ako ng tingin nang hindi sinasadyang napasulyap ako sa kaniyang dibdib. Medyo kinulang na naman kasi sa tela ang suot niya.

"Salamat sa pag-imbita mo sa akin ha?" Nang makatapos na siya sa pagkain. "Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakain ng matino." Natatawa pa ito na parang nakakatawa pa para sa kaniya ang sobrang paghihirap sa buhay. "Kaunti lang kasi ang kinita ko sa inekstrahan kong pagpo-promo girl. Nagbayad pa ako sa renta sa bahay, tapos tinipid ko 'yun natira para umabot man lang ng limang araw. Hay, kailangan ko na naman humanap ng raket. Mabuti na lang tinanggap ako ro'n sa kabilang club. Pwede na ulit ako umekstra sa-"

"Mahiyain akong tao." Walang anu-anong pag-singit ko. Napahinto siya sa pagsasalita bago niya akong tiningnan, "Hindi ko ugali ang basta na lamang sasabihin ang aking mga nararamdaman. Pero lalakasan ko na ang loob ko ngayon dahil nahihirapan na rin ako na nakikita kang ganyan."

Napanganga siya sa akin, wari'y binabantayan ang susunod kong sasabihin.

"Kung pasado naman ako sa 'yo." Lakas loob na sabi ko, "Sagutin mo na ako ngayon, liligawan na lang kita habangbuhay. Hindi ako mayaman, pero may ipon naman ako. May sarili na akong bahay, lupa at sasakyan. Kaya ko nang bumuhay ng pamilya. Sagutin mo lang ako, sa 'yo na lahat ang meron ako."

Ilang minuto rin siyang napatulala bago nakapagsalita. "Ha?" 'Yung lang nasabi niya.

"Sige na Agnes." Nangingig ako sa nerbyos. Naiiyak din sa pinaghalo-halong bugso ng damdamin. "Sa 'yo ko lang ulit naramdaman ang maging masaya eh. Lahat ng meron ako, sa 'yo na. Hindi ka na maghihirap. Hindi ka na magugutom. Ibibigay ko lahat sa 'yo ang gusto mo. Heto..." Ibinigay ko sa kaniya ang address ng bahay ko. Iisnulat ko ito sa tissue. "Kung gusto mong makita kung gaano kaganda at kalaki ang bahay ko, puntahan mo."

Kinuha niya ang tissue, binasa, bago niya ako tiningnan na para bang bigla siyang nadismaya, "Mahirap lang ako pero hindi ako ganyang klaseng babae, Jimmy. Kung sa palagay mo gugustuhin kita dahil ikaw ang tumulong sa akin at ikaw ang pwedeng umahon sa akin sa miserableng buhay, nagkakamali ka. Sayang." Maluha-luha siya, "Akala ko pa naman ok ka. Hindi ko alam na ganyan pala kababa ang tingin mo sa pagkatao at pagkababae ko. Porke't nagtatrabaho ako sa club, gaganyanin mo ako?" Tumayo na siya, galit na galit. "Huwag mo na akong iimbitahan. Pero huwag kang mag-alala, babayaran ko lahat ng pagkakautang ko sa 'yo."

"Agnes please, huwag ka namang magalit. Gusto lang kasi kitang makasama. Masaya ako kapag kasama kita. Hindi ko sinasadyang insultuhin kita. Ayoko lang na bumalik ka pa sa dati mong trabaho, at hindi lang talaga ko marunong manliga-"

"Sana inisip mo muna 'yan bago mo ako sinupalpalan ng pera mo."

Umalis na siya nang walang lingunan.

***

Pinuntahan ko siya sa tinitirhan niya. Wala na raw siya roon. Napalayas na raw pala ito dahil hindi na raw ito nakakabayad ng renta. Ilang beses rin akong nagbaka-sakali sa sementeryong kinalalagakan ng kaniyang anak, pero maging doo'y hindi siya nagagawi. Iniisa-isa ko ang bawat isang club na maaari niyang puntahan, pero maging sa mga lugar na 'yon ay hindi ko na siya nakita pa.

Lumipas ang mahigit sa dalawang taon. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa, kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpapalago ng maliliit kong mga negosyo. Ilang beses kong sinubukang makipagrelasyong muli, pero dahil hindi mawala si Agnes sa isipan ko, hindi rin ito nagtatagal. Kakaiba siyang babae. Humanga na ako sa kagandahan niya noon at mas lalo niya akong napahanga sa tunay niyang pagkatao sa kabila ng kahirapan. Gusto ko siya...siya talaga ang gusto ko. Sana nga lamang ay makita ko pa siya, para makahingi man lang ng tawad sa aking naging asal. Hindi ko naman talaga sinasadyang insultuhin siya. Nadesperado lang ako dahil ayoko na siyang nakikitang nahihirapan. Gusto ko siyang alagaan. Gusto lang siyang mahalin sa paraang alam ko. Hindi ko talaga inaasahang ikagagalit niya ang malinis na intensiyon ko.

Katatapos kong lang na asikasuhin ang mga libro ng isa sa mga negosyo ko sa laptop ko sa may dining area, nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Tiningnan ko ang wall clock. Alas nuebe na ng gabi. Napaisip tuloy ako kung sino ba ang magdo-doorbell sa loob ng subdivision namin sa gano'ng oras. Tinungo ko ang living room at sumilip sa bintana. Napatulala ako. Wari'y napatigil din sa paghinga. It was Agnes. Nakatayo ito sa labas ng gate. Naka-disenteng damit at may bitbit na isang trolley bag.

Agad akong lumabas matapos kong magbalik sa huwisyo, bagama't natutulala pa rin ako sa kanya habang pinagbubuksan ko siya ng gate.

"Agnes?"

Ngumiti siya sa akin, "Ako nga."

"Pero saa-"

"Pasensya na, dito na ko dumiretso mula sa airport. Wala naman kasi akong ibang matutuluyan. Ibinigay mo sa akin ang address mo dati. Nagbabakasakali lang na pwede akong makituloy kahit ilang araw lang hanggang sa makahanap ako ng bagong matitirahan."

"Tuloy ka." Pinapasok ko siya. "Saan ka galing?" Nang makarating na kami sa may salas. Pinaupo ko na rin siya. "Namasukan ako sa Hong-kong. Do'n kasi ako nakahanap ng oportunidad. Oo nga pala..." May dinukot siya sa maleta niya. Isa 'yong manila envelope, "Heto na nga pala ang bayad ko sa utang ko sa 'yo dati. Pasensya na natagalan." Iniabot niya 'yun sa akin.

Hindi ko ito tinanggap kaya ibinaba na lang niya niya ito sa center table matapos niyang mangawit. Medyo nainis kasi ako.

"Ibayad mo na lang sa hotel 'yan." Matigas na sabi ko, "Para do'n ka na lang tumuloy. Wag dito. Hindi ako nagpapatulog ng estranghero sa bahay ko. Kung gusto mo ihahatid kita. May hotel naman diyan sa malapit lang." Kinuha ko na ang susi ng aking sasakyan, bago ko kinuha ang kaniyang trolley bag. "Halika na."

"Jimmy I'm sorry." Umiyak na siya. Nanatili siyang nakaupo sa sofa.

"Sorry saan?" Ni hindi ko siya tinitingnan.

"Sa mga nasabi ko dati. Magulo lang talaga ng isipan ko ng mga panahon na 'yun."

"Ba't di mo na lang kasi ako diretsahin na ayaw mo sa akin. Period. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo sa kin eh. Pero 'yung basta ka na lang nagalit at hindi na nagpakita, parang ang unfair naman di ba? Dalawang taon kong kinarga ang pagsisi sa mga nasabi ko sa 'yo. Kung saan-saan kita hinanap. Tapos ngayong ok na ako, darating ka rito na para bang wa-"

"Yung na nga ang problema ko noon Jimmy eh. Gusto na kita noon. Kaya lang ayoko naman na basta na lang ako pumayag na para bang 'yung inaaalok mo lang ang habol ko sa 'yo. Hindi naman kasi gano'n eh. Gusto kita kahit ikaw lang. Kahit wala kang ibigay. Nainsulto lang ako kasi... insecured din kasi ako noon. Pakiramdam ko, hindi ako nababagay sa isang desenteng lalaki na katulad mo. Gusto ko lang sanang ayusin muna ang buhay ko bago ko ialok ang sarili ko sa 'yo."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2016, All rights reserved

"Gusto mo rin ako dati?"

Tumango siya. Tumayo't lumapit sa akin bago niya ako hinalikan sa labi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nabitawan ko ang kanyang trolley bag, maging ang bitbit kong susi. Nilabanan ko ang kanyang mga halik at hindi na napigilan pang ikulong siya sa aking mga bisig.

Napakabango niya. At napakasarap ng kaniyang mga halik. Wala na nga yatang sasarap pa sa mga halik ng isang babaeng gustong-gusto mo.

Wala na kaming pakialam kung nasa salas lang kami. Kapwa namin tinanggalan ng saplot ang isa't isa, bago ko siya iniupo sofa sa gitna ng aming paglilingkisan. Walang humpay ang kaniyang pag-ungol at panghiyaw nang simulan ko nang ibaba ang aking mga halik sa palibot ng kaniyang leeg, pababa sa kaniynag malulusog na dibdib, pababa sa kaniyang puson hanggang sa napadako na ako sa kanyang bulaklak.

Hindi magkamayaw ang kanyang buong katawan nang simulan ko nang halikan ang kanyang gitna. Tinatawag niya ang aking pangalan; nagmamakaawang huwag ko 'yong tigilan. Matagal ko siyang pinangarap at inasam, kaya naman itinodo ko na ang lahat ng aking kakayahan para mapaligaya siya ng lubusan.

"I love you, Agnes." Daing ko, bago ko pinanghimasukan ang kanyang pagkakababae sa aking pagkakaluhod.

"I love you too, Jimmy." Hinatak niya ang aking puwitan at hinawakan ng mahigpit para mas mapadiin ako sa gitna ng kaniyang mga hita. "Shit ang sarap." Bulong niya. Napangiti naman ako't mas lalong pinagbuti ang pagkalabit sa kaniyang kaibuturan. "Jimmy!" Matapos kong bilisan ang bawat pag-ulos. "Jimmy, Jimmy Oh my G-d Jimmy!"

Hindi ko na rin mapigilan ang mapahiyaw nang maramdaman ko na ang unti-unting paggapang ng masarap na kuryente sa aking bandang puson. Animo'y may isang bulto ng likido roon na nagbabadyang sumambulat.

Paparating na ako sa rurok nang biglang itinulak ako ni Agnes. Napahiga ako sa sahig, pero kaagad din naman siyang sumaklang sa aking ibabaw, bago siya walang kasing sarap na umindayog para tugunin ang tawag ng naglalawa naming mga kasarian.

"Jimmy, Jimmy, Jimmy Ohhh!" Matapos kong salubungin ang kayang paggiling. "Shit!" Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang mga binti. Alam kong nakarating na siya kaya naman pinigilan ko na ang kanyang bewang parang makakuha ng buwelong makabangon. Kinubabawan ko siya at saka ko muling binayo nang sunod-sunod ang napakasarap niyang pagkababae. Napamura siya sa aking ginagawa. Ikinagalak ko naman ang kanyang naging reaksyon kaya't napangiti na rin ako nang palihim.

"Hindi ko bubunutin 'to Agnes." Nang maramdaman ko na ang nalalapit na pagsapit ng aking hangganan. "Pagbabayaran mo ang dalawang taong pananabik ko sa 'yo." Tumawa ako. "Bubuntisin kita!" Napatawa rin siya na sinleyuhan ko naman ng aking pag-ungol sa mismong pagsambulat ko sa kaniyang kaloob-looban.

Ilang beses pa kaming nagtalik hanggang sa mag-umaga, kaya naman halos hindi na kami makatayo kinabukasan. Para kaming mga baliw na tambay lang ng kama, maghapong walang saplot na naghahabulan sa buong bahay; kahit sa pagluluto ng aming kakainin. Kain, tulog, ligo lang ang pahinga. Hanggang sa makabalik na kami sa aming mga normal na sarili makalipas ang tatlong araw.

"Para tayong mga baliw." Natatawang sabi ni Agnes habang nagbibihis, matapos naming makapaligo.

Natawa ako. "Sa ginawa natin, sigurado akong buntis ka na." Pagbibiro ko.

"Malay natin. Pananagutan mo naman ako di ba?" Humahagikhik siya.

"Pag-iisipan ko." Biro ko. Hinataw niya ako sa braso.

"Sige ka, pag inabandona mo ako, babalik ako sa patay sindi."

"Oo ba. Sige bumalik na ka na ro'n ngayon mismo." Halatang nagulat siya sa sinabi ko, "Basta ako lang ang costumer."

Humalakhak siya, napahalakhak na rin ako.

[END OF CONFESSION]

***

Author's note

They married after 3 months and shared 4 kids as of the date of confession.

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send your confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 4.5K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
1.6K 34 5
Brixtia Valdez applied as a secretary in a big company after graduating, but unexpectedly, his boss is not just any boss or a professional person - i...
150K 3.9K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
11.7K 508 47
What can you do if you find her darkest secret? Ano mararamdaman mo if you know that she's full of secrets? Start: October 15 2019 ✓ Finish: December...