Percayalah ( Believe ) *BaRa*...

By CydneyChing

134K 2.6K 461

" Hindi ko na kasalanan kung manhid ka" Sheila Marie "Bang" Pineda - QueenBee Victonara "Vic" Galang- Varsit... More

Author
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI
LXII
Special Chapter

XLVII

2.1K 49 11
By CydneyChing

Hospital
.
.
.
Nadatnan ni Bang si Vic na mahimbing na  natutulog sa kama

Lumapit sya dito at hinalikan sa pisngi ang babae

"Kamusta sya? " tanong nito sa mga ka teammates ni Vic na kasalukuyang nasa sofa at nag uusap

Tumayo si Kim at lumapit sa kinaroroonan ng kama ni Vic

" Nagising sya kanina at ikaw ang unang hinanap kaya nga tumawag sya sayo" sagot ni Kim

Hinaplos ni Bang ang pisngi ni Vic

"I'm sorry love, sorry hindi ako ang una mong nakita paggising mo kanina, pero nandito na ako ngayon, ako na makikita mo sa pagigisng mo ulit mamaya " at hinawakan ang kamay ni Vic

" Ahh Ms. Bang kailangan na naming umuwi, may pasok pa kami bukas, kami na bahala magsabi kay Coach tungkol kay Vic" pagpapaalam ni Kim

Lumapit si Bang sa mga ka teammates ni Vic

"Bang na lang, hindi naman kayo iba kay Vic,and.... Thank you sa pag alaga sa kanya" at isa isang niyakap ang mga ito

Nabigla naman sina Kim sa ginawa ni Bang, hindi sila makapaniwala na ang isang Bang Pineda ay magpapasalamat sa kanila

"iba tlaga nagagawa ng love " pagpaparinig ni Cyd

Siniko naman ito ni Kim

"ahhhh.. Wala yun, Kaibigan namin si Vic, normal lang yun sa magkaibigan ang magtulungan"  sagot ni Kim

Ngumiti si Bang
.
.
.
.
.
Pagkalabas ng kwarto nina Kim, ay bumalik si Bang sa pagkakaupo tabi sa kama ni Vic

Nakatulog ito habang hawak ang kamay ng babae
.
.
.
.
Nasa kalagitnaan ng gabi nang biglang magising si Vic, may naramdaman itong parang mabigat na nakadagan sa kaliwang kamay nya kaya napamulat ito ng kanyang mga mata

Napangiti ito ng makita ang mukha ni Bang na mahimbing ng natutulog

Dahan dahang inabot ng kanang kamay niya ang่ buhok ng dalaga at hinaplos ito

Naalimpungatan naman si Bang

"Love? "

" Sorry, na isturbo ba kita? " tanong ni Vic

" wait, tatawagin ko lang yung doctor " akmang tatayo si Bang para tumawag, pero pinigilan ito ni Vic

" okay ka lang ba? " nag aalalang tanong ni Bang

Tumango si Vic

Biglang nagtakip ito ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay

Naririnig ni Vic ang mahinang hikbi ni Bang

" Sssshhhhhhh.. Umiiyak ka " sabi nito sa dalaga

Hindi kumibo si Bang

Pilit na tinatanggal ni Vic ang mga kamay ni Bang sa mukha nito pero inilalayo naman ni Bang mukha nya

" umiiyak ka ba dahil naisturbo ko tulog mo? " biro niya sa dalaga

Umiling si Bang

" ehh bakit ka ba umiiyak? "

" kasi nasaktan ka dahil sakin " parang batang sagot ni Bang

Natawa ng mahina si Vic, kahit nanghihina pa at masakit ang katawan ay pilit itong umupo at sinandal ang likod nito sa headboard ng kama niya

Naramdman nyang gumalaw si Vic kaya inalis niya ang mga kamay niya na nakatakip sa mukha kanina at  tiningnan ang ginagawa ng babae

" ano ginagawa mo? " nag aalalang tanong ni Bang

" kita mo bang nasasaktan ako? Hindi naman dba? Okay ako.. Okay na okay" pagpapagaan ng loob ni Vic

"I'm sorry Im sorry sa ginawa sayo ni Henrico" umiiyak na wika ni Bang

Pinunasan ni Vic ang luha sa pisngi ng dalaga gamit ang thumb niya

"sabi ko naman sayo dba maganda ka, wag ka lang iiyak... Okay naman ako ahh, tsaka malayo sa bituka, at d ko naman hahayaan na may masamang mangyari sakin kasi magiging girlfriend pa kita dba?   " sabay kindat kay Bang

Mahinang hinampas ni Bang si Vic balikat

Ngumiti naman ang babae, dahil mukhang okay na si Bang dahil nanghahampas na ito

" You look tired" biglang sabi ni Vic habang nakatingin sa dalaga

" so pangit na ako? " parang batang tanong ni Bang

"Kailan ba pumangit ang isang Bang Pineda? " tanong ni Vic

Ngumiti ito sa sinabi ng babae

"I Love You " habang nakatingin sa mga mata ni Vic

" I Missed You" at hinalikan ang kamay ni Bang

"Matulog ka na ulit mukhang pagod ka"

Tatayo sana si Bang pero hinila ni Vic ang kamay ng dalaga na hawak niya kanina pa

"San ka pupunta? "

" matutulog " kaswal na sagot ni Bang

" sa bahay nyo? "

" uyy.. Takot syang iwanan ko sya dito " pagbibiro ni Bang

" hindi ako aalis sa tabi mo, sabay tayo lalabas ng hospital, sa sofa ako matutulog Kasi baka mahirapan ka pag dyan ako matulog sa tabi mo " pagpaintindi ni Bang

Umusog si Vic sa gilid

" Dito ka na matulog sa tabi ko"

"Naka dextrose ka kaya, tsaka masakit pa katawan mo" pagpapaalala ni Bang

"nasa kanang kamay ko po nakalagay yung dextorse, at kahit masakit pa katawan ko, titiisin ko yun makatabi lang kita matulog "

" pero.. "

" ayaw mong matulog sa tabi ko? "

" gusto, pero kasi.. "

Bigla na lang hinila ni Vic si Bang kama nito

" tulog na tayo " lambing ni Vic

Wala sa sariling tumango si Bang

Humiga ito nang nakatalikod dito

Habang si Vic naman ay humiga ng nakaharap sa likod ni Bang, at niyakap ang bewang ng dalaga

"Sleep well "bulong ni Vic sabay halik sa tenga ni Bang

Napangiti ito sa ginawa ni Vic

" Goodnight, Love " mahinang tugon ni Bang at hinawakan ang kamay ni Vic na nakayakap sa bewang niya bago pumikit
.
.
.
.
" Mamaya pa daw dadalaw si Coach " sabi Ni Cyd habang papasok sa kwarto ni Vic

Papasok na sana si Mika nang biglang huminto si Cyd

" Uy! Cyd nakaharang ka" sabi ni Mika

"Guys...." Tulalang wika ni Cyd

Nagtaka si Kim, kaya pumasok ito pero hinawakan niya ng mabuti ang doorknob para d muna makapasok ang iba

Nagulat ito sa nakita niya, Si Vic at Bang magkasamang natulog sa kama habang yakap ni Vic sa bewang ang dalaga

"guys ano bang meron? " tanong ni Mika na akmang papasok sa loob

" May nakalimutan pala akong bilhin samahan mo muna ako Mik" sabay hila kay Mika palabas ng pintuan

"Sandali, hindi pa nga ako nakapasok sa loob Kim, tapos lalabas na naman tayo" takang tanong ni Mika

"Kailangan natin bumili nun Mik" sabi ni Kim

"Bumili na ano? " naguguluhang tanong ni Mika

" Basta yun, wag ka ng magtanong" at mabilis tinungo ang elevator

Habang nasa loob ng elevator ay Lihim na tinext ni Kim si Cyd na e txt sya pag gising na ang dalawa
.
.
.
Seryosong nakatingin si Mika sa kumakain na si Kim

" Gusto mo? " tanong nito sa dalaga

" hinila mo ako palabas ng kwarto, dahil sabi mo may importante tayong bibilhin tapos tatanungin mo sakin kung gusto kong kumain ng burger? Burger Kim? Seryoso ka? " naiinis na tanong ni Mika

hindi nakakibo si Kim

" Nasan ang cellphone mo? " seryosong tanong ni Mika

"bakit? Wala akong load" sagot ni Kim

" May titingnan lang ako"

" ano bang gusto mong tingnan dito? Wala ditong porn Mik, hindi ako mahilig sa ganun, sa cellphone ni Cyd marami ka makikita dun sigurado "

" ibibigay mo ba ang cellphone mo? o gusto mong iwan kita dito? " pagbabanta  ni Mika

Dahan dahang nilabas ni Kim ang cellphone niya, agad naman itong kinuha ni Mika

Binuksan nya ang sent items at nabasa niya ang sinend na text ni Kim kay Cyd

"I knew it, alam ko na may nangyari kanina dun sa kwarto na ayaw mong makita ko kaya hindi mo na ako pinapasok dba" Sabay lapag ng cp ni Kim sa mesa

"inaalala lang kita Mik, baka kasi masaktan ka na naman pag nakita mo silang dalawa" sagot ni Kim

" Salamat sa pag aalala mo Kim, pero hindi na ako bata, kaya ko na sarili ko nasaktan na ako ilang beses na, at kung makita ko man silang dalawa na may ginagawa hindi na magbabago yung nararamdman ko, hayaan mo na lang ako masaktan Kim, sinusubukan ko namang umiwas ehh hanggat maaari, " pagpapaliwanag niya sa kaibigan

" speaking of iwas, sinasabi mong umiiwas ka? Dahil ayaw mong nasasaktan ka"

" yun nga ginagawa ko"

" May ganun kpang acting sakin dati hindi ba? pero nung nabogbog si Vic kahapon may pa promise promise kpa nalalaman, ikaw yung may pinakamaraming nailuha sating lahat ehh, kung maka drama ka kahapon wagas, ang taas.. Si Sancai ka ba ng Meteor Garden? O si Geum jan di ng F4? Naalala ko pa mga moves mo ehh nung binobogbog si Vic, girlfriend lang ang peg" asar nito sa kaibigan

Tiningnan naman nito si Kim ng masama

" ewan ko sayo Fajardo, basta wag mo ng uulitin yun, tsaka pwede e tKe out mo na yang burger mo, kasi alam ko naman na busog ka ehh dahil kumain tayo sa dorm bago pumunta ng hospital, at hindi mo rin naman yang kayang ubusin ngayon" sabay tayo ni Mika

"pikon" sabi ni Kim bago sumunod sa dalaga
.
.
.
.
.
"hey.. hey.. hey.. mukhang nagkakasayahan tayo dito ahh" bati ni
Kim habang papasok sa loob ng kwarto ni Vic

Naabutan nyang masayang nagkkwentuhan ang mga ito

"Oh Kim nandito kna sa wakas" sabi ni Kianna

Tumingin naman si Vic sa bagong dating

"Kamusta na pasyente namin" sabay yakap kay Vic

"Heto medyo ayos na, san ka galing? " tanong ni Vic

"may binili lang" sagot ni Kim

"Oh Mika ano pa ang ginagawa mo dyan? " tanong ni Cyd

Nasa likod ni Kim si Mika, at nakatingin sa ginagawa ng magkaibigan

"ohh magtatago ka lang ba dyan, hindi mo ba ako kakamustahin? " tanong ni Vic

Ngumiti si Mika, at pinuntahan si Vic yayakap sana ito sa babae pero agad niyang nakita ang kamay nito na hawak ni Bang

" Mabuti naman okay kna"

" Sympre magaling ang nurse ko ehh" sabay tingin kay Bang

Pilit na ngumiti si Mika

"Nagluto pala si Kim kanina Vic, heto paborito mo to dba? " tanong ni Carol habang binubuksan ang mga tupperware na dala nila kanina

" sympre luto ni Kim ehh, She tikman mo luto ni Kim masarap " tatanggi pa sana si Bang pero sinubuan na sya ni Vic

Habang kumakain, masaya silang nagkkwentuhan at nagtatawanan maliban kay Mika na tahimik lang nakikinig sa kanila
.
.
.
.
Private Room 403 (Terrace)

"ang ganda ng gabi ngayon no? Ang daming stars" manghang sabi ni Bang habang nakatingala sa langit

" Oo, nga kasing ganda ng katabi ko ngayon " habang nakatitig kay Bang

Inirapan naman sya ng dalaga nang marinig ang sinabi niya

" Sayang naman ang gabing ito kung hindi tayo gagawa ng bagay na makakapagpasaya sa atin " makahulugang sabi ni Vic

Kumunot ang noo ni Bang na tumingin kay  Vic na kasaluluyan namang nakatingala sa langit

" what do you mean? "

Tiningnan ni Vic si Bang, maya maya lumapit  na ito sa kanya

" let me make your night memorable Ms. Sheila Marie Pineda " seryosong sabi ni Vic

Hinawakan ni Vic ang kamay ni Bang at kinulong sa palad nya

" papayag kba? " tanong ni Vic

Ang lakas ng tibok ng dibdib ni Bang ng sandaling yun,  lalo pa hawak ng babae ang kamay niya habang nakatitig ang mga mata nito sa kanya

" Dito? " kinakabahang tanong ni Bang

" why not? Perfect spot nato para sa gagawin natin "

Tuluyan ng hindi nakakibo si Bang

Maya maya pa ay nilapit na ni Vic ang mukha nito kay Bang

" handa kna? "

-----------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2M 134K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.5M 95.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...