XVII

1.8K 36 0
                                    

Pineda Mansion

Araw ng sabado, walang pasok pero may plano si Bang pumunta ng school, dahil alam nya may practice ang Volleyball Girls ngaun sa gym, kaya maaga pa lang nag ayos na sya ng sarili nya. Nag prepare rin sya ng pagkain para kay Vic at sa mga ka teammates nito, sinabi nya kasi sa sarili nya bibigyan nya ng rason ang isa para mahalin ito

Gym

Tunog ng bola at huni ng sapatos ang maririnig sa loob ng gym

Pawisang nagppractice ang mga Players ng Girls Volleyball team.

"Okay, 10 mins break" sabi ni Coach Ram at agad lumabas ng Gym kasama si AC (AssistantCoach)

Humihingal namang nakahiga sina Kim

"Nakatxt nba sayo si Vic? Nakarating nba sya sa kanila?" Tanong ni Mika kay Kim pagkatapos uminom ng tubig

"Kakaalis lang nga tas sabhin mo nakarating na agad sa kanila? Wag excited Mik"sabad ni Cyd

Hindi naman kumibo si Mika, at pinikit na lang mga mata nito para ipahinga

Maya maya ay may narinig silang mga yapak na papalapit sa kanila, at ng tignan nila kung sino yun ay bigla na lang silang nagulat at lahat sila napatayo

Si Bang, kasama ng mga maids at body guard nya may dalang dalawang malaking box na bitbit ng body huard nito

Inalis muna ni Bang ang suot nitong salamin bago sila kinausap

"May dala akong pagkain para sa inyong lahat" at isa isa nyang tiningnan ang mga players, pero parang may hinahanap ang mga mata nya kasi linga ito ng linga

Tumingin naman si Kim sa tinitingnan ni Bang

"Ano kailangan mo?" Walang ganag tanong ni Kim

"You don't know me?" Sarkistong tanong ni Bang at tumingin ng seryoso kay Kim

"I know you, pero tinitinanong kita ano kailangan mo?" Seryoso nitong tanong kay Bang

"Don't use that tone when you talk to me" Matigas na wika ni Bang

Napabuntong hiniga si Kim

"Ano po ba kailangan nyo Miss Bang?" malumanay na tanong ni Kim pero may halong kaplastikan

Umismid si Bang at naglakad papunta sa likod ni Kim kung san andun mga ka teammates nya

"San si Ms.Galang?" Tanong ni Bang

"Bakit mo sya hinahanap?" Tanong naman agad ni Kim

"Just answer my damn question!" Inis na sabi ni Bang

"May nakikita ka bang Ms.Galang dto? Dba wla?, kaya makakaalis kna wala dto ang hinahanap mo" sagot ni Kim at naglakad palayo

"You!!!!" Malakas na sigaw ni Bang

"No one walk away from me if im not yet done talking!" At pumunta sa harapan ni Kim

"What is your name?" Striktong tanong ni Bang

Matagal na tinitigan ni Kim si Bang bago ito sumagot

"Kim" walang ganang sagot nito sa babaeng kaharap nya

"Okay Ms.Kim, uulitin ko tanong ko, where is Ms.Galang?" Mahinahong tanong ni Bang

"Umalis sya, dba yun naman gusto mo? Ang mapaalis sya school nato! Ang mawala scholarship nya? So your plan is working Miss Bang! " matigas na wika ni Kim

Nabigla si Bang sa narinig nya, hindi nya alam kung matutuwa ba sya o magagalit sa narinig pero sinubukan nyang wag itog ipahalata sa kanila

"Okay, where she live?"tanong nito ulit

"Bakit mo pa gustong malaman? Tahimik na nga buhay nung tao ehh! Wag mo ng guluhin!" medyo mataas na boses na wika ni Kim

"Isa pa pag taas ng boses mo Ms.Kim, sisiguraduhin kong bukas na bukas din mawawala ka na sa school na ito" pagbabanta ni Bang

Hindi nagsalita si Kim nananatili itong nakatingin kay Bang, wala naman itong balak na ipaalam sa dalaga ang kinaroroonan ni Vic dahil ayaw nya na mapahamak ito

"Nasa probinsya sya ngaun, Ilo-ilo"sabad ni Cyd na mukhang natatakot na sa nangyari

Tiningnan naman sya ng masama ni Kim

"Okay let's go" at tumalikod na si Bang

"Miss Bang!" tawag ni Cyd sabay kaway

Lumingon naman ito

"Hindi nyo ba iiwan yung dala nyo?" sabay nguso sa hawak na dalawang box ng body guard ni Bang

"Bakit ko naman iiwan ito? Wala naman dto ang pinagbbgyan ko" iritang sagot nya sabay talikod

"Okay.. ma txt nga si Vic, asan na kaya sya ngaun matawagan ko nga ang KAIBIGAN KO" sabay punta sa bag nito na nakalagay sa gilid ng court

Napahinto naman si Bang sa narinig nya, nagpapa impress nga sya kay Vic, dapat pati sa mga kaibigan nito sa isip nya

"Iwan nyo yan dto" utos nito sa body guards nya at agad ng umalis

Napangiti naman si Cyd sabay bukas ng box

"Wow daming foods" tuwang tuwa wika ni Cyd

Hindi nya namalayan na masama na tingin ng mga kasamahan nya sa kanya

"Oh? Bat ganyan kayo mgakatingin? Pasalamat kayo sakin dahil hindi na natin kailangan bumili no? Pang 1 week na pang meryenda natin to"sabay kuha ng isang biscuit at kinain

"Bat mo sinabi kung asan si Vic?!" Galit na wika ni Kim

Huminto muna ng ngumuya si Cyd bago binalingan si Kim

"Kung hindi ko sinabi yun sa tingin mo san ka pupulutin ngayon" wika naman ni Cyd

"Problema ko na yun Hindi sayo! "galit na sigaw ni Kim

"Ang mahirap sayo Kim ikaw na nga iniiwas sa gulo ikaw pa tong nagagalit sakin! Hindi ko naman hiniling na pasalamatan mo ako sa ginawa ko!ang hiniling ko lang sana inintindi mo yung ginawa ko dahil kung para lang sayo yun hindi ko gagawin yun! ehh may pamilya kang umaasa sayo!sa tingin mo ano na lang mararamdman ng nanay mo pag nalaman nilang na kick out ka dto sa school! Kung ayaw mong tinutulungan ka pwes! wag kang gagawa ng gulo na ikakapahamak mo at ikakahirap ng pamilya mo! "sabay walkout ni Cyd

Sinundan naman sya ng tingin ng mga ka teammates nito, habang papalayo pero bigla itong bumalik

"Nakalimutan ko ang pagkain ko! Sayang!" At kinuha ang biscuit at tuluyan ng lumabas ng gym

Napailing na lang si Kim sa ginawa ni Cyd.

-----------------------------------------------------------------

Percayalah ( Believe ) *BaRa* Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon