XLVII

2.1K 49 11
                                    

Hospital
.
.
.
Nadatnan ni Bang si Vic na mahimbing na  natutulog sa kama

Lumapit sya dito at hinalikan sa pisngi ang babae

"Kamusta sya? " tanong nito sa mga ka teammates ni Vic na kasalukuyang nasa sofa at nag uusap

Tumayo si Kim at lumapit sa kinaroroonan ng kama ni Vic

" Nagising sya kanina at ikaw ang unang hinanap kaya nga tumawag sya sayo" sagot ni Kim

Hinaplos ni Bang ang pisngi ni Vic

"I'm sorry love, sorry hindi ako ang una mong nakita paggising mo kanina, pero nandito na ako ngayon, ako na makikita mo sa pagigisng mo ulit mamaya " at hinawakan ang kamay ni Vic

" Ahh Ms. Bang kailangan na naming umuwi, may pasok pa kami bukas, kami na bahala magsabi kay Coach tungkol kay Vic" pagpapaalam ni Kim

Lumapit si Bang sa mga ka teammates ni Vic

"Bang na lang, hindi naman kayo iba kay Vic,and.... Thank you sa pag alaga sa kanya" at isa isang niyakap ang mga ito

Nabigla naman sina Kim sa ginawa ni Bang, hindi sila makapaniwala na ang isang Bang Pineda ay magpapasalamat sa kanila

"iba tlaga nagagawa ng love " pagpaparinig ni Cyd

Siniko naman ito ni Kim

"ahhhh.. Wala yun, Kaibigan namin si Vic, normal lang yun sa magkaibigan ang magtulungan"  sagot ni Kim

Ngumiti si Bang
.
.
.
.
.
Pagkalabas ng kwarto nina Kim, ay bumalik si Bang sa pagkakaupo tabi sa kama ni Vic

Nakatulog ito habang hawak ang kamay ng babae
.
.
.
.
Nasa kalagitnaan ng gabi nang biglang magising si Vic, may naramdaman itong parang mabigat na nakadagan sa kaliwang kamay nya kaya napamulat ito ng kanyang mga mata

Napangiti ito ng makita ang mukha ni Bang na mahimbing ng natutulog

Dahan dahang inabot ng kanang kamay niya ang่ buhok ng dalaga at hinaplos ito

Naalimpungatan naman si Bang

"Love? "

" Sorry, na isturbo ba kita? " tanong ni Vic

" wait, tatawagin ko lang yung doctor " akmang tatayo si Bang para tumawag, pero pinigilan ito ni Vic

" okay ka lang ba? " nag aalalang tanong ni Bang

Tumango si Vic

Biglang nagtakip ito ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay

Naririnig ni Vic ang mahinang hikbi ni Bang

" Sssshhhhhhh.. Umiiyak ka " sabi nito sa dalaga

Hindi kumibo si Bang

Pilit na tinatanggal ni Vic ang mga kamay ni Bang sa mukha nito pero inilalayo naman ni Bang mukha nya

" umiiyak ka ba dahil naisturbo ko tulog mo? " biro niya sa dalaga

Umiling si Bang

" ehh bakit ka ba umiiyak? "

" kasi nasaktan ka dahil sakin " parang batang sagot ni Bang

Natawa ng mahina si Vic, kahit nanghihina pa at masakit ang katawan ay pilit itong umupo at sinandal ang likod nito sa headboard ng kama niya

Percayalah ( Believe ) *BaRa* Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon