When A Sadist Meets A Gay (Bo...

De blackfoxsenpai

245K 6.4K 664

HIGHEST RANK ATTAINED: #1 IN BOYXGAY, OCTOBER 16, 2018 #8 IN HUMOR, JANUARY 22, 2017 The 2nd Book of the "Wh... Mais

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy)
Teaser
WASMAG 1: Konan
WASMAG 2: Nike
WASMAG 3: The Meet-Up
WASMAG 4: Kasunduan...
WASMAG 5: Duel
WASMAG 6: Bothered...
WASMAG 7: Signs
WASMAG 8: Bound
WASMAG 9: She's Back!
WASMAG 10: Arise
ANNOUNCEMENT!!!
WASMAG 11: Hotness Overload
WASMAG 12: Bakit Nakakaselos?
WASMAG 13: Bekimon Meets Girlalooo...
WASMAG 14: #Instant
WASMAG 15: Reactions
WASMAG 16: Meet The Montemayors...
THANK YOU!!!
WASMAG 17: Happy First!!!
WASMAG 18: Secrets
WASMAG 20: Naudlot na Pagmamahalan.
Important Notice!
WASMAG 21 PRE-FINALE: Just Can't!
WASMAG 22 FINALE: Last.
WASMAG 23 EPILOGUE: Aftermath
3rd Book of The WHEN Series
Book 3 Announcement

WASMAG 19: Pansamantalang Kasiyahan.

4K 113 42
De blackfoxsenpai

Oww guysss!!! Huhuhu! Wag kayo magalit sa akin pls? Hehe

At alam kong may clue na kayo kung ano na bang mangyayari. Hehehe.

So sorry kung may mga iiyak, kung meron man, chos! Basta ganun!

Dedicated to mizzy_mizzy at kay XiuminBunS12 na grave makavote! Wehehe.

So eto na pala chapter 19. Paalala lang po na malapit na matapos ito haha. At kapag natapos na ay isusunod ko kaagad yung When3. So, please support nyo rin guys yung iba kong story especially Chalkboard dahil may something yun sa When3. At syempre sa mga futute stories ko pa. Okay? Okay. Hehe

Enjoy guys! Wag nyo ko awayin ah! Medyo, lylow muna tayo sa Humor, okay?

Thanks guys!

"I can't let you go."

Chapter's theme song:
Hiling by Mark Carpio

Ito ay isang dalangin
Huwag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap... 
Na pangarap... 

Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
Tuwing gabi... 
Tuwing gabi... 

Pilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng... 

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang 'di namamansin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Lumilipad ang aking isip
Bigla na lang napapailing
Wala na ngang mapagtuunan
Ng pansin... 
Ng pansin... 

Pilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng... 
Tulad ng... 

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang 'di namamansin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay maskatan

Kung sino man para sa'kin
Hindi ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Kung sino man para sa'kin kahit magalit
Oh madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin handang sabihin ni Konan ang tungkol sa kanyang kalagayan. Sa kanyang mga kaibigan, o kahit maging sa kanyang kasintahan.

Hindi nya alam kung bakit. Siguro ay hindi pa sya handa? Hindi pa handang iwanan ang mga minamahal o hindi pa handang mamatay? Alin man sa dalawa ay alam nyang masasaktan nya ang mga minamahal nya, lalong lalo na si Nike.

Alam nya at sigurado syang masasaktan atmasasaktan ito kapag nagkaganoon. Alam nyang iiyak ito tuwing gabi at magsusumamong pagalingin sya sa Diyos. Alam nyang ang dating kasiyahan nito ay mapapalitan ng sakit at poot. Na kailanman ay hindi nya pa maaaring ibalik.

Siguro ay sasabihin nya rin ito. Sa tamang panahon.

"Tamang panahon?" Sigaw nito sa kanyang sarili. Pero kailan? Maaaring hindi na bumalik o maaaring hindi na nya maabot ang panahong iyon.

Basta't alam nyang sasabihin nya rin ito. Naghihintay lang sya ng tamang oras at tamang tyempo.

At dahil nga ayaw nyang kainin sya ng kalungkutan, napagisip isip nyang makapagsaya sila ng kanyang kasintahan kasama na rin ang kanyang mga kaibigan. Na hanggang ngayon ay wala pang kaalam alam sa kanyang karamdaman.

Nagpabook si Nike ng three day reservation sa isang resort sa isang kilalang syudad. Dahil na rin sa kahilingan ni Konan.

Si Nike ay alam nang may karamdaman ito ngunit hindi nya lang ito pansin dahil na rin sa mga sinasabi ni Konan na okay lang sya.

Kasama ang lahat, nagtungo sila sa isang resort na tutuluyan nila sa buong tatlong araw. Hindi na makapaghintay si Konan dahil ito ang kanyang una at maaaring maging huli na nyang pagbabakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagrenta sila ng dalawang Van para may masakyan papunta sa resort. Sa unang sasakyan ay si Nike, Konan, Blaze, Ice, Sceven, Angel, JC, Haven, Kuya Von at Kuya Blake.

Sa kabila naman ay sina Irene, Renz, Ang mga magulang ni Nike, Ford, Gray, Ysrel, Ronnie, Luke, at Kris. Masayang masaya ang mga ito. Tama ang desisyon ni Konan na makapagouting silang magkakasama.

Masaya man si Konan ngayon ay alam naman nyang pansamantala lang ito. Alam nyang hindi ito tatagal ngunit kahit ganun ay sapat na ito para pasayahin ang makungkot nyang puso.

Nagakakasiyahan sa bawat Van. Mga pasimuno kasi sila Angel, Iren, Luke, Kris, at Konan. Hinihiling na lamang niya na sana ay ganun na lang palagi. Palaging masaya. Na sana ay hindi na iyon matapos pa.

Dumating sila sa nasabing resort ng mga alas 4 na ng hapon. Dahil na rin sa lagpas tanghali na rin sila nakaalis. Nagpareserve na sila ng mga rooms sa nasabing resort kaya't pagkarating palang ay pumanhik na sila sa kani kanilang kwarto.

Dalawa ang pwede sa bawat kuwarto. Magkakasama sa mga kwarto ay sina Blaze, Ice, Sceven. JC, Angel, Haven. Nike, Konan. Kuya Von, Kuya Blake. Irene, Ronnie. Luke, Kris. Gray, Ysrel. At mga magulang ni Nike. Mag-isa lamang sa isang kwarto si Ford.

Nagpahinga muna ang mga ito saka nagpagplanuhan nang magsikain ng hapunan. Considering the fact na pagod silang lahat sa byahe ay gabi na rin kaya't napagdesisyunan na lamang nilang ipagpabukas na lang magkasiyahan.

Napagdesisyunan munang maglakad lakad nila Konan at Nike. Pampalaglag lang ng kinain.

Sa ilalim ng mabituing langit ay masayang naglalambingan ang dalawang magkasintahan. Hindi alintana ang lamig na dala ng hanging nagmumula sa karagatan.

Nang mapagod ay naupo na lang sila sa buhanginan at tiningala ang mga bituin.

Masaya si Konan. Ngunit may lungkot ang nakapaloob sa bawat ngiti nito. Ayaw nya lamang ipakita sa kanyang minamahal dahil alam nyang malukungkot rin ito.

Pinipilit nyang maging masaya. Ngunit kapag naiisip nya ang maaaring mangyari sa kanya ay agad itong nilulukuban ng kalungkutan. Hindi nya kayang mawala sa piling nya. At hindi nya rin kayang makitang malungkot ang kanyang mahal dahil na rin sa kanya.

"Alam mo Baks, ang saya ko. Ikaw kasi yung nakatuluyan ko eh. Yung feeling mong ang saya saya mo palagi, na palagi akong nakangiti kapag lumalapit ka. Nung naging tayo, isa lang yung naisip ko, yung magsasama tayong dalawa, habang buhay. Katulad na lamang ni Ice at Blaze. Sana maging ganun din tayo Baks! At iprapramis ko sayo na mangyayari yun! Mahal kita Baks!!" Sabi ni Nike sa kanyang minamahal.

Nang dahil sa sinabi ni Nike sa kanya, ang mga luhang pilit kinukubli ni Konan ay umagos na parang gripo. Ayaw nya ng ganun. Ayaw nya yung feeling na iiwanan nya lang yung mga pangakong binitawan ni Nike sa kanya. Ayaw nyang iwanan si Nike. Ayaw nyang makitang malungkot ito at maging miserable ang buhay nito.

Sinagot na lamang nya ng halik ang mga sinabi ni Nike sa kanya. Hindi na nya kayang magsalita pa. Para bang naubusan sya ng salitang mahahagilap.

Nagpalipas pa sila ng ilang oras sa ilalim ng madilim na gabi.

****

Gumising sila Konan ng masaya. Para bang walang iniindang problema. Ayaw nya lang namang isipin ang mga problemang iniinda nya. Gusto nya lang maging masaya para sa kanya at para na rin sa mga kasama nya ang araw na ito.

Kumain sila ng agahan ng sama sama. Puno ng ngiti. Ngumingiti na rin si Konan.

Pagkatapos kumain ay nagahanda na silang magsiligo sa dagat.

Nagbabad sila ng ilang oras sa ilalim ng araw. Nagtry rin sila ng ilang watersports na pwede sa resort. Snorkeling, rafting, kayaking, at kung ano ano pa.

Nang nagtanghali na ay kumain rin sila ng sabay sabay sa isang seafood restaurant malapit sa resort.

Masayang masaya pa silang lahat. Maging si Konan ay nakakalimutan na rin niya ang kanyang karamdaman. At gustong gusto nya yun. Ayaw na nyang maisip pa ang kanyang problema.

Pagsapit naman ng hapon ay hindi na sila nagsiligo bagkus ay nagsipaglaruan na lamang sila ng beach volleyball.

Sa isang team ay si Nike, Ford, Gray, Ysrel, Von, at Blake. Sa isang grupo naman ay sina Blaze, Ice, JC, Luke Kris, at Ronnie. Saktong 6 vs 6 ang siste ng laban.

Hindi na rin nakisali sina Angel, Irene, at Konan pati na rin ang mga magukang ni Nike. Ang mga bata naman ay naglalaro lang sa buhanginan.

Nanalo ang grupo nila Nike. Sa galing ba naman nila Ice at Blaze pati na rin ang mga kuya nito ay siguradong sila ang mananalo. Mga pare parehas naman kasing volleyball player noong highschool.

Nang napagod ay pumanhik ulit sila sa kani kanilang mga silid. Para na rin magpahinga.

Nang gumabi ay napagdesisyunan nilang makisali sa beach party na inilunsad ng resort. Inuman dito, inuman doon. Lahat sila ay nagenjoy!

Kinaumagahan ay halatang nahangover ang mga ito kaya naman ay alas 2 na sila ng hapon nakagising.

Hindi na rin sila nakakain ng maayos dahil na rin sa sila ay hapon ng gumising.

Naglibot libot lang sila sa buong resort nang sumapit ang hapon.

Si Konan naman ay masayang masaya. Sana lamang ay hindi na ito matapos pa. Ang sabi nya sa kanyang sarili. Kailangan nya na ng mapagsasabihan. Kahit isa man lang.

FORD'S POV:

Alas sais na ng gabi at nandito pa rin kami sa may resort. Ang ganda dito! Ang sarap ng ambiance at ng simoy ng dagat. Napakarefreshing! Napakalayo sa mausok na syudad.

Mag-isa lang ako dito sa kwarto. Ganyan naman eh! Tss... Porket wala akong kapartner!

Naghahanda na akong iligpit ang mga gamit ko para sa paguwi naman kinabukasan nang naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone.

Tiningnan ko ito at nagulat na lang ako kung sino ang nagtext.

From Konanchi!!! >3<

Uy Ford! Pwede ka bang makausap? Private? Kailangan ko lang kasi ng makakausap ngayon. At alam kong ikaw ang makakatulong sa akin. Puntahan mo na lang ako dito sa may beach mamayang 11 pm. Papaalam pa ako kay Nike eh.

Ano nanaamn kayan problema nito? Kilala ko ito eh. Kapag may problema.

Nakakacurious naman yung gusto nyang mapagusapan! Ano nanaman kaya iyon?

****

Pumunta na ako sa meeting place namin ni Konan exactly sa time na sinabi nya.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang sasabihin nya.

Nakita ko lang ito na nakaupo sa may batuhan sa beach. Linapitan ko naman ito at kinamusta.

"Ganda ng dagat noh? Lalo na kapag nagrereflect yung moonlight sa tubig." Bungad kong ganyan sa kanya. Pansin ko naman na parang walang buhay ito. Para bang napakalungkot nya.

"Oo nga. Sana nga masilayan ko pa yan ng mas matagal." Naguluhan naman ako sa sinabi nya kaya naman ay tinanong ko sya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo Konan? May problema ba?" Tanong ko kaagad.

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

"Actually Ford, sayo ko pa lang ito sasabihin. At sana ay huwag mo na munang ipagsabi sa kanila at sana huwag kang mabibigla." Ano bang sinasabi ni Konan?

"Okay okay. I promise."

"Ford...Im actually dying. May CKD ako at nasa pinakamalalang stage na ito at hindi na kaya pang gamutin, ipaopera, ipasurgery or kahit ano. Ford meron na lamang akong 1 linggo simula ngayon para mabuhay. Ayoko pang mamatay Ford! Mahal ko si Nike alam mo yan!! Ayoko pa Ford? Ayoko pa! Gusto ko pa kayong makasama ng matagal." Nagulat naman ako sa mga sinabi nito.

Ano daw? He's dying? Kailan pa? At bakit nya sa akin sinasabi ito? Diba dapat sa boyfriend nya muna?

"T-teka, youre dying? Kailan pa? Konan wag ka namang magbiro ng ganyan." Sabi ko sa kanya.

"Im not joking Ford! I am literally dying. I dont know when it started but nung nagpacheckup ako saka ko lang nalaman." Paliwanag pa nito.

"Eh bakit sa akin mo sinasabi. Diba dapat sa boyfriend mo muna?"

"Because I know you can help me, Ford!!" Sigaw nya sa akin.

"What kind of help Konan? Kahit ano pang help yan gagawin ko. Just to- to make you better! You know Konan, hindi ka pa mawawala sa mundo okay?" Sagot ko naman.

"I dont know Ford. But here is the plan to help me." Pagkasabi nya nun ay binulong na nya sa akin ang plan daw namin.

"WHATTT? ARE YOU INSANE KONAN?? HI-HINDI KO KAYANG GAWIN YON!" sumbat ko sa kanya matapos marinug ang plano nya

"Please Ford, please!" Pagmamakaawa nito sa akin.

"Okay okay! Gagawin ko na! Just...arghh!!! Magpagaling ka na lang kasi!!"

============

Hmmmm...ano kaya ang plano nila. Abangan!!

So guys, abangers ulit tayo. Mga comments nyo naman dyan! Highly appreciated!

So yun, salamat sa suporta at nasa 21K reads na to! Malapit na rin paalng matapos. Konting kapit na lang. Haha

P.S. Baka may gawin pa akong ibang book bago ang When3 na Connected din dito.

P.P.S. Basahin nyo yung Chalkboard at may kinalaman yun sa When3. Sinasabi ko na ah! hahahaha

Continue lendo

Você também vai gostar

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
580K 23.2K 57
Kilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niy...
125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???
131K 3.4K 24
This is the 2nd half of Love Takes Time. New plot,new characters. Si Ian at Page pa din ba hanggang sa huli? Ating subaybayan :)